Avajell Marasigan
“This is your last day as my secretary, Ava.” seryosong sabi ni Sir Thomas sa akin at pagkatapos ay nagbaba na ito ng tingin at doon binaling sa binigay kong documents na kailangan nitong pirmahan.
Narito ako ngayon sa office ng CEO ng Wilson Holdings Inc. Isa sa pinakamayaman na kumpanya sa Pilipinas na pag-aari ng isa sa pinakamayamang angkan— ang mga Wilson.
Ang saya-saya kong pumasok dito sa opisina ni Mr. Thomas Wilson, ang kasalukuyang CEO kung saan ako nagsisilbi bilang secretary nito. Pero sa isang iglap ay nawala ang nakapintang ngiti sa mukha ko nang marinig ko ang sinabi ni Sir Thom— na last day ko na raw.
Natigilan ako at hindi nag-sink in sa utak ko ang narinig. Malinaw naman ang pagkakasabi ng amo ko.
Last day?
Pero bakit?
“S-sir?” usal ko.
Hindi ko alam kung naisatinig ko ba ang lumabas sa bibig ko. Pero oo, dahil nag-angat ng tingin ang matanda sa akin.
“I said, this is your last day as my secretary.” Muling sabi ni Sir Thomas. Ngayon ay mas malinaw ang pagkabigkas ng matanda. Mas malakas.
Mas lalo akong natigilan. Parang may batong dumagan agad sa dibdib ko dahilan para bumigat ‘yon. Parang nasu-suffocate ako na hindi ko maintindihan.
All of a sudden ay ito ang maririnig ko? Ang biglaan naman at wala akong idea kung ano ang dahilan.
Sa isang taon na pagtatrabaho ko sa company ni Sir Thomas Wilson ay masasabi kong binigay ko ang 100 percent best ko. Halos puro papuri nga ang naririnig ko sa matandang amo.
Hindi naman sa pagbubuhat ng sariling bangko ay alam kong naging masipag akong secretary ni Mr. Thomas Wilson. Pati personal na pangangailangan nito ay halos ako na ang nagtatrabaho. Wala akong nakikitang reason para bigla akong tanggalin sa trabaho.
“P-pero bakit po, Sir? M-may nagawa po ba akong mali?” Nauutal na tanong ko.
“Don’t be nervous, Ava… You are doing great. I’m just leaving the position as a CEO of this company… Magpapalit ka lang ng amo. Simula bukas ay hindi na ako ang magiging boss mo.” Nakangising sabi ni Sir Thomas. Halatang ginu-goodtime lang ako.
Naghalo ang pakiramdam ko bigla. Mula sa labis na kaba at takot dahil sa narinig ko kay Sir Thomas ay ngayon ay na-relieve ako na hindi naman pala ako tanggal sa trabaho. Pero kasabay no’n ay nalungkot ako dahil napakabait na amo ni Sir Thomas. Hindi lang dahil sa malaking pasahod at bonus na binibigay nito sa akin. Kung hindi dahil na rin sa pakikitungo nito sa akin at sa lahat ng empleyado dito sa Wilson Holdings Inc.
Sa isang taon na pagta-trabaho ko bilang secretary nito ay naging maayos ang trabaho dahil na rin sa matanda. He’s very professional. Bagay na hinahangaan ko. Kahit na napakayaman nito ay down-to-earth din.
Kaya nga ang plano kong kumuha ng kahit na 6 months na experience sa trabaho ay mas na-extend pa dahil sa maganda na ang benefits ng kumpanya at mabait na amo. Pati mga kasamahan ko sa trabaho ay magaan kasama.
Sobrang swerte ko na natanggap sa kumpanya na ‘to bilang secretary ng CEO. Pagka-graduate ko ng kursong business administration ay ilang buwan pa ako bago nagsimulang magtrabaho. Sa admin department ako nag-apply pero sakto na biglaang nag-resign ang secretary ni Sir Thomas at ako na lang ang nilagay sa posisyon.
Ang gusto ko talaga ay magtayo ng sariling negosyo. Meron ang pamilya ko na pag-aaring commercial building at sa ngayon ay may mga tenant kaming nagre-rent doon. Gusto ko sanang gawing simula ‘yon para magkaroon ng sariling opisina at mag-isip nang business na magpapayaman sa akin.
Gusto kong maging mayaman para hindi ko na maranasan ang pang-aapi sa akin at sa pamilya ko ng mayayaman. At ang pang-aapi na ‘yon ay naranasan ko mismo sa pamilya ng ex-boyfriend ko na si Warren Madrid. Isa sa college memories ko na ayoko nang balikan pa. Sobrang kahihiyan ang dinulot sa akin ng pamilya ng ex ko at inalipusta ako at pati na rin ang parents ko ay nadamay.
Kung tutuusin ay hindi naman kami sadlak sa kahirapan at maykaya naman. Pero dahil multibillionaire ang naging first boyfriend ko ay hampas lupa ang tingin sa akin ng pamilya nito.
Kulang dalawang taon na rin ang nakakaraan ng magkahiwalay kami ni Warren at coincidence pa na dito ako natanggap ng trabaho sa numero unong kalaban na kumpanya ng pamilya ng ex-boyfriend ko, Ang Wilson Holdings Inc.
“Ava!?” Napasinghap ako sa malakas na tinig ni Sir Thomas.
“Are you with me?” Tanong ng matanda.
“Uhm, y-yes, Sir. Pasensya na po. Kayo po kasi, pinapakaba niyo ako.” Natatawang sabi ko na lang sa matanda.
“Tsk. Pinagti-tripan lang kita, hija. Imposibleng tanggalin kita,… You’re one of the asset of the company. An employee like you is hard to find. Parang nagtampo lang ako sa palay kapag hinayaan kita na mawala sa kumpanya.” sambit ni Sir Thomas
Napangiti naman ako ng matamis sa sinabi ni Sir Thomas. Pumapalakpak din ang tainga ko sa papuri nito. Syempre, as an employee ay masarap naman talagang marinig ang mga gano’n salita mula sa boss. Nakaka-boost lang ng self-esteem at mas nagiging productive ako.
Binaling na muli ni Sir Thomas ang tingin doon sa pinipirmahan nitong documents.
“Pero, Sir Thom, pwede ko na po bang malaman kung sino ang papalit sa posisyon niyo?” Sumeryosong tanong ko naman.
Muling nag-angat ng tingin si Sir Thomas sa akin at ngumiti.
“My eldest son, Tristan.” sagot nito.
Napa-awang ang labi ko. Agad na binundol ng kaba ang dibdib ko.
“Oh, Lord! No! Sana nagkamali ako nang dinig, please!”
“T-tristan?” muling tanong ko para i-confirm ang narinig.
“Yes. You heard it right, Ava… Si Tristan nga… Sa ngayon ay ikaw muna ang makakaalam ng changes ng management. I’ll do the announcement tomorrow.”
Pero parang hindi ko na inintindi pa ang mga sinabi ni Sir Thomas.
Kung minamalas ka nga naman. Bakit sa dinami dami ng tao sa mundo ay ang Tristan Hayes Wilson pa na ‘yon!?
Thank you so much for adding this to your library. Gaya po ng sinabi ko ay ito po munang story ni Tristan& Avajell ang priority ko since kasali po ito sa c0ntest ni GN.Sana po support niyo po ito para makahabol po ako sa required reads sa October. Late na po ito para sa contest pero sana ay palarin. Start na po ako ng updates dito pero sisingit na lang ako ng updates kay Nathaniel at Alwina lalo na at minsan ay magana naman akong magsulat. Silip silipin niyo na lang po ang update at hindi na ako mag-aannounce sa epbi ko everytime may update. Hindi ko kasi sure kung nagno-notif eh.Again, maraming maraming salamat po uli lalo na sa mga solid readers ko na sinundan ako dito. Pagka-post ko pa lang ng story ni Nathaniel ay may nag-follow at nagbasa na no'n. May gifts na rin. Super grateful po ako sa inyo. Hindi ko na po kayo ma-isa isa at alam niyo kung sino kayo. I love you, guys... mwahhh.
Avajell Marasigan“Sh*t!” Mahinang mura ko nang makalabas ako ng grab taxi at nagmamadaling pumasok sa pag-aaring building ng mga Wilson kung saan ako nag-oopisina.“Good morning, Ma’am Ganda!” Masayang bati sa akin ng guard na nginitian ko.Nasanay na lang ako sa tawag ni Kuya sa akin. Actually, halos ang mga guard na nagdu-duty dito sa building ay gano’n ang tawag sa akin. Mababait naman sila at hindi ko sinusungitan at parang anak na rin ang tingin sa akin.“Morning, Kuya!” sagot ko.Pagkapasok ng building ay agad akong nag-time in at dumeretso sa 10th floor kung nasaan ang table ko at CEO office. Naroon din sa floor na ‘yon ang admin department. Kaya nga halos lahat ng nasa admin department ay ka-close ko dahil sila ang pinaka-malapit sa akin. Tahimik ang paligid at wala nang tao sa admin department kahit isa nang makarating ako doon.May partition sa gitna ng floor at halos kalahati ay sakop ng CEO sa floor na ito. Sa labas ng CEO office ay doon ang working table ko. Malawak ri
“Ava, gising na!”Naulingan kong malakas na tawag kasabay ng kalampag sa pinto. Nagising na ang diwa ko pero ayaw pa ng mata kong dumilat. Parang feeling ko ay kakapikit ko pa lang.“Ava, anak! Hindi ka ba papasok!?” Muling sigaw mula sa labas ng pinto. Tinig ‘yon ng Mama ko.Bigla akong napabalikwas ng bangon nang marinig ko ‘yonPasok!?“Sh*t!” Malakas na mura ko nang makitang may kaunting liwanag nang pumapasok sa kwarto ko mula sa siwang ng makapal na kurtina doon sa bintana ko.Agad akong kumilos at dumukwang para buksan ang table lamp na nasa side table ko at kinuha ang nakapatong na table clock doon.“My ghaddd!” Sigaw ko nang nakita ko ang oras.6:30 na ng umaga!Ganitong oras ay dapat na naka-alis na ako ng bahay dahil mahigit isang oras ang byahe ko. Nagta-taxi naman kasi ako dahil may taxi allowance akong reimbursable sa kumpanya kaya walang problema at hindi na ako nagpapalipat lipat pa ng byahe at hindi haggard sa pagpasok. Pero minsan talaga ay kapag minamalas ay nata-tr
Avajell Marasigan“Hoy, Ava… Parang pasan mo naman ang mundo!?”Napaangat ako nang tingin nang marinig ko ang boses ng isa sa admin staff, si Maria.Nakahawak pa naman ako noo ko habang nakapatong ang siko sa table ko kaya hindi ko napansin na may taong paparating. At tama si Maria… pasan ko talaga ang mundo ngayon dahil sa sinabi sa akin ni Sir Thomas.Isa sa mga close ko dito sa kumpanya si Maria at halos kasabay ko ito madalas mula sa agahan hanggang sa uwian. Pareho kasi kami ng way ng inuuwian. Taga-fairview ito at ako ay along Commonwealth Avenue lang naman. Kaya minsan ay sabay na kami ng sinasakyan pauwi kapag hindi ako nag-o-overtime.“Oh, Maria… Bakit?” tanong ko sabay harap sa laptop bigla kong nilagay ang kamay ko sa keyboard at kunwari ay may tina-type.“Oh, ano ngang problema. Bakit parang problemado ka agad?” Tanong ni Maria.“Ha? Wala naman.” Pagsisinungaling ko kahit na gusto kong sabihin na tungkol sa anak ng boss namin ang dahilan kung bakit biglang nakabusangot ang
Avajell Marasigan“This is your last day as my secretary, Ava.” seryosong sabi ni Sir Thomas sa akin at pagkatapos ay nagbaba na ito ng tingin at doon binaling sa binigay kong documents na kailangan nitong pirmahan.Narito ako ngayon sa office ng CEO ng Wilson Holdings Inc. Isa sa pinakamayaman na kumpanya sa Pilipinas na pag-aari ng isa sa pinakamayamang angkan— ang mga Wilson.Ang saya-saya kong pumasok dito sa opisina ni Mr. Thomas Wilson, ang kasalukuyang CEO kung saan ako nagsisilbi bilang secretary nito. Pero sa isang iglap ay nawala ang nakapintang ngiti sa mukha ko nang marinig ko ang sinabi ni Sir Thom— na last day ko na raw.Natigilan ako at hindi nag-sink in sa utak ko ang narinig. Malinaw naman ang pagkakasabi ng amo ko.Last day?Pero bakit?“S-sir?” usal ko.Hindi ko alam kung naisatinig ko ba ang lumabas sa bibig ko. Pero oo, dahil nag-angat ng tingin ang matanda sa akin.“I said, this is your last day as my secretary.” Muling sabi ni Sir Thomas. Ngayon ay mas malinaw a
“Maawa ka na sa akin! Papasukin mo na ko! Gusto ko lang makita ang asawa ko. Please! Kahit sandali lang!” Frustrated na sigaw ko. Ayoko man na lakasan ang boses ko pero hindi ko mapigil ang emosyon ko.Nagbabadya na ang luha sa mata ko habang nasa tapat ng bakal na gate nang ayaw akong papasukin ni Pinky na isa sa kasambahay dito sa mansion ng asawa kong Tristan.“Senyorita Ava naman, este Ava. Hindi na kita tatawaging ‘ma’am at tutal ay pinalayas ka na naman ni Senyorito Tristan at makikipaghiwalay na siya sa’yo, huh?” Pinameywangan ako ni Pinky. “Ang kulit mo naman, eh. Sinabi nang wala dito si Senyorito. Pwede ba umalis ka na!? Dahil mahigpit na mahigpit na bilin sa aming lahat dito ay ‘wag na ‘wag kang papasukin. Ayokong pati ako ay mapalayas dito!”Nabigla ako sa narinig mula sa babae. Napahigpit tuloy ang kapit ko sa rails ng gate. Doon ko binuhos ang hinanakit sa narinig mula kay Pinky. Hindi kayang tanggapin ng tainga ko ang salitang hiwalayan.No! Walang hiwalayan na magagana