Mr. Locan's POVNapadaing ako nang bumalatay sa ulo ko ang sakit. Kakagising ko lang at alam kong nasa Hospital ako. "You're awake." Napatingin ako sa pintuan nang pumasok si Carl, ang pinsan ko. Tinulungan nya akong makaupo nang maayos sa kama saka ito umupo sa tabi ko. Ngayon ko lang napansin ang bandage na nasa ulo ko na kaagad kong ikinataka."What happened?" tanong ko kay Carl."Wala ka bang matandaan? Muntikan ka nang makabangga," sagot nito. Napapikit ako nang bumalatay na naman ang sakit sa ulo ko. Sinubukan kong aalahanin ang nangyari pero sumasakit lang ang ulo ko."Wala akong maalala," bawi ko. "It's ok. Pero sabi ng doctor kailangan mong magpahinga ng ilang araw--" Pinutol ko ang sasabihin nito. "No. Alam mong hindi ako pwedeng mawala, my company needs me," sabi ko. "Pero Francis, kailangan mo ng pahinga--""I'm sorry but I really can't. Don't worry hindi ko naman papagurin ng husto ang sarili ko," seryuso kong sabi. Sumabat pa ito pero kalaunan ay wala rin namang nagawa
Dernière mise à jour : 2025-05-31 Read More