Home / Romance / MY STUBBORN MASTER / Chapter 14: Masungit O Seloso Lang Si Master

Share

Chapter 14: Masungit O Seloso Lang Si Master

Author: Lovely Crow
last update publish date: 2026-10-16 00:27:54

"O bakit parang nakakita ka ng multo?" nagtatakang tanong ni Maya Chen kay Danilo sa laundry room sa ground floor.

Nakatayo si Danilo sa may pintuan, tulala, nakatingin kay Maya pataas at pababa. Nakabuka ang bibig, parang nakalimutan na isara. Hawak pa ang walis na dapat ay pangwalis sa bakuran, pero ngayon nakatigil sa ere.

Si Maya, iba ang itsura. Bitbit ang basket ng mga puting tuwalya na bagong tiklop. Bagamat nakasuot pa rin ng yellow uniform, hindi na maluwang kundi fit na sa kanya. Yung
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • MY STUBBORN MASTER    Chapter 14: Masungit O Seloso Lang Si Master

    "O bakit parang nakakita ka ng multo?" nagtatakang tanong ni Maya Chen kay Danilo sa laundry room sa ground floor.Nakatayo si Danilo sa may pintuan, tulala, nakatingin kay Maya pataas at pababa. Nakabuka ang bibig, parang nakalimutan na isara. Hawak pa ang walis na dapat ay pangwalis sa bakuran, pero ngayon nakatigil sa ere.Si Maya, iba ang itsura. Bitbit ang basket ng mga puting tuwalya na bagong tiklop. Bagamat nakasuot pa rin ng yellow uniform, hindi na maluwang kundi fit na sa kanya. Yung dating uniform na parang kumot sa laki, ngayon sakto na sa bewang, sakto na sa braso. Yung apron na lang ang maluwang. Yung buhok na dati nakapusod lang ng goma, ngayon may clip, may konting ayos, at medyo nagsuklay. May pabango pa na amoy sampaguita na galing kay Manang Pining."Hoy, itikom mo yang bibig mo at baka makapasok ang langaw," tumawa si Maya, medyo nahihiya pero natatawa sa itsura ni Danilo.Hindi pa rin nagsasara ang bibig ni Danilo."San ka punta?" tanong ni Danilo, sa wakas.Kumu

  • MY STUBBORN MASTER    Chapter 13: Joke Lang, Master

    "Tapos na!"Isang sigaw na nanggaling sa master's bathroom ang yumanig sa buong García Mansion. Si Maya, lumabas ng banyo na parang tumakbo sa marathon. Basa ang buhok, basa ang uniform, hawak ang tuwalya na parang sandata, at pulang-pula ang buong mukha hanggang leeg.Nakasandal siya sa pader sa labas ng pinto, hingal na hingal, hawak ang dibdib."Nagawa ko... nagawa ko talaga..." bulong niya sa sarili, hindi makapaniwala. "Ako... ako talaga ang nagpaligo sa kanya... buong katawan niya... ako..."Si Manang Pining na umakyat dahil sa ingay, nakita siya."Maya! Anong nangyari sa'yo?! Bakit basa ka?! Sinabuyan ng timba? O lumangoy ka sa flood control?" "Manang... Manang... huwag kang oa, okay.." halos pabulong na sabi ni Maya, tulala pa rin. "Natapos ko po... napaliguan ko po si Master Julian... ako po talaga...""Eh di tapos na! Bakit ka namumula? May lagnat ka ba?""Wala naman po.." "O, bakit para kang hinog na kamatis riyan? Akala ko ba nursing student ka dati, anong masama na ik

  • MY STUBBORN MASTER    Chapter 12: Okay Ka Lang, Master?

    "Ano ba yang ginagawa mo, para kang penguin na ewan..ayusin mo ngang tayo mo dyan, Maya. You are annoying!"Pagkatapos ay tumawa siya dahil sa akayon ni Maya. Parang sundalo na papunta sa giyera at naghihintay ng instruction sa nakatataas sa kaniya. Pero para kay Maya, hindi siya na offend sa pagtawa ni Julian. Dahil kung meron mang katawa-tawa, iyun ay walang iba kundi siya. "Master... okay lang po kayo?" mahinang tanong ni Maya."Okay lang ako! Bakit? May problema ba?" ngumiti pa si Julian. Ngiti na bihirang makita ng mga kasambahay."Po... kasi kanina po sa dining...""Sa dining? Anong meron sa dining?" kumunot ang noo ni Julian, parang nag-iisip. "Ah! Oo! Kumain ka na ba? Hindi ka pa kumakain diba? O sige, mamaya ka na kumain, tapusin muna natin 'to."Doon mas nalito si Maya.Hanggang sa pumasok si Doc Vermont, ang private doctor at kaibigan ni Julian."Julian, tapos na yung meeting mo?" bati ni Doc. Tapos nakita si Maya. "Ah, si Maya pala. Nakausap mo na siya?""Oo, Doc. Pina

  • MY STUBBORN MASTER    Chapter 11: Ayaw Kumain Ni Master Sungit

    Kinaumagahan.Alas syete pa lang ng umaga pero parang may bagyo na sa loob ng García Mansion. Tahimik ang lahat ng kasambahay. Walang umiimik sa dining room.Nakaupo sa dulo ng mahabang mesa si Master Julian. Naka-wheelchair. Naka-white polo, malinis, gwapo sana kaso nakasimangot. Yung simangot na pang-contest. Yung tipong kahit yung pagkain matatakot lumapit. Lahat, maliban kay Maya. Two years ago, naaksidente si Sir Julian. Mula noon, naka-wheelchair na siya at mas naging masungit pa sa dati. Masungit na nga dati, mas sumungit pa ngayon. Kaya lahat ng maid, umiiwas. Ito ang iniisip ni Maya para habaan pa ang kaniyang pasensya at siyempre ang 80k + 20 k na equals 100k na sweldo ko, kaya bahala siya kung nagsusungit na naman. "Good morning, Master Julian!" bungad ni Maya na may dalang tray. May sinigang, rice, at gatas. Nakangiti nang malapad, parang walang bagyo.Hindi sumagot si Julian. Tinitigan lang ang bintana na mula kisame hanggang sahig. "Master, kain na po... maini

  • MY STUBBORN MASTER    Chapter 10:: Naging Kamatis Ka Na

    "Hmnn... huhumm... hmmnn... huhummmn... hum... humm... ayyy! Kipayyy!"Muntik nang matumba si Maya dahil sa biglang pagliwanag ng dirty kitchen. Nabigla siya sa pag-on ng ilaw. Nasa gitna siya ng paghahalungkat sa ref na parang daga, may hawak na tinapay, gulong-gulo ang buhok, at nakasuot ng malaking t-shirt na pang-tulog.Ngunit nanlaki ang kaniyang mga mata nang makita sa pintuan ang nakausling bagay na kumikinang nang tamaan ng liwanag.Isang mahabang... kutsilyo!"TULONG!... SAKLOLO!.. MAGNANAKAW! MAGNA—""HUY! MAYA! Walang hiya ka... kanina ka pa talaga pasaway sa akin!" nangigigil na patakbo siyang nilapitan ni Danilo at tinakpan ang bibig niya ng palad."MMPPHH! MMPPHH!""Bakit ka ba sumigaw! Sumagot ka?! AHHHH! BAKIT MO AKO KINAGAT!" mabilis na binitiwan ni Danilo ang bunganga ni Maya at napa-iling habang tinitingnan ang laway sa kamay niya."Eh, paanong hindi kita kagatin? Gusto mong sumagot ako sa tanong mo, e ang higpit kaya ng pagtakip mo sa aking bibig. Paano ako makasag

  • MY STUBBORN MASTER    Chapter 9: Secret Lang Po Natin Master

    MY STUBBORN MASTER - Chapter 9: The First Bath7:00 PM sharp.Nasa labas na ako ng kwarto ni Sir Julian, hawak ang puting towel, isang set ng pajama niya na black, at isang maliit na timba na may maligamgam na tubig at sabon. Nanginginig ang kamay ko kahit anong professional ang sinasabi ko kanina sa garden. Naalala ko na hindi ko naman kailangan magdala pa ng timba at maligamgam na tubig dahil utang na loob, kumpleto ang shower room ni Master Julian! Tok tok tok."Sir Julian? It's me, Maya. 7 PM na po."Walang sumasagot."Sir?""Come in," malamig na boses mula sa loob.Binuksan ko ang pinto. Si Sir Julian nandoon sa may bathroom door na, naka-wheelchair pa rin, nakasuot ng loose white shirt at shorts. Ang buhok niya basa pa ng konti sa pawis, ewan ko ba, may air-conditioning naman kahit mainit sa third floor pag hapon.Nakatingin siya sa akin, seryoso."So, nandito ka na pala, Miss Professional.""Opo, Master Julian!" diniin ko talaga amg pagbigkas ng salitang Master. I don't want t

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status