Maya's POV "Ano ba yang niluluto mo Maya ang bango ah?"Yung nagtanong sa akin si Aling Petra, ang Chef ng mga Garcia. Ayon kay Manang Lita, siya ang chef ng mansion simula pa noong bata pa si Sir Julian. Lahat ng luto sa mansion, siya ang may hawak.Ako, all around pero tanging si Sir Julian lamang ang pagsisilbihan ko. Kaya nga sabi niya permanent nanny na niya ako, kahit 31 years old na si Sir bunga ng aksidente two -years ago. "Adobo po, Aling Petra. Yung may gata, Bicolano style. Favorite daw po ni Sir Julian sabi ni Manang," sagot ko, hinahalo ang kawali."Patikim nga, dahil gusto ko yan," sabi ni Aling Petra, kumuha ng kutsara. "Kailangan na alam ko mga niluto para sigurado na safe si Sir. At tama ka don, paborito nila ni Ma'am Claire ang adobo na may gata." Safe. Oo, kasi maarte si Sir Julian sa pagkain. May allergy siya sa peanut at ayaw niya ng sobrang alat. First day pa lang ay alam ko na ang mga gusto at hindi gusto ni Sir Julian na pagkain dahil iyun ang unang sina
Dernière mise à jour : 2026-10-04 Read More