Share

02 - Kamote

last update Last Updated: 2022-09-20 09:07:30

"Oh? Saan ka na naman maglalakwatsya?" Mataray na tanong sa akin ni Magot. Abala si Dori sa pagkukuto sa kanya samantalang s'ya naman ang taga-tiris. Teamwork!

"Sa kalupaan ko."

"Feeling ka talaga kahit kelan 'e hindi naman 'yon sa'yo. Nang-angkin ka lang!" Inirapan ako ni Dori pero pinakyuhan ko naman s'ya mentally. "Sa bundok ka lang naman pala pupunta 'e bakit naka-dress ka pa?"

"Syempre. Malay mo may makasalubong akong gwapo sa daan."

"At bakit suot mo ang heels ko? T*ngina! Aakyat ka ng bundok ng naka-high heels? Hubarin mo nga 'yan! Kapag 'yan nasira, hindi ka na makakahiram sa akin ng mga damit at sapatos." Pagbabanta sa akin ni Magot kaya napanguso ako.

"Bakit ba kasi pinapahiram mo 'yang sampid na 'yan ng mga damit mo, Margo? Paano kung magka-putok ka?"

Kahit naman puro pagsusungit lang ang alam gawin sa akin ni Magot ay hindi naman s'ya sa akin madamot hindi katulad ni Dori na super damot, may anghit naman.

"Oyy! Grabe s'ya! Wala naman akong putok!"

Ikaw 'yong meron - sigaw ng inner beauty ko.

"Shatap. I'm not talk-talk to you!"

"Talking."

"I'm not talking to you!" Pag-uulit ni Dori na trying hard englishera.

"Ibalik mo 'yan, Tabs!"

Bagsak ang mga balikat ko nang muling pumasok sa bahay. Hinubad ko ang suot kong high heels saka ko isinuot ang rubber boots ko.

Ang laswa na tuloy ng datingan ko. Naka-white dress ako tapos pang-saka na boots ang suot ko. Well, atleast maganda pa rin naman ako. Huwag lang ibaba ni pogito ang tingin n'ya sa paa ko para hindi s'ya ma-turn off sa akin.

Umikot ako sa harap ng basag naming salamin saka nagpa-cute. Nang makontento ako sa itsura ko ay lumabas na ulit ako ng bahay.

"Melabs!" sigaw ni Mario Jose na may hawak na namang yellowbell na pinitas n'ya sa tuyong hardin ng nanay n'ya. "Ang ganda-ganda mo talaga, melabs. Hulog na naman ako sa'yo.

Ihulog kita sa bangin ih!

"Ikaw na naman!"

"Your one and only bebe. Flowers for you, melabs." Ngumiti sa akin si Mario Jose kaya muntik na akong masilaw sa ginto n'yang ngipin. Lagi n'yang pini-flex sa akin ang ginto n'yang ngipin simula ng magkaroon s'ya nito last month.

"Gwapo ko noh?"

"Oo na lang." Nakangiwi kong sagot sa kanya.

"Sus! Alam ko namang gwapong-gwapo ka sa akin melabs. Kung noong bungi ako ay labs mo na ako paano pa kaya ngayong gold na ang ngipin ko?" mayabang n'yang pahayag habang itinataas-baba ang kilay n'ya.

Ang sarap n'yang balatan gamit ang golden teeth n'ya.

"Oo Mario Jose! Matagal ka nang pingpapantasyahan ni melabs mo. Deep in her inner side, she kilig to the max," pahayag ni Dori na mas lalong nagpalawak ng ngiti ni Mario Jose.

Sila talaga ang bagay na dalawa kasi gets nila ang isa’t isa.

"Deep inside, hindi deep in her inner side." Pagtatama ko kay Dori. "Anyway, I'll get going na. Naghihintay na sa akin ang mga trabahador ko sa hacienda ko."

"Wala kang hacienda! Squatter ka, g*ga!" singhal sa akin ni Magot.

"Samahan na kita, melab–"

"No! Stay!" utos ko sa kanya. Para s'yang maamog tuta na umupo sa lupa. "Good boy."

Umagang-umaga na stress kaagad ang beauty ko pero kahit naman mayabang, feelingero, walang ligo at uto-uto si Mario Jose ay mabait naman s'ya. Hindi s'ya katulad ng ibang lalaki sa baryo na bastos at saksakan ng yabang. S'ya lang ata ang lalaking pinayagan kong manligaw sa akin.

***

"POGI!" tawag ko kay pogito ng makita s'yang nagbababad sa ilog. Napakagat ako ng ibaba kong labi ng makitang nasisinagan ng araw ang maganda n'yang katawan.

Hala! Parang tinatawag ako ng 8-packs abs n'ya at sinasabing 'dilaan mo ako, bebe gurl.'

Ackk! Landi mo self!

"You came back?"

"Syempre naman! Kamusta ang sugat mo?"

Hindi s'ya sumagot bagkus ay tinitigan n'ya lang ako ng masama.

Back to you again, Tabs!

Iniangat ko ang skirt ng dress ko bago tumawid sa ilog. Naka-shorts naman ako kaya hindi ako masisilipan.

Pagtawid ko ay hinanap ko kaagad ang naiwan kong kamote kahapon. Kalahating sako rin 'yon kaya dapat lang na balikan ko.

"May kamote!" I beamed when I saw my precious sweet potatoes. Kapag nabenta ko 'to ay makakabili na ako ng bago kong tsinelas. Sa wakas!

"What's that?"

Mabilis akong napalingon kay pogi na nasa likuran ko na pala.

"Kamote."

"Kamote? Ano 'yon?" Umawang ang labi ko dahil sa tanong n'ya. Rich kid 'to panigurado. Kutis palang, anak mayaman na. "Can I eat that? I'm famish."

"Tres, isa."

"What?" kunot-noong tanong n'ya. Saang planeta ba s'ya galing at nga-nga s'ya sa lahat ng mga sabihin ko? Nakuu! Pasalamat ka, pogi ka!

"3 pesos ang isa."

"I don't have money with me."

"Sige, pahaplos na lang ng abs mo." Ngumiti ako nang pagkatamis-tamis with matching beautiful eyes pa.

"Fine."

"Talaga?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. "Pero joke lang 'yon. Baka sabihin mo maharot ako. Oh eto! Sa'yo na." Iniabot ko sa kanya ang dalawang pirasong kamote.

Sus! Maharot ka naman talaga, Tabs! Ngayon ka pa talaga nahiya matapos mo s'yang hipuan kahapon. Kastigo ko sa sarili ko.

"Thanks."

Nagulat ako nang bigla n'yang kagatin ang kamote. Malinis naman 'yon dahil nahugasan ko 'yon kahapon pero hindi pa luto ang kamoteng ibinigay ko sa kanya.

"Bakit matigas?" tanong n'ya.

Hindi ko mapigilang mapahagalpak ng tawa ng sa tanong n’ya. T*nginang ‘yan! Ang cute ni pogito. Napahawak ako sa tiyan ko habang hinahampas ang braso n'ya.

Simplihan lang natin. Panakaw na hipo sa matigas at may muscle n'yang braso. Yum!

"Why are you laughing?"

"K-Kasi...Bwahaha!" Pinisil-pisil ko ang braso n'ya pero kaagad din akong napatigil nang samaan n'ya ng tingin ang kamay ko. Mukhang nakahalata si pogi. "Ehem. Hindi pa kasi luto 'yan kaya matigas," paliwanag ko sa kanya.

"Lutuin mo."

"Bakit ako?"

"I don't know how to cook this thing."

"Papakuluan mo lang naman!"

"Still."

"May bayad."

"How much?"

"Hmm. Kiss na lang," sagot ko.

Itatakwil ka na talaga ni Maria Clara sa team n’ya sa ginagawa mong 'yan, Tabitha! Maharot ka! Maharot!

"Jowk–"

Hindi ko na nabawi ang kaninang sinabi ko nang hulihin n’ya ang labi ko. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa matinding gulat. Mabilis na halik lang 'yon pero sapat ‘yon para mawindang ang katinuan ko.

OMG! OMG!

Ang first kiss ko!

"Chalapp–I mean, bakit mo ako hinalikan?!" sigaw ko sa kanya.

Luhh? Ngayon ka pa talaga nagpa-bebe?

"Cook this." Ipinatong n'ya sa kamay ko ang dalawang kamote saka s'ya paika-ikang naglakad palayo sa akin bago maupo sa may batuhan. Bumaling s'ya ulit sa akin kaya naman biglang sumabog ang mukha ko sa kahihiyan.

