
My Fake Mechanic Is My Son's Billionaire Dad
"She hid his child. He hid his billions. But little Cupid will bring them together.”
Nagpanggap na isang mahirap na mekaniko ang bilyonaryong si Nicholas King para makahanap ng tunay na pag-ibig, at nahanap niya ito kay Celine Dela Cruz. Ngunit matapos ang isang mapusok na gabi, biglang naglaho si Nicholas nang walang paalam upang protektahan si Celine mula sa isang banta sa kanyang buhay. Ang hindi niya alam, nabuntis niya si Celine.
Pitong taon ang lumipas, matagumpay na CEO ng isang Event Planning Company si Celine. Muli silang nagtagpo sa isang engrandeng ball ng King Enterprise, at doon lang nalaman ni Celine na ang "mahirap na mekaniko" na nang-iwan sa kanya ay ang pinakamayamang bilyonaryo pala sa bansa.
Upang itago ang katotohanan, nagsinungaling si Celine na ang anim na taong gulang na anak niyang si Axel ay anak niya sa ibang lalaki. Dahil kamukha ng ina ang bata, naniwala naman si Nicholas.
Ngunit dahil kay Little Cupid na si Axel, naging kliyente ni Celine si Nicholas. Walang kamalay-malay ang henyo at pilyong si Axel na si Nicholas ang kanyang tunay na ama, pero ito agad ang pinili niyang maging "perfect match" para sa kanyang Mommy. Gamit ang kanyang talino, palihim na mag-iimbento si Axel ng mga fake dates at accidental meetings para paglapitin ang dalawa.
Kaya ba ni Celine na panindigan ang kanyang lihim kung ang sarili niyang anak ang tumutulong para mapalapit muli sila ni Nicholas?
Ano ang gagawin ni Nicholas kapag nalaman niyang ang batang "Little Cupid" sa kanila ay ang sarili niya palang anak?
قراءة
Chapter: Chapter 24Celine's POV Ang umaga ay bumungad sa akin na may kakaibang bigat sa dibdib. Hindi ito 'yung pagod na dulot ng overtime kagabi; ito ay ang bigat ng pag-aalinlangan. Nakatitig lang ako sa labas ng bintana habang hinihintay na magising si Axel para sa school. Ang mga salita ni Nicholas kagabi—ang kanyang pangako na hindi na siya aalis—ay patuloy na naglalaro sa isip ko. Hinding-hindi na kita sasaktan. Napakadaling sabihin ng mga salitang 'yan. Pero sa loob ng anim na taon, natutunan ko na ang mga pangako ay parang kristal; madaling mabasag kung hindi mo ito hahawakan nang maingat. Paghatid ko kay Axel sa school, sinalubong ako ng isang text message mula kay Nicholas. “Good morning. Pick you up at 7 PM for dinner? Gusto ko lang sabihin na kahit anong mangyari, I’m here. Just for you and Axel.” Napangiti ako nang hindi ko sinasadya. Masyado siyang persistent. Masyado siya parang... Nico. Ang lalaking dati ay hindi marunong mag-antay, ngayon ay handa nang maging pasensyoso para
آخر تحديث: 2026-06-11
Chapter: Chapter 23Celine's POV Ang opisina ay nababalot ng katahimikan, tanging ang ugong lang ng aircon at ang mahinang tunog ng keyboard ang naririnig. Alas-syete na ng gabi. Ang mga empleyado ay kanina pa umuwi, naiwan na lang kami ni Nicholas sa loob ng conference room para tapusin ang preparasyon para sa susunod na malaking event ng kumpanya. Nakapatong sa mesa ang mga dokumento, mga layout ng venue, at mga listahan ng bisita. Sa gitna ng lahat ng ito, naroon si Nicholas. Hindi na siya ang CEO na nakasuot ng mamahaling suit; nakatupi ang sleeves ng kanyang polo hanggang siko, at ang kanyang buhok ay medyo gusot na—isang senyales na pagod na rin siya, pero hindi sumusuko. "Celine, tingnan mo ang slide na 'to. Sa tingin mo ba masyadong formal ang font?" tanong niya, sabay lapit sa akin. Naramdaman ko ang presensya niya. Masyadong malapit. Amoy kape at ang pamilyar niyang pabango na hanggang ngayon ay nagpapabilis pa rin ng tibok ng puso ko. Pilit akong umiwas ng tingin at tumuon sa screen
آخر تحديث: 2026-06-11
Chapter: Chapter 22Nicholas POVKinabukasan, maaga akong nagising. Mas maaga pa sa alarm ko. Siguro dahil sa naganap kagabi—ang hapunan namin ni Celine na nauwi sa hindi-maipaliwanag na tensyon at kaba.Habang nagtitimpla ako ng kape sa aking penthouse, tumunog ang phone ko. Isang video call mula kay Axel."Mr. King! Good morning!" bungad ng bata. Nakasuot siya ng pajama na may prints ng mga dinosaur."Good morning, Axel. Bakit napatawag ka nang maaga?" tanong ko, sinubukang itago ang excitement sa boses ko."Mommy is still sleeping. Pero Mr. King, Sasabihin ko na next step na gagawin mo po!" bulong niya na parang may malaking krimen na magaganap."Next Step?"" I-kidnap mo na si Mommy mamaya! Dalhin mo siya sa ice cream shop!"Natawa ako nang malakas, halos maibuga ko ang kape ko. "Kidnap? Axel, labag sa batas 'yun. Baka makulong ako, hindi na kita makikita.""Hindi 'yan!" sabi ni Axel habang humahagikgik. "Sabihin mo lang, 'Emergency! May kailangan akong ipakita sa'yo!' Tapos 'pag nasa loob na
آخر تحديث: 2026-06-08
Chapter: CHAPTER 21Celine's POVNakaharap ako sa salamin, pabalik-balik ang tingin sa dalawang damit na nakalatag sa kama ko. Isang simpleng floral dress o ‘yung black blouse na mas formal? Celine, ano bang ginagawa mo? pagalit ko sa sarili ko. Sabi ko sa kanya, pag-iisipan ko. Pero heto ako, nagdedesisyon kung ano ang isusuot para sa hapunan na hindi ko naman dapat tinanggap.Bakit ba kasi hindi ako nakatanggi nang maayos?"Mommy, ang ganda mo!"Napalingon ako kay Axel na nakatayo sa may pintuan, may hawak na libro. "Sa tingin mo, anak? Hindi ba masyadong... pilit?""Hindi po! Bagay kayo ni Mr. King. Para kayong nasa pelikula," nakangiting sabi niya.Napabuntong-hininga ako. Kahit ang anak ko ay kampi sa kanya. Sa huli, pinili ko ang floral dress. Gusto ko lang maging komportable, at ayokong isipin ni Nicholas na pinaghandaan ko siya nang sobra. Kahit ang totoo, tatlong beses akong nag-retouch ng lipstick.Sakto sa alas-siyete, tumunog ang doorbell. Ang bawat kalansing nito ay parang batingaw sa
آخر تحديث: 2026-06-05
Chapter: CHAPTER 20Nicholas POVBiyernes ng hapon. Nakaupo ako sa loob ng opisina ko, tinititigan ang mga papeles na hindi ko naman binabasa. Ang isip ko ay nasa kung saan-saang lugar—partikular na sa bahay ni Celine. Pagkatapos ng weekend sa lakeside, parang may kung anong invisible na tali ang humihila sa akin palapit sa kanila. Hindi na sapat ang makita sila paminsan-minsan; gusto ko, araw-araw."Sir, may meeting po tayo sa—""Cancel it," putol ko sa sekretarya ko nang hindi man lang lumingon."Sir, important client—""Cancel everything for the rest of the day," sabi ko, sabay tayo at kinuha ang coat ko. "I have an emergency."Ang "emergency" na tinutukoy ko? Kailangan ko ng dahilan para makita si Celine. Sa loob ng ilang araw na hindi ko sila nakita, parang may kulang sa sistema ko. Parang kape na walang asukal, o kotse na walang gasolina.Pagdating ko sa tapat ng bahay nila, sakto namang lumabas si Celine. Nakasuot siya ng simpleng dress, mukhang papunta sa grocery. Nang makita niya ang kots
آخر تحديث: 2026-06-05
Chapter: CHAPTER 19Nicholas POVPagkatapos ng gabing iyon, hindi ako nakatulog nang maayos. Next move? Kailangan ng mas mahabang oras. Kailangan ng lugar na hindi siya pwedeng tumalikod agad at magkulong sa kwarto. Kailangan ko sila sa isang lugar kung saan ang tanging distraction ay kaming tatlo lang.Kinabukasan, maaga akong nag-abang sa labas ng bahay nila. Nakita ko silang dalawa ni Axel na palabas para pumasok sa trabaho at eskwela. Pagkakita sa akin, agad na bumakas ang inis sa mukha ni Celine, pero si Axel? Halos tumalon siya sa tuwa."Mr. King! Anong ginagawa mo rito?" tanong ng bata.Ngumiti ako at nilapitan sila. "Good morning. May naisip kasi akong plano para sa weekend. Simple lang. Picnic sa lakeside resort sa labas ng lungsod. Fresh air, magandang view, at ang pinakaimportante—walang office, walang stress. Kayo lang ang kasama ko."Tumingin ako kay Celine. Ang kanyang mga mata ay pilit na nanlalamig, pero ramdam ko ang pag-aalinlangan sa kanyang tindig. "Please, Celine. Isang weekend
آخر تحديث: 2026-06-05
Chapter: Chapter one hundred eighty sevenAlthea Hindi ako agad nakatulog. Kahit maayos ang kuwarto, kahit malamig ang aircon, kahit tahimik ang buong bahay—gising pa rin ang isip ko. Tahimik lang akong nakaupo sa gilid ng kama habang pinapanood si Ramil na mahimbing na natutulog sa tabi ko. Ang payapa niya. Parang wala siyang alam sa lahat ng gulo sa mundo. Napahawak ako sa dibdib ko. James. Nasa kabilang kwarto siya. At kahit hindi ko siya nakikita ngayon, ramdam ko pa rin siya. Parang kahit ilang buwan o taon pa ang lumipas, hindi pa rin humuhupa yung epekto niya sa’kin. Biglang bumukas ang pinto. Napalingon ako agad. Si James. Naka-simpleng t-shirt lang, magulo pa ang buhok, parang kagagaling lang din sa pagtingin kay Ramil kanina. “Hindi ka pa natutulog?” mahina niyang tanong. Umiling ako. “Hindi pa.” Lumapit siya nang dahan-dahan. Hindi siya agad umupo, parang nag-aalinlangan pa kung pwede ba. Itinuro niya yung gilid ng kama. “Can I sit?” Tumango ako. Umupo siya sa tabi ko. Tahimik
آخر تحديث: 2026-05-24
Chapter: Chapter one hundred eighty sixAltheaTahimik lang ako habang nakaupo sa backseat ng sasakyan.Si Ramil, nakasandal sa bintana, inaantok na pero pilit pa ring gising. Si James naman, nasa unahan, parehong kamay sa manibela, diretso lang ang tingin sa kalsada.Pilipinas.Nandito na ulit kami.Pero hindi na ito yung Pilipinas na iniwan ko noon.At hindi na rin ako yung parehong Althea.Napahigpit ang hawak ko kay Ramil habang pinagmamasdan ko yung mga ilaw sa labas. Familiar ang mga kalsada, ang mga gusali, ang mga signage. Pero parang hindi na ako belong dito.Parang visitor na lang ako sa sariling bansa.Hanggang sa napansin ko.Ibang ruta.Napakunot noo ako.“James…” mahinang tawag ko.Hindi siya agad sumagot. Pero nakita ko sa rearview mirror na sumulyap siya sa’kin, parang alam niyang may tanong na ako.“Bakit parang iba ‘to?” ulit ko, mas malinaw na ngayon.Tahimik siya sandali.Then, bahagyang ngumiti.“Hindi tayo dadaan sa condo.”Natigilan ako.“Ha?”Dahan-dahan akong umayos ng upo.“James, condo mo tayo tut
آخر تحديث: 2026-05-24
Chapter: Chapter one hundred eighty fiveAltheaMaaga pa lang, gising na ako. Tahimik na umaga na alam mong may magbabago na naman sa susunod na oras.Nakatayo ako sa harap ng bintana habang pinagmamasdan si Ramil na naglalaro sa sala kasama si James. Tumatawa siya, malakas at natural. Napahigpit yung hawak ko sa mug ko.Pilipinas. Uuwi na kami.James, ako, at si Ramil. After everything, babalik kami sa simula.Hindi ko alam kung tama ba. Hindi ko alam kung handa na ba ako. Pero nandito na kami. Wala nang atrasan.“Althea.”Napalingon ako. Si James, nakatayo sa may pinto ng kitchen. Nakatitig lang siya sa’kin, parang binabasa kung anong tumatakbo sa isip ko.“Ready ka na?” tanong niya.Napahinga ako nang malalim. “Oo.”Tahimik siya sandali. Then marahan siyang tumango rin. “Okay.”Sa sala, biglang tumili si Ramil.“Mommy! Daddy! Look!”Tumakbo siya papunta sa’min na may hawak na maliit na backpack na halos mas malaki pa sa kanya. “Ready na ako!”Ngumiti ako nang mahina. “Ang bilis mo naman.”“Para airplane!” sagot niya hab
آخر تحديث: 2026-05-24
Chapter: Chapter one hundred eighty fourAltheaTahimik.Iyon yung unang napansin ko pagkagising ko kinaumagahan.Hindi yung tahimik na nakakarelax, kundi yung klase ng katahimikan na parang may mga bagay kang kailangang harapin pero hindi mo pa kayang simulan.Dahan-dahan akong bumangon mula sa kama habang hinahaplos yung ulo ko. Pagod pa rin ako—hindi lang sa katawan, kundi pati sa isip at damdamin.May mga araw na kahit wala kang ginagawa, pakiramdam mo pagod ka pa rin.Ito yung ganoong araw.Bigla kong narinig yung maliliit na tawa mula sa baba.Natigilan ako.At kahit hindi ko pa nakikita, alam ko na agad kung sino.Ramil.At si James.Napahigpit agad yung hawak ko sa kumot.Tatlong araw na din kami dito sa Canada. Tatlong araw na simula nang ipakilala ko si James sa anak namin. Tatlong araw na parang pilit kong inaayos yung mundo na matagal kong tinakbuhan.At hanggang ngayon, hindi pa rin ako sanay.Dahan-dahan akong bumaba ng hagdan.Habang papalapit ako sa sala, mas lumalakas yung boses nila.Hanggang sa tuluyan k
آخر تحديث: 2026-05-23
Chapter: Chapter one hundred eighty threeJames Tahimik lang yung buong sala.Pero kahit walang nagsasalita, pakiramdam ko sobrang ingay ng tibok ng puso ko.Nasa harap ko si Ramil habang mahigpit pa rin siyang nakakapit sa leeg ko. Maliit lang yung katawan niya pero parang sapat na iyon para tuluyang durugin lahat ng natitirang pader sa loob ko.My son.Fuck.Hanggang ngayon hirap pa rin akong paniwalaan.Dahan-dahan kong hinaplos yung likod niya habang pilit kinokontrol yung emosyon ko.Pero imposible.Hindi ko yata kayang kontrolin kahit ano ngayong nandito siya sa mga braso ko.“Daddy.”Mahina lang.Pero parang direktang tumama sa puso ko.Napapikit ako sandali.“Yeah, buddy?”Umangat nang bahagya yung ulo niya para tingnan ako.“You big.”Bigla akong natawa habang pinupunasan yung gilid ng mata ko.“Talaga?”Mabilis siyang tumango.“Very big.”Napatawa rin si Althea mula sa couch habang pinupunasan yung luha niya.“At least honest siya.”Napalingon ako agad sa kanya.At doon ako sandaling natulala.God.Ilang buwan ko s
آخر تحديث: 2026-05-22
Chapter: Chapter one hundred eighty twoAltheaTahimik lang yung buong sala.Pero kahit walang nagsasalita—parang ang lakas pa rin ng tibok ng puso ko.Nakatayo lang si James ilang hakbang mula sa’min habang nakatitig kay Ramil.At si Ramil naman—nakatitig din sa kanya.Curious.Tahimik.Parang iniintindi kung sino yung lalaking nasa harap niya.“Daddy?”Mahina pero malinaw.At sa isang salitang iyon—parang tuluyang nabasag si James.Kitang-kita ko kung paano agad namula yung mata niya habang pilit pinipigilan yung emosyon.“Yeah, buddy…” basag niyang sagot. “I’m your Daddy.”Biglang nagtago si Ramil sa leeg ko.Hindi sa takot.Parang nahihiya lang.Napangiti ako nang mahina habang hinahaplos yung likod niya.“It’s okay, baby,” bulong ko. “Remember what Mommy told you?”Mabagal siyang umangat mula sa balikat ko bago muling tumingin kay James.Tahimik ulit.Then maya-maya—“Coffee?”Napakurap si James.“What?”Napatawa ako agad.Oh my God.Napatingin agad si James sa’kin habang halatang confused.Hindi ko tuloy napigilang
آخر تحديث: 2026-05-22
Chapter: CHAPTER 117Ang katahimikan ng madaling araw sa Bonifacio Global City ay naging pansamantalang kalasag nina Arah at Leo mula sa nagbabadyang unos. Sa loob ng marangyang condominium unit, tanging ang mahinang ugong ng aircon at ang marahang paghinga ng natutulog na bata ang naririnig. Pumasok si Julian mula sa balkonahe matapos ang kaniyang lihim na pakikipag-usap sa kaniyang Boss. Natagpuan niya si Arah na nakatayo malapit sa p***o ng silid ni Leo, nakasandal sa pader habang matatag na nakakapit sa kaniyang ibabang tiyan. Bakas pa rin ang pamumutla sa mukha nito, ngunit ang kaniyang mga mata ay gising na gising—puno ng determinasyong hindi kayang patayin ng pisikal na sakit. "Arah, bakit hindi ka pa nagpapahinga?" mahinang tanong ni Julian upang hindi magising ang bata. "Kailangan mo ng lakas. Ilang oras na lang at sasapit na ang umaga. Nakalapag na ang eroplano ni Edison sa Maynila." Humarap sa kaniya si Arah, isang tipid at malamig na ngiti ang sumilay sa kaniyang mga labi. "Paano ako maka
آخر تحديث: 2026-07-28
Chapter: CHAPTER 116Binalot ng nakatutuling ingay ng mga alon ang dalampasigan ng Palawan, ngunit para kay Edison, ang tanging naririnig niya ay ang paulit-ulit na boses ni Teresa sa kaniyang isip. Kinuha niya si Leo. Wala na ang bata.Ang buhangin na nakasapo sa kaniyang mga palad ay tila naging kasing bigat ng semento. Ang gabi na binalot ng dilim ay lalong nagpadilim sa kaniyang mundo. Lahat ng pagod, ang puyat, ang milyong-milyong pisong ginastos niya para sa mga imbestigador, at ang pagmamadali niyang marating ang islang ito ay naging isang malaking biroi. Habang hinahabol niya para makita si Arah sa Palawan, ang totoong ay nasa kaniyang sariling mansyon sa Maynila si Arah—kinukuha ang kanilang anak."Sir Edison!"Mabilis na lumapit si Gabriel at hinawakan ang siko ni Edison upang alalayan itong tumayo. Ang imbestigador ay bakas din ang gulat sa mukha matapos marinig ang bahagi ng sigaw ng kaniyang amo sa telepono. "Sir, anong nangyari? Kailangan nating kumilos."Dahan-dahang itinaas ni Edison
آخر تحديث: 2026-07-07
Chapter: CHAPTER 115Hindi na napigilan ni Leo ang kaniyang sarili. Binitawan ng bata ang hawak nitong laruan at mabilis na tumakbo patungo sa kinaroroonan ni Arah. Ang kaniyang maliliit na bisig ay mahigpit na pumalupot sa baywang ng kaniyang ina, habang ang mga luha na matagal nitong kinimkim ay tuluyan nang umagos.Napasandal si Arah sa gilid ng pinto. Ang biglaang pagbangga ni Leo sa kaniyang katawan ay nagdulot ng matinding kuryente ng sakit sa kaniyang ibabang tiyan—isang paalala na ang tahi mula sa kaniyang emergency Cesarian section ay sariwa pa at hindi pa tuluyang naghihilom. Napakagat-labi si Arah, pinalipas ang ilang segundong hininga upang hindi mabuwal, ngunit mas nanaig ang kaniyang pagiging ina. Lumuhod siya, maingat na iniwasan ang kaniyang sugat, at niyakap nang napakahigpit ang kaniyang anak."Mommy... Sabi ni Daddy hahanapin ka niya... Sabi niya babalik ka," hikbi ng bata, isinusubsob ang mukha sa balikat ni Arah. "Huwag mo na po akong iiwan, Mommy. Natatakot po ako rito mag-isa."
آخر تحديث: 2026-07-07
Chapter: CHAPTER 114Habang ang pribadong eroplano ni Edison Monteverde ay bumabasag sa makakapal na ulap patungong Palawan, isang pampasaherong flight naman ang pabalik ng Maynila. Sa loob ng eroplanong iyon, magkatabing nakaupo sina Arah at Julian.Nakatitig si Arah sa bintana, pinapanood ang unti-unting pagliit ng mga isla ng Palawan kung saan naiwan ang pinakamalaking pighati ng kaniyang buhay—ang kaniyang pumanaw na sanggol. Ang kaniyang mukha ay blangko, walang kahit anong emosyon, ngunit sa kaibuturan ng kaniyang puso ay may naglalagablab na apoy. Isang linggo matapos ang kaniyang emergency Cesarian section at pagkakakoma, pinilit niyang magpalakas. Hindi para sa sarili, kundi para sa nag-iisang dahilan kung bakit nananatili pa siyang humihinga sa mundong ito: si Leo."Sigurado ka na ba sa desisyon mo, Arah?" mahinang tanong ni Julian, binabasag ang katahimikan sa pagitan nila. "Masyado pang maaga. Sariwa pa ang tahi mo, at ayon sa huling ulat ng mga tauhan ko, mahigpit pa rin ang seguridad sa pa
آخر تحديث: 2026-07-07
Chapter: CHAPTER 113Ang pribadong silid sa ospital sa Palawan ay muling binalot ng isang nakabibinging katahimikan matapos mailabas ni Julian ang mga dokumento ng kamatayan ng sanggol. Si Arah ay nanatiling nakaupo sa gilid ng kaniyang kama, ang kaniyang mga mata ay nakatitig sa kawalan. Wala nang luhang lumalabas sa kaniyang mga mata, dahil tila natuyo na ang lahat ng balon ng emosyon sa kaniyang katawan matapos ang isang linggong pagkakakoma. Ang hapdi ng tahi sa kaniyang ibabang tiyan mula sa emergency Cesarian section ay hindi man lang niya pinapansin; mas matindi ang hapdi ng kawalan na nararamdaman niya sa kaniyang sinapupunan at sa kaniyang puso." Arah," basag ni Julian sa katahimikan, habang maingat na inilalapit ang isang basong tubig. "Kailangan mo nang uminom. Sabi ng doktor, masyado pang mahina ang katawan mo . Kung hindi ka pa magpapalakas, baka bumuka ang mga tahi mo at magkaroon muli ng komplikasyon."Dahan-dahang binalingan ni Arah si Julian. Ang kaniyang tingin ay napakalamig—isang t
آخر تحديث: 2026-07-07
Chapter: CHAPTER 112Wala pa sa kaniyang kabuwanan si Arah, ngunit ang matinding stress, ang gabi-gabing pag-iyak dahil sa pangungulila kay Leo, at ang takot sa kaniyang nakaraan ay nagbunga ng maagang pag-labor. Ang kaniyang tiyan ay naninigas, at ang bawat hininga niya ay parang hinuhugot mula sa kaniyang lalamunan."Arah! Huminga ka nang malalim, parating na ang ambulansya!" Ang boses na iyon ay mula kay Julian."Julian... ang anak ko... masakit... hindi ko kaya..." umiiyak na pagsusumamo ni Arah habang nakakapit nang mahigpit sa braso nito. Ang kaniyang mga binti ay binalot na ng malamig na pawis, at ang dugo ay nagsimula nang dumaloy, isang senyales na nanganganib ang kaniyang dinadala.Nang makarating sila sa pinakamalapit na pribadong ospital sa lungsod, mabilis na isinugod si Arah sa Emergency Room. Ang mga doktor ay nagkakagulo. Ang kaniyang vital signs ay mabilis na bumababa, at ang tibok ng puso ng sanggol sa loob ng kaniyang sinapupunan ay unti-unti nang humihina."Kailangan natin siyang
آخر تحديث: 2026-07-06