Compartir

Chapter 5

Autor: AnneVillamin
last update Fecha de publicación: 2026-11-03 16:22:53

CARA'S POV

Tatlong araw na ang lumipas mula nang huli kong makausap si Xander, pero wala pa rin akong natatanggap na malinaw na sagot mula sa kanya kung tutulungan ba niya ako o hindi.

Kaya wala akong ibang pagpipilian kundi dumalo sa corporate gala namin ni Luis. Hindi na rin niya ako sinundo, pero hindi na iyon nakapagtataka. Alam ko naman kung ano talaga ang pakay niya sa akin.

Pagpasok ko sa ballroom ng Prime Suite Hotel, sinalubong ako ng nakakasilaw na liwanag mula sa malalaking chandelier. Maingay ang paligid—halo-halong tawanan, mahihinang bulungan, at marangyang musikang nagmumula sa live orchestra sa gitna ng silid.

Hindi ito isang simpleng party. Isa itong corporate engagement event kung saan opisyal na iaanunsiyo ang partnership ng Villa Group at Valentino Corporation.

Kahit alam kong ang mga ari-arian at negosyo ng Villa ang tunay niyang habol, nagpunta pa rin ako. Hindi dahil tanga ako, kundi dahil kung hindi ako dadalo sa sarili kong event, mas lalakas ang mga espekulasyong humihina na ang Villa Group. Ayaw kong masira ang reputasyong pinaghirapan ni Daddy na buoin sa loob ng maraming taon.

Suot ko ang isang simpleng peach silk gown. Hindi ito marangya o kapansin-pansin. Sapat lamang para maging presentable ako sa gabing iyon. Wala rin akong suot na alahas.

Habang papalapit ako sa gitna ng ballroom, nakita ko si Luis. Naka-black tailored suit siya at mukhang kampante gaya ng dati. Katabi niya si Sofia na nakasuot ng black lace dress. Masyado silang komportable sa isa't isa, na para bang siya ang tunay na fiancée ni Luis ngayong gabi.

Hindi pa rin nawawala ang sakit na naramdaman ko nang matuklasan ko ang pagtataksil nila. At ngayong nakikita ko silang magkasama, muli kong nararamdaman ang bigat sa dibdib ko.

“Ladies and gentlemen…"

Biglang lumakas ang boses ng host. Unti-unting natahimik ang buong ballroom. Lahat ng mata ay napunta sa stage, kasabay ng sunod-sunod na camera flash at mga bulungan.

“Tingnan mo si Cara… Bakit peach ang suot niya? Masyadong simple. She looks like a bridesmaid at her own party,” bulong ng isang babaeng sosyalita sa tabi ko.

“Baka wala na talagang pera ang mga Villa. Look at Sofia. She looks more like a Valentino than Cara does,” sagot naman ng isa.

“I heard Luis is already bored with her. Pakitang-tao na lang siguro 'yang engagement nila.”

Bawat salita ay parang kutsilyong dahan-dahang bumabaon sa dibdib ko.

Lalo na nang marinig ko ang susunod na anunsyo.

“Please welcome the next power couple of the Valentino empire… Luis Valentino and Sofia Gomez!"

Sunod-sunod na camera flash ang tumama sa kanila.Nanigas ako.

Power couple?

Dahan-dahan kong nilingon si Luis, umaasang itatama niya ang pagkakamali ng host. Ngunit ngumiti lamang siya. Sa harap ng lahat, itinaas pa niya ang kamay ni Sofia. Parang biglang nawala ang hangin sa dibdib ko.

“Luis…” mahina kong tawag, nanginginig ang boses.

Pero hindi man lang siya lumingon. Sa halip, mas hinapit pa niya si Sofia palapit sa kanya.

Si Sofia naman ay nakangiti lamang—isang ngiting puno ng tagumpay.

“Poor girl… naiwan sa ere.”

“Grabe, nakakahiya…”

Unti-unting nanlamig ang buong katawan ko. Pakiramdam ko ay guguho na ang sahig sa ilalim ko.Ipinahiya nila ako sa harap ng buong business world.

Hanggang sa—

“Stop.”

