"Nguso mo hanggang floor na oh," ani ng pinsan ko. Umayos naman ako ng upo saka inikutan ito ng mata. "Ano bang problema mo ha? Kanina ka pang umaga ah," dugtong pa nito. "Ay let me replace that...noong isang araw pa 'yang nguso mong laging mahaba. Anyare ba sayo ha?" Nainis ako sa mga tanong nya kaya inis na hinarap ko ito. "Kanino ba nagmana 'yang bibig mo ha at napaka-chismosa mo lagi," inis kong sagot dito. "Ito naman. Mainit na 'yong ulo. Pero sabihin mo nga sa akin bakit lagi kang nakabusangot dyan ha?"Nag-iwas ako ng tingin."Wala lang. Trip ko lang," ani ko. "Gano'n? Edi wow," sarkastiko nitong sagot. "Oy si sir Locan oh, hanap ka yata," ani nito. Bigla naman akong napaharap sa tinuturo nya. Napatayo pa ako. "Saan?" Hinanap ng mata ko ang sinasabi nya. Pero gano'n na lang ang pagkadismaya ko nang makita itong papalapit sa amin pero nakakapit sa balikat nya si Ms. Akeshia. Hindi ko alam kung bakit bumibigat ang dibdib ko kapag makita silang magkasama. Sa loob kasi ng isang l

Napabangon ako bigla at mabuti na lang nagising ako sa bangungot. Sobrang sama ng bangungot na 'yon at naninindig ang balahibo ko kung maalala iyon. Ako? Magkakagusto do'n sa francis na hambog na feeling na 'yon? Woy! Bakit ako? Ka agad akong napailing. Hindi. Hindi. Hindi! Never. Inis akong bumangon sa kama saka naghanda na sa pagpasok ko sa trabaho. Bad mood ako ngayon dahil halos sabay-sabay yata ang hindi magandang nangyari sa akin ngayong umagaw. Una, dahil naputulan kami ng tubig sa hindi malamang dahilan. Pangalawa, naiwan ko 'yong wallet ko sa kwarto ko buti na lang at may extra cash pa ako sa bulsa ng bag ko. Pangatlo, late na ako sa trabaho. Hayst. May ikakasama paba dito? Dali-dali akong pumasok ng opisina ng boss ko pero wala ito dito. Ilang beses ko ring tiningnan ang cellphone ko pero wala manlang itong kahit isang message. Asan naba 'yon? Hindi ba sya pumasok? May sakit na naman ba?Maya-maya pa ay nakasakasalubong ko ang pinsan ko sa hallway. "Morning bhe," bati nito
Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatunganga sa harapan ng pintuan papalabas ng kompanyang pinagtratrabahuhan ko, habang hinihintay na tumila 'yong ulan. Madami kasi akong iniisip ngayon at hindi ko namalayang papadilim na rin pala. Bakit ba kung kelan ako nagdadala ng payong hindi naman umuulan pero kapag wala naman akong dalang payong saka naman uulan nang malakas. Kainis. Pano ako uuwi nito? Tapos dumagdag pa sa isipin ko 'yong nangyari kanina. Napakagat ako sa daliri ko nang makaramdam na naman ng guilty sa katawan. Hindi ko alam kung bakit ako naggi-guilty kanina pa eh. Mali ba 'yong sinabi ko? Ako ba talaga 'yong nali do'n? Hayst! Saka na naman bumalik 'yong ala-ala sa nangyari kaninang lunch. [ FLASHBACK ]"Bakit hindi ka pa kumakain?" tanong ng boss ko sa akin. Nandito kami ngayon sa restaurant na kinakainan na namin tuwing lunch. Masasarap naman 'yong mga nakalatag pero ewan ko kung bakit parang busog lang ako o walang gana kumain. Nandito na naman kasi 'yong ackward
Napabangon ako sa gulat nang mag-alarm bigla nang sobrang lakas ang cellphone ko. Kainis naman, anong oras naba? Kinuha ko ang cellphone ko sa mesa na malapit lang naman sa higaan ko. Teka hindi naman alarm to ah. Missed call galing kay...shit kay Francis? Ang aga pa ah. 6:30 am pa lang. Ano na namang problema nito?Babalewalain ko sana ng tumawag ulit ito. Inis ko itong sinagot. "Oh?!" inis kong sabi. "Good morning..'wag kang male-late," sabi nya sabay patay ng tawag. Ilang beses akong napakurap sa kawalan. Ano 'yon? Tanginang francis 'yon ke aga-aga nambwebwesit. Kainis. Napasabunot ako sa buhok dahil inaantok pa ako at ginising lang ng tawag nya.Napatingin ako bigla sa pintuan nang may kumatok doon. "Gianna? Gising kana ba?" Boses iyon ng may ari ng apartment na inuupahan ko. Si Aleng Tessa. "Opo. Bakit po?" tanong ko. "Eh kumain na tayo. May nagpadala kasi dito ng pagkain kanina lang ang dami-dami nga eh para raw sayo 'to," saad ni Aleng Tessa na ikinataka ko naman. Ka agad akon
Ilang araw ang nagdaan na halos araw-araw na bumibisita si sir Asher dito sa kompanya. Masayang-masaya ako dahil nakikita ko sya lagi. Halos hindi nga ako makapaniwala na niyaya nya akong kumain sa labas ngayon.Wala ngayon ang boss ko may importanteng lakad daw sa Cebu. Tinanong ko naman kung anong gagawin nya roon pero sinungitan lang ako at 'it's none of your business' daw. Tatlong araw na syang nandoon kaya si sir Asher muna ang namamahala sa kompanya. Ewan ko ba kung bakit hindi ako sinama no'n eh trabaho ko namang alamin ang lakad nya. Kaya ito at pumayag ako na samahan syang mag-lunch. Matatanggihan ko ba 'yang ngiting 'yan. Kumain kami sa restaurant kung saan din kami nagla-lunch ni Francis noong isang araw. Tanda ko pa no'ng sinabi nyang dito daw kami lagi kakain tuwing lunch. Eh Wala sya ngayon kaya 'yong kuya nya na lang 'yong kasama ko. Dumating ang waiter nya sya ring nag-asikaso sa amin noon. Nagulat pa ito dahil seguro napansin nyang iba ang kasama ko. Natandaan nya ba