Share

Chapter Two

NAGING maayos naman ang byahe nina Rudny at Rodjun hanggang sa makarating sila sa fortress mansion nila. Dalawang kotse ang nakasunod sa kinalulunaan nilang sasakiyan, sakay ng mga iyon ay ang mga itinalagang body guards ni Ricardo para sa kanilang dalawa.

Sa totoo lang ay hindi kumportable si Rudny sa ideya na may bumubuntot-buntot sa kaniya ng mga tao ng ama. Pero pagdating kay Rodjun ay ayos lang sa binata, pero pagdating sa kanya iritang-irita siya.

Matataas ang makakapal na pader ang nakabakod sa buong paligid ng mansyon. De high tech din mula sa malaking gate hanggang looban niyon ang mga appliances. Imported at galing pa mula sa ibang bansa ang mga iyon. Hindi basta-basta nakakapasok, kakailanganin na ma-encode muna sa record ang pagkakakilanlan ng mga taong labas-pasok sa Aragon’s Mansion.

Lahat ng bawat sulok ay may mga nakakabit na CCTV camera, pwera lang sa loob ng mga bedrooms. Five storey ang naturang mansion ng mga Aragon na pinapalibutan ng mga maasahan tauhan din nila. Moderno ang pagkakadesinyo ng mansion na katulad ng mga bahay mula palm strings California modern house designs Spanish style.

Tuluyan silang lumabas na magkapatid sa kotse.

“Mauuna na ako sa silid ko Kuya Rudny,”nahahapong wika ni Rodjun.

Tumango lang naman si Rudny matapos nitong tapikin ang balikat ng binata. Halos siyam na taon din ang agwat ng edad nila pero hindi naman naging issue iyon dahil malapit sila sa isa’t isa.

Nang makapasok na sa loob ng mansyon si Rodjun ay agad na binalingan ni Rudny si Acapel ang pinakapinuno ng mga tumatao sa loob ng mansyon. Maliit pa siyang bata ay naroon na ito, matalik na kaibigan ito yumaong ama ni Rodjun.

“Acapel, nakita mo ba si Dad?”tanong ni Rudny habang naglalakad siya papasok. Agad siyang dumiretso sa mini bar sa kanilang mansyon. Tuluyan niyang inabot ang . Sinalinan ang basong babasagin na hawak-hawak lang naman niya.

Magsasalita na sana si Acapela ng makarinig sila ng pagtikhim mula sa direksyon ng pintuan.

“Dumating ka na pala iho,”bungad sa kanya ni Ricardo. Ang ama ng binata, umeedad na ito ng sing kuwenta’y singko. Pero matikas pa rin at maliksi ang bawat galaw, walang kupas din ang angkin nitong kagwapuhan magkagayunman ay hindi na ito nag-asawang muli matapos na mawala ang asawa. Dito nagmana si Rudny. Maliban lamang sa bigotelyo ang matandang lalaki at moreno ang kutis nito ay malayo naman ang binata dahil mestiso ito na nakuha naman niya sa yumaong ina.

“Yes Dad, kadarating lang namin ni Rodjun,”wika ni Rudny. Itinaas niya ang baso na hawak-hawak, napailing naman si Ricardo sa sandaling iyon ay tumanggi ito sa inaalok niyang tagay.

“Nasaan ang kapatid mo?”tanong ni Ricardo.

“Dumiretso sa silid niya, mukhang napagod,”simpleng wika ni Rudny na patuloy lang sa pagsimsim.

“Ganoon ba, kumusta ang naging transaction mo kay Mr. Cripson?”

“Okay na Dad, no worries susunod sa lahat ng napag-usapan ang lalaking iyon,”kumpiyansang saad ni Rudny na muling sinalinan ang baso ng matapang na brandy.

“That’s good to hear, maasahan ka talaga. Alam ko hindi ako nagkamali na ikaw ang siyang humalili sa mga maiiwan kong obligasyon sa pamilya natin.”Tinapik-tapik pa ng matandang lalaki ang balikat niya

“Thanks Dad, saan ba ako magmamana siyempre sa’yo,”mayabang na ani Rudny.

“That’s my son! Pero sana hindi mo pa rin nakakalimutan ang mga pangaral ko sa’yo understood,”dagdag pa ng matandang lalaki.