Mabilis ko s'yang tinalikuran. Hinubad ko ang suot kong rubber boots bago maghanap ng mga tuyong sanga para maluto ang kamote ni kamahalan.

Pero infairness, ang chalap ng labi n'ya. Ang tamis-tamis. Worth it naman na sa kanya napunta ang first kiss ko.

***

"LUTO na ang kamote mo kamahalan." Ipinatong ko sa harap n'ya ang kamote na niluto ko. Girls scout ako na laging handa kaya madali lang sa akin gumawa ng lutuan gamit ang mga bato at mga natuyong kahoy.

"F*ck!" mura n'ya nang mapaso s'ya.

"Ihipan mo muna kasi bago mo kainin." Umusli ang nguso ko nang hindi n'ya man lang ako tinapunan ng tingin. Naka-focus s'ya sa hawak n'yang kamote kaya hindi ko mapigilang mainggit...sa kamote.

Sana ako na lang ang kinakain n'ya.

Ba't parang ang laswang pakinggan?

"Ano nga palang pangalan mo? Ako nga pala si Tabitha but they call me here, ganda, pretty gurl, diyosa or sexy." Confident kong pahayag pero as usual, poker face lang si pogito. "Hoy pogito. I'm talking to you."

"What did you called me?"

"Pogito kasi pogi ka. So ano na ngang pangalan mo?"

"You don't need to know."

"Sige. Pogito na lang itatawag ko sa'yo tapos pogita na lang din ang itawag mo sa akin para matchy-matchy tayo."

Ang kapal ng mukha ko. Kanino ko kaya namana ang ugaling kong 'yo?

"Tsk. Ang ingay mo. Cook me some more."

"Huh?"

"Gusto ko pa ng kamote mo. Magluto ka pa."

"Ubos mo na kaagad?" gulat kong tanong sa kanya. Malalaking kamote 'yon kaya nakaka-shock na ubos n'ya na kaagad. Ako nga 'di ko pa ubos ng kinakain ko 'e.

"Come here," utos n'ya sa akin.

"B-Bakit?"

"I'll pay you again with a kiss," pahayag n'ya na nagpabagsak ng panga ko.

"N-N-No. Huwag na!" Nauutal kong saad bago maglakad papalayo sa kanya para  magluto ulit. Napasapo ako sa dibdib ko dahil sa malanding pagpintig ng puso ko.

"OMG ka, Tabitha! Maghunos-dili ka!" suway ko sa sarili ko.

Hindi kaya nasarapan din s'ya sa kissable lips ko kaya s'ya humihirit ng ganun? Hmm. Baka nga gutom lang talaga s'ya at feelingera lang ako.

Kalma heart!

"Kyahh!" Tili ko nang may hangin na bigla na lang umihip sa tenga ko. Muntik na akong sumubsob sa batuhan pero may malakas na braso ang mabilis na pumulupot sa bewang ko.

"Clumsy," komento n'ya.

"I'm not! Ginulat mo kasi ako!"

"Ang tagal mo. Kanina ka pa nakatulala rito habang nagmo-monologue."

"Huh?"

"Do you want me to kiss you again?"

"Hindi!" pasigaw kong sagot na nagpa-angat ng gilid ng labi n'ya.

Sheyt! Did he just smile?

"You're drooling."

Mabilis kong kinapa ang gilid ng labi ko pero wala naman akong laway na nahawakan. Sinimangutan ko s'ya saka inirapan.  

Tampo yarn?!

Wala lang, gusto ko lang mag-inarte para naman hindi n'ya isiping marupok akong babae.

***

"SAGE, my name is Sage." Napaangat ako ng tingin sa kanya.  

Pati pangalan ang gwapo-gwapo.

"Sage, pero mas prefer ko pa rin na tawagin kang pogito," pahayag ko. Pagkatapos kong linisin ang sugat n'ya ay tumayo na ako. "Mauna na ako, pogito. Ibebenta ko pa kasi 'tong mga kamote ko. Nag-iwan din ako ng pakain mo. Kapag nagutom ka, magluto ka na lang." Paalam ko sa kanya.

Hinihintay kong pigilan n'ya ako pero hindi n'ya naman ginawa. Tsk. Bwisit. Hindi man lang ako pinigilan.

