Mag-log inLeonora's POV
Nagising ako sa isang kwarto na hindi ko kilala. Ang kulay ng bubong ay gray at may black. Nang tignan ko ang kabilang bahagi ng kama, gulat na gulat ako nang makita na ang lalaki na iyon ay si Sir Drack. ‘Jusko po,’ tanging nasabi ko sa isip ko. Tiningnan ko ang katawan ko sa ilalim ng kumot at nagulat nang makita kong wala na akong saplot. Kaya napa-tayo ako bigla, pero naramdaman ko ang sakit sa aking pagkababae. Wala akong magawa kundi magtiis na lang at kinuha ang mga damit ko na nagkalat sa sahig. Pagkalabas ko sa kwarto ni Sir Drack, hindi ko pa rin lubos maisip ang nangyari. Kahit anong pilit kong alalahanin ang nangyari kagabi, wala man lang kahit konting alaala. Kailangan ko nang iwasan si Sir Drack kung maaari, sabi ko sa isip ko.” "Leonora, saan ka galing?" sabi ni Nay Iska sa akin na ikinagulat ko. Kaya napa-hawak ako sa aking dibdib. "A-ah, Nay Iska, dyan lang po, hahaha," nauutal na sagot ko sa kanya dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin. "O siya, magluto ka na ng agahan ni Sir Drack. Maaga aalis 'yon ngayon at may meeting," sabi ni Nay Iska saka umalis. Ako naman ay nagpunta sa kusina ng bahay para ipagluto si Sir Drack, kahit na masakit pa rin ang pagkababae ko. Makalipas ang ilang oras, natapos ko na ang pagluluto. Sakto naman na pababa si Sir Drack, kaya binilisan ko ang paghain ng pagkain. Para sa ganon, hindi niya ako makita, kahit kinakabahan, wala akong magawa. "Iha, may masakit ba sa'yo? Paika-ika ka ata sa paglalakad," sabi sa akin ng matanda, kaya napa-hinto ako dahil narinig ko rin ang boses ni Sir Drack na nagtanong. "Sino paika-ika, Nay Iska?" tanong niya. Sumagot naman si Nay Iska na ako. "Are you ok, Leonora?" tanong niya sa akin habang malamig ang boses, na nakatayo sa likuran ko. Dahan-dahan naman akong tumingin sa kanya. Nang makatingin ako sa kanya, parang wala siyang naaalala sa nangyari sa amin. "O-okay lang po ako, Sir," nauutal na sagot ko sa kanya, at biglang umalis sa harap nila. Nang makapunta ako sa kwarto, hawak-hawak ko lang ang dibdib ko. "Jusko naman, bakit ako kinakabahan?" sabi ko sa isip ko. Bigla ko naman naisip na baka may magbunga sa nangyari sa amin. "Iha, Leonora, okay ka lang ba?" tanong ni Nay Iska sa akin habang nasa pintuan ng kwarto namin at nakatingin sa akin. "Okay lang naman, Nay," malumanay na sabi ko dito. Halata sa mukha nito na nag-aalala siya sa akin. Nang masigurado niyang okay ako, umalis na siya agad. Nang maghapon, habang nasa kwarto ako, bigla namang sumama ang pakiramdam ko, dahil siguro ito sa nangyari sa amin ni Sir Drack. Habang nakapikit ako, may nararamdaman akong kamay sa noo ko. "Jusko, Iha, inaapoy ka ng lagnat," natataranta sabi ni Nay Iska. Habang ako naman ay nakakumot dahil sa sobrang ginaw na nararamdaman. "Okay lang po ako, Nay Iska," nanghihina na sabi ko sa kanya. Kinuha niya naman ang cellphone niya at may tinawagan. Hindi ko na narinig ang pag-uusap nila dahil nakatulog na lang akong bigla. Nagising na lang ako na may bimpo na sa noo ko. Hindi nagtagal, naging okay na rin ang pakiramdam ko. Kaya lumabas ako at kumuha ng tubig. "How are you feeling, Leonora?" tanong sa akin ng tao na nasa likuran ko. Nagpa-lingon ako sa kanya, paharap sa kanya. "A-ah, Sir, kayo po pala. Okay lang po ako," sabi ko sa kanya, habang hindi makatingin ng diretso sa mga mata niya. "That's good to hear," sabi nito at kinuha ang alak na nasa ibabaw ng kinatatayuan ko mismo. Sobrang kaba ang nararamdaman ko sa oras na makalapit siya sa akin. "M-mauna na po ako, Sir. Goodnight po," pagpapaalam ko sa kanya. Tumango lang siya sa akin. Kinaumagahan, maaga akong nagising para pumunta sa palengke at mamili ng mga gulay. Ng pauwi na ako, naglalakad lang ako papunta sa bahay ni Sir Drack. Papatawid na dapat ako ng may biglang sasakyan na bumusina sa akin, kaya napa-upo ako sa may kalsada. "Ano