Share

MOP_3

MOP-3

    Ewan ko kating kati kasi ang paa ko kahit kahihiwalay lang namin ni Ally parang gusto ko pa s’yang kausap kahit na na papatulala ako sa mga lumalabas sa bibig n’ya. Kaya imbis umalis ay  nag-palipas lang ako ng oras sa ‘di kalayuan. Itong pwesto ko tanaw ko pa si Ally na naglalakad na parang may pagkamaton ito bahagya akong na tawa pa. She’s really different sa mga ibang babae na pabebe at pa charming kasi s’ya lang ang hindi masyadong na gwapuhan ng sa akin e, sabi ng iba Oppa nga daw. Walang halong biro ‘yun dahil minsan nag clubing kami ng isa sa mga kaibigan ko noong high school ay biglang nagdagsaan ang mga babae ending ay nagkagulo akala daw kasi nasa Pinas si Song Joong Ki, pero nunka mas gwapo talaga ako sa kanya.

Naaliw akong pagmasdan ang babae hanggang sa may nabangga itong batang lalaki payat ang bata siguro ay nasa mga pitong taong gulang kasi ang liit nito at payat halatang kulang sa kain at salat sa maayos na pananamit. At muling pinahangga ako ng babae ng walang pandidiri nitong inalalayan ang bata at pinilit na pumantay dito. Kahanga-hanga talaga plus point ka babe ngunit maya maya ay nakikita ko ang pag iba iba ng reaksyon ng mukha ng babae, medyo malayo ako pero sapat pa para makita ko ang mukha nito. Gulat dn ako ng marinig ang sigaw ng isang lalaking may katabaan at mukhang dehis goli si kuya at may sinasabi naman na ‘di ko maunawaan dahil hindi na gano’n kalakas ang pag-kakasabi nito pero akma ng pasugod na ako ng hablutin nito ang bata pero bago ma ako makakilos kitang kita ko ng bigyan ni Ally ng isang flying kick ang lalaki at segundo lang bumagsak na ito at knock out. Ang sakit noon tulog nga napahimas ako ng pisngi sobrang husay ng babae at wala pang bwelo ‘yun basta nagpakawala lang walang effort mukhang delikado magbiro sa babaeng ito. Maya maya ay umusad na ang mga ito naiwang nakatimbuwang ang lalaki bahagya pa akong lumapit ng biglang may babaeng may edad  yumakap kay Ally pero ibang pangalan ang tinawag para bang narinig ko na rin minsan. Nagpatuloy ang matanda sa pag kwento tungkol sa batang lalaki nagulat ako at sampung taon pala kulang ito sa timbang pangita na pangita naman.

Napukaw ako ng makita ko ang pagtulo ng luha ni Ally katunayan na may mabuting puso ang dalaga pero na kadama ako ng ibang kakaiba ng matitigan ko ang malamlam na mata nito bakas ang galit at panganib para bang sa likod ng isang Ally na bubbly, prangka at savage ay may isang pagkatao pa na kahit sino man ‘di gugustuhing makabangga. Nang makita kong dumaretso na ang mga ito ay bumalik na ako sa sakyan dala ang kakaibang damdamin na umusbong sa akin at ang pag-aasam na makasama at makilala pa sila panatag naman ako na hindi sila mapapahamak dahil kaya ni Ally ipagtanggol ang kanilang sarili. Somehow gusto ko na kailanganin n’ya ako para protektahan sila ng batang kasama ngayon ko lang naramdaman ang ganito ang mabilis na maattach sa mga taong nakakasalamuha.

    Mabilis akong sumakay sa kotse ng maalala ko si mang Pilo mag papaturo nga pala ako sa pagtatanim at pag-aararo ng lupa. May dalawang araw pa naman para makapag-aral ako ayokong mapahiya at sabihing panay salita lang. Kalahating oras ko narating ang lupain ko dito kasi nga ingat na ako at mahirap ang daan medyo maputik parang umulan kamakailan lang sinalubong agad naman ako ng mag-asawa na sina Mang Pilo at Aling Lita. Silang mag-asawa ang katiwala ng lupaing ito noon at ng mabili ko ay ‘di ko na rin pianalitan tutal kilala ‘din nila ang lahat ng trabahador at kasama dito sa lupain. Sa pagkakaalam ko may anak silang babae si Gretta at kasalukuyang nasa maynila para mag-aral kahit halos ka bente tres na ito dahil ayon nga sa mag-asawa ay iba ang ugali ng anak nila. Hindi naman ako kaagad nakababa dahil sa mga naisip ko ng kumatok na si Aling Lita sa bintana nabalik ako at agad binaba ang bintana para ,mabati na ang matanda ngunit nauna pa rin ito habang malawak ang ngiti. Hindi naman ako nag aalala na baka hanapin ako ng pamilya ko walang nakakaalam ng lugar ito na sa Bicol bukod sa ga kaibigan ko at kumpyansa ako na walang singer sa kanila sintunado lahat.