"Ganda! Bakit ka naman nakasimangot?" tanong sa akin ni kuya Ronny, padyak driver. Isinakay ko ang buhat kong sako bago maupo sa pedicab n'ya.

"Wala 'to, kuya. Gusto ko lang mag-emote."

Tumawa si kuya Ronny. Kwento s'ya nang kwento habang oo lang ako nang oo sa kanya. Pagdating ko sa palengke ay naibenta ko kaaagad ang kalahating sako ko ng kamote sa halagang 120 pesos.

"Mama Delilah!" tawag ko kay mama nang dumaan ako sa pwesto n'ya ng mga isda. "Mama, sa'yo na 'to." Iniabot ko sa kanya ang pera ko. "Benta ko 'yan sa kamote ko."

"Huwag na anak. Ibili mo na lang 'yan ng mga kailangan mo. Diba wala ka ang tsinelas?"

"Magagawan pa ng paraan ang tsinelas ko mama."

"Bra, bumili ka ng bra mo at panty. Ikaw talagang bata ka! Palagi na lang kami ang iniisip mo."

"Syempre naman po, pamilya ko kayo."

"Sa'yo na 'yan anak. Malakas naman ang bentahan ng isda ngayon kaya itago mo na lang 'yan."

"P-Pero."

"Sige na, bumili ka 'ron ng mga kailangan mo. Nakita kong punit-punit na 'yong panty–"

"Mama! Huwag mo naman i-announce!" maktol ko na ikinatawa n'ya.

Balak ko sanang bumili ng tsinelas pero naisip ko bigla si pogito. Wala s'yang suot na damit kaya naman binilhan ko na lang s'ya ng mumurahin na sando. Bumili rin ako ng tag-isang piraso ng panty at bra dahil nakakahiya na talaga ang mga underware ko.

Nakakahiya naman kay pogi kung huhubaran n'ya ako tapos ganun ang itsura ng panloob ko, punit at sira.

Hmpp! Sarap mong tirisin self! Malandi ka!

"Bakklaaa!"

"Basilyooo!" balik kong sigaw sa kaibigan kong si Basilyo. Nang makalapit s'ya sa akin ay maarte kaming nagbesohan. Hawak n'ya na naman ang pink n'yang basket na naglalaman ng kalamansing ibenibenta n'ya.

"Basilyo ka r'yan! Kurutin ko ut*ng mo eh! Barbie nga kasi! Barbie!"

"Hahaha. Sorry naman."

"Bakla! May nakita akong mga fafaballs over there! Hindi ganun ka-yummy pero pwede nang maging sugar daddy! Makakaahon na tayo sa kahirapan!" Tili n'ya habang tumatalon-talon pa.

"Talaga? Nasaan?"

Pagdating sa gwapo, fafaballs at kalandian ay nagkakasundo talaga kaming dalawa ni Basilyo. Gwapo si Basilyo pero sa kasamaang palad ay pink ang dugo n'ya kaya nakakapanghinayang din ang isang 'to.

"Tara baklaa! Silipin natin." Nagpatianod ako nang hilahin n'ya ako palabas sa palengke. "Ayon bakla oh! 'Yong mga naka-itim na mga boys." Sinundan ko ang nakanguso n'yang bibig.

Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang pamilyar na mukha ng mga lalaki kahapon. Sila 'yong MIB na mas masahol pa sa alien!

OMG!

"H-Huwag sila baks. Hindi naman kwapo. Maputi lang at may muscle pero mukha namang mga froglets." Mabilis akong tumalikod dahil sa takot na mamukhaan nila ako.

Hindi kaya hinahanap pa rin nila si Sage? I need to warn him. Hindi ko alam kung sino sa kanila ang masama pero sa pogito ko ako kakampi.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Mafia's Damsel : Little Did She Know   SPECIAL CHAPTER 3.0

