Share

CHAPTER SEVEN

THIRD PERSON’S POV:

Pang-apat at panghuling subject na nina Angela iyon sa araw na iyon at laking pasalamat niya na wala pa silang schedule na hanggang alas syete ng gabi since unang semester pa naman. Naiinip na siya dahil sa katagalan ng oras, gustong-gusto na nitong umuwi kasama ang mga kaibigan upang mapag-usapan ang impormasyong nakuha ni Kylie mula sa kasamahan nitong hacker din.

Hindi na sila nakapag-usap noong lunch sa kadahilanang may pinapagaawa kaagad ang prof ng second subject nila, ang terror daw kasi nito. Alas dose na sila nakapaglunch at ang bell time para sa pangatlong subject nila ay ala una. Bago sila dinismiss ng prof nila sa Arts & Humanities ay nag groupings sila para sa reporting na magaganap.

Sa kasamaang palad, dalawa sa kagrupo niya ay ang dalawa sa limang prinsipe sa paaralan nila, maisip niya lang ulit ito ay nag-iinit kaagad ang ulo niya at hindi niya alam kung bakit ganoon na lamang siya kung makapagreact. Hanggang ngayon ay nakabusangot ang mukha niya, tanggap niya na na kaklase niya ang mga ito pero ang hindi niya tanggap ay ang pagiging kagrupo niya sa mga ito kahit man na imposibleng di sila magkakagrupo since magkaklase nga sila.

Makalipas ang ilang minuto ay napahinto sa pagsasalita ang guro nila sa harapan nang tumunog ang bell. “Class Dismiss” , pagkasabi na pagkasabi nito ng guro nila ay tumayo ang lahat at nagpaalam na dito. Dali-daling inayos ni Angela ang kanyang mga gamit at saka humarap sa kanyang mga kaibigan pero nang humarap siya sa kinaroroonan ng mga upuan nito ay wala na ang mga ito.

Napakamot siya sa kaniyang ulo at nagtaka kung bakit pumunta ito sa iba’t-ibang puwesto. “Gel, magkagrupo daw tayo sabi ni sir.” Sabi ng kakarating lang na si Bea na galing sa clinic. Nawala ito noong second subject nila at nagpaalam na pupuntang clinic dahil masakit daw ang ulo, hindi na rin ito nakabalik at hindi na nakapaglunch.

“Kumain tayo bago umuwi. Okay ka na ba?” nag-aalalang tanong ni Angela sa kaibigan. Ngumisi si Bea dahil sa tanong ni Angela. “Uy, concern siya oh.”  Mapang-asar na sabi nito sabay sundot sa tagiliran ng kaibigan. Napaiwas naman si Angela habang pinipigilan ang pagtawa dahil sa kiliti.

“Sira! Sinong di mag-alala eh sabi mo masakit ang ulo mo tas di ka pa talaga naglunch.” Sagot naman ni Angela na mas lalong nakapagpangiti kay Bea. “Huhu nakakatouch talaga pag nagiging concern ka na.” sabi pa nito na napapapunas sa imaginary luha.

Naputol lamang ang kakulitan ni Bea nang lumapit sa kanila ang kanilang kaklase na si Lance. “Mga nerds, meeting muna tayo!” pasigaw na tawag nito sa kanila at tinuro ang pwesto ni James kung saan nakapwesto na rin ang ibang kagrupo nila. Napabusangot ulit ang mukha ni Angela at tumango.

Naglakad sila papunta sa pwesto ng mga kagrupo at nakinig sa mga suggestions at diskusyon ng mga ito. Bandang alas sais na sila natapos dahil natagalan sa pagtalakay sa kung anong gagawin ang grupo nina Angela kaya napatawa ang kanyang kaibigan nang makita ng mga ito ang magkasalubong niyang kilay.

“Gel, ang gwapo pala noong kasama ni James ano?” pagsisimula ni Bea na parang kinikilig nang maalala ang binabanggit. Napatawa si Bea sa pa ‘tsk’ ng kaibigan at dahil sa kalokohang sinabi niya.

Alas syete imedya nang makauwi ang lima, ang apat na kaibigan ni Angela ay nasa iisang bahay lamang habang siya ay naiiba. Yun ang bilin ng dad niya, na kahit mga kaibigan niya ay hindi dapat pagkatiwalaan dahil hindi nawawala ang mga traydor at maaaring malalapit sa kanya iyon.

Nagtataka man sa sinabi ng tatay niya ay binalewala niya lamang iyon dahil para sa kanya, mapagkakatiwalaan ang apat, sa ilang taon na pagsasama nila ay alam na alam na nila ang mga sekreto ng bawat isa. “Magtipon-tipon tayo sa bahay ninyo, Nicole.” Wika ni Angela at dumiretso sa bahay ng mga kaibigan.

“Bakit ba kasi ang daming CCTV sa bahay mo? Para namang hindi mo kaya ang sarili mo.” Nicole said at sumunod kay Angela papasok ng bahay. Angela just shrugged her shoulders. She doesn’t really know the answer for Nicole’s question kasi ang babaw naman ng dahilan na hindi sila mapagkakatiwalaan para sa Dad niya.

Nang makapagtipon na silang lahat sa sala ay kinuha ni Kylie ang laptop niya at nagtipa agad ng mabilis at binuksan ang bawat file na makikita niya. “Magbihis na muna kayo, paparito daw si Dustin para tulungan tayo.”

“Ayun! The best ka talaga, Kylie! Mauna na ako ah.” Agad tumayo si Tiffany at nagtungo sa hagdan papuntang kwarto nila. Nagbihis na rin ang tatlo, may mga mabibihisan ng damit si Angela since tumutuloy ito minsan sa bahay ng apat. Ang huling nagbihis ay si Kylie dahil tinapos pa muna nito ang paghahanap ng file na kanilang gagamitin para sa misyon.

Ilang oras ang nagdaan ay siya namang biglaang tunog ng doorbell na nakapagpatayo kaagad kay Kylie. “He’s here guys.” dali-dali itong tumungo sa pintuan at pinagbuksan ang kasamahan. Nagtaka ang apat nang kumaripas sa pagpasok ang kasamahan ni Kylie at hinihingal itong napaupo sa upuan sa tapat ng inuupuan na sofa ng apat.

Napataas ang kilay ni Angela sa ginawa ng lalake at biglang umubo. “Anong nangyari sayo?” takhang tanong nito. Inabutan naman ni Kylie ng tubig ang binata at uminom muna ito bago sumagot. “May mga nakaitim na lalake na nag-aabang sa katapat nitong bahay, may papatayin yata ngayong gabi!”

Naghy-hysterical nitong saad at napahawak pa sa dibdib. Biglang napatawa si Tiffany at sinundan naman ito ng apat nitong kaibigan. “Bakit kayo tumatawa?” kunot-noong tanong ng binata. “Mga tauhan niyo yata iyon, Gel.” Saad ni Nicole na nakapagpatayo ni Angela.

“Have this meeting without me and we’ll do a brainwashing when I come back. Saglit lang ‘to.” Tumango ang apat bilang pagsang-ayon at inabot naman ni Bea ang mga gamit ni Angela. Nagpasalamat ito kay Bea at agarang lumabas ng bahay.

“Pasensiya ka na Dustin kung nagulantang ka agad pagkaparito mo.” Pagpapaumanhin ni Kylie na may halong pagtawa nang maalala ang ekspresyon at ginawa nito kanina. “Mga tauhan lamang yun ng pamilya ng kaibigan naming, alam mo na bantay sarado.” Kylie added and winked as she said the excuse.

“Okay lang, okay na ako at salamat sa pa-tubig mo, dae!” ani nito na may halong bisaya sa bawat pagsalita.

“Let’s not waste our time now. Magsimula na agad tayo para matapos na agad at makapagpahinga na.” seryosong pagpuputol ni Nicole sa usapan ng dalawa na nakapagpatango kay Dustin. “So what really are the informations that you’ve got sa org na ito?” pagsisimula ni Nicole.

“Miss, the right hand of Mungiki Organization’s boss will be having a midnight party in their villa.” Wika ni Dustin at nagsimulang magtipa sa laptop na dala niya. “What’s the catch?” taas-kilay na tanong ni Bea na lumapit sa kinaroroonan ni Dustin.

“It’s not an ordinary party, it was just a cover up to do their dirty transaction.” Sumunod ang tatlo kay Bea at lumapit na rin sa kinaroroonan ng binata at tumingin sa laptop nito. “Their villa is near the forest in the south and it has been said that they have been doing these parties once a month with other rich casualties including the Mayor’s son.” Dagdag nito at tinuro ang location at picture sa screen.

“Di pa rin talaga nauubos ang mga ganyan, drug dealing is way dangerous lalo na ‘pag nakahithit na lahat. Paniguradong walang hi-hindi dyan, addicts would always want to be addicted.” Bea tsk-ed and then seriously looked at the informations plotted on the screen.

“Yep, tama ka nga Bea. Sabi nga nila diba na ‘Once tasted always wanted’?” sang-ayon ni Kylie sa kaibigan. “Iba naiisip ko dyan dae ah.” Taas-babang kilay na sabi ni Dustin kay Kylie at nginisihan ito. Napatawa naman sila sa kalokohang naiisip ng binata at agad ring bumalik sa gawi.