“Of course Dad, hindi ko naman babalewalaen ang lahat ng iyon. Mga katulad lang ni Bernard ang papatawan kong magbigay ng buwis. Pambawe na rin sa mga taong inaagrabadyo ng Tatay niyang congressman,”sagot niya.

“Mag-iingat ka lang lagi iho, h-hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may masamang mangyari sa’yo. Until this day, I still remember y-your death’s mom.”

Pagkabanggit ng ama niya sa sinapit ni Olivia ang ina ni Rudny ay hindi maiwasan ng binata na makaramdam din ng lungkot at pangungulila rito.

“Kung maibabalik ko lang ang nakaraan ay hindi ko maatim na mapatay siya!”Kitang-kita ni Rudny ang pait na bumalatay sa mukha ng ama. Maging ang pagkuyom ng kamao nito sa ibabaw ng counter.

“Stop it Dad, nakaraan na iyon w-wala na tayong magagawa. Alam kong masaya na si Mommy kung nasaan man siya ngayon. You know, kahit kailan ay hindi kita sinisisi sa pagkawala niya. You’re the best Dad for me!”

“Salamat anak, alam kong proud na proud sa’yo si Olivia sa kung ano ka ngayon.”

“Dahil sa’yo iyon. Anyway tigilan na natin ang kadramahan, ano na bang next na ipapagawa mo?”pag-iiba ng paksa ni Rudny.

Tinitigan naman siya ni Ricardo, matagal bago ito umimik. Pero halos maibuga ng binata ang nilalagok na alak sa kasunod na sinabi nito.

“Are you kidding me Dad?”

“Hindi ako nagbibiro. Alam mo na, tumatanda na ako, normal na siguro na gusto ko ng makita na makabuo ka ng sarili mong pamilya, magkaroon ng may-bahay na mag-aasikaso. Anak na magbibigay kasiyahan sa’yo…”

“Stop it Dad, wala sa isip ko ang mga sinabi niyo,”naiiling na ani ni Rudny.

Kahit hindi magsalita si Ricardo ay kitang-kita ni Rudny ang dumaan na lungkot sa mata ng matandang lalaki.

“Sorry Dad,maybe I’m not the type of person to build a family. Wala pa sa isip ko iyan,”simpleng tugon niya. Inubos na niya ng tuluyan ang laman na brandy sa tangan-tangan na baso.

“C’mon Rud kailan mo babalakin magkapamilya, trenta ka na. Kung iniisip mo ang negosyo ng pamilya, don’t worry marami tayong maasahan na tauhan,”dagdag pa ni Ricardo.

“Dad! Tama na, sige kapag nakita ko na ang tamang babae sa akin at magiging ina ng mga anak ko. Ora mismo ako na mismo ay magpapakilala sa kanya sa’yo .”Kumindat-kindat pa siya sa ama na naiiling sa sinabi niya.

“Good to hear that, pero mukhang dumating na siya sa buhay mo. Ayaw mo lang iharap sa akin,”naaliw na wika nito.

“W-what are you saying?”Nakakunot-noo na tanong niya sa ama.

“Kaninang umaga iho, isang babae ang nagpunta rito. At alam mo gusto ko siya para sa’yo she’s beautiful, smart at mukhang nanggaling naman sa matinong pamilya.”

Now Rudny started to get corious, dahil kaninang pauwi sila ay ang kapatid niyang si Rodjun ang nagsasabing may magandang babae na dumating.

“I don’t know her Dad, did she tell you about her name?”

Umiling lamang si Ricardo. “Nope! Actually I forgot to ask, natulala na lang kasi ako. Naalala ko ang Mom mo dati sa kanya, kaya kung ako sa’yo iho kapag isa siya sa mga babaeng nae-de-deyt mo huwag mo ng pakawalan,”payo pa nito.

“Okay Dad,”iyon lamang ang naitugon ni Rudny. Matapos pa ang ilang pag-uusap nila sa next assignment niya ay tuluyan na siyang nagpaalam sa ama na magpapahinga na.

MALAKAS na pagtunog ng alarm clock ang umalingaw-ngaw sa silid ng dalaga.

Agad niyang kinapa ang maingay na bagay na patuloy sa pagtunog. Nang mahawakan niya iyon ay agad na niyang pinatay iyon.

Akmang itutuloy niya ang pagtulog ng muli niyang maalala ang dahilan kung bakit siya nag-alarm sa ganoong kaagang oras.

“Oo nga pala kailangan kong magpaaga para naabutan si Ruru sa mansyon nila!”piping pakikipag-usap ni Beatrice sa sarili lamang.

Tuluyan na siyang bumangon at kasabay niyon ang pag-iinat niya.

Agad siyang dumiretso sa may bintana at binuksan iyon upang makapasok ang sariwang hangin sa loob ng silid niya.

“This is it Bea, kailangan may mangyari sa ginagawa mong paghabol-habol sa kanya. Remember he’s your husband to be!”Patuloy na pang-che-cheer up ni Beatrice sa sarili.

Alas-sais pa lamang ng umaga, sa ganoon oras ay naroon na si Don Vecenti ang ama nila upang doon ganapin ang almusal nito. Hindi nga siya nagkamali dahil buhat sa paborito nitong konkretong bench ay naroon na nakaupo at kasalukuyan na nitong tinitimpla ang tasa ng kape. Isang kutsarang kape at limang teaspoon din ng white sugar ang nilalagay nito. Walang mintis iyon.

“Hai Daddy! Goodmorning sasabay na po ako sa almusal niyo! Wait me there!”Sigaw ni Beatrice mula sa itaas. Nasa ikalawang palapag ang dalaga.

Kita niya ang nasisiyahan pagtango ng matandang lalaki. Dali-dali na siyang tumalikod at naglakad papasok sa loob ng sariling banyo matapos na kumaway ni Beatrice sa ama.

Ginawa na niya ang morning routine niya, matapos ang tatlong minuto ay nagmamadali na siyang lumabas.

“Goodmorning po sa inyo! Kumain na po ba kayo? Mag-almusal ho muna kayo bago niyo umpisahan ang trabaho!”Paalala niya sa mga nadadaanan na mga katulong sa may hallway ng mansyon nila.

Napapangiti lamang ang mga ito sa katabilan niya, gustong-gusto siya ng lahat.

Nang makalayo si Beatrice ay nagkumpulan ang tatlong katulong lang naman.

“Ang bait-bait talaga ni Ma’am Bea ano?”wika ng bata-batang katulong.

“Sinabi mo pa swerti ang magiging nobyo niya!”tugon naman ng isa.

“Swerti talaga kung papatulan siya, ang balita ko hindi raw siya type ng lalaking nagugustuhan niya!”sabi naman ng isa pa.

“Talaga?”

“Oo ang nasagap ko bestfriend daw ni Sir Novice iyon. Alam niyo naman ugali ni Senyorito, masungit kaya tiyak kong ganoon din ang kaibigan nito!”chika pa nito.

Maya-maya dahil sa pagchi-chismisan nila ay hindi na nila napansin na nasa likuran na nila si Novice. Isang malakas na pagtikhim ang ginawa nito.

“Ahy! Kabayo!”nagulat na usal ng isa.

Nanatili lang naman nakatingin ang matalim na titig ni Novice sa tatlo.

“Sorry sir, b-balik na po kami sa trabaho,”wika ng mas nakakatanda sa tatlo. Dali-dali naman tumalilis ang mga ito palayo.

Tuluyan naman naglakad palabas si Novice, didiretso na sana siyang sumakay sa kotse niya ng madinig niya ang malakas na pagtawag ng pangalan niya ni Beatrice.

Gustong mairita ni Novice ng muling ulitin sa mas malakas na tinig ang pagtawag sa kanya nito.

“Ano ba Kuya bingi ka ba, kanina pa ako tawag ng tawag sa’yo ah!”nagmamaktol na wika nito na nagpout pa matapos na makalapit ito.

Tuluyan naman hinarap ni Novice ito, mula sa malayo ay kitang-kita ng binata ang nakatingin na si Don Vecenti.

“Narinig kita, kaso nagmamadali ako Bea. Ano ba ‘yun,”wika ni Novice.

“Halika sumabay ka sa amin na mag-almusal ni Daddy. Matagal-tagal na rin ng huli tayong magkakasabay sa almusal na tatlo,”pakiusap ni Beatrice.

“Please…”Kasabay niyon ay pinagsalikop pa ng dalaga ang palad.

Napabuntong-hininga naman si Novice ngunit tuluyan na niyang pinagbigyan ang paglalambing ng nakakabatang kapatid.

Tuluyan na ngang ikinawit ni Beatrice ang kamay sa braso ng kapatid.

“What do you want black coffee or with cream, tell me kung may gusto kang ipaluto na kainin,”sunod-sunod na wika ni Beatrice matapos nilang maupo.

“Thanks sis pero okay na sa akin ang kape,”tugon ni Novice.

“Naku! Kuya! Huwag ka ng mahiya. Kapag may gusto kang ipagawa tell me I have free time, wala naman akong gagawin ngayon,”dagdag pa ng dalaga.

“Bakit mukhang bumabait ka ngayon, may hihingin kang pabor?”Nakataas ang sulok ng kilay na wika ni Novice.

“Ahmm, alam mo naman ang gusto ko right Kuya Novice hmmm…”ani ni Beatrice.

“Pwedi ba Bea, tigil-tigilan mo na si Rudny, maghanap ka na lang ng iba. Hindi kayo bagay na dalawa.”

“Ouch! Ang sakit mo naman magsalita brother! Ganoon mo na ba i-down ang alindog ko!”Nagkunware itong nasasaktan.

“Oo nga masyado mo naman minamaliit ang kapatid mo,”singit naman ni Don Vecenti.

“Hindi iyon ang ibig kong tukuyin Dad, ang gusto ko lang iklaro na maghinay-hinay siya dahil kilala ko si Rudny. Walang seneseryusong babae iyon, ayaw ko lang na masaktan siya sa huli,”tuloy-tuloy na payo ni Novice.

“Aahh! Thanks Kuya Novice sa concern mo. But don’t worry I can manage, malay niyo one of this day ay mahulog na siya sa akin. No one can resist me!”puno ng kumpiyansa na saad ni Beatrice.

Sino ba naman kasi ang hindi magagandahan sa isang Beatrice De Guzman, may unat na mahabang buhok, mestisa, bilugan ang mata mahaba ang pilikmata na may manipis na kilay. Matangos ang ilong at may labing mapupula at kaakit-akit. Tumataas ito ng five seven feet.

Galing sa isang mayaman na pamilya. Nag-aral sa States ng Business Administration para sa pagkakaroon nito ng posisyon bilang Business Analysis sa D.G Empire.

Nag-e-export sa iba’t ibang panig ng Bansa ng mga mamahaling kalidad ng alahas, katulad ng emerald, gold, silver and diamond sa bansa na: France, Switzerland, London at Germany.

High class jewerly store ang mga pinapatayo nila. Kung saan, mga kilalang mayayaman na personalidad sa buong mundo ang tumatangkilik sa kanilang negosyo. Ilang malalaking minahan ang sakop ng kanilang negosyo.

Tuluyan humigop at inubos na ni Novice ang kape, tumayo na siya. Lalo siyang mawawalan ng gana sa araw na iyon kapag ganitong nakakaharap niya ang ama.

“Papasok na ako,”pamamaalam niya.

“Kuya! Wait! Magkikita ba kayo ni Rudny alam mo ba schedule niya ngayong araw?”

“Hindi ko alam Bea, sige na mala-late na ako,”matapos sabihin iyon ay tuluyan na itong tumalikod at naglakad papunta sa sasakiyan nito.

Nanghihinang napaupo si Beatrice, gusto niyang magtampo sa nakatatandang kapatid.

“Bea, iha, kumain ka na. Huwag mo ng pag-aksayahan ng panahon si Rudny, may iba ka pang makikilala na mas babagay sa’yo. Kung gusto mo ipapakilala kita sa anak ng matalik kong kaibigan,”pangongonsola ng matandang lalaki.

“Don’t mind me Dad, isa lang gusto ko. At ang mapansin ako ng lalaking tipo ko,”matatag niyang ani.

“Bahala ka iha, kung diyan ka sasaya susuportahan kita,”usal na lang ni Don Vecenti.

Napangiti na lang si Beatrice. Muli niyang naalala ang gabi kung saan ay nagkrus ang landas nila ni Rudny Aragon may limang taon na rin ang nakararaan. Ito ang lalaking itinalaga niyang maging asawa pagdating ng panahon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status