    Seul x Basilyo Pt. 3“Nakikinig ka pa ba?” “O-Oo. Hindi lang ako makapaniwalang matagal na kayong magkakikilala ni Basilyo.” Ipinaliwanag sa akin lahat ni Rosey ang naging relasyon n’ya kay Basilyo. Kahapon kasi ay nahuli ko silang magkayakap. Nagtampo ako dahil sa pag-aakalang may relasyon silang dalawa. Haist. Kailangan kong mag-sorry mamay kay Basilyo. “Sorry kung ngayon ko lang sinabi sa’yo.”“Nakakatampo ka pa rin.”“Likewise. Bakit hindi mo sinabing nasa isang bubong lang kayo ni barbie- I mean ni Basilyo? Tapos malalaman ko pang mag-jowa na kayo? At kelan pa?”“Hehe. Nung birthday n’ya.”“See? Halos isang buwan mo na palang itinatago sa akin.”Hindi ko nga akalaing maitatago ko ‘yon sa kanya ng ganun katagal.“Kamusta naman kayo ni Sage?” “We’re doing great.” Nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa labi n’ya. Halatang inlove na inlove ang gaga. “I’m happy for you. Mukhang nasa Lancaster Empire ang forever.”We burst out laughing. Sino ba naman kasing mag-aakala na sa kompanyan

  • Mafia's Damsel : Little Did She Know   SPECIAL CHAPTER 2.0

    Seul x Basilyo Pt. 2“A-Anong ginagawa mo rito?” Gulat na tanong ni Basilyo nang makita ako. Pinasadahan n’ya mula ulo hanggang paa ang katawan ko. “And what the hell are you wearing?”“Umuwi na tayo,” saad ko. “Who is she?” tanong ng isang lalaking kaharap ng inuupuan ni Basilyo. Bakit ang gugwapo ng mga nilalang na ito? Jusko! Walang duda na posible nga akong maagawan. Threat ang mga lalaking ‘to sa love story namin ni Basilyo. Hindi ako papayag!Nagpatianod ako nang hilahin ako ni Basilyo palayo sa table nila. Pumunta kami ng banyo pero umalis din kami kaagad nang makitang may nagmi-make out sa loob.“Paano mo nalaman na nandito ako?” Panimula n’ya nang makarating kami sa parking lot. “And again, ano ‘yang suot mo? Wala ka man lang suot na bra.” Opps. I forgot pero paano n’ya nalaman?Oww. Nakalimutan ko palang isara ang zipper ng jacket ko kaya kita ang suot kong night gown. “Sino ‘yong mga kasama mo? Bakit ang gugwapo nila? Are you flirting with them?” Sunod-sunod kong tanong

  • Mafia's Damsel : Little Did She Know   SPECIAL CHAPTER 1.0

    Seul x Basilyo Pt. 1 It was love at first sight...umm no...Let me rephrase that. What began as a small misunderstanding grew into love. It was love at first fight. Hindi ko akalaing sa dami ng lalaking naghahabol sa akin ay sa bading ako mahuhulog. Sa bading pa na nanlait sa boobs ko. “Itabi mo nga ‘yang patag mong bobita!” “A-Anong sabi mo? Nilalait mo ba ang boobs ko?” Mabilis kong ibinaba ang tingin sa boobs ko, cheking kung nag-deflate ito without me knowing. “I’m just stating the fact, gurl.” Maarte n’yang pahayag. Nagsalubong ang mga kilay ko dahil sa narinig kong pambabash. Ito ang unang beses na may nagsabi sa akin na maliit ang boobs ko, ‘e ito nga ang dahilan kung bakit attracted sa akin ang mga guys, well isa na rin ‘don syempre ang pretty face ko. Isusumbong ko s’ya kay Rosey. How dare him...her. “Seul?” tawag sa akin ng supervisor ko na kakalabas lang ng admin office. “Ma’am Jane, his a bully!” Sumbong ko na akala mo ay close na kami. It’s just my first day

  • Mafia's Damsel : Little Did She Know   EPILOGUE

    EPILOGUESAGE’S POINT OF VIEWIlang sunod-sunod na sipa sa sikmura ang natanggap ko mula sa mga taong may hawak ngayon sa akin. Rinig ko ang malalakas nilang tawanan habang aliw na aliw sa ginagawa nila. My eyes were blindfolded and my hands and feet were tied, so I couldn’t do anything but endure their attacks.“Tama na ‘yan! Ipasok n’yo na ‘yan sa van nang makaalis na tayo! “ Seems like he’s the one in charge. Halos mapasubsob ako sa loob ng van dahil sa mararahas nilang pagtulak sa akin. Napadura ako ng malasahan ang dugo mula sa bibig ko. They’re not going to make this easy on me.That old man has his own dirty ways. Hindi ko akalaing mabubutasan n’ya