LOGINAvajell Marasigan
“Hoy, Ava… Parang pasan mo naman ang mundo!?”
Napaangat ako nang tingin nang marinig ko ang boses ng isa sa admin staff, si Maria.
Nakahawak pa naman ako noo ko habang nakapatong ang siko sa table ko kaya hindi ko napansin na may taong paparating. At tama si Maria… pasan ko talaga ang mundo ngayon dahil sa sinabi sa akin ni Sir Thomas.
Isa sa mga close ko dito sa kumpanya si Maria at halos kasabay ko ito madalas mula sa agahan hanggang sa uwian. Pareho kasi kami ng way ng inuuwian. Taga-fairview ito at ako ay along Commonwealth Avenue lang naman. Kaya minsan ay sabay na kami ng sinasakyan pauwi kapag hindi ako nag-o-overtime.
“Oh, Maria… Bakit?” tanong ko sabay harap sa laptop bigla kong nilagay ang kamay ko sa keyboard at kunwari ay may tina-type.
“Oh, ano ngang problema. Bakit parang problemado ka agad?” Tanong ni Maria.
“Ha? Wala naman.” Pagsisinungaling ko kahit na gusto kong sabihin na tungkol sa anak ng boss namin ang dahilan kung bakit biglang nakabusangot ang mukha ko.
Pero kagaya ng sinabi ni Sir Thomas na ako lang muna ang nakakaalam na magpapalit na ng CEO ang kumpanya ay hindi ko tuloy ma-splook kay Maria ang dahilan kung bakit umaga pa lang ay nasira na ang araw ko.
Alam ni Maria na isa sa pet peeve ko ang damuhong panganay na anak ni Sir Thomas na si Tristan.
Paano ba naman na hindi ko kaiinisan ang ang lalaking ‘yon. Sa madalas na encounter ko sa Tristan na ‘yon ay pagsusungit ang pinapakita nito sa akin. He thinks that I’m seducing his father. Baka iniisip nito na may relasyon kami ng daddy nito.
Bakit naman ang Tristan pa na ‘yon ang magiging boss ko!? Kung pwede lang na i-request na si Travis na lang ang maging boss ko at mas close ko pa ‘yon. Travis is Tristan’s younger brother.
Tatlo ang anak ni Sir Thomas. Ang napaka-gwapo at hot na si Tristan Hayes ang panganay na anak nito. He’s 36 years old and still single. Kaya nga kung kani-kanino nirereto ni Sir Thomas ang anak dahil tila ayaw pa raw nito ng asawa.
Ang pangalawang anak naman ni Sir Thomas ay si Travis Hanes. Masasabi kong naging close ko si Travis kahit medyo maloko pa nga ‘yon. Nang simula ay nagpapalipad hangin pa sa akin si Travis pero dineretsa ko nang sinabi na hindi ako naghahanap ng boyfriend at never akong mag-aasawa ng bilyonaryo. Mabuti na lang ang nagkaroon na ito ng girlfriend at hindi na ako kinukulit. At ngayon ay ka-asaran ko na si Travis.
At ang bunsong anak naman ni Sir Thomas ay si Trish Hailey, He’s 18 years old. Tinatawag pa ako ni Trish na Ate at minsan nga ay nauutusan ako ni Sir Thomas na samahan ko ang anak nito sa malling nito.
Sa totoo lang ay sa dami ng personal na utos sa akin ni Sir Thomas ay naging close ko na talaga ang mga anak nito, except Tristan.
Natatandaan ko pa nga na isang beses ay sinabihan ako ni Tristan na layuan ko raw ang kapatid nitong si Travis dahil mag-ama pa raw ang tinutuhog ko. Tsk!
Kaya ngayon pa lang ay hindi ko na tuloy alam kung paano itatawid ang bawat araw na ito ang magiging boss ko.
Goodluck sa akin!
“May tinatago ka ba sa akin, Avajell?” Biglang tanong naman ni Maria.
Kilala na rin ako ni Maria sa isang taon na katrabaho ko ito. Alam talaga nito kapag may iniisip ako.
Nagbuntong hininga ako. “Hay, Maria… Malalaman niyo rin naman kung ano man ‘yon.” Ang sabi ko na lang.
Napaka-importante sa akin ng salitang trust. At ayokong sirain ang tiwala sa akin ng boss ko at ipagkalat ko pa na magbabago na ang boss naming lahat. Nagkibit balikat na lang si Maria at alam naman nito na wala na itong mahihita sa akin kapag gano’n ang sagutan ko.
Matapos maibigay sa akin ni Maria ang mga documents na for signature ng CEO ay iniwan na rin naman ako nito.
Pinilit ko na lang na mag-concentrate sa trabaho. May scheduled meeting din si Sir Thomas at hindi na naman ako nito sinama kaya tahimik lang ako sa table ko at walang patawag tawag sa akin.
