Leonora Handerson Magaspang, a determined young woman from Mindanao, dreams of a better life for her family. Forced to stop her studies due to poverty, she heads to Manila in search of work, unknowingly crossing paths with Drack Mozen Asher, a powerful mafia boss. When an unexpected night binds them together, Leonora walks away without looking back—only to later discover she's carrying not one, but two lives inside her. Five years later, fate brings them back together when she unknowingly applies as Drack’s secretary. As secrets unfold and dangers from the underworld threaten their children, Drack must fight not only for survival but also for the family he never knew he needed. Will love be enough to mend the wounds of the past, or will the darkness of Drack’s world tear them apart once more?
View MoreLeonora's POV
"Nay, kailangan kong pumunta sa Maynila, para din sa ’tin to," sabi ko kay inay, malungkot man pero wala akong magawa, kailangan ko na talaga magpunta sa Maynila. "Anak naman, sino ang mag-aalaga sa mga kapatid mo? Alam mo namang hindi ko pa kaya, lalo na at may sakit pa ako," sabi ni Inay sa akin. Tiningnan ko ang mga kapatid ko. Nakakalungkot man isipin, wala akong magawa dahil sa kalagayan namin dito sa Mindanao. "Nay, mas ok na andon ako para makapagpadala man lang ako kahit konti," sabi ko kay inay. "O siya, sige, kung ‘yan ang gusto mo," sabi ni inay sa akin. Nagtatampo siya, kaya nilambing ko na lang siya para kahit papaano ay hindi siya malungkot sa pag-alis ko. Kinabukasan, hinatid ako nila tatang sa airport kasama ang mga kapatid ko. "Tang, salamat sa paghatid. O, pa’no alis na si ate," sabi ko sa mga kapatid ko. Hindi naman mapigilang tumulo ang mga luha ko nang naglalakad na ako papasok sa loob ng airport. Ako nga pala si Leonora Handerson Magaspang. Di ko na nakilala ang tunay kong ama, sa pagkakaalam ko isang mayaman daw na negosyante ang ama ko. Yon lang ang nasabi ni ina sa akin, hindi ko rin naman siya kailangan kaya okay lang na hindi ko siya makilala. Ok naman kami ni inang kahit na may na dagdag sa pamilya namin. Alas 9 na ng umaga nang nakarating ako sa airport ng Maynila, hindi ko alam kung saan ako magsisimula maghanap ng matutuluyan pansamantala. "Ma'am taxi po?" sabi ng lalaki sa akin, papayag na sana akong sumakay ang problema lang ang mahal ng hinihingi ni manong. "Nako ang mahal naman pala, wala bang tawad manong ang mahal kasi," sabi ko kay manong taxi, sinabihan naman akong ang kuripot ko daw kaya umalis na lang ako. Palinga-linga ako naghahanap ng masasakyan na jeep, nang may biglang sasakyan na bumusina at muntik na akong sagasaan. "Ay jusko!!" sabi ko nang tumilapon ang handbag at naglabasan ang mga gamit sa loob, kaya pinulot ko nalang ang mga ito. May narinig naman ako na boses ng lalaki. " Miss, are you ok?" tanong niya sa akin. Nang lumingon ako, hindi ako makasagot agad sa kanya dahil sa sobrang kagwapuhan niya. “Ahh….” tanging salita na lumabas sa bibig ko. Iwinagayway niya naman ang kamay niya sa harap ko kaya nabalik ako sa realidad. “Ah, nako, Sir, sorry po, okay lang po ako,” sabi ko sa kanya, habang hindi inaalis ang mga mata ko sa pogi niyang itsura. "You need help with that?" sabi niya at akmang luluhod sana para tulungan akong pulutin ang mga gamit na nahulog. Sinabihan ko na lang siya na