LOGINIlang beses na naghanap ng trabaho si Gianna para kumita at nakahanap naman ito ng trabaho sa isa sa pinakamalaking kompanya ng inumin sa Pilipinas. Pero sa hindi nya inaasahang pagkakataon magiging boss pala nya ang taong kina-iinisan nya ng gusto at ito ay si Francis Locan the CEO and President of one of the most famous Wine Company in the Philippines, The Golden Scenery. Cold ito at ayaw sa mga taong pera lang ang habol sa kanya. Pero sa kabila ng malalamig nitong mga mata ay nakakubli ang secretong tinatago nya ng mahabang panahon. Meron itong karamdaman na tinatawag na monochromacy disorder , kaya't hindi ito nakakakita ng mga kulay at malabo rin ang paningin nito kumpara sa normal na tao. Ngunit nang makilala nya si Gianna hindi nya maipapaliwanag kung bakit nakikita nya ang kulay ng dalaga. Kaya gumawa ito ng paraan para gamitin si Gianna para tuluyan na itong gumaling. Pero habang tumatagal ay nagiging totoo na ang nararamdaman nya sa dalaga kahit na ilang beses man nya itong balewalain. Ayaw nya mang tanggapin pero sya narin mismo ang nahulog sa sarili nyang patibong. At paano kaya kapag bumalik ang unang babaeng inibig nito sino nga ba ang mas mahalaga sa puso nya? Ang babae bang una nyang minahal o ang babaeng handang mahalin sya kahit anong oras at pagkakataon? Paano kaya kapag nalaman ni Gianna na planado ang lahat ng ipinaparamdam sa kanya ng lalakeng natutunan na nyang mahalin? Mapapatawad nya pa kaya ito o pipiliing umalis dahil sa nasaktan nyang puso?
View MoreHello! This is Miss R bago ang lahat gusto ko pong magpasalamat sa lahat ng bumasa at sumubaybay sa kwento nina Gianna at Francis mula noong una hanggang ngayon sobra ko pong na-appreciate ang mga comment at mga likes ninyo. Hindi ko po aakalaing ang una kong libro dito sa Goodnovel ay makakatanggap ng maraming supporta. Sobrang thank you po sa inyo hanggang sa muli. Dito na po nagtatapos ang kwento nina Gianna at Francis. Pwede nyo na ring mabasa ang kakasimula ko pa lamang na pangalawang libro na MAID OF A MILLIONAIRE fast-paced po sya at 25-30 lang ang magiging chapters nya kaya mabilis taposin. Title: MAID OF A MILLIONAIRE Genre: Comedy, Drama Synopsis: Ipinanganak sa mahirap na pamilya si Ella Balona kaya't pagkatapos gr-um-aduate ay kailangan nitong makahanap ng trabaho. Nagbakasakali naman ito sa Maynila at nakahanap ng trabaho bilang personal maid ng anak ng isa sa kinikilalang tao sa bansa. Nakilala nito ang arugante at mayabang nitong boss na si James David Lauren. Ala
Gianna's POVNakatayo ako sa harapan ng simbahan at nakasuot ng wedding dress at may hawak na pulang rosas. Hindi ko alam kung bakit ako nandito dahil nadatnan ko na lang ang sarili ko sa ganitong sitwasyon. Umangat ang tingin ko nang marinig ang pamilyar na tunog sa loob ng simbahan at bumukas ito sa harapan ko.Walang tao, walang laman ang simbahan at tanging si Francis lang na nakatayo sa harapan ng altar ang nakikita ko. At bigla na lamang naglakad ang mga paa ko papasok na para bang may komokontrol dito. Hindi ko mapigilan ang mga paa ko habang dahan-dahang naglalakad papunta sa altar kung saan naghihintay si Francis.Nakangiti ito sa akin at may luha pa sa mga mata. Napangiti rin ako. Hindi ko alam ang mangyayari pero masaya ako dahil pinangarap ko ito, ang ikasal sa lalakeng mahal na mahal ko. "Stop the wedding!" Natigilan ako at napalingon dahil may biglang sumigaw sa may pintuan. Paglingon ko ay nagulat ako at napaatras sa takot dahil si Rachelle 'yon na may hawak na baril
Last chapter na lang😭 Grabe na ilang months ko itong sinulat at ngayon malapit na syang matapos. EPILOGUE na happy ending kaya? Syempre naman! Abangan!
Gianna's POVPaano mo ba malalaman kung mahal mo pa? Seguro kapag hindi mo pa rin sya makakalimutan kahit ilang taon na ang nakakalipas. Seguro kapag hinahanap mo pa rin sya sa lahat ng taong kumakatok sa puso mo. Seguro kapag nasasaktan ka pa rin at sya ang dahilan. O dahil seguro alam mong sya ang una sa lahat-lahat sa'yo. Pero bakit hindi mo pa rin makalimutan? Bakit kahit nasasaktan kana pinili mo pa rin? Bakit kahit alam mong mali na pinaglaban mo pa rin? Dahil ba mahal mo? O dahil hindi mo kayang mawala sya? Sa kasalukuyan iyan ang mga tanong na nasa isip ko. Hindi ko alam ang sagot o baka ayaw ko lang sagotin. Mahal ko pa nga ba sya? Pero sinaktan nya ako. Pagkakatiwalaan ko pa nga ba sya? Pero sinira na nya ang tiwala ko. Handa na nga ba akong tanggapin sya ulit? Pero...pero natatakot ako. Natatakot akong baka maling desisyon na naman ito. Baka gawin nya ulit ang ginawa nya noon. Baka iwan nya ulit ako at ang mga anak namin. Baka magsawa sya sa akin. Takot na takot ako.



![The Wild Virgin [SPG]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)








Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews