Meleah’s Point of View
Kinabukasan, nagising ako sa katahimikan. Walang tunog ng tao, walang presensya ng init mula sa tabi ko. Napakunot ang noo ko at agad na bumangon mula sa kama. Hinaplos ko pa ang malamig na bahagi ng kama kung saan nakahiga si Walden kagabi—patunay na matagal na siyang umalis. Mabilis kong nilibot ang buong condo unit niya. Sa bawat silid na walang tao, lalo akong kinabahan. Wala man lang bakas ng yapak o tunog ng kahit anong kilos. Hanggang sa napansin ko sa dining table ang isang neatly folded note, maayos na nakapatong sa tabi ng isang nakatakip na tray. // “Eat first before you go. Kailangan kong umalis ng maaga dahil may mahalaga akong aasikasuhin.” // Binasa ko iyon nang dalawang beses, marahil ay umaasang mababasa ko kung saan siya pupunta. Ngunit iyon lang. Nang alisin ko ang takip ng tray, bumungad sa akin ang mainit-init pa ring pancakes at whole grain toast na may itlog. Ang simpleng almusal na iyon ay nagbigay sa akin ng kakaibang init sa dibdib—para bang kahit wala siya, iniwan niya pa rin ang alaga. Napangiti ako nang hindi sinasadya. Pero kaagad ding bumalik ang pagkataranta ko nang mapatingin sa wall clock. Malapit na ang oras ng operasyon ni nanay. Tumakbo ako pabalik sa kuwarto, at doon ay muntik na akong mapahinto sa aking mga hakbang nang makita ang maayos na nakalatag na mga damit sa kama. May kasamang underwear pa. Namula ang pisngi ko habang tinititigan ang sukat ng mga iyon. He still knows my size… Napalunok ako at napansin ang isa pang maliit na note na nakapatong sa ibabaw ng damit. // “Wear this. Alam kong mas komportable kang suotin ito, don't worry bago lahat ng ’yan.” // Kagat-labi akong ngumiti. Hindi ko na sinayang ang oras—mabilis akong nagpalit ng damit at kinuha lang ang isang pancake para makakain kahit papaano. Ilang minuto lang, nasa kalsada na ako, sumasakay ng taxi patungong hospital, umaasang aabutan ko pa si nanay bago ang operasyon magsimula. Pagdating ko sa hospital, parang lalo pang bumigat ang dibdib ko. Sa hallway pa lang, ramdam ko ang lamig at tensyon. Nakita ko agad si Trisha at si Alliya na nakaupo sa bench sa labas ng operating room. Agad akong sinalubong ng anak ko, mahigpit ang yakap, at nanginginig ang balikat sa iyak. “Mama, magiging okay lang po si Lolanay ’di ba po?” ang tanong niya, halos pabulong ngunit puno ng pangamba. Hinaplos ko ang likod niya at pinilit ngumiti. “O–Oo, anak. Magiging okay na si Lolanay. Huwag ka nang umiyak, anak. Ginawa ni Mama ang lahat para maoperahan siya, at gagawin naman ng mga doctor ang lahat ng makakaya nila para mailigtas siya.” Pero sa mga huling salita ko, naramdaman kong nag-init ang aking mga mata, at tuluyan nang pumatak ang luha. “M–Mama… N–Natatakot po ako.” Parang tinuhog ng malamig na sibat ang puso ko sa sinabi niya. Masakit makita ang anak ko na ganito kabigat ang nararamdaman, lalo na’t hindi pa namin alam kung ligtas nga si nanay. Ayaw kong isipin ang pinakamasama. Ayaw kong hayaang lumubog ang isip ko sa mga negatibong senaryo. Hinawakan ko ang pisngi niya at pinunasan ang luha. “Huwag kang matakot, anak. God will help Lolanay. Hindi Niya pababayaan si Lolanay.” Dalawang oras kaming naghintay sa parehong bench. Wala pa ring lumalabas mula sa operating room—ni nurse, ni staff, wala. Ramdam ko ang unti-unting paglamig ng aking mga daliri, at ang mabilis na tibok ng puso ko ay halos tumunog sa aking pandinig. Ilang ulit akong nagdasal sa tahimik, at sa huli, nagpasya kaming pumunta sa kapilya sa likod ng hospital. Doon, sa harap ng altar, ay dumaloy ang lahat ng emosyon. Hiniling ko sa Diyos na huwag munang kunin sa amin si nanay. Hindi ko pa kaya. Hindi rin kakayanin ng anak ko. Oo, nagkita na kami ng tunay na ama ni Alliya, pero iba ang pagmamahal ni nanay—siya ang nag-aruga, nagpalaki, at nagmahal sa amin nang walang kapalit. Pagbalik namin sa operating room, sarado pa rin ito. Upang mapawi ang kaba, nagkuwentuhan kami ni Trisha. Laking pasasalamat daw niya na ligtas ako kagabi, at natutuwa pa siya dahil mas maayos pa raw ang kinalabasan ng gabi kaysa sa inaasahan niya. “Hindi mo sinabi sa