    “Hijo Logan nandito ka na!Pero hijo ba’t parang natagalan ka?”pag-usisa ng matanda na bakas ang pag-aalala. Halos matunaw ang puso n’ya ganito lang naman ang gusto n’ya sa totoong pamilya n’ya pero mas nag-aalala pa ang mga ito pag bumaba ang sales ng kumpanya.

    “Nagpahinga lang po ako sa daan Nay Lita medyo nangawit po sa pagmamaneho”mababang sabi ko pinili kong ‘di nasabihin na muntik akong maka disgrasya baka lalo pang mag-alala ang matanda.

    “S’ya gano’n ba mabuti pa ay bumaba ka na at pumasok na sa loob naghanda ako ng pagkain may kanin at kakanin tapos ay magpahinga ka muna bago tayo mag kwentuhan at sana naman ay magtagal ka dito hijo.” Dama ko ang giliw nito na naririto ako hindi ko talaga mapigilang ikumpara sa tunay kong pamilya na lahat na nga ng bagay at materyal ay nasa kanila na pero diyos pa rin ay pera. Ilang beses na rin akong nagbakasyon dito noon at walang halong pagkadismaya bawat uwi ko dito talagang masayang masaya ako tanggal ang stress. Noong una kong bisita dito panay lang ang libot ko kya nagsisisi ako sana pala nag-try na ako mag araro sa palayan at nagtanim ng mga gulay. 

“Mukha magtatagal ako dito Nay Lita, gusto ko nga pong mag aral magtanim ng mga halaman at mag araro ng sakahan. Tay Pilo pwede mo ba akong turuan mamaya at bukas ?”sabi ko sa dalawa na mukhang nagulat naman sa mga sinasabi ko.Nagkatinginan pa nga ang mag-asawa para bang hindi nila inaasahan ‘yun kaya muli akong nagsalita.

 “Tay gusto ko agad matuto nag apply kasi akong taga saka doon sa kabilang lupain ‘yung Perez ang may ari saka Nay, Tay hindi ko sinabi ang tunay kong pangalan ang alam n’ya ay Golan De Grasya ang pangalan ko at anak ako ng magsasaka at kayo ‘yun. Sorry po agad kung ginamit ko kayo” Gulat na gulat ang dalawa pero ng makita ko ang ngiti ng mga ito na relieve ako mukhang payag na pero teka parang may pilyo sa mga ngiti nila sabay pang napatango ang dalawa at nagsalita si Tay Pilo.

“Oh s’ya kung sasaya ka d’yan ay ayos lang pero anak hindi maganda ang panlilinlang ng kapwa sana ay maaga pa ay maayos mo baka pagsisisihan mo. Mukhang may dating sayo ang babaeng ‘yun matagal nawala ang batang ‘yun matapos ng trahedya pero kaya sana ‘wag mong gawan ng ‘di maganda masasaktan din kami alam mo naman na pamilya ka na sa amin Logan”si Tay Pilo parang gustong bumuhos ng luha ko parang sila ang pamilya ko at ito ang tahanan ko.

“Kilala n’yo s’ya Nay, Tay at paano n’yo nalaman na babae?ang galing n’yo sa part na ‘yan”biro ko sa mag asawa pero ginaya na ako papasok at kami ni Tay Pilo ang magkasabay ng kabigin ako nito mataas ako dito kaya ako ang nag adjust dahil mukhang may ibubulong sa akin.

“‘Wag ka ng magtanong dahil halata naman mukhang tinamaan ka anak kaya ayusin mo ang lahat bago mahuli pa. Saka pag ok na kayo mag explore kayo masarap ang romasahang naiiba kagaya sa damuhan, sapa, pilapil at iba pa..” nahinto si Tay Pilo dahil hinila ni Nay Lita sa tainga napapatawa ako parang mga bagets at si Tay Pilo may pagka-pilyong tunay pero I love the idea..

“Pilo for dyos for santo akala ko ay maganda ang payo mo palay puro kaburnukan pala ‘wag mong itulad ang anak natin na si Logan. At ikaw anak kung gusto mo s’ya kunin mo sa tama at maayos na paraan ang pag ibig hindi minamadali at kinuha ng pilit parang sa mga pananim pagtatanim ka ng wala sa panahon wala kang aanihin at lugi lang sayang.” Talagang hanga ako sa mag asawa at everytime they call Anak sobrang saya at pakiramdam ko buo ako at walang kulang na laging sinasabi nina Dad.

Kaagad naman kami pumasok at nakiusap ako na practice na sila na Golan ang pangalan ko at De Grasya naman ang apelyido nila kaya hindi na mahirap masaya kaming kumain at sinabayan pa nila ako iabng ibang gaan at kaligayahan ang nasa puso ko ngayon sana sa mga susunod pa ay ganito o mas higitan pa. Simple lang pero umaapaw ang ligaya iak nga ng Iba “Simple pero Rock at nag-uumapaw “ Babe hintay lang mag aaral lang ng isa pang klase ng pag araro.. Ngayon palang mas gusto ka pang manatili ng mas matagal pa para matakasan ang delubyong  pamilya ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status