LOGINAvajell Marasigan
“Sh*t!” Mahinang mura ko nang makalabas ako ng grab taxi at nagmamadaling pumasok sa pag-aaring building ng mga Wilson kung saan ako nag-oopisina.
“Good morning, Ma’am Ganda!” Masayang bati sa akin ng guard na nginitian ko.
Nasanay na lang ako sa tawag ni Kuya sa akin. Actually, halos ang mga guard na nagdu-duty dito sa building ay gano’n ang tawag sa akin. Mababait naman sila at hindi ko sinusungitan at parang anak na rin ang tingin sa akin.
“Morning, Kuya!” sagot ko.
Pagkapasok ng building ay agad akong nag-time in at dumeretso sa 10th floor kung nasaan ang table ko at CEO office. Naroon din sa floor na ‘yon ang admin department. Kaya nga halos lahat ng nasa admin department ay ka-close ko dahil sila ang pinaka-malapit sa akin.
Tahimik ang paligid at wala nang tao sa admin department kahit isa nang makarating ako doon.
May partition sa gitna ng floor at halos kalahati ay sakop ng CEO sa floor na ito. Sa labas ng CEO office ay doon ang working table ko. Malawak rin naman ‘yon at meron pa akong pahingahan na couch kapag naka-break ako.
Sa loob naman ng office ni Sir Thomas ay may nakabukod na room kung saan pwede siyang magpahinga at may kama pa doon. Kaya minsan na pagod ang matanda, nahihilo o may nararamdaman ay maginhawa itong nakakapahinga sa secret room nito.
Meron rin na nakabukod na room para sa pantry dito sa 10th floor at exclusive lang para kay Sir Thomas. Pero pinapagamit rin sa akin. Hindi naman ako gumagamit doon kapag narito si Sir Thomas at nahihiya akong sumabay sa matanda ng lunch kapag narito sa office. Kumakain lang ako doon kapag wala si Sir dahil marami naman na fastfood at restaurant na malapit dito sa opisina. Isa pa ay madalas ko ngang kasama ang mga kaibigan ko na nasa admin department at nagla-lunch out kami.
Nilagay ko agad ang bag ko sa upuan ko at nagtungo sa harap ng pinto ng CEO office.
Huminga muna ako nang malalim bago kumatok pero wala akong narinig mula sa loob kaya binuksan ko na ang pinto.
“My gosh!” usal ko at napailing.
Wala sa loob si Sir Thomas. Malamang ay nasa itaas na silang lahat talaga.
Lagot na talaga!
Mabilis ang kilos kong nagpunta muli sa elevator at pinindot ko ang kasunod na floor kung nasaan ang malawak na conference hall ng Wilson Holdings Inc.
Parang hindi ko tuloy magawang ihakbang ang mga paa ko nang makalabas ng elevator. Pagkarating ko sa tapat ng malapad na pinto ng conference hall ay dumagundong na ang dibdib ko sa labis na kaba.
Nauuliningan ko agad ang nagsasalita mula sa loob gamit ang mic. Kapag nagtagal pa ako dito ay baka mas lumala pa ang sitwasyon ko kaya napilitan akong itulak na ang pinto. Agad kong natanaw ang loob ng hall at halos occupied ang lahat ng silya na nasa loob.
Malawak na hall itong conference room at kasya ang 150 mahigit na katao kaya kapag meeting ng buong kumpanya ay ito ang ginagamit na kwarto. Minsan dito din ginaganap ang ibang entertainment event para sa mga empleyado. Maraming employee ang Wilson Holdings Inc at lalagpas kami ng mahigit isang daang empleyado.
Nagdalawang isip pa ako kung tuluyan nang papasok dahil si Sir Thomas pa ang nagsasalita. Mas kinabahan ako. Malayo pa ang distansya mula dito sa pinto hanggang doon sa mini stage kung saan may ilang tao na nakaupo sa mga silya doon. Namukhaan ko agad na matataas na opisyal nitong kumpanya ang naroon.
Napalunok ako dahil alam kong nakuha ko ang atensyon ng mga naroon sa stage. Parang lahat sila doon ay nakatingin sa akin. Pero iniwas ko na lang ang tingin naglakad ako sa gilid. Napapansin ko na lang ang ibang napapatingin sa akin.
Nag-focus ako sa paglakad at mahirap na at matapilok pa ako. Nakasuot kasi ako ng heels at naka-skirt pa kaya hinay hinay sa lakad. Hanggang sa makita ko kung saang row nakaupo si Maria at tinabihan ko ang kaibigan ko. Doon pa sila mismo nakaupo sa pinaka-unang row. Kitang kita na ang mga nasa stage.
“Kaloka ka, girl… Bakit ka late?” Pabulong na tanong nito na sandaling binaling sa akin ang tingin bago binalik doon sa stage.
“Traffic.” sambit ko na lang.
“My gosh! Si Sir Tristan na pala ang bago nating boss… Paniguradong araw araw akong papasok. Sh*t! Sobrang gwapo!” Narinig ko pang kinikilig na sabi ni Maria.
Doon na tuloy ako napatingin sa stage at nanlaki na lang ang mata ko nang nagtama agad ang tingin namin ng lalaking kababanggit lang ni Maria.
Hindi ko maintindihan at parang huminto ang pag-ikot ng mundo sandali. Biglang nawala na rin sa pandinig ko ang boses ni Sir Thomas. Nabingi na kasi ako sa lakas ng tibok ng puso ko.
Ewan ko ba at kapag nakikita ko si Sir Tristan ay kakaiba din ang pintig ng puso ko. Kinakabahan ako na hindi ko maintindihan. Pero sure akong hindi ko naman siya crush kahit saksakan siya ng gwapo. Imposibleng magka-crush ako sa lalaking malaki ang tanda sa akin at sobrang sungit. At higit sa lahat ay sa bilyonaryo. Ayokong mag-asawa ng sobrang yaman.
Siguro ay dahil na rin sa mga encounter ko sa Tristan na ‘to na madalas akong masampolan ng matabil niyang dila. Kaya lagi na lang tuloy akong kinakabahan. Pero kung inaakala niya na iiyakan ko siya sa mga pinagsasabi niya ay nagkakamali siya.
Bigla nang nag-iwas ng tingin si Sir Tristan at doon ko lang nauliningan na binanggit na ni Sir Thomas ang pangalan nito.
Tumayo na si Sir Tristan at lumapit sa daddy nito. Tinapik ni Sir Thomas ang balikat ng anak nito. Nanatili akong nakatingin sa stage. Nilingon pa ako ni Sir Thomas at tumango. Ako naman ay alanganin na ngumiti sa matanda at nahihiya ako. Bigla ay binaling ko ang tingin kay Sir Tristan na nakatingin ng masama sa akin.
“sh*t!”
Mukhang binigyan na naman nito ng meaning ang ginawa kong pagngiti sa daddy nito.
Bigla na lang akong nag-iwas ng tignin. Mukhang mamaya ay mararanasan ko na talaga kung paano maging impyerno ang pagiging officegirl ko.
Nagsimula ng magsalita si Tristan. May dalang kilabot sa akin ang marinig ang boses niya. Pinilit kong hindi siya tingnan. Ramdam ko naman ang mumunting bulungan mula kina Maria.
Sobrang crush kasi ng mga empleyado dito si Tristan pati na rin ang kapatid nitong si Travis. Paano ba naman ay parang gods and goddesses ang Wilson siblings. Parang hindi na rin makatotohanan ang mga itsura nila. Masyadong pinagpala ang mga looks nila. Hindi na rin naman ‘yon nakakataka dahil kahit may edad na si Sir Thomas ay ang gwapo at tikas pa rin nito.
Hanggang sa natapos ang speech ni Sir Tristan. Sandali lang ‘yon at sinabi lang naman nito na magkakaroon ng pagbabago sa company policies sa mga susunod na araw. Mabuti pa nga at napakinggan ko ang mga sinabi nito. Wala kasi ako sa concentration, sa totoo lang.
Nagkaroon ng malakas na palakpakan ang sa loob ng conference hall.
“My gosh! Ang gwapo ni Sir Tristan!” Naririnig kong kinikilig na sabi ni Maria na doon nakatuon ang pansin sa stage.
Ako naman ay napapailing na lang. Alam naman ni Maria na pet peeve ko ang bagong boss namin pero pinaparinig pa nito sa akin, Hindi ko naman sinabi kasi kay Maria na kinaiinisan ko ang Tristan na ‘yon dahil pinagbibintangan akong may relasyon sa daddy nito. Ang alam nito ay dahil nasusungitan lang ako sa lalaki.
“Hoy, girl tawag ka ni Sir Tristan!” Bigla naman akong nagulat sa paniniko ni Maria. “Sh*t! Sana ako na lang ang secretary!” Kilig na sabi pa ni Maria.
Napako naman ang tingin ko sa bagong amo na sumesenyas na umakyat ako sa stage. Halos nagtayuan na lahat ng empleyado at pupunta na naman sa kani-kanilang workplace. Sina Sir Thomas naman ay nakatayo na rin at kausap ang mga managers na naroon sa stage.
Tumayo na ako at nagbuntong hininga muna. Tiningnan ko si Maria at tinanguan bago naglakad papunta sa stage. Iniiwasan kong tingnan si Sir Tristan hanggang sa tuluyan ko na siyang makaharap.
As usual mas lumakas na naman ang tibok ng puso ko. Pinilit kong salubungin ang seryosong tingin ng bago kong amo. Nasa isang sulok kami at wala naman na ibang makakarinig at busy sila.
“Sir?” sambit ko.
Pinipilit kong ipakita sa lalaki na hindi ako intimidated.
“What kind of attitude is that, Miss Marasigan? This is my first day as a CEO of this company and you are late! Binabastos mo ba ‘ko?” mariing tanong niya na nililibot ng tingin ang mukha ko.
Nakaramdam ako ng pagka-conscious kahit na alam ko naman na maayos ang itsura ko.
“I’m sorry, Sir. Na-traffic—”
“The hell I care about your reason! Things will be different now, Miss Marasigan. Kung nabibilog mo ang ulo ng Daddy ko, pwes ako, hindi! Act like an employee, not like an owner na papasok kung kailan gusto!”
Ang bilis ng naging oras. Parang kanina lang ay nasa boutique pa kami ni Sir Tristan at pinipili niya ang dress na isusuot ko. At ngayon na paglipas ng ilang oras ay nandito na ako sa harap ng salamin at nakatayo na. Tapos na akong maligo at mag-blower ng buhok. Ang pastel blue na cocktail dress na pinili ni Sir Tristan ang suot ko ngayon. Hindi ito bastusin tingnan pero sapat para ipakita ang katawan kong lagi kong pilit tinatago sa mga formal wear. Wala akong anomang alahas na suot dahil hindi ko naman expect na may pary akong pupuntahan kaya hindi ako nakapagdala.Hindi ako marunong mag-ayos ng bongga kaya nag-make up ako ng para sa akin ay babagay na sa party. Sa tingin ko naman ay prensentable na ako.Nakakaramdam ako ng kaba at hindi ko mawari kung bakit ko nararamdaman ‘yon. Marami naman na akong party na kagaya nitong napuntahan. Pero si Sir Thomas ang kasama ko no’n. At sa mga party na ‘yon ay ilang beses ko nang nakita si Sir Tristan.Habang nakatingin ako sa repleksyon ko,
Avajell MarasiganTahimik na naman kami pagkatapos ng sinabi niya about sa hotel suite kung saan kami mag-stay. Pero hindi mapigilan ng utak ko na mag-imagine ng kung ano ano. Isang suite lang? Kahit may dalawang bedroom, paano kung magkasalubong kami sa loob? Paano kung…“Miss Marasigan, stop fidgeting!” biglang sabi ni Sir Tristan habang nakatutok pa rin sa kalsada nang nilingon ko.“Sir?”Tinapunan niya ako ng mabilis na tingin.“You’ve been tapping your fingers on your lap for the past five minutes. Nakaka-distract!” Masungit niyang sabi.Napahiya ako. Agad kong inipit ang dalawang kamay ko sa bag ko. Hindi na ako nagsalita at nanahimik na lang.Hindi pa kami nakakalabas ng city ay nag-stop over kami sa isang restaurant at nag-breakfast. Halos hindi ko naman manguya ang kinakain ko. Parang feeling ko na sa bawat subo ko ng kutsara ay nakatitig sa akin ang amo ko. Hindi ako nagfo-focus ng tingin sa kanya.Ilang sandali lang kaming nag-stay sa restaurant at nagpapababa ng konti ng k