huwag. “Sorry, naghahanap kasi ako ng trabaho na mapapasukan, kaya napadaan ako sa kalye na ito,” kwento ko sa kanya. Pinagpag ko naman ang bag at damit ko para kahit papaano ay magmukha akong malinis.” "You're finding, you say?" sabi niya. Tumango lang ako sa kanya. Kahit nag-Ingles siya, naiintindihan ko naman kahit papaano. Hindi man ako nakapag-aral sa kolehiyo, valedictorian naman ako noon sa high school. "I'm hiring a maid, do you want to apply?" tanong niya sa akin. "Nako, Sir, oo, saan ba iyan, nang makapag-apply ako?" masayang sabi ko sa kanya, dahil sa wakas ay makakapagtrabaho na rin ako. Nang sa ganun, ay may maipadala ako kay Inang sa Mindanao. "Just go to this address,” sabi niya sa akin, at binigay ang papel na may nakasulat na address at pangalan niya. ‘Drack Mozen Asher,’ sabi ko sa isip ko. Ang gandang pangalan naman. "Sige po sir, makakaasa po kayo," sabi ko sa kanya, sobrang saya ang nararamdaman ko sa araw na ito. Pero ang tanong saan kaya ako pwede matulog kung bukas pa ako pupunta sa bahay para mag-apply bilang isang katulong. Hindi rin nagtagal ay nakahanap ako ng paupahan na maliit na apartment, baka ng isang araw lang ako dito. Baka may libreng matutulungan doon sa papasukan ko, para kahit papaano ay makatipid ako sa gastosin dito sa Maynila. Kinabukasan, maaga akong umalis upang puntahan ang address na ibinigay sa akin ng poging lalaki kahapon. Pagdating ko sa gate ng kanyang bahay, nagulat ako dahil napakalaki pala ng bahay niya parang isang palasyo! Kaya nag-doorbell ako, at hindi nagtagal ay may nagbukas ng gate. Isang matandang babae ang sumalubong sa akin, siguro nasa 60 na ang edad niya. "Magandang umaga po, ako nga po pala si Leonora," masiglang sabi ko sa kanya, ngumiti naman ang matanda sa akin . "Ikaw ba yung muntik ng masagasaan ni Sir Drack?" tanong niya sa akin, habang naglalakad kami papasok. "Ay nako po opo, pero ok naman na hindi naman din ako tumilapon hahaha," sabi ko pa sa kanya na may kasamang pagtawa. Habang papasok kami sa loob bumaba naman ang lalaki na nakita ko kahapon sa hagdanan. "You’re here," malamig na sabi niya sa akin nang makita niya ako. Nag-bow naman ako sa kanya. "Magandang umaga po, Sir," sabi ko. Tumango naman siya sa ’kin. Suplado pala itong magiging-boss ko. Sana maging maayos pagsasama namin. "Nay Iska, may breakfast na ba tayo?" tanong ni Sir Drack kay Nay Iska. "Oo, Señorito, ilalabas na ni Magda," sabi ni Nay Iska kay boss Drack. Maya-maya, lumabas ang isang babae mula sa dirty kitchen, na mukhang nasa trenta na ang edad. Tahimik siyang naglakad papunta sa lamesa, dala ang mga plato at mga kaserola. Nang magtama ang aming mga mata, nginitian ko siya nang magalang, at tumango siya nang bahagya bilang tugon habang inilalagay ang mga plato sa lamesa. "Anyway, you can start later. Nay Iska will guide you," malamig na sabi niya sa akin bago siya umupo sa hapag. Ramdam ko ang lamig ng kanyang boses, pero sinikap kong ngumiti at tumango bilang sagot. “Sige po, Señorito, salamat po,” sabi ko sa kanya habang tumatango siya nang bahagya. Sinundan ko si Nay Iska papunta sa magiging kwarto ko, at doon niya ipinaliwanag sa akin ang aking mga gawain. Sinabi niya kung ano ang mga dapat kong linisin at kung anong oras aalis si Sir Drack upang maisagawa ko nang maayos ang paglilinis sa kanyang