“So it’s cocaine, huh? At talagang ini-inject nila ito sa babaeng gusto nilang masubukan! Ang ba-baboy! Yuck!” react ni Tiffany sa nabasa. Napatango-tango si Dustin at nagsalita, “It was really an advantage for them since walang taong makakakita kung saan nila pinanggagawa iyan and the worse thing here is they’ve been protected by the organization and the Mayor.”

“What the fu--! Nakapatay yung anak ng Mayor?” pasigaw na tanong ni Nicole na parehong nakasalubong ang kilay. “Oo, isang ordinaryong mamamayan lamang ng bayan nila at sabi-sabi ay kaklaseng scholar daw ito ng anak ng mayor.” Sagot ni Dustin at nagtipa ulit sa laptop upang maipakita ang impormasyon ng pinatay na dalaga at ang anak ng mayor.

“Harry Ramirez, isang college student. Nag-aaral sa isa sa sikat at mahal na unibersidad ng Cebu at ang babaeng ginahasa at pinatay nito ay ang scholar na si Alli Bazin, parehong nasa abroad ang mga magulang at nag-iisang anak lamang.” Pagbabasa ni Kylie sa impormasyon.

 “Tangina! Dapat makulong yan eh, silang dalawa ng tatay niya. Mali ang pag-aabuso ng kapangyarihan para maprotektahan ang anak. Maling-mali.” Seryosong wika ni Nicole na nakapagpatango sa tatlo at kay Dustin. “So what are we going to do now?” tanong ni Tiffany.

“Sa susunod na Sabado ang mangyayaring illegal party, diba?” tanong ni Nicole na nakapagpatango ulit sa apat. “Pupunta tayong Cebu on Friday night. Dustin and Kylie will be our watcher; it means sila ang taga gabay sa atin by hacking the security system ng villa. Not only that, I bet Dustin got the earpieces and drones that we’re asking?”

“Yes, I brought it. I also got some high-tec contact lenses that would serve as a CCTV to us and it has an auto-zoom for you to see clearer in a long distance.” Namamanghang napatitig ang apat sa inilalabas na kagamitan ni Dustin.

 “Cool! So let’s wrap things up ‘pag nakabalik na si Angela.” Wika ni Nicole and checked each device.

SA kabilang banda naman ay may lumabas na lalake sa isang itim na van at agad namang lumapit si Angela rito at nagmano saka hinalikan ito sa pisngi. “Dad, you’re here!” gulat na untag ng dalaga. “Pasensya na po di ako nakapaghanda ng hapunan, di ko po kasi alam na paparito ka.”

Seryoso lamang siyang pinagmasdan ng lalake na animo’y binabasa ang bawat kilos niya. “Bakit ka natagalan sa pag-uwi at bakit nasa bahay ka ng mga kaibigan mo?” diretsang tanong nito na nakapagbuntong hininga sa dalaga.

“Dad, galing po kaming school at natagalan kami kasi nagkaroon kami ng meeting sa mga ka-grupo naming and—“ pinutol siya ng lalake. “And what?” inis na tanong ng lalakeng kaharap niya.

“And why are you even mad now, Dad? How many times will I tell you na kaya ko na ang sarili ko? For heaven’s sake, I’m not a kid anymore! Nakakasakal na po ang pagiging bantay sarado mo sa’kin dad and it’s not healthy anymore!” sagot ng dalaga pabalik sa kanyang ama.

“Anak, you know that I’m doing this for you, to keep you out of danger.” Biglang lumambing ang tono nito at dahan-dahang lumapit sa anak. “So you’re saying that being with my friends is dangerous, Dad? Is that it?” tanong ulit nito at napapaatras.

“Dad, you’re meaningless. I don’t understand you anymore.” Mahinang saad ni Angela sa kanyang ama. “No, no. Anak, I’m sorry it’s just that I was really worried knowing that you’re still not yet in the house. What are you doing there anyway?”

“Dad, if you’re really sorry… please help us.” Tumingala si Angela sa kanya at tinitigan ito ng mariin. “What can I do for you, honey?” pilit itong napangiti habang tinatanong ang anak.

“We are going to Cebu on the night of Friday, Dad.” Sagot nito sa ama. “And what are you going there? Alam mong mas delikado ‘pag lumayo ka pa dito.”

“Dad, lend us the private plane, we’re going there for a project and could also use that time to rest and relax. Matagal-tagal na rin noong last na pagpasyal namin.” Nakangiting wika ni Angela at di mo mapaghahalataang nagsisinungaling ito.

“Okay, then. But next time anak don’t make me worry.” Tinapik siya ng kanyang ama sa balikat at tumango. Niyakap muna siya ng kanyang ama bago ito tumalikod at pumasok sa sasakyan.

Napangisi siya nang makita ang papalayong sasakyan ng ama. “You really aren’t worried.” Bulong nito sa sarili at umuwi saglit sa bahay niya para iuwi ang mga gamit.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status