akin na guwapo pala si Walden!” biro niya na may halong kilig. Napatawa ako. “Nakakita ka lang ng guwapo, malinaw na agad mata mo.” Pero sa totoo lang, naiintindihan ko siya. Tumingin kami sa natutulog na si Alliya sa aking bisig. Siguro dahil sa pagod sa kaiiyak, nakatulog na rin ito. Habang tinitingnan ko siya, naisip ko—hindi maikakaila, anak siya ni Walden. Ang hugis ng mata, ang tuwid na ilong, pati ang hubog ng labi—lahat iyon ay kay Walden. Sa akin lang nakuha ang kulay ng balat, buhok, at ang paraan ng pagngiti. Kung sakaling magkita sila, wala akong duda, makikilala agad siya ni Walden. Ilang minuto pa, bumukas ang pintuan ng operating room. Lumabas ang isang nurse, kasunod ang doctor na tumulong sa admission ni nanay noong isang araw. Mabilis kaming tumayo ni Trisha, ako’y mahigpit pa ring nakayakap kay Alliya. “D–Doc, kumusta po ang nanay ko? Kumusta po ang operasyon? Please, sabihin po ninyong maayos ang lagay ng nanay ko...” nanginginig ang boses ko at ramdam ko ang init ng luha sa aking pisngi. Sa unang tingin, may lungkot sa kanyang mukha, dahilan para lalo akong kabahan. Ngunit ilang segundo lang, ngumiti siya. “Ipagpalagay ninyo na ang inyong kalooban. Successful ang operasyon. Ligtas na ang pasyente sa kapahamakan. Ililipat na lang siya sa hospital room mamaya.” Parang may matagal nang nakabaon sa lalamunan ko na biglang naalis. Nagkatinginan kami ni Trisha, sabay yakap, at hinalikan ko sa noo ang tulog kong anak. “Magaling kasi ang doctor na nag-opera sa kanya. Galing pa siyang Australia,” dagdag pa ng doctor. “Talaga po? Maraming salamat, doctor,” sambit ni Trisha. “Sana po ay makilala namin ang nag-opera sa nanay ko, para personal naming mapasalamatan,” dagdag ko. Sakto namang bumukas muli ang pinto ng operating room. Nakatingin doon ang doctor, at sa direksyong iyon din napunta ang mga mata ko. Isang matangkad na lalaki ang lumabas, nakasuot ng facemask at bonnet. Tinanggal niya ang bonnet, at bumagsak ang maayos niyang clean-cut na buhok. Pagkatapos ay dahan-dahan niyang inalis ang facemask—at doon, para akong napatigil sa paghinga. “Oh, here he is,” wika ng doctor habang tinatawag siya. “Miss Meleah, this is Doctor Walden Gallagher, ang siyang nag-opera sa iyong ina.”Kinabukasan, maaga pa lang ay nakarating na si Meleah sa opisina. Halos hindi siya nakatulog kagabi dahil sa excitement at kaba na rin sa mga salitang binitiwan ng CEO. “You will do anything for me…” Paulit-ulit ‘yon na pumapasok sa isip niya.Pagpasok niya sa main lobby ng kumpanya, sinalubong siya ng receptionist.“Good morning, Miss Meleah. This way po.”Medyo nagtaka siya kung bakit tila may VIP treatment. Sinamahan siya diretso sa elevator na may kasamang guard, at doon ay dinala siya sa top floor kung saan naroon ang CEO’s office.Pagbukas ng pinto ay bumungad sa kanya si Eric, nakaayos na ang mesa at may nakahandang folder na may pangalan niya.“Good morning, Miss Meleah. Handa ka na ba?” bati nito na may kasamang ngiti.Ngumiti rin siya kahit kinakabahan. “Good morning po. Yes, ready na ako.”“Good. Kasi ngayon makikilala mo na mismo si Sir Den.”Nanlaki ang mga mata niya. “Ha?! As in face to face? Hindi na video call?”Tumango si Eric. “Oo. Pero gusto kong ipaalala na hindi l
Wala nang nagawa pa si Sunshine nang maglakad ako patungo sa CEO’s office. Pagdating ko roon ay nakita ko ang isang lalaki na nakatayo sa gilid, at yumuko ito nang bahagya nang makita ako nito. “Good morning, Miss Meleah.” Bati nito sa akin. Yumuko rin ako nang bahagya bilang paggalang. “Good morning din po, Sir—” “I’m not the CEO.” Putol nito sa akin. “I’m Eric, I’m also personal assistant here, pero more on personal na trabaho lang din ang ginagawa ko.” Paliwanag nito sa akin. “Pero he’s the one who will interview you.” Napatango ako dahan-dahan, “Ah, gano’n po pala.” Sagot ko sabay tumingin ako sa paligid para hanapin ang CEO, pero wala na akong nakita pang ibang tao bukod sa aming dalawa. “Eh, nasaan po ang CEO?” tanong ko. “He’s not here.” “Ha? Pero akala ko ay siya po ang mag-interview sa akin?” “Siya nga, pero via video call.” Naglakad si Eric papalapit sa lamesa at ihinarap nito sa akin ang laptop. “You may seat now, Miss Meleah.” sambit nito na kaagad ko rin naming si