kwarto. Hapon na noon habang naglilinis ako sa sala. Habang nagwawalis, bigla akong nagulat nang may tumahol na aso sa likuran ko. Sa sobrang gulat, nauntog ako sa isang pader. Kinapa ko ito pababa at may nahawakan akong matigas na bagay, kaya napasigaw ako sa takot. "Ay! Cobra!" sigaw ko, sabay lingon para tingnan kung sino iyon. Jusko, nakakahiya si Sir Drack pala iyon! Nahawakan ko pa ata ang cobra niya. Halata sa mukha niya na parang malapit na siyang magalit. Pasalamat na lang ako at hindi niya ako sinigawan nang mahawakan ko ang cobra niya. Ang laki pala! "Jusko naman, Leonora, nadudumihan na naman ang utak mo," sabi ko sa isip ko.Leonora’s POVAng umaga ngayon ay tila ibang mundo — may araw, may katahimikan, pero sa ilalim ng lahat ng ‘yon, may alon ng kaba na hindi ko maipaliwanag.Si Luna, walong buwan na. Masigla, matulungin, at sobrang curious. Lahat gusto niyang hawakan — pati buhok ni Drack, na araw-araw niyang hinihila habang tumatawa.“Ah! Luna!” sigaw ni Drack, habang tinitingnan ang sarili niya sa salamin. “May buhok pa ba ako?”Natawa ako, hawak-hawak ang bote ng gatas. “Meron pa, pero baka konti na lang next month.”“Abusado na ‘tong anak mo, oh,” biro niya habang kinuha si Luna at pinakilig ito. “Mana sa’yo.”“Hindi ah!”“Paano ‘di? Pareho kayong matapang. Parehong hindi nagpapatalo.”Ngumiti ako. “At parehong matigas ang ulo.”Ang mga araw namin ngayon ay ganito — simple pero puno.May gising sa madaling araw, may pagod sa tanghali, pero may halakhak sa pagitan ng lahat.Minsan naiisip ko, baka ito talaga ‘yung tinatawag nilang second life.Pero sa bawat gabing tahimik, habang tulog ang lahat, bu
Leonora’s POV Walong buwan na ang lumipas mula noong sumabog ang Helix Vault. Walong buwan ng katahimikan. Walong buwan ng bagong simula. At sa unang pagkakataon sa mahabang panahon… totoong may umaga na akong ginugustong gumising. Maaga pa lang, ginising ako ng malambot na halakhak. “Good morning, baby girl…” mahinang bulong ko habang tinitingnan ko siya. Ang liit pa rin niya. Mga daliri niyang parang sinulid, kumakapit sa hintuturo ko. Maputi, maamo, at may mga mata—mata ni Drack. “Luna,” bulong ko. “My little moon.” Pumasok si Drack, may dalang mainit na kape at isang basong tubig. “Still up?” tanong niya, pero nakangiti. “Hindi ako makatulog,” sagot ko, nakatingin pa rin kay Luna. “Parang ayokong ipikit ang mata ko. Baka pagdilat ko, mawala siya.” Lumapit siya sa akin, hinalikan ang ulo ko. “Hindi siya mawawala. Nandito na tayo, Nora. Safe na.” Safe. Ang salitang matagal kong hindi nagamit nang walang kaba. Tumingin ako sa labas ng maliit naming bahay sa gilid ng
Leonora’s POVMainit ang hangin. Hindi dahil sa apoy—kundi dahil sa tensyon.Ang mga ilaw ng Seraphim Vault ay nagpaikot-ikot, parang may sariling buhay. Sa bawat kislap, naririnig ko ang boses ni Lyra, paulit-ulit sa loob ng utak ko.“Welcome home, sister.”Sister.Hindi ko alam kung dapat akong matawa o matakot. Pero isang bagay ang malinaw—hindi na siya multo. Buhay siya. At alam niyang nandito ako.“Leonora, move!” sigaw ni Drack.Nailagan ko lang ang pagputok ng kuryente mula sa pader. May gumalaw—isang capsule, bumukas.Mula roon, lumabas ang isang babae. Maputla, mahina pa sa una, pero mabilis na tumayo.Naka-itim na combat suit, may marka sa braso: Unit 08 – Seraphim.“Sh*t,” bulong ni Roen. “Akala ko ikaw lang ang natira.”Hindi ko masagot. Tinitigan lang ako ng babae sa harap ko. Wala siyang emosyon, pero sa mga mata niya—may kilala. Parang may koneksyon.“Target recognized,” robotic ang boses niya. “Seraphim 07 activate containment protocol.”“Hindi tayo lalaban!” sigaw ni
Leonora’s POVAng tunog ng ulan sa bubong ng base ay parang orasan — mabagal, mabigat, at puno ng kaba.Ilang araw na ang lumipas mula sa ambush, pero hindi pa rin ako mapakali.Hindi lang dahil sa sugat, kundi dahil sa dalawang salitang paulit-ulit na bumabalik sa isip ko:Project Seraphim.Ano ‘yon?At bakit pangalan ko ang nakalagay sa file?“Drack, may balita na ba si Roen?” tanong ko habang nakaupo sa labas ng infirmary, hawak ang tablet na may kopya ng encrypted file.“Wala pa rin. Ang file na ‘to, parang pinaglalaruan kami. Layer after layer of encryption.”Sumandal siya sa pader, hawak ang tasa ng malamig nang kape. “Sino man ang gumawa nito, gusto niyang malaman natin… pero dahan-dahan.”“Like a game,” sagot ko, pinipigil ang kaba.Tumango siya. “Exactly. A mind game.”Tahimik kami pareho.Minsan, sa ganitong mga sandali, mas maririnig mo ang bigat ng katahimikan kaysa sa putok ng baril.Naalala ko si Lyra — ang ngiti niya bago siya naglaho sa usok.That kind of calm only com
Leonora’s POV Ang putok ng baril ay parang kidlat na sumabog sa tenga ko. Sa isang iglap, naglaho ang lahat ng katahimikan. Sigaw. Bala. Dugo. “Drack!” halos mapunit ang lalamunan ko sa pag-sigaw. Hindi ko na alam kung saan siya napunta. Ang paligid ay puro usok, putok, at mga taong nakasuot ng tactical suits — hindi Helix, iba ‘to. I grabbed my gun from my side holster. My hands were shaking, pero hindi ako nagdalawang-isip. I aimed, fired — tatlong beses. Tatlong katawan ang bumagsak. Pero marami pa sila. Ang dugo sa sahig ay sumasama sa ulan. Nasa gitna kami ng open field — isang trap. Hindi ito random ambush. Ito ay planado. “Fall back!” sigaw ni Roen sa earpiece ko, pero static lang ang sagot. Wala na akong marinig kundi ang putok ng mga baril. “Drack!” ulit kong sigaw. Hanggang sa nakita ko siya, nasa kabilang gilid, sugatan ang balikat, pero patuloy na lumalaban. Nang magtama ang mga mata namin, may sinenyas siya: Run. Pero paano ako tatakbo kung siya ang iiwan
Leonora’s POVTahimik ang buong compound. Pero ‘yung katahimikan na ‘yun, hindi nakakapayapa. Parang bagyo bago ang alon ng gulo.Nakaupo ako sa gilid ng kama, suot pa rin ang combat shirt ko kahit madaling araw na. Si Drack tulog sa kabilang gilid, pero alam kong mababaw lang ‘yung tulog niya. Ganun siya kapag alam niyang may bagyo sa paligid — alert, handa, pero pinipilit magpahinga.Ako? Hindi na ata ako marunong matulog nang buo.Sa bawat pikit ng mata ko, nakikita ko ‘yung mukha ni Mama—si Vanessa—sa video. Yung bigat ng tinig niya habang sinasabi: “Marrow... is you.”Parang echo na paulit-ulit.Hindi ko alam kung anong mas nakakatakot — ‘yung posibilidad na may mangyari sa akin, o ‘yung katotohanang baka ako mismo ang magpasimula ng lahat ng ito.Alas-sais ng umaga, nasa control room na kami. Si Kuya, Patch, Whisper, at Mariel nakapalibot sa mesa. May mga mapa ng compound, schematics ng network routes, at digital data ng Helix program.Si Drack nakatayo sa tabi ko, arms crossed,
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments