Bago pa ako makasagot sa banat ni Walden, bigla kong narinig ang pag-vibrate ng cellphone ko mula sa bulsa. Kinuha ko ito agad at umaasang baka tawag ito mula sa opisina para sa ibang appointment.Ngunit sa unang ring pa lang, nakita ko na ang pangalan ng branch manager namin. Kinabahan akong bigla at napakunot ng noo.Bakit naman tatawag ang manager namin sa akin?“Hello?” Sinubukan kong gawing normal ang boses ko, kahit ramdam kong nakatitig sa akin si Walden.“Miss Flamenco,” mabilis at malamig ang tono ng nasa kabilang linya. “Hindi na ako maglalabas pa ng memo, pero effective today… terminated ka na bilang sales agent.”Parang umalingawngaw sa tenga ko ang bawat salita. Napasinghap ako, at halos mahulog ang cellphone sa kamay ko. “W–wait, bakit po? Ano’ng nang—”“May reklamo mula sa kliyente. Ayokong ipaliwanag sa telepono. Ibalik mo na lang ang mga gamit ng kumpanya.” At bago pa ako makasagot, pinutol na niya ang tawag.Napako ako sa kinatatayuan ko, at halos hindi pa rin ako m
“Ano ang dapat kong malaman?” tanong ng pinakapamilyar na boses sa akin.I know that voice na lumipas ang maraming taon, kaya niyang basagin ang pader na itinayo ko bilang pang depensa.Parang nanigas tuloy ang katawan ko. Mabigat at mabagal ang bawat paghinga habang dahan-dahan akong lumingon. At doon ko siya nakita… si Walden. Nakatayo siya sa may pintuan, nakasuot ng white coat, ang kilay niya’y magkadikit sa lalim ng pagkakunot, at ang mga mata niya ay diretso sa amin ni Zachary, matalim at puno ng katanungan.“What?” muling tanong ni Walden, ngunit mas mababa at mas mariin na ang tono. “Napipi yata kayong bigla?” dagdag pa niya, na para bang nauubusan ng pasensya sa aming dalawa ni Zachary.Napatingin ako kay Zachary, at marahan akong umiling. Hindi ko na kailangan pa na magsalita, alam kong naintindihan niya ang ibig kong sabihin.Bumuntong-hininga si Zachary, at kita sa kaniyang mukha ang pag-aalangan. “We were talking about…” sandali siyang natigilan, at tila pinag-iisipan niy
Nang tingnan ko siya ay para akong nakakita ng multo. It was Zachary. I remember before na isa siya sa pinakamalapit at pinakapinagkakatiwalaan ni Walden noon. “Zach, what are you doing here?” tanong ni Kristoff na parang inilalayo nito ang atensyon sa akin, pero sa halip na sumagot ito ay sa akin ito diretsong tumitig. Bago pa ako makaiwas ay nagsalita na ito kaagad. “T–Teka… Meleah? Ikaw ba ‘yan?” tanong ni Zachary, bakas ang pagkagulat at kunot ang noo habang titig na titig sa akin. Napalunok ako. Alam kong hindi lang sorpresa ang nararamdaman niya ngayon, may halong hinanakit din, dahil isa siya sa mga taong nakasaksi kung paano ko iniwan si Walden… at walang paliwanag na iniwan ko ang lahat. Bubuka na sana ang bibig ko para magpaliwanag kahit kaunti, pero bago ko pa magawa, naramdaman ko ang maliit na kamay na humawak sa laylayan ng damit ko. “Mama…” lumingon ako. Nandoon si Alliya, nakataas ang mukha sa akin, inosente at walang kaalam-alam sa tensyong nasa paligid. “
Meleah’s Point of View Kinabukasan, maaga akong nagising sa ingay ng ulan na tumatama sa bubong ng hospital. Tahimik ang paligid, pero sa loob ko ay parang may bagyong hindi tumitigil. Nakaupo ako sa gilid ng kama ni Nanay, hawak-hawak ang kamay niya. Mahina pa rin siya, pero gumising sandali para ngumiti sa akin at kay Alliya. Hindi ko alam kung paano ko itatago ang lahat, lalo na kapag muling humarap sa akin si Walden. Pakiramdam ko, bawat segundo ay mas lumalapit siya sa katotohanan. “Meleah,” mahinang tawag ni Trisha mula sa pintuan. “May naghahanap sa’yo sa lobby.” Napakunot ang noo ko. “Sino?” “Hindi niya sinabi kung ano ang pangalan niya, pero ang sabi niya ay kilala mo raw siya.” Sandali akong natahimik. Sino ang maghahanap sa akin ngayon ng ganitong kaaga? Kaysa tanungin ko ang sarili ko ay bumaba na lamang ako at halos matigilan ako sa nakita. Nakatayo roon si Kristoff, ang isa sa mga kaibigan ni Walden, na minsan ko na ring nakasama sa mga business gatherings
Pagkasabi ko ng mga salitang iyon, para bang nahulog ang lahat ng bigat ng mundo sa pagitan namin. Kita ko kung paano unti-unting naglaho ang apoy sa mga mata ni Walden, napalitan ng matinding kalituhan at sakit. Parang hindi niya alam kung maniniwala ba siya o lalaban para kontrahin ang sinabi ko.“Meleah…” mahina niyang tawag, pero puno ng panginginig. “Huwag… huwag mo ’kong gawing tanga. Sabihin mo sa’kin na nagsisinungaling ka lang.”Ipinikit ko ang mga mata ko, pilit na nilunok ang pamimigat sa lalamunan. Hindi ko siya tiningnan, hindi ko kayang makita kung paano unti-unting nadudurog ang taong minsan kong minahal nang buo.“Kung gusto mong isipin na niloloko kita noon… gawin mo. Basta tanggapin mo na lang na hindi ikaw ang ama ni Alliya.” Nilakasan ko ang loob ko, kahit na bawat salita ay parang kutsilyong itinarak ko sa sarili kong dibdib.Narinig ko ang malalim niyang paghinga— alam kong hindi iyon para huminga, kundi para pigilan ang pagsabog ng damdamin niya. Sa isang iglap,
Pagkasalubong ng mga mata namin ni Walden, para akong nabato sa kinatatayuan ko. Kita ko sa kaniyang mukha ang pagkagulat, at hindi iyon maitatanggi—pero alam kong pareho kaming nakaramdam ng parehong emosyon. Hindi ko inaasahan na sa dinami-dami ng doktor sa ospital na ito, siya pa ang mag-oopera kay Tatay. At higit pa roon… hindi ko inakalang siya na ngayon ang taong nakatayo sa harap ko, nakasuot ng puting coat at may seryosong titig na tila binabalikan ang lahat ng nakaraan. “P–Parang nakita na kita dati…” bulong ni Trisha, na nakatayo sa tabi ko habang buhat-buhat ko si Alliya. Hindi siya pinansin ni Walden. Sa halip, bumaba ang tingin niya sa anak kong nakapulupot sa leeg ko. Para bang tumigil ang oras sa pagitan naming dalawa. Nanlaki ang mga mata ko, at hindi ko alam kung uunahin ko ba ang paghinga o ang pagtakas sa tingin niyang tila bumabaon sa kaluluwa ko. Lumabas na ang isa pang doktor mula sa operating room, ngunit si Walden ay nanatili sa harap ko, at paulit-ulit na lu