ba? Tumingin ka nga sa dinadaanan mo. Poor creature," sabi ng babae na naka-labas galing sa loob ng sasakyan na muntik nang makasagasa sa akin. "Maganda sana, pangit naman ugali," sabi ko sa isip ko. "Eh di dapat hindi malakas ang pagmamaneho ninyo, Ma'am. At isa pa, oo, mahirap ako pero hindi pangit ang ugali ko," matapang na sabi ko sa kanya. Bigla niya naman akong sinampal, kaya napa-hawak ako sa mukha ko. "Next time, kilalanin mo binabanga mo, Miss," galit na sabi niya. Tiyaka siya bumalik sa sasakyan niya at umalis. Inayos ko naman ang damit ko at tumayo. Nang makarating ako sa bahay, nakita ko sa labas ang sasakyan na muntik nang makabanga sa akin. Pagpasok ko, nakita ko si Sir Drack na hinalikan ng babae na iyon. Nang matapos ang halikan nila, lumingon naman sa akin ang babae. "Is this your maid, babe?" tanong nito kay Sir. Tumango naman si Sir sa kanya kaya lumapit ang babae sa akin. Sabay sampal sa mukha ko ulit. Dahil sa lakas ng sampal niya, nabitawan ko ang mga dala ko sa gulat. Dumating naman sila Nay Iska at iba pa na kasamahan ko. "Monique, what was that!" galit na sabi ni Sir Drack sa babae. Nagpa-awa naman ito sa kanya, sinumbong pa na inaway ko raw siya kanina sa may kalsada. "S-sir, gusto ko lang naman po na tumawid sa kalsada. Muntik na nga ako mabangga ng sasakyan ni Ma'am," pagpapaliwanag ko sa kanya. Matapos ko na sabihin iyon, hinila ni Sir ang babae paakyat sa taas. "Okay ka lang ba, Iha? Halika, lagyan natin ng cold compress para hindi mamaga," sabi niya sa akin. Sumunod naman ako sa kanya sa kwarto namin. Na-kwento ko naman sa kanya ang totoong nangyari kanina. "Hayaan mo na iyon, Iha. Masama talaga ang ugali ni Ma'am Monique, masanay ka na. Hahahaha," natatawa na sabi ni Nay Iska sa akin.Kabanata 140: Season 2 Luna’s POV Tahimik ang gabi sa Foundation Headquarters. The lights of the city glittered like tiny stars beneath the hills. Twenty-four years old na ako ngayon, CEO ng Project L Foundation, isang organisasyon na nagtataguyod ng healing at innovation mula sa mga sugat ng nakaraan. Pero kahit gaano katahimik, hindi ko maalis ang pakiramdam na may nagmamasid. “Luna,” tawag ni Ezra, papasok sa opisina ko. Naka-lab coat pa rin siya kahit disoras na ng gabi. “You need to rest. You’ve been staring at those files for hours.” Ngumiti ako, pilit. “I’m fine, Kuya Ez. It’s just—may bago akong report from the energy lab. Someone tried to hack the system again.” Naningkit ang mata ni Ezra. “Again? That’s the third time this month.” Tumayo ako, nilapag ang folder. “And every time, it’s traced back to an encrypted address — same code family as the old Helix project.” Tahimik. Parehong kumirot ang dibdib namin sa salitang iyon. Helix. The ghost of our parents’ war. Bumuk
Leonora’s POVTatlong taon na ang nakalipas mula nang nangyari ang lahat. Minsan pa rin akong nagigising sa gabi dahil sa mga alaala — mga sigaw, luha, at anino ng nakaraan. Pero sa tuwing dumidilat ako at nakikita ko si Drack na mahimbing na natutulog sa tabi ko, napapangiti ako.Iyon ang paalala na tapos na ang laban.Ngayon, nakatira kami sa isang maliit na bahay sa gilid ng lawa. Malayo sa siyudad, malayo sa mga ingay ng mundo na minsang sumira sa amin. Si Luna, apat na taong gulang na — matalino, madaldal, at palangiti. Siya ang araw ng buhay namin.“Mommy, Daddy! Look! A butterfly!” sigaw niya habang tumatakbo sa hardin.Ngumiti ako. “Careful, baby! Don’t run too far!”Si Drack naman, nakaupo sa porch, hawak ang isang baso ng kape. Medyo magulo na ang buhok niya, pero mas gumuwapo siya sa ganitong simpleng buhay. Hindi na siya ang dating malamig at misteryosong lalaki — ngayon, isa na siyang mapagmahal na ama at asawa.Lumapit ako sa kanya, sabay yakap mula sa likod. “You look p