Isang malamig at mabigat na boses ang pumutol sa ingay.

Biglang nawala ang lahat ng bulungan. Napatingin ang lahat sa entrance.

Si Xander Valentino ang pumasok.

Habang naglalakad siya patungo sa amin, nanahimik ang buong ballroom. Naka-three-piece black suit siya—simple ngunit halatang mamahalin. Hindi siya nagmamadali. Bawat hakbang niya ay puno ng kontrol at awtoridad.

Sapat na ang presensya niya para patahimikin ang lahat.

Huminto siya sa gitna ng ballroom at malamig na tumingin kay Luis.

“Continue. Let's see kung sino talaga ang fiancée mo.”

Nanigas si Luis.

“Uncle, hindi po gano'n—"

“Huwag ka nang magpaliwanag,” putol ni Xander.

Dahan-dahan siyang lumingon sa akin. Sa isang iglap, ang lamig sa kanyang mga mata ay napalitan ng isang bagay na hindi ko matukoy.

“Come here,” mahinang utos niya.

Hindi ako agad nakagalaw dahil sa gulat. Ngunit may bahagi sa akin na kusang sumunod sa kanya.

Lumapit ako. Hinawakan niya ang kamay ko at inilagay ako sa tabi niya. Ang init ng kanyang palad ay tila nagbigay sa akin ng lakas sa gitna ng kahihiyang nararamdaman ko.

“Anong nangyayari dito?” tanong ni Xander kay Luis.

“Uncle, corporate gala po namin ito—”

“Corporate gala ito,” malamig ngunit diretsong sagot ni Xander. “Ng Villa at Valentino. At hindi ito personal playground mo kung saan kung sinu-sino ang puwede mong ipakilala fiancee.”

Napaurong si Sofia dahil sa hiya at bahagyang yumuko.

Ramdam ko ang tensyon sa paligid. Walang sinuman ang nangahas na magsalita.

“At kung gusto ninyong gawing laro ang kasunduang ito,” dagdag ni Xander habang nililibot ang tingin sa buong ballroom, “then I will end it here.”

Lalo pang nanahimik ang paligid.

Dahan-dahan siyang humakbang patungo kay Luis. Puno ng awtoridad ang bawat kilos niya.

“From this moment,” malamig niyang anunsyo, “the marriage arrangement between Luis and Cara is officially cancelled.”

Sabay-sabay na napasinghap ang mga tao.

Nanlaki ang mga mata ni Luis.

“What?! You can't do that!”

“Watch me,” malamig na sagot ni Xander.

“Hindi mo puwedeng sirain 'to! May marriage agreement ang pamilya natin!” sigaw ni Luis, halatang natataranta na.

Tumingin si Xander sa kanya—diretso at walang emosyon, ngunit may bigat na kayang magpatahimik sa kahit sino.

“Exactly. At ang kasunduan ay para sa alyansa, hindi para sa pansarili mong interes. Dahil nabigo ka sa responsibilidad mo bilang bahagi ng pamunuan ng Valentino empire, ako na mismo ang magdedesisyon.”

Sandaling nabalot ng katahimikan ang buong ballroom.

Pagkatapos, marahan niyang hinawakan ang kamay ko. Mas mahigpit kaysa kanina. Itinaas niya iyon upang makita ng lahat.

“To ensure the stability of the merger,” malinaw at matatag niyang anunsyo, “I will take Luis's place.”

Parang huminto ang oras.

Lahat ay nakatulala sa kanya.

“I will be the one to marry Cara.”

Nabalot ng nakakabinging katahimikan ang buong ballroom.

Si Luis ay tila natigilan, na para bang hindi makapaniwala sa narinig. Pati si Sofia ay nanlaki ang mga mata.

At ako?

Nanigas ako sa aking kinatatayuan.

Hindi ko ito inaasahan. Akala ko, matapos ang usapan namin, wala siyang balak na tulungan ako. Ngunit sa harap mismo ng mga investor at media, ibinigay niya ang sagot na hinihintay ko.

Hindi ko lang inaasahang ganito ang magiging paraan niya ng pagtulong. At alam ko na ang kapalit ng business deal na nilatag ko sa kanya na hinding-hindi ko basta matatakasan—ang maging asawa niya.

“Consider this final,” dagdag ni Xander habang malamig na nililibot ang tingin sa buong silid.

“The partnership between Villa and Valentino will continue—not through Luis, but through me.”

Pagkatapos ay hinarap niya ako.

Ang mga mata niyang kanina lamang ay malamig ay tila nagtataglay ngayon ng isang bagay na hindi ko maipaliwanag.

“Let's go,” mahinang sabi niya.

At sa pagkakataong iyon, wala akong nagawa. kundi sumunod.

Continúa leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la App

Último capítulo

  • MY EX'S REGRET: MARRIED TO HIS POWERFUL UNCLE   Chapter 10

    CARA'S POVPagkatapos naming mag-almusal, kinuha ko ang bag ko. Ngunit bago pa ako makalabas ng dining area, naunahan na ako ni Xander at kinuha niya iyon."I can carry my own bag," sabi ko."I know, sweetheart. Let me.""Ang kulit mo talaga.""Just let me take care of you for once."Hindi na ako nakipagtalo.Pagdating namin sa sasakyan, binuksan niya ang passenger door para sa akin. Nang makaupo ako, maingat niyang isinara ang pinto bago umikot papunta sa driver's seat.Habang nasa biyahe kami, tahimik akong nakatingin sa labas ng bintana. Hindi ko maitatangging kinakabahan ako. Matagal na rin mula nang huli akong magkaroon ng aktuwal na papel sa pagpapatakbo ng kumpanya.Napansin yata iyon ni Xander."Stop worrying. You'll do fine.""How do you know?""Because I know you're stubborn enough not to give up."Napalingon ako sa kanya."Is that supposed to be a compliment?""Of course. I happen to like that about you.""Ang galing mo talagang mambola."He laughed. "I'm only telling the t

  • MY EX'S REGRET: MARRIED TO HIS POWERFUL UNCLE   Chapter 9

    CARA'S POVNapatawa siya sa naging reaksyon ko. Halatang-halata sa mukha niya na natutuwa siyang inisin ako."What? I'm only asking for a little appreciation from my wife.""You're impossible.""I've heard that before."Umiling ako at napabuntong-hininga. Pero nang mapansin niyang hindi na ako nakangiti, bahagyang nagbago ang ekspresyon niya."All right. Let's talk seriously."Umayos ako ng upo at hinarap siya."We have a two-year agreement, Cara. I want us to be clear about what we expect from each other."Tumango ako."Do we have to pretend to be a happy couple whenever we're in public?""Only when necessary. Hindi naman natin kailangang magpakitang-gilas sa lahat ng pagkakataon.""And what about our personal lives?""You're free to do what you want, as long as it doesn't put you or our agreement at risk. I won't control every move you make."Napatingin ako sa kanya."What about sharing a room?"Bahagya siyang ngumiti."Would you like to share one?"Agad akong napakunot-noo."I'm a

  • MY EX'S REGRET: MARRIED TO HIS POWERFUL UNCLE   Chapter 8

    CARA'S POVPagkasakay namin sa sasakyan, hindi ko agad siya kinausap. Tahimik akong nakaupo sa passenger seat habang nakatingin sa labas ng bintana. Paulit-ulit pa ring bumabalik sa isip ko ang nangyari kanina."Are you angry?" tanong niya.Napalingon ako sa kanya. "Sa tingin mo?"Bahagya siyang ngumiti. "I was hoping you'd say no.""At bakit naman?""Because I prefer seeing you smile rather than glare at me.""Kung hindi ka kasi nagsisinungaling, hindi kita tatarayan.""That's a little harsh, sweetheart.""Don't call me that.""All right, Mrs. Valentino."Mas lalo akong napairap. "Mas nakakainis ka."Tumawa siya nang mahina. "At least, consistent ako."Umiling ako at muling humarap sa bintana."Xander, seryoso ako. Bakit mo itinago sa akin ang bagong merger agreement?""Because I already knew what Luis was planning to do with the old one.""Pero hindi ibig sabihin noon ay maaari mo na akong papirmahin nang hindi ipinapaliwanag ang dokumento.""You're right."Napalingon ako sa kanya.

  • MY EX'S REGRET: MARRIED TO HIS POWERFUL UNCLE   Chapter 7

    CARA'S POVNakatayo sa harapan namin sina Luis at Sofia. Hawak ni Xander ang isang dokumentong tila ipinagmamalaki ni Luis. Samantalang si Sofia ay nakangiti na para bang sigurado silang wala kaming magagawa laban sa kanila."What is this?" malamig na tanong ni Xander.Ngumisi si Luis. "The original merger agreement between Villa Corporation and Valentino Corporation."Napatingin ako sa papel na hawak ni Xander."Anong kinalaman niyan sa amin?" tanong ko."Marami, Cara." Tumingin si Luis sa akin."Nakasaad diyan na ang kasal natin ang isa sa mga kondisyon para maipagpatuloy ang merger."Nanlaki ang mga mata ko."Ano?""Narinig mo ako. Ako ang dapat mong pakasalan para matuloy ang kasunduan ng dalawang kumpanya."Napailing ako. Hindi ko alam ang sinasabi niya. Ang alam ko, ang kasunduan ay para matulungan ang kumpanya ng pamilya ko, hindi para itali ako sa kanya."Pero hindi ko alam na may ganoong kondisyon.""Pinirmahan mo ang dokumento, Cara. Hindi mo ba binasa?""Nagtiwala ako sa iy

  • MY EX'S REGRET: MARRIED TO HIS POWERFUL UNCLE   Chapter 6

    CARA'S POVTahimik kaming dalawa sa loob ng sasakyan ni Xander matapos umalis sa corporate gala. Tanging ugong ng makina ang maririnig habang nakatuon siya sa pagmamaneho."Be my wife, Cara," bigla niyang sabi.Napalingon ako sa kanya. Kahit alam ko na ang kondisyon niya, hindi pa rin ako makapaniwalang kasal ang hinihingi niyang kapalit sa pagtulong sa kumpanya ng Daddy ko."Marriage? Iyon talaga ang gusto mong kapalit?"Bahagya siyang ngumisi. "You heard me right.""Pero bakit kasal? Marami ka namang ibang puwedeng hingin sa akin. Why does it have to be marriage?"Saglit siyang lumingon sa akin. "Why? Don't you like the idea of being Mrs. Valentino?""Huwag kang assuming, Xander! Ang tanong ko, bakit kasal ang gusto mong kapalit? Ano ba ang mapapala mo sa pagpapakasal sa akin?"Bahagya siyang ngumisi. "Because I have my reasons, sweetheart.""Anong mga dahilan?""You'll find out soon enough.""Huwag mo nga akong tawaging sweetheart!""Fine. What should I call you? My Wife?"Napailin

  • MY EX'S REGRET: MARRIED TO HIS POWERFUL UNCLE   Chapter 5

    CARA'S POV Tatlong araw na ang lumipas mula nang huli kong makausap si Xander, pero wala pa rin akong natatanggap na malinaw na sagot mula sa kanya kung tutulungan ba niya ako o hindi. Kaya wala akong ibang pagpipilian kundi dumalo sa corporate gala namin ni Luis. Hindi na rin niya ako sinundo, pero hindi na iyon nakapagtataka. Alam ko naman kung ano talaga ang pakay niya sa akin. Pagpasok ko sa ballroom ng Prime Suite Hotel, sinalubong ako ng nakakasilaw na liwanag mula sa malalaking chandelier. Maingay ang paligid—halo-halong tawanan, mahihinang bulungan, at marangyang musikang nagmumula sa live orchestra sa gitna ng silid. Hindi ito isang simpleng party. Isa itong corporate engagement event kung saan opisyal na iaanunsiyo ang partnership ng Villa Group at Valentino Corporation. Kahit alam kong ang mga ari-arian at negosyo ng Villa ang tunay niyang habol, nagpunta pa rin ako. Hindi dahil tanga ako, kundi dahil kung hindi ako dadalo sa sarili kong event, mas lalakas ang mga espe

Más capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status