Leonora’s POV
Gabi na, at narito ako sa labas ng hardin, nakatingin sa langit. Iniisip ko kung ano na ang nangyari sa kanila. Okay lang ba sila ngayon? 'Makakaahon din tayo sa kahirapan, Inay,' bulong ko habang nakatitig sa mga bituin sa langit. "Lord, gabayan Mo sana ako," sabi ko. Ipinangako ko sa sarili ko na pagkatapos ng mga problema namin, ipagpapatuloy ko ang pag-aaral ko. "Are you not cold, Leonora?" sabi ng isang boses mula sa likuran ko. Paglingon ko, si Sir Drack pala iyon, may hawak na baso ng alak. "Magandang gabi po, Sir," sagot ko, kahit na medyo kinakabahan sa presensya niya. Umiwas ako ng tingin at bahagyang dumistansya para hindi ko maamoy ang pabango niya. “Hindi naman po, Sir,” dagdag ko. Tumango lang siya, at katahimikan ang bumalot sa aming dalawa. Dahil sa awkward na sitwasyon, naisipan ko na lang pumasok sa loob. Habang nakahiga na ako sa kama, biglang tumawag si Ana, ang kapatid ko. "O, Ana, bakit napa-tawag ka? Gabi na," tanong ko sa kanya. Umiiyak niyang sinabi, "Ate, nasa ospital si Junjun." “Anong nangyari, Ana?” natataranta kong tanong sa kanya. “May dengue si Junjun, Ate. Kailangan natin ng pera pambayad sa ospital at pambili ng gamot,” umiiyak niyang sagot. “Sige, bukas na bukas magpapadala si Ate. Okay? Huwag ka nang umiyak. Si Inang, nasaan?” tanong ko ulit sa kanya. “Nasa ospital po kami ngayon, Ate. Si Nanay nakatulog habang binabantayan si Junjun,” sagot niya sa akin. Matapos ang usapan namin, lumabas ako ulit,nagbabasa,kaling na sa labas pa si Sir. Kukunin ko muna ng advance ang sahod ko sa buwan na ito para may maipadala sa kanila. Sakto naman at nakasalubong ko si Sir, paakyat na sana siya. “Ah, Sir, pwede ko po ba kayong makausap?” sabi ko sa kanya. Tumango lang ito sa akin at sininyasan akong sumunod sa kanya. “Sir, gusto ko po sanang mag-advance sa sweldo ko. Na-ospital po kasi yung kapatid ko na lalaki,” sabi ko sa kanya, bakas sa boses ang kalungkutan. “Sige,” sabi niya sa akin at kumuha ng pera sa wallet niya. “Here, tulong ko na lang sa kapatid mo,” sabi niya sa akin. Subrang rami ng pera na ito kaya nagulat ako at napa-tingin sa kanya. “Nako, Sir, okay lang po sakin ang sahod ko,” sabi ko. Isasauli ko sana ang pera pero binabalik niya ito sa akin. “Just take it, Leonora,” kalmadong sabi niya sa akin, kaya labis akong nagpapasalamat sa kanya. “Salamat talaga, Sir,” sabi ko sa kanya. Tumango lang siya sa akin. Lumabas naman ako at tinawagan ang kapatid ko. “Ana, magpapadala ako bukas,” sabi ko sa kanya. Nag-okay naman siya sa akin. Binaba ko naman ang tawag at bumalik sa kwarto para matulog. Kinabukasan ay maaga na akong nagising para makapag-luto ako ng maaga. “O iha, ang aga mo ata ngayon,” sabi sa akin ni Nay Iska, habang kasalukuyang umiinom ng kape. “Napa-aga lang, Nay. May alalayan din kasi ako mamaya,” sabi ko sa kanya, tiyaka ako nagpunta sa kusina para magluto. Ilang oras ay natapos ako sa pagluluto, tinulungan naman ako ni Manang Lora sa paghain. “Salamat po,” sabi ko sa kanya. Ngumiti lang siya sa akin at umalis. Maghapon na ng maisipan kung umalis para magpadala ng pera sa kanila. “Ana, nasa padalahan na ako ng pera,” sabi ko sa kapatid ko. “Okay po, Ate. Magpapasama nalang ako kay Tiyu,” sabi niya sa akin. Nag-antay lang ako ng ilang oras bago matapos ako. Kaya nag-message ako kay Ana na naipadala ko na. Habang papaalis ako, may bigla akong nabungguan na lalaki. Pagtingin ko, nagulat ako dahil sa sobrang kagwapuhan nito. “Miss, are you okay? Nasaktan ka ba?” sabi niya sa akin. Halata sa boses niya na may ibang lahi siya. “Miss, yohoo!” sabi niya habang kinakaway ang kamay niya sa harap ko. Natauhan lang akong nang pinigilan niya ang ilong ko. “A-ahh, opo, okay lang ako,” nahihiyang sabi ko sa kanya. Napa-tawa naman siya dahil sa naging reaksyon ko. “Bakit ka tumatawa?” nakasimangot na sabi ko sa kanya. “Nothing, you just remind me of my little sister,” sabi niya sa akin. “By the way, I’m Lance Ivan. But you can call me Lance,” sabi niya sa akin sabay lahad ng kamay niya. “Ako nga pala si Leonora. Nice meeting you po,” sagot ko, sabay abot sa kamay niya. ‘Ang lambot naman ng kamay nito,’ sabi ko sa isipan ko. Nag-sorry naman siya sa akin, pero sinabi ko na okay lang iyon. Kaya dahil na guilty siya, inalok niya ako na ihahatid na lang ako sa bahay ni Sir Drack. “Salamat, Lance,” sabi ko at bumaba sa sasakyan niya. Nang makapasok ako, nagulat ako ng makita si Sir Drack. Madilim ang mukha at nakatingin sa akin. “Who was that?” tanong niya sa akin, sabay ininom ang alak na hawak niya. “Ah, Sir, si Lance po. Bagong kakilala ko. Hinatid lang ako saglit,” sabi ko sa kanya. “Next time, huwag kang magpapahatid sa hindi mo masyadong kilala. Do you understand!” galit na sabi niya sa akin. Kaya napa-tango na lang ako dahil sa takot. Umakyat naman siya, samantalang naiwan ako sa may hagdan banda, nakatulala. “Sorry po, Sir,” mahina na sabi ko, kahit na wala na siya sa harapan ko. Tumunog naman bigla ang cellphone ko kaya sinagot ko na lang. “Ate, salamat po,” sabi ng kapatid kong si Junjun. Napaluha ako nang marinig ang nanghihinang boses niya. “Kamusta ka? Okay ka lang ba?” tanong ko habang pinipigilan ang mapaluha. Alam kong sa oras na umiyak ako, iiyak din sila. “Okay na ako, Ate. Malakas na ako,” sagot niya sa akin sabay tawa nang mahina. “O, magpakabait ka, ha,” sabi ko. “Oo, ate,” sabi niya sa akin. Papasok na ako sa kwarto para matulog muna saglit. Pagod akong napadapa sa kama. Hindi nagtagal, nakatulog ako. “Iha, gising,” sabi ng tao na tumatapik sa pisngi ko, kaya nagising ako mula sa tulog. “Nay, kayo po pala. Pasensya na po, hindi ko kayo natulungan sa mga gawain,” sabi ko sa kanya. Ngumiti siya at sinabing okay lang.Leonora’s POVMabigat ang hangin habang dahan-dahang bumukas ang trapdoor ng lumang bunker.Isang tunog ng kalawang at bakal ang pumunit sa katahimikan ng gabi. Kumapit ang ilaw ng flashlight ni Drack sa loob—madilim, masikip, at may mga sanga ng tuyong ugat na parang nagbabantay sa bawat sulok.“Ready?” tanong niya.“Never been,” sagot ko.Isa-isa kaming bumaba sa bakal na hagdan. Sa bawat hakbang, ramdam ko ang panlalamig ng paligid. Ang hangin sa loob, amoy amag, kalawang, at lumang dokumento. Pero higit sa lahat—amoy alaala.Sa tuwing pipikit ako, para akong bumabalik sa nakaraan. Mga sigaw. Mga utos. Mga pag-ulit-ulit ng pangalang hindi akin: “Subject 014—Lyra.”Pagkapasok namin sa loob, tumambad ang isang mahabang hallway. May mga sirang ilaw na kumikislap pa paminsan-minsan. Sa kaliwa, may mga silid na may label:ROOM 2: Emotional Reprogramming ROOM 5: Tactical Reflex Conditioning ROOM 7: Asset Memory WipeHindi ko napigilan ang hilab ng sikmura ko.Dito kami tinrain. Dito bi
Leonora’s POVTahimik sa loob ng kwarto ko habang binubuksan ko ang liham. Nakaupo ako sa gilid ng kama, hawak pa rin ang kahon mula sa van. Nakaligo na ang kambal, nasa kabilang kwarto na kasama si Vicky. Si Drack? Wala pa. Still out sa south perimeter — nagka-delay daw ang team nila.Which leaves me alone... with this.Bumalik sa akin ang bigat ng pangalan sa sulat.Vanessa.Nanay ko. Babaeng hindi ko akalaing may kinalaman sa gulo ngayon.Dahan-dahan kong binuksan ang liham. Makinis ang papel, halatang hindi basta-basta. May watermark. Familiar — emblem ng isang dating faction ng Helix.Hindi ko agad binasa. Tinitigan ko lang muna, inaalala ang huling beses na may ganitong sulat akong tinanggap galing sa kanya. Matagal na.Mas matagal pa kaysa gusto kong aminin."Leonora,Kung nababasa mo ‘to, ibig sabihin alam mo na. Na may mga lihim akong itinago sa’yo. Na hindi lang basta ako nawala — kundi pinili kong mawala.Hindi kita iniwan dahil ayoko. Iniwan kita dahil alam kong darating
Leonora’s POVMaaga pa lang, gising na ang kambal.“Mom! Mall day today, right?” sigaw ni Alex habang nagmamadaling isuot ang kanyang sneakers.“Yup! Pero hindi tayo bibili ng laruan ah. Grocery lang tayo, tapos bili ng bagong uniform, okay?”Si Ezra naman, nakakunot na agad ang noo. “Uniform lang? Wala man lang milk tea?”Napailing ako, pero natawa rin. “Tingnan natin kung behave kayo.”Paglabas namin ng compound, hindi kami sinamahan ni Drack. Kailangan niyang asikasuhin ang surveillance update ng mga team sa south sector. Ayaw niyang paalisin kami pero pinilit ko na rin.“I trust you,” sabi niya kaninang umaga habang nilalagay ang bracelet ko na may emergency button. “But still, be alert.”“I always am,” sagot ko. “Hindi ako si Lyra ngayon. Nanay lang ako.”At ngayon nga, nasa harap na kami ng mall — simple lang, pero para sa mga batang gaya nina Ezra at Alex, parang wonderland na.“Ma, ang daming tao,” sabi ni Ezra habang mahigpit na hawak ang kamay ko.“Saturday kasi. Dito dumad
Leonora’s POVMainit ang ilaw sa dining area. Hindi mula sa mga tactical LED lights ng ops room, kundi mula sa simpleng chandelier na may warm glow — isang klase ng liwanag na matagal na naming hindi nararamdaman.Sa wakas, isang gabi na walang baril sa mesa. Walang security alert. Walang diskusyon tungkol sa mga susunod na hakbang. Sa halip, isang mesa na punô ng pagkain — sinigang, inihaw na liempo, lumpiang shanghai (paborito ni Alex), at spaghetti (kahilingan ni Ezra).“Mom, why does the sinigang taste different?” tanong ni Ezra habang nilalapit ang mangkok sa ilong niya.Napangiti ako. “Because I added a bit of love.”“Ewww!” sabay na sigaw ng kambal.Tumawa si Drack. “It’s the same recipe, but your mom made it tonight instead of the kitchen staff. Kaya special.”“Pwede namang special… pero wag na yung may ‘love’ na ingredients. Nakakadiri!” reklamo ni Alex habang ngumunguya ng lumpia.Napailing ako, pero natatawa rin. Si Vicky naman, tahimik lang, pero kita sa mata niya ang aliw
Leonora’s POVNasa ops room kami ngayon. Tahimik. Ang ilaw ng monitor lang ang tangi naming liwanag. Sa screen, naka-display ang last file mula sa USB. Wala itong pangalan. Walang label. Wala ring date. Pero isa lang ang nakasulat:"Do not open unless you're ready to lose everything."“Ready ka na ba?” tanong ni Drack, marahan ang boses, hawak pa rin ang baril habang nakabantay sa paligid.“Hindi,” sagot ko. “Pero kailangan.”Pinindot ko ang file.Sa umpisa, walang lumabas. Static. Tapos may boses.Isang lalaki."Kung napapanood mo ito, ibig sabihin… nalaman mo na ang kalahati ng totoo. Oras na para marinig mo ang kabuuan."Nag-iba ang screen. Lumabas ang footage—grainy, parang luma na. May timestamp: 15 years ago.Isang silid. Tatlong bata. Lahat nakauniform. Lahat may ID tag.001 - Lyra 002 - Helix 003 - ShadowHalos hindi ako makahinga. Nakita ko ang sarili ko—bata, walang emosyon, nakaupo sa sulok. Sa tabi ko… isang batang lalaking naka-itim. Malamig ang mga mata. Tahimik.“Siy
Leonora’s POVTahimik ang labanan ng isip ko habang hawak ko ang maliit na USB na ibinigay ni Aceso. Parang may bigat na pumapasan sa balikat ko — hindi lang dahil sa sugat, kundi dahil alam kong sa loob niyan nakatago ang mga sagot na matagal ko nang hinahanap.Si Drack ay nakaluhod sa tabi ko, sabay hawak ng tablet, sabay tingin sa akin. “Ready ka na ba?” tanong niya.Tumango ako. “Ready.”Inilagay ko ang USB sa reader. Sabay sabing “play.”Sa screen lumabas ang isang lumang video — bahagyang static, asul ang hue, daté stamp: ikaw‑walang taon, batid mo lang ng Lyra era.Sa loob… isang batang babae. Mahina ang boses. Nervy. Nakasuot ng training uniform at may maskara. Sa tabi niya isang lalaki: nakatayo, nakatingin. May hawak na clipboard, may suot na tactical jacket.Ang caption sa screen: Project Origin – Subject Lyra 001.“Lyra 001?” bulong ko.Tumango si Aceso, na ngayon ay nasa likod ng pinto. “Iyong codename mo noon. Si Helix ang unang trainee pagkatapos mo.”Naramdaman ko ang