Leonora’s POVTahimik lang si Drack buong biyahe. Nasa passenger seat ako, habang ang ulan ay tuloy-tuloy ang pagpatak sa windshield. Ramdam ko ang bigat ng hangin sa loob ng sasakyan — parang bawat segundo ay isang bomba na pwedeng sumabog sa pagitan naming dalawa.“Drack…” mahina kong tawag, pero hindi siya sumagot. Nakatitig lang siya sa daan, mga daliri niya mahigpit sa manibela.Kanina, bago kami umalis sa bahay, nakita ko siyang may hawak na lumang kahon — may tatak ng Asher Group sa gilid. Hindi ko alam kung saan niya nakuha, pero halata sa mga mata niya na may nakita siyang hindi niya inaasahan.Pagdating namin sa isang lumang mansion sa labas ng siyudad — ang dating bahay ng ama niya — doon lang siya nagsalita.“Leonora,” aniya, mababa ang boses, “may kailangan kang makita.”Binuksan niya ang pinto ng lumang study room. Amoy alikabok, at sa gitna ng silid ay may mesa na puno ng mga dokumento. Sa ibabaw nito ay ang isang lumang leather folder, may nakasulat na PROJECT HELIX.“
Leonora’s POVAng buong gabi ay parang bangungot na ayaw matapos. Hanggang ngayon, habang nakaupo ako sa loob ng sasakyan, ramdam ko pa rin ang init ng apoy mula sa sumabog na facility. Ang langit ay madilim, tanging liwanag ng mga siren at kidlat lang ang pumapailanlang sa paligid.Si Drack, tahimik lang habang nagmamaneho. Ang mga kamay niya’y mahigpit na nakahawak sa manibela, halos maputol na ang mga ugat sa pagkakadiin. Minsan siyang tumingin sa akin, pero agad ding ibinalik ang tingin sa daan.“Drack…” mahinang sabi ko, halos pabulong.Hindi siya sumagot.“Hindi mo ba talaga sasabihin sa akin kung ano ang ibig sabihin ni Helix?”Huminga siya nang malalim. “Hindi pa ito ang tamang oras.”“Hindi mo pa rin ba ako pinagkakatiwalaan?”Tumingin siya sa akin, at sa sandaling iyon, nakita ko ang lungkot sa mga mata niya. Hindi galit, hindi takot—guilt.“It’s not that, Leonora. I’m trying to protect you.”“Protect me from what? Sa totoo?” Umangat ang boses ko. “Sa totoo na baka ako ang d
Leonora’s POVHindi ko alam kung ilang minuto akong nakatulala pagkatapos nilang magharap. Parang bumagal ang mundo habang pinapanood ko si Drack na humihinga nang mabigat, hawak pa rin ang sugatang balikat ni Helix. Ang ulan sa labas ay unti-unting bumubuhos muli, parang nagluluksa kasama namin.Si Helix ay nakaupo sa gilid ng sofa, duguan pero matigas pa rin ang tingin. Si Drack naman, nakatayo lang sa harap niya, ang baril ay nakababa pero ang galit—halatang pilit niyang nilulunok.“Hindi ako makapaniwala…” mahina kong sabi habang lumapit. “Buong akala ko, isa kang halimaw, Helix. Pero ikaw pala… dugo rin ni Drack.”“Hindi ako humingi ng ganitong buhay,” tugon niya, paos ang boses. “Lumaki akong may galit, pero hindi ko inasahang makikita ko kayo ng ganito—pamilya, buo, masaya. Parang ipinapaalala ng tadhana kung anong hindi ko naranasan.”Tumayo si Drack, pinipilit maging kalmado kahit nanginginig ang panga niya.“Hindi ko rin pinili ang ginawa ng ama natin,” sabi niya, halos pabu
Leonora’s POVTahimik.Ilang segundo lang ang lumipas pero parang huminto ang mundo.Hawak ko pa rin ang kwintas na iniabot ni Helix. Malamig ito sa palad ko, pero ramdam ko ang bigat—hindi lang dahil sa metal kundi dahil sa katotohanang dala nito.Tumingin ako kay Helix. Basang-basa siya, nakatayo sa gitna ng veranda na parang bahagi ng dilim. Sa bawat patak ng ulan, tila unti-unting natatanggal ang galit sa mga mata niya. Ang natira na lang ay lungkot.“Leonora,” mahinang sabi niya, “you don’t have to be afraid of me. Hindi na ako yung kalaban na iniisip niyo. I just… wanted to be seen.”“Helix…” bulong ko. “Hindi mo kailangang gawin ‘to mag-isa.”Umiling siya. “I’ve been alone my whole life. Hindi mo alam kung anong pakiramdam ng lumaki sa dilim, habang pinapanood mo ‘yung taong dapat mong tawaging kapatid… nabubuhay sa liwanag.”Napahinga ako nang malalim. Hindi ko alam kung saan ko huhugutin ang tapang. “Pero kung totoo ‘yung sinasabi mo, kung totoo na anak ka ni Ezekiel Asher… m