Kinabukasan ay hindi na ako nag-aksaya pa ng oras. Maaga akong nagpunta sa Gstone Builders Company upang magpasa sana ng resume, pero sana ay diretso interview na.Finger cross!This is my last hope, at sana talaga ay makapasok ako, dahil bago pa ako magtungo rito ay napakaraming gamot ang kailangan kong bilihin para kay nanay. Ang iba ay talagang pricey ang presyo, at mabibili lang sa mismong hospital.Nang makarating ako sa entrance ng kompanya ay kaagad akong pinigil ng guwardya.“Miss, hindi po basta-basta nagpapapasok ng tao rito sa kompanya, lalo kung wala po kayong appointment.” Sambit ng guwardya saka ako pinsadahan ng tingin nito. “At mukhang sa ayos niyo Miss ay malabong matanggap kayo rito, dahil maseselan ang mga tao rito.”Napatingin tuloy ako sa sarili ko. Ayos naman ang suot ko, ah? Naka-black slacks ako at white polo shirt.“Grabe ka naman, Manong Guard! Maayos naman po ang suot ko, ah?” sambit ko.Napailing ang guwardya. “Hindi naman sa panlalait, Miss, pero kasi lahat
Bago pa ako makasagot sa banat ni Walden, bigla kong narinig ang pag-vibrate ng cellphone ko mula sa bulsa. Kinuha ko ito agad at umaasang baka tawag ito mula sa opisina para sa ibang appointment.Ngunit sa unang ring pa lang, nakita ko na ang pangalan ng branch manager namin. Kinabahan akong bigla at napakunot ng noo.Bakit naman tatawag ang manager namin sa akin?“Hello?” Sinubukan kong gawing normal ang boses ko, kahit ramdam kong nakatitig sa akin si Walden.“Miss Flamenco,” mabilis at malamig ang tono ng nasa kabilang linya. “Hindi na ako maglalabas pa ng memo, pero effective today… terminated ka na bilang sales agent.”Parang umalingawngaw sa tenga ko ang bawat salita. Napasinghap ako, at halos mahulog ang cellphone sa kamay ko. “W–wait, bakit po? Ano’ng nang—”“May reklamo mula sa kliyente. Ayokong ipaliwanag sa telepono. Ibalik mo na lang ang mga gamit ng kumpanya.” At bago pa ako makasagot, pinutol na niya ang tawag.Napako ako sa kinatatayuan ko, at halos hindi pa rin ako m
“Ano ang dapat kong malaman?” tanong ng pinakapamilyar na boses sa akin.I know that voice na lumipas ang maraming taon, kaya niyang basagin ang pader na itinayo ko bilang pang depensa.Parang nanigas tuloy ang katawan ko. Mabigat at mabagal ang bawat paghinga habang dahan-dahan akong lumingon. At doon ko siya nakita… si Walden. Nakatayo siya sa may pintuan, nakasuot ng white coat, ang kilay niya’y magkadikit sa lalim ng pagkakunot, at ang mga mata niya ay diretso sa amin ni Zachary, matalim at puno ng katanungan.“What?” muling tanong ni Walden, ngunit mas mababa at mas mariin na ang tono. “Napipi yata kayong bigla?” dagdag pa niya, na para bang nauubusan ng pasensya sa aming dalawa ni Zachary.Napatingin ako kay Zachary, at marahan akong umiling. Hindi ko na kailangan pa na magsalita, alam kong naintindihan niya ang ibig kong sabihin.Bumuntong-hininga si Zachary, at kita sa kaniyang mukha ang pag-aalangan. “We were talking about…” sandali siyang natigilan, at tila pinag-iisipan niy
Nang tingnan ko siya ay para akong nakakita ng multo. It was Zachary. I remember before na isa siya sa pinakamalapit at pinakapinagkakatiwalaan ni Walden noon. “Zach, what are you doing here?” tanong ni Kristoff na parang inilalayo nito ang atensyon sa akin, pero sa halip na sumagot ito ay sa akin ito diretsong tumitig. Bago pa ako makaiwas ay nagsalita na ito kaagad. “T–Teka… Meleah? Ikaw ba ‘yan?” tanong ni Zachary, bakas ang pagkagulat at kunot ang noo habang titig na titig sa akin. Napalunok ako. Alam kong hindi lang sorpresa ang nararamdaman niya ngayon, may halong hinanakit din, dahil isa siya sa mga taong nakasaksi kung paano ko iniwan si Walden… at walang paliwanag na iniwan ko ang lahat. Bubuka na sana ang bibig ko para magpaliwanag kahit kaunti, pero bago ko pa magawa, naramdaman ko ang maliit na kamay na humawak sa laylayan ng damit ko. “Mama…” lumingon ako. Nandoon si Alliya, nakataas ang mukha sa akin, inosente at walang kaalam-alam sa tensyong nasa paligid. “