Share

CHAPTER TWO

last update Petsa ng paglalathala: 2026-07-24 16:05:19

Reese Adelai

"Sa labas lang ako, Nikolai. Diyan ka lang at wag kang magkikilos may tatawagan lang ako," bilin ko habang nakahiga ito sa kama ng kwarto at tumango na sinundan lamang ako ng tingin.

Dala ang cellphone at ang calling card na ibinigay ni Siona, lumabas ako ng bahay at tumigil sa harapan. Huminga muna ako ng malalim at tiningnan ang maliit at itim na nasa kamay ko.

Matagal bago ko pinag-isipan pero sa huli mapipilitan akong gawin para sa kapatid ko, para sa ikabubuhay namin gagawin ko na at wala na rin naman ako pagpipilian kailangan kong tatagan, bahala na basta trabaho lang.

Tinawagan ko ang numerong nakalagay dito na may ngalang Mr. Zeekiel Alfonso, kabado kong itinapat sa tainga ko ang cellphone at unang ring pa lang kinabahan na ako nang agad din nitong sinagot kaya napatuwid ako ng tayo at napalunok.

"Hello, who's this?"

Nagbukas sara ang bibig ko at parehong kamay ang naihawak ko sa cellphone ko nang marinig ang baritono nitong boses.

"Hello... si Mr. Zeek po ba ito?" bungad ko.

"Yes, speaking. Are you Siona's friend?"

Natigilan ako, alam niya agad.

"I see... at iisang tao lang ang binigyan ko ng bussiness calling card. Siona mentioned you that she gave it to you yesterday."

Hindi ako agad sumagot, Siona...

"And you must be Reese Adelai?"

Doon lang ako nagsalita. "A-Ako nga ho."

"Do you have time tomorrow? Let's meet so I could discuss this private job with you, also I need to see if you're really physically fit for my boss."

Napalunok ako. "Kailangan niyong makita ang ano?" ulit ko at para akong nabingi sa paanong paraan niya naman titingnan?

Nang tumawa siya. "Don't worry, Miss. I won't require you to take off your clothes in front of me, boss ko ang gagawa no'n."

Parang umakyat lahat ng kulay sa mukha ko.

"So, I'm expecting to see you by tomorrow? I'll send you the details of the meet up time and the exact location, and please wear nice that will make you standout that's all."

Naputol na rin agad ang linya at ako napatulala sa screen ng cellphone. Wala pa pero parang gusto ko na atang wag na lang?

Nang mapalingon ako sa loob ng bahay nang marinig ko ang sunod-sunod na ubo ni Nikolai kaya kumaripas ako agad ng takbo sa loob at pumasok sa kwarto nito.

"Nikolai!" Agad ko itong ibinangon sa kama at dali-dali ko inabot ang inhaler nito at sinapak sa bibig at tinulungan makahinga ng maluwag.

Umubo-ubo pa kaya maingat kong hinagod ang dibdib nito kasabay nang tahimik kong pag-iyak sa tuwing ganito na lang ang ganap namin dalawa.

Simula nang maghiwalay ang mga magulang namin, ako na ang tumayong magulang niya, tagapag-alaga, lahat na, nang hawakan niya ang kamay ko nang unti-unting umayos na ang pag-hinga.

"Salamat, Ate..." nanghihina niyang bulong. "Ayos na ako, tama na." Pinatitigil niya ako sa paghagod sa dibidb niya at hinawakan ang pisngi ko, siya nang nagpalis ng luha ko.

"Wag ka nang umiyak," tahan niya sa akin. "Gagaling din ako at matatapos din itong problema mo—"

Umiling ako. "Hindi ka problema, okay? Kahit kailan hindi kita itinuring, at gagawa ako ng paraan mapagamot ka lang at madala sa magagaling na Doctor."

Ngumiti lang siya ng malungkot. "Paano? Wala naman tayong malaking pera, hindi nga natin—"

"Basta! Ako ang bahala!"

Natigilan siya nang yakapin ko siya ng mahigpit at bumulong habang tahimik akong umiiyak.

"Si Ate nang bahala... hinding-hindi kita pababayaan, ikaw na lang ang meron ako kaya kahit anong paraan gagawin ko basta gumaling ka lang!" Mas humigpit ang yakap ko sa kanya.

Tahimik lang siyang tumugon ng yakap sa akin, alam niyang iyakin ako at siya rin ang lakas at kahinaan ko.

"Wag mo gagawin ang ginagawa ni Ate Siona," mariin niyang bilin na ikinatigil ko.

"Alam ko ang inalok niya sa iyo kahapon, wag na wag mong tataggapin—" Natigilan din sa pagsasalita nang muling maubo kaya lalo akong nahabag at nag-aalala.

Paano ko hindi tatanggapin kung nakikita kong ganyang nahihirapan ka? Gusto kong sabihin pero itinikom ko ang bibig ko, sa halip napilitan akong magsinungaling.

"Wag kang magaalala, hinding-hindi ko iyon gagawin." Isang malaking kasinungalingan na pansamantalang kailangan niyang paniwalaan.

Inihiga ko siya ulit sa kama nang makapagpahinga na at inayos ko na ang kumot at sinuklay ang buhok nito ng mga daliri ko at tahimik kong pinagmasdan.

Ang gwapo sana nito ang kaso inaagawan ng sakit. Hinintay ko hanggang makatulog, saka lang ako lumabas ng kwarto hindi ko isinara ang pintuan para manatiling alisto ako at madaluhan ko agad.

Nang pagharap ko sa salas namin napatalon ako sa gulat na makita si Siona na nakahilig lang sa hamba ng pintuan namin habang nakahalukipkip at seryosong inaabangan ako lumabas.

"Kanina ka pa diyan?" Sapo ko ang dibdib ko.

"Ngayon-ngayon lang din, kamusta na siya?" Sumilip siya sa likuran ko sa kwarto ni Nikolai.

Umiling ako. "Hindi mabuti..."

"Tara sa labas." Nauna siya, sumunod ako.

"Tumawag sa akin si Mr. Zeek at nasabi niya interesado raw itong kaibigan ko," saad niya nang humarap siya sa akin.

Niyakap ko naman ang isang braso ko at napahingang malalim. "Wala na rin akong pagpipilian, Siona." Nabasag ang boses ko kasabay ng pamumuo ng luha pero iniwas ang mukha ko at tumingala sa madilim na langit.

"Kita mo naman... kaiinom lang ng gamot kanina pagkakain ng hapunan, wala pa isang oras, inatake agad ng hika niya."

Napaawa siya sa akin, hinawakan ako sa braso at hinagod. "Tamang desisyon lang Reese, mas mahalaga naman ang buhay kaysa..."

Natawa ako. "Dangal?"

Hindi siya nakapagsalita, sa kanya hindi na iyon mahalaga pa dahil wala na siya no'n, pero ako? Malaking bagay pa rin sa akin.

"Walang pilitan, kung ayaw mo talaga eh pwede namang sabihin mo kay Mr. Zeek—"

"Tatanggapin ko na ang trabaho, wala na akong pakialam pa sa mangyayari sa akin kung ganitong araw-araw lang din naman kami nagdudusa ng kapatid ko."

Huminga siya ng malalim at hinawakan ang kamay ko. "Ngayon pa lang sinasabihan na kita... para hindi ka na rin mabigla kapag nakita mo na ang boss niya."

"Gusto ko kayanin mo, Reese," seryoso niyang sinabi. "Hindi siya typical na lalaking madalas natin nakakasalamuha."

"S*x addict daw ito," seryoso niyang dagdag.

Nanlaki ang mata ko at nahigit pa ang paghinga. "Wala kang sinabi kahapon..."

"Kanina ko lang din kasi nalaman!" Nasuklay niya ang buhok parang siya pa nininerbyos para sa akin.

Kaya naman pala parang ayaw na niya ako tumuloy samantalang kahapon todo himok.

"Pero! Talaga naman daw galante sa babae," sabay bawi rin. "Buhay na buhay ka naman daw sa kanya, iyon nga lang talagang nangwawasak..."

Nalaglag ang panga ko.

"Isipin mo na lang para sa kapatid mo, lunok lang nang lunok, Reese wag mo na lasahan ang pait at alat. Kung ano mang gawin niya, sundin mo na lang, isipin mo ang pagkatapos no'n na siya rin tatapos sa lahat ng problema niyong magkapatid."

Kinabahan man sa mga impormasyong sinabi niya, hindi na rin ako nakaatras at kinabukasan sinanamahan niya rin akong makipagkita kay Mr. Zeek.

Pinahiram niya ako ng damit, isang yellow dress na konting galaw lang talaga naman masisilipan ka sa iksi, backless din, tanging maninipis na criss cross string lamang ang nagkakapit mula batok hanggang likod.

Pero kahit ganito, ang gandang tingnan at kikay din si Siona, lahat naman ng damit niya kahit na saan mo suotin aakalain mo siyang anak mayaman sa galing magdala kaya marami talaga siyang mga nagiging koneksyon.

Magkatabi kaming nanghihintay sa lalaki dito sa isang mamahaling restaurants sa siyudad.

Inagahan na rin namin nauna na kami sa reserved table for three, medyo hindi lang ako komportable sa iksi nitong damit, sanay ako mag-heels kaya walang problema itong sa paa ko, kaso itong dress makikita na ang panty ko.

Nang mapansin ni Siona na panay hila ako sa palda at tinawanan pa ako kaya lalo ako nainis.

"Wag mong ibaba nang ibaba... baka kumalas ang tali mahubaran ka!" saway niyang bulong sa akin kaya inayos ang sa may batok ko at hinigpitan ang pagkakatali para safe.

"Mauuna pa makita ng empleyado iyang katawan mo kaysa sa boss niya, kaya lagot siya." Sabay tawa pa kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Ladies?"

Pareho naman kaming natigilan nang pukawin kami ng pamilyar na baritonong boses kaya napatayo ako ganoon din si Siona na ngumisi pagkakita sa lalaking lumapit at tumayo sa harapan namin.

Muka namang kagalang-galang suot ang isang black corporate suit at pormal na naglahad ng kamay sa akin buhat ng nangsisipat at nanunuring tingin.

"Hello, Reese good morning. I'm Zeekiel Alfonso, and it's my pleasure to meet you..." Ngumiti siya at agad ko naman tinanggap, at nakipag-kamay.

"Nice to meet you too, Sir," kabadong tugon ko at binawi ko rin ang kamay ko at tinuran niyang maupo na ulit kami.

"So..." Inayos niya ang coat niya at ngumiti muna kay Siona. "Nice to see you again, Siona it's been a week? As far as I remember?"

"Oo, kung libre ka mamaya pagkatapos nito pwede ako." Sabay kindat kaya pinanlakihan ko ng mata ang kaibigan ko.

Pero pareho lang silang tumawa.

"Playful as always, huh? Let's talk later after this job discussion with your friend." He even chuckled at naglabas ng kung anong papel mula sa dalang attached case.

Kaya pasimple kong nakurot si Siona sa tagiliran pero natawa lang at nagkagat labi pa habang pinagmamasdan ang lalaki sa harapan namin, talaga namang walang pinalalagpas.

"Here." Inilapag ni Mr. Zeek ang papel sa harapan ko itinulak papunta sa akin. "Those are all the lists of do's and don'ts by my boss, Mr. Heroux."

Mr. Heroux... parang pamilyar.

"And those rules should be strictly required to follow." Naging seryoso ang mukha niya pati na ang boses.

"You may read, you can ask me if there's something you would be against and let me answer so I can enlightened you," turan niya sa papel kaya maingat kong kinuha at binasa.

Rules Agreement:

1. Strictly must undergo monthly medical.

2. Strictly not allowed to have another man aside from Mr. Heroux, nor have a boyfriend is not allowed or else there will be severe consequences if you do.

Napalunok ako at ipinagpatuloy.

3. You will be followed and monitored by his men to get you secured and to prevent you from having a third party relationship behind his back while he's your owner.

Ang higpit kung sino man ang lalaking ito parang takot may humawak ng pag-aari niya, at ganoon na nga hindi parang.

4. You will do whatever Mr. Heroux demands, for example: If he asks you to s*ck him, you will.

Nanlaki ang mata ko sa pagiging detalyado. Parang ayaw ko na ata at gustong tumakbo na lang.

5. Whenever he needs you, you're required to attend to his needs wherever you're in school or house there's a service that will drive you to his place to do your job.

Nanginig bigla ang kamay ko kahit si Siona nanlalaki rin ang mata habang nakikibasa.

Binasa ko rin ang iilang mga kasunod na nagpatindig ng balahibo ko. Mr. Hearox is wild, he loves doing raw that requires me to take contraceptives, prevention for unwanted pregnancy.

"Any questions?" untag sa akin ni Mr. Zeek.

Tumango ako. "I-Itong, followed by his men bakit kailangan pa ako pasundan? Wala ba siya tiwala?" Tumingin kami Siona sa kanya na kuryoso din.

"Obviously, kapag babae niya gusto niyang kanya lang. May nangyari na noon na hindi niya pinaglapas, his previous woman had a third party, nilabag niya ang nakasaad sa kontrata kaya may kinalagyan."

Nanlaki pareho ang mata namin ni Siona.

"Hindi naman pin*tay, muntik lang," paglilinaw niya na para bang ang normal lang pakinggan kaya nagkatinginan kami ng katabi ko.

"But... it really caused her lifetime damage." dagdag niya pa na ikinalunok ko pigil pati paghinga..

"Dahil para kay Mr. Hearox... a woman who can't follow or obey his rules is not for him should be disposed as soon as possible, siguraduhin rin wala nang iba pang makikinabang."

Napalunok pa kami ni Siona.

"Loyalty matters to him, Miss Reese." Kumuha na siya ng pen at inilapag sa papel sa harap ko.

"You can sign it now kapag nabasa mo na lahat at nandiyan na rin pati sa baba ang presyo ng bawat gabi ng serbisyo mo sa kanya, and the price is adjustable."

Natigilan ako nang tingnan ko.

P100,000 per night... (adjustable)

"Depende pa, nasa sa iyo kung madagdagan niya pa iyan kung kaya mo pang higitan ang inaasahan niya mas magaling, dahil madali mong makukuha ang loob niya."

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • MY SUGAR DADDY IS A RUTHLESS BEAST   SPECIAL CHAPTER

    Lucien's POV I never imagined that I could have a life like this, a loyal woman beside me, and this little and tiny one who's holding my giant index finger around her so small fragile hand. I couldn't help not to get teary by the feeling of this overwhelming happiness that no words can express. Our baby is making cute calming sounds while she's looking at me with her beautiful eyes na nakuha nito kay Reese, lahat ay kay Reese, ilong, labi, hugis pusong mukha wala ni isang nakuha sa akin kaya hindi pwede hindi ako makakalalaki. She will get pregnant after months of rest, then bear for my baby boy this time, and if it's a girl again, then we'll have another hanggang makita ko kamukha ko. "Lucien, maawa ka sa bahay bata ko..." natatawang hindi maintindihang sinabi ni Reese na nakahiga sapo ang tiyan habang karga ko ang anak namin. She delivered a healthy baby girl. And today, she's one day old, I parang ayoko nang pumasok sa trabaho at kargahin na lang ang anak ko maghapon at walan

  • MY SUGAR DADDY IS A RUTHLESS BEAST   (FINAL) CHAPTER EIGHTY-TWO

    Third Person's POV Sa oras na makaramdam ka ng totoong pagmamahal, wala kang hindi kayang gawin, kaya mong mag-sakripisyo, at magpakababa, pero ang masama'y kayang-kaya mo kahit ang kumitil. Pinaka-nakakatakot na bahagi at kakayanan ng isang taong nagtataglay ng matinding pag-ibig. Pero handa namang magbago alang-alang sa gustong kapatarawan, makuha lamang ang babeng minsan niyang sinira. "I thought I'm gonna lose you..." mangiyak na sinabi ni Reese habang hawak magkabilang pisngi ni Lucien na ngayon ay nakahiga sa hospital bed matapos nang naging madugong labanan. Kahit pa nakaligtas ito, malala pa rin ang pinsalang matamo, si Zeek ang pinakang marami kaya iyak nang iyak si Siona mula kahapon pa,. dahil wala pa rin itong malay. Ang sabi ng Doctors ay stable maman ito at kailangan lang talaga ng pahinga dahil sa mga matamo pero hindi talaga kayang pigilan ni Siona ang labis na emosyon. Hindi nila masisisi, at buntis din idagdag pa na si Zeek ang buong pusong tumanggap dito at na

