MY EX, MY BOSS, MY CONTRACTED HUSBAND

MY EX, MY BOSS, MY CONTRACTED HUSBAND

last updateLast Updated : 2025-08-13
By:  febbyflameUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
10Chapters
92views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Bumalik si Meleah sa Manila para sana makapagsimula muli kasama ng anak niya. Ngunit hindi niya inaasahang hahabulin pa rin siya ng kaniyang nakaraan. Limang taon na ang nakalipas matapos niyang iwan ang kaniyang ex-boyfriend na si Walden Gallagher. Now, to save her mother’s life, Meleah sold herself for marriage to her ex-boyfriend, Walden Gallagher who also happens to be her billionaire Boss.

View More

Chapter 1

CHAPTER 1: Emergency

Meleah’s Point of View

“Meleah, nalulungkot ako para sa kondisyon ng nanay mo…” mahinang bungad ng doktor, ngunit ramdam ko ang bigat sa bawat salitang bibitawan niya. “Nasa panganib ang buhay ng iyong ina.”

Para akong nabingi sa unang linya pa lang. Pakiramdam ko’y nanigas ang buong katawan ko habang nakatitig sa kaniya, naghihintay ng kasunod na paliwanag.

“Kung hindi siya maooperahan kaagad ay baka hindi na siya mabuhay pa.”

Parang unti-unting nilalamon ng lamig ang buong katawan ko. Nanginig ang mga kamay ko habang mahigpit na nakakapit sa strap ng bag na hawak ko. Pinilit kong huminga ng malalim bago ko nabigkas ang tanong na kanina pa gustong kumawala sa labi ko.

“M–Magkanong halaga po… ang kailangan para sa operasyon?”

Napabuntong-hininga ang doktor. Kita ko ang pag-aalala sa mukha niya. “Kinakailangan mo ng malaking halaga, Meleah. Isang milyon ang iyong kailangan para sa operasyon.”

Halos manlumo ako sa sinabing iyon ng attending doctor ni nanay. Tanging pagtango lamang ang aking nagawa. Nang umalis ito sa aking harapan ay unti-unti akong umupo sa tabi ni nanay.

Kasalukuyan kaming nasa hospital ngayon. Isinugod si nanay ng mga kapitbahay namin nang marinig nila na humihingi ng tulong ang aking anak. Nang tumawag sa akin ang kaibigan kong si Trisha tungkol sa nangyari kay nanay ay kaagad akong nag out sa trabaho. Matagal ng iniinda ni nanay ang kaniyang madalas na paninikip ng kaniyang dibdib. Matagal ko na rin sinasabi sa kaniya na magpa-check up kami ngunit palagi siyang tumututol. At kahit hindi niya sabihin ay alam ko ang dahilan niya— takot siya sa gastusin.

Isa akong sales agent sa Diamond Homes, isang house development corporation. Hindi naman kalabisan sa akin kung magpapatingin si nanay ngunit sadyang matigas ang kaniyang ulo. Ngayon ay labis ang aking pag-aalala sa kaniyang sitwasyon.

Sobrang laking pera ng kailang para sa operasyon ni nanay. Ni hindi ko alam kung saan ako makakakuha ng ganitong kalaking halaga, pero gagawin ko ang lahat para lang mabuhay pa siya. Kami na lang ng nanay ko ang magkasama, at ayokong mawala siya dahil tiyak ko rin na masasaktan ang anak ko, dahil si nanay na rin ang tumayong ama sa kaniya.

“Mama! Narito ka na pala!”

Mabilis akong napatingin sa aking likuran at nakita kong pumasok si Alliya kasama ng kaniyang Ninang Trisha. Mabilis kong lihim na pinunasan ang tumulong luha sa aking pisngi. Hindi ako puwedeng makita ng aking anak na umiiyak, dahil tiyak na mag-aalala ito.

“Alliya, anak kumain ka na ba?” tanong ko nang makalapit ito sa akin at inayos ko ang hibla ng buhok na tumatakip sa maamo nitong mukha.

Limang taong gulang na si Alliya at isa siyang pinakamahalagang biyaya na aking natanggap. Kung mayroon man akong kasalanan na hindi ko pagsisisihan ay ang anak ko iyon. Siya nga ang dahilan kung bakit ako patuloy na lumalaban sa hamon ng buhay.

“Opo, kumain na po ako, kasabay ko si Ninang Trisha. Kamusta na po pala si Lola?”

Bahagya akong natigilan sa itinanong ng aking anak. May halong lungkot sa hiling sinambi niya. Pinilit akong ngumiti at ipinaupo siya sa aking tabi, habang nakatitig kami kay nanay.

