CARA'S POVPagdating namin sa Valentino Mansion, bumungad agad sa amin ang nagkikislapang mga ilaw at engrandeng dekorasyong tila sumasayaw sa ilalim ng liwanag ng gabi. Halos lahat ng kilalang negosyante at maimpluwensiyang pamilya sa bansa ay naroon para sa engagement party namin ni Luis Valentino. Isa siya sa mga tagapagmana ng Valentino Corporation, isang kumpanyang may hawak sa iba't ibang industriya sa bansa.Humigpit ang hawak ni Mommy sa aking braso habang magkasabay kaming humahakbang papasok. Ramdam ko ang bahagyang panginginig ng kanyang mga daliri, ngunit mas matindi ang kaba sa aking dibdib.“You look beautiful, anak,” malambing niyang bulong, marahil ay sinusubukang pagaanin ang aking loob.Tipid akong ngumiti. Nakasuot ako ng puting silk gown na personal pang ipinagawa ni Luis para sa gabing ito. Eleganteng tingnan, mamahalin, at perpekto para sa isang gabing inaasahang magiging espesyal sa aming dalawa.Hindi ko naman talaga gustong magmadali sa pagpapakasal, pero unti
Dernière mise à jour : 2026-11-02 Read More