  • MY SUGAR DADDY IS A RUTHLESS BEAST   CHAPTER EIGHTY-ONE

    Third Person's POV Lucien's house is secured with high end security para panatalihing ligtas ang mag-ina niya kasama nito si Siona. He sent them to the safest hideout under the basement that no one can come after them, at kung meron? Nasa pintuan pa lang bukana pa lang lasog-lasog na. Kasama niya si Zeek na dumiretso sa main house dala ang mga tauhan niya, kasama niya si Zeek na hindi rin mababakas ang takot. As they both walked and about to get in when widely opened but tons of men ang bumuluga sa kanila, mga tauhan ni Don Patriach... At sa likod naman ni Lucien bitbit niya rin ang mga armado niyang tauhan na kasing dami ng mga alipores nitong nakaabang sa loob ng bahay. O mas tamang sabihing... paalis na dapat sa bahay niya para siya patayin at ang mag-ina niya, and this isn't about his twin who died anymore, but this old man's real agenda. Hindi nito matanggap na sa edad, wala nang kakayanan pa makipagtunggali sa mas bata, pati na ang ang pagtayo niya sa sariling Empir

  • MY SUGAR DADDY IS A RUTHLESS BEAST   CHAPTER EIGHTY

    Reese AdelaiKumakain ako sa kwarto nang pumasok si Lucien buhat ng nakangiting mukha nang abutan ako nakain ng lakatang saging na may soy sauce at dali-dali ko itinago sa likuran ko.Tumawa siya. "Why are you hiding it?" tumatawa niyang tanong at naglakad papunta sa akin."You'll call me weird for sure!" I pouted like a little girl na nahuling kumakain ng junk food.Umarko naman ang dalawang kilay niya buhat ng naaaliw niyang mukha. "Did I?"Natahimik ako... hindi niya kinumento dahil naunahan ko na sabihin at lalo lang akong napanguso nang hawakan niya ang ulo ko, at pinat ako."It's okay, I'm getting used to this pregnancy cravings and weird habits , but please make sure na ikaw ang kakain wag mo na akong pakakainin..." tila pakiusap niya kaya ako naman ang napatawa.Tumango ako at ngumiti naman siya nang tinabihan niya ako ng upo sa kama sabay hinawakan ang pisngi ko, at kinuha ang mangkok likod ko sa likod ipinatong sa bedside table."I'm going somewhere."Natigilan ako at napati

  • MY SUGAR DADDY IS A RUTHLESS BEAST   CHAPTER SEVENTY-NINE

    Third Person's POV"A banana with soy sauce?" Parang gusto nang mag-walk out ni Lucien sa sarili niyang bahay matapos ng isang seryoso pag-uusap mula sa tawag at ibinaba niya sakto kumatok ito at pumasok.Sinabi ang gusto ni Reese ngayon kaya para siyang maiiyak pero sa huli tumawa na lang siya at nahilot na naman ang noo."And then what? Ako na naman ang kakain?" dismayado niyang tanong halata maman na pigil ang tawa ng kasambahay pero itinikom ang bibig."Ang sabi lang po ni Ma'am, gusto niya ng hinog at matamis na saging na may toyo," tanging sagot lang nito na pagak niyang ikinatawa."Alright, then go make her one," pagtataboy niya na rito. pero umiling ito na parang hindi niya maiintindihan."Sir, gusto raw niyang kasama kayo kumain."Nanlaki ang mata niya. Hanggang kailan kaya siya pahihirapan ng buntis na ito? At hanggang kailan ba ang paglilihi?He groaned but he just chuckled and held his nose bridge at pumikit siya sandali, but he shook his head.Malungkot na ngumiti. "Tell

  • MY SUGAR DADDY IS A RUTHLESS BEAST   CHAPTER SEVENTY-EIGHT

    Third Person's POV Bitbit ang maliit na mangkok ng icecream saktong alas kwatro ng hapon tumigil si Lucien sa tapat ng pintuan ng kanilang kwarto. Pairap siyang huminga ng malalim, inihanda niya ang sarili sa gagawin pagkain, ngayon pa lang bumabaliktad na ng sikmura niya, ang lakas ng tama ng buntis na ito. Hindi ito sumabay sa kanya sa tanghalian, masama pa rin ang loob dahil hindi niya sinunod, kaya ito siya, kakainin na ang kakaibang bagay na 'to. Isinantabi niya na muna ang problema sa matanda, mas mahalaga ang mag-ina niya, and he will deal with that old man later after fixing his problem with his pregnant wife. Kumatok na siya, at pinihit ang saradura sabay binuksan ang pintuan, naabutan niyang dali-dali itong tumalikod ng higa, nagtago pa talaga sa loob ng kumot kaya siya napatawa. Tumigil siya sa dulo ng kama, nagpakawala ng hirap na paghinga. "Reese, get up. Don't be like that the whole day just because I did not eat your f*cking icecream," may pagka gaspang pa ri

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status