Avajell MarasiganLumipas ang maghapon na iyon na puno na badtrip na ako dahil sa sinabi ni Sir Tristan sa akin tungkol sa connivance, office relationships at kung ano-ano pa.Idagdag pa na isasama pa ako sa isang out-of-town. Sana lang ay maging maayos naman ang lagay ko sa susunod na linggo.Pinilit ko pa rin na maging productive. Napansin ko rin ang panay tawag sa akin ni Sir Tristan. Parang nanadya na pagurin ako sa kakabalik balik sa office niya at nagpapakuha ng mga files na sa tingin ko naman ay hindi kailangan.Pagkauwi ko sa bahay ay halos sabog na ako sa pagod. Nagpahinga ako sa kwarto ko bago tawagin ni Mama para kumain na. Matapos kumain ay konting usapan muna kami ng family ko sa sala. Kagaya ng madalas naming ginagawa.Doon na rin ako nagpaalam kay Mama at Papa tungkol sa ilang araw na out-of-town ko kasama ng boss ko.Maaga pa para sa oras ng pagtulog ay nagpaalam na ako na aakyat ng kwarto. Ginawa ko na rin ang night routine ko nang mas maaga para hindi ako tamarin kung
Avajell Marasigan“Ah, Sir Tristan, dito na lang po kayo umupo.” Biglang sabi ni Maria matapos naming magulat. Tinuro niya ang bakanteng upuan sa tabi ni Rosemarie.Pero parang hangin lang si Rosemarie na hindi pinansin ni Sir Trista. Dumeretso siyang umupo sa tabi ko at nilapag ang tray na parang ‘yon talaga ang dapat mangyari.“I’ll sit here,” malamig niyang sabi na hindi man lang nagbigay ng tingin sa iba.Para akong natuyuan ng laway. Ang lapit niya at ramdam ko ang bigat ng presensya niya. Tahimik lang ako at pilit na pinapakalma ang sarili.Sakto namang dumating si Jeric na dala ang tray ng mga order namin. Masigla pa siyang papalapit pero agad siyang natigilan nang makita si Sir Tristan sa tabi ko. Nakita ko ang disappointment sa mata niya. Todo hila pa naman siya ng silya kanina at gusto talaga akong makatabi.“Eto na, guys, mga order natin…” halos mahina ang boses ni Jeric na isa isang inilalapag ang pagkain. “Good afternoon, Sir,” dagdag pa niya na medyo nakayuko.Sir Tristan
Naging busy ang umaga ko. Nagkaroon ng meeting ang mga concerned department para sa bidding. Pinahapyawan na rin ang action plan kapag kami ang nanalo. Naging productive rin ako kahit maya-maya ay panay tawag sa akin ni Sir Tristan. Kahit simpleng instruction lang na pwede naman nitong sabihin over intercom ay gusto pa na pupunta ako sa office niya.Hanggang sa dumating ang tanghalian. Tinanong ko pa si Sir Tristan kung o-orderan ko siya ng lunch pero sinabi niya naman na lunch out siya.Sabay sabay naman kaming bumaba ng ilang officemate ko para mag-lunch sa jollibee malapit sa building.Agad kaming naghanap ng bakanteng mesa.“Dito ka na, Ava…” Biglang sabi naman sa akin ni Jeric na pinaghila pa ako ng upuan. As usual ay gusto nito na nasa tabi ko ito.Taga admin si Jeric at halos kasabayan ko lang din dito sa kumpanya. Nauna lang siya ng isang buwan sa akin na-hire. At hindi naman lingid sa akin na may gusto siya sa akin. Obvious naman kasi sa paraan ng pagtingin nito sa akin. Sa p
“Good morning, Ma’am Ganda!” Masayang bati sa akin ng guard na agad ko rin na binati pabalik.Kararating ko lang dito sa office at sakto lang ang dating ko. May 5 minutes akong allowance pa bago pumatak ang alas otso. Naabutan din kasi ako ng traffic. Ganito talaga kapag Monday at iba ang daloy ng traffic sa kalsada.Magaan ang pakiramdam ko ngayon at energetic na hindi katulad nang nakaraang linggo. Naging sagana ako sa tulog nitong nagdaang dalawang araw na day-off ko. Okay na naman ang Lolo ko na sinugod namin sa ospital. Nakabawi na at ngayon ay sa amin pa rin tumutuloy at ang alam ko nga ay susunduin ngayon ng kapatid ni Papa kaya hindi ko na rin ito madadatnan pauwi.Pagdating ko sa floor namin ay sinalubong agad ako ng pamilyar na tunog ng mga telepono at tipa ng mga keyboard. Maaga rin ang ibang staff. Abala na sa kani-kaniyang mesa. Busy na kasi ang lahat dahil nga sa darating na bidding sa susunod na buwan. At gustong gusto ng Board of directors na ang Wilson Holding Inc. an






![ALTERS [Book 2]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)