“Magiging maayos din si Lola mo, kailangan lang niyang matulog muna sa ngayon para makapagpahinga siya.” tugon ko sa aking anak.

“Babantayan po kitang matulog Lola, pahinga ka lang po para bumalik na po ang lakas niyo.” saka hinawakan ni Alliya ang kamay ni nanay.

Tiningnan ko naman si Trisha at ngumiti ito sa akin nang may halong lungkot. Alam na rin niya ang sitwasyon ni nanay. Tumayo ako saka niyakap siya ng mahigpit.

“S–Salamat, bestie, at nariyan ka...” halos mapiyok akong bumulong dito.

“Walang ano man 'yon, bestie. Mabuti na nga lang at naagapan pa namin ang pagsugod kay Tito Raul dito sa hospital.” tugon nito.

Nagpunas akong muli ng aking luha bago humiwalay ng yakap sa kaniya. Muli akong umupo upang magpantay kami ng anak ko.

“Dito ka lang, anak, ah? Bantayan mo muna si Lola, mag-uusap lang kami ni Ninang Trisha mo sa labas.”

“Sige po, Mama.”

Tumayo na ako at lumabas kami ng hospital room upang hindi marinig ni Alliya ang aming pag-uusapan.

“N–Nanganganib ang buhay ni nanay. Kailangan na raw siyang operahan sa lalong madaling panahon. W–Wala akong sapat na pera para sa operasyon...” umiiyak kong sambit.

“Naku, malaking problema 'yan. Subukan mo kayang mag-advance muna sa manager niyo? Siguro naman ay maintindihan niya ang sitwasyon mo. At saka may ipon naman ako, idagdag natin ang perang ipon ko. Nakapagpadala naman na ako sa probinsy, eh.”

Napailing ako. “Salamat, Trisha, pero hindi ko rin alam kung makakapag-advance pa ako, dahil mayroon pa akong blance na utang sa kaniya noong kinailangan kong ipagamot si Alliya noong hinika siya. A–At hindi biro ang halaga ng perang kailang ko...”

Napakunot ng noo si Trisha. “T–Teka, magkano raw ba ang halaga ng operasyon?”

“E–Eight hundred thousand to nine hundred seventy thousand… Halos isang milyon, Trisha— na kahit ibenta ko pa ang dalawang atay ko ay hindi aabot ang halaga nito sa perang kailangan ko.”

Hindi ko na napigilan pa ang maiyak dahil sa takot na baka hindi ko magawaan ng paraan. Habang si Trisha naman ay napaawang na lamang ang kaniyang labi habang walang salita ang lumalabas sa kaniyang labi. Biglang pumasok sa aking alaala ang dating raket ni Trisha.

Mabilis ko siyang hinawakan sa balikat.

“T–Trisha, naaalala mo pa ba si Madam Archie?” tukoy ko sa baklang naging Boss noon ni Trisha sa bar.

Mabilis na napakunot ng noo si Trisha saka umiling. “Huwag mong sabihing—” napatigil siya nang mukhang naintindihan niya ang gusto kong gawin. “H–Hindi, Meleah. Huwag mong gagawin 'yon!” halos galit nitong sambit ngunit sa pabulong lamang na boses.

“Trisha, ito na lang ang tanging paraan na naisip ko. M–Mabilis ang kitaan sa trabahong iyon, kahit ilang gabi lang alam mo na kayang-kaya kong kitain ang halagang iyon.”

“Meleah, masisira ang buhay mo. Malaki na si Alliya, at maraming taong maaaring magdaldal sa kung anong papasukin mong trabaho. Maaaring marinig lahat iyon ni Alliya.”

“Kaysa naman hayaan kong mamatay si nanay?! Hindi kakayanin ni Alliya na mawala si nanay. Hindi ko kaya. Sigurado akong dadalhin ni Alliya ang pagkawala ni nanay hanggang sa kaniyang paglaki. Parang awa mo na, Trisha. Tulungan mo akong lumapit kay Madam Archie... P–Please naman, oh...” lumuhod ako sa kaniyang harapan habang umiiyak.

Mabilis niya akong dinaluhan at niyakap.

“H–Huwag ka ng lumuhod bestie. Labag man sa kalooban ko ang desisyong gusto mong gawin ay wala naman na akong magagawa... Isa pa, buhay na rin nito Tita ang nakataya.” mahina niyang sagot. “Mamayang gabi, pupuntahan natin siya. Pero Meleah… ‘pag nakuha mo na ang kailangan mong halaga, lalayo ka na roon, ha? Ipangako mo ‘yan sa’kin.”

Tumango ako habang humahagulhol sa yakap niya. Para kay Nanay, kahit muling masugatan ang pagkatao ko, basta… mabuhay lang siya.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
10 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status