Hindi na rin naman nakabalik si Sir Thomas ng lunch at nagkita raw sila ni Tristan. Mabuti na lang talaga ay hindi na ako sinama at kung hindi ay sira agad ang araw ko.
Hanggang sa dumating na pala ang lunchtime at inaya ako ni Maria sa isang fastfood chain pero tumanggi ako dahil gusto kong tapusin ang report na ginagawa ko.
“Ikaw talaga, paano ka magka-jowa niyan? Napaka-workaholic mo. Ang dami ng nagpapalipad hangin sa’yo. Ang ga-gwapo. Kung sa akin lang may gusto ang mga ‘yo’n ay sinunggaban ko na kahit walang ligaw ligaw.” Natatawang sabi naman ni Maria.
“I’m still young. Marami pang time para magka-jowa.” Ang sabi ko na lang.
Nagkibit balikat na lang si Maria. “Sige ka, sayang ang ganda mo. Baka naman mauwi ka sa matandang hukluban, ha?”
Napapailing naman ako sa sinabi ni Maria. Natatawa akong naiisip nito na papatol ako sa matanda. Siguro dahil fresh pa ang tsismis na nasagap namin sa isa naming katrabaho mula sa accounting department.
May isa kasing staff doon sa accounting department na ka-edad ko lang pero na-spot-an daw na kasama ng isang manager namin sa mall at magka-holding hands. Ang manager na ‘yon ay nasa 35 years old na. Imagine, pumatol ang babae sa lalaking 13 years ang tanda dito.
Well, wala naman sa akin ang gano’n. Ika nga ay age doesn’t matter. Hindi naman ako judgemental sa mga ganoong relasyon. Kami nga ni Warren dati ay langit at lupa na ang agwat at pinagtagpo ng tadhana.
Pero pinangako ko sa sarili kong hindi muna mai-inlove. Ayoko munang mag-boyfriend. At kahit itaga pa sa bato ay nasa plano ko nang magpaligaw muli kapag 25 years old pataas na ako. Ayokong makipagrelasyon muna. At tutuparin ko ‘yon.
Ang bilis ng naging oras. Parang kanina lang ay nasa boutique pa kami ni Sir Tristan at pinipili niya ang dress na isusuot ko. At ngayon na paglipas ng ilang oras ay nandito na ako sa harap ng salamin at nakatayo na. Tapos na akong maligo at mag-blower ng buhok. Ang pastel blue na cocktail dress na pinili ni Sir Tristan ang suot ko ngayon. Hindi ito bastusin tingnan pero sapat para ipakita ang katawan kong lagi kong pilit tinatago sa mga formal wear. Wala akong anomang alahas na suot dahil hindi ko naman expect na may pary akong pupuntahan kaya hindi ako nakapagdala.Hindi ako marunong mag-ayos ng bongga kaya nag-make up ako ng para sa akin ay babagay na sa party. Sa tingin ko naman ay prensentable na ako.Nakakaramdam ako ng kaba at hindi ko mawari kung bakit ko nararamdaman ‘yon. Marami naman na akong party na kagaya nitong napuntahan. Pero si Sir Thomas ang kasama ko no’n. At sa mga party na ‘yon ay ilang beses ko nang nakita si Sir Tristan.Habang nakatingin ako sa repleksyon ko,
Avajell MarasiganTahimik na naman kami pagkatapos ng sinabi niya about sa hotel suite kung saan kami mag-stay. Pero hindi mapigilan ng utak ko na mag-imagine ng kung ano ano. Isang suite lang? Kahit may dalawang bedroom, paano kung magkasalubong kami sa loob? Paano kung…“Miss Marasigan, stop fidgeting!” biglang sabi ni Sir Tristan habang nakatutok pa rin sa kalsada nang nilingon ko.“Sir?”Tinapunan niya ako ng mabilis na tingin.“You’ve been tapping your fingers on your lap for the past five minutes. Nakaka-distract!” Masungit niyang sabi.Napahiya ako. Agad kong inipit ang dalawang kamay ko sa bag ko. Hindi na ako nagsalita at nanahimik na lang.Hindi pa kami nakakalabas ng city ay nag-stop over kami sa isang restaurant at nag-breakfast. Halos hindi ko naman manguya ang kinakain ko. Parang feeling ko na sa bawat subo ko ng kutsara ay nakatitig sa akin ang amo ko. Hindi ako nagfo-focus ng tingin sa kanya.Ilang sandali lang kaming nag-stay sa restaurant at nagpapababa ng konti ng k
Avajell MarasiganLumipas ang maghapon na iyon na puno na badtrip na ako dahil sa sinabi ni Sir Tristan sa akin tungkol sa connivance, office relationships at kung ano-ano pa.Idagdag pa na isasama pa ako sa isang out-of-town. Sana lang ay maging maayos naman ang lagay ko sa susunod na linggo.Pinilit ko pa rin na maging productive. Napansin ko rin ang panay tawag sa akin ni Sir Tristan. Parang nanadya na pagurin ako sa kakabalik balik sa office niya at nagpapakuha ng mga files na sa tingin ko naman ay hindi kailangan.Pagkauwi ko sa bahay ay halos sabog na ako sa pagod. Nagpahinga ako sa kwarto ko bago tawagin ni Mama para kumain na. Matapos kumain ay konting usapan muna kami ng family ko sa sala. Kagaya ng madalas naming ginagawa.Doon na rin ako nagpaalam kay Mama at Papa tungkol sa ilang araw na out-of-town ko kasama ng boss ko.Maaga pa para sa oras ng pagtulog ay nagpaalam na ako na aakyat ng kwarto. Ginawa ko na rin ang night routine ko nang mas maaga para hindi ako tamarin kung
Avajell Marasigan“Ah, Sir Tristan, dito na lang po kayo umupo.” Biglang sabi ni Maria matapos naming magulat. Tinuro niya ang bakanteng upuan sa tabi ni Rosemarie.Pero parang hangin lang si Rosemarie na hindi pinansin ni Sir Trista. Dumeretso siyang umupo sa tabi ko at nilapag ang tray na parang ‘yon talaga ang dapat mangyari.“I’ll sit here,” malamig niyang sabi na hindi man lang nagbigay ng tingin sa iba.Para akong natuyuan ng laway. Ang lapit niya at ramdam ko ang bigat ng presensya niya. Tahimik lang ako at pilit na pinapakalma ang sarili.Sakto namang dumating si Jeric na dala ang tray ng mga order namin. Masigla pa siyang papalapit pero agad siyang natigilan nang makita si Sir Tristan sa tabi ko. Nakita ko ang disappointment sa mata niya. Todo hila pa naman siya ng silya kanina at gusto talaga akong makatabi.“Eto na, guys, mga order natin…” halos mahina ang boses ni Jeric na isa isang inilalapag ang pagkain. “Good afternoon, Sir,” dagdag pa niya na medyo nakayuko.Sir Tristan
Naging busy ang umaga ko. Nagkaroon ng meeting ang mga concerned department para sa bidding. Pinahapyawan na rin ang action plan kapag kami ang nanalo. Naging productive rin ako kahit maya-maya ay panay tawag sa akin ni Sir Tristan. Kahit simpleng instruction lang na pwede naman nitong sabihin over intercom ay gusto pa na pupunta ako sa office niya.Hanggang sa dumating ang tanghalian. Tinanong ko pa si Sir Tristan kung o-orderan ko siya ng lunch pero sinabi niya naman na lunch out siya.Sabay sabay naman kaming bumaba ng ilang officemate ko para mag-lunch sa jollibee malapit sa building.Agad kaming naghanap ng bakanteng mesa.“Dito ka na, Ava…” Biglang sabi naman sa akin ni Jeric na pinaghila pa ako ng upuan. As usual ay gusto nito na nasa tabi ko ito.Taga admin si Jeric at halos kasabayan ko lang din dito sa kumpanya. Nauna lang siya ng isang buwan sa akin na-hire. At hindi naman lingid sa akin na may gusto siya sa akin. Obvious naman kasi sa paraan ng pagtingin nito sa akin. Sa p
“Good morning, Ma’am Ganda!” Masayang bati sa akin ng guard na agad ko rin na binati pabalik.Kararating ko lang dito sa office at sakto lang ang dating ko. May 5 minutes akong allowance pa bago pumatak ang alas otso. Naabutan din kasi ako ng traffic. Ganito talaga kapag Monday at iba ang daloy ng traffic sa kalsada.Magaan ang pakiramdam ko ngayon at energetic na hindi katulad nang nakaraang linggo. Naging sagana ako sa tulog nitong nagdaang dalawang araw na day-off ko. Okay na naman ang Lolo ko na sinugod namin sa ospital. Nakabawi na at ngayon ay sa amin pa rin tumutuloy at ang alam ko nga ay susunduin ngayon ng kapatid ni Papa kaya hindi ko na rin ito madadatnan pauwi.Pagdating ko sa floor namin ay sinalubong agad ako ng pamilyar na tunog ng mga telepono at tipa ng mga keyboard. Maaga rin ang ibang staff. Abala na sa kani-kaniyang mesa. Busy na kasi ang lahat dahil nga sa darating na bidding sa susunod na buwan. At gustong gusto ng Board of directors na ang Wilson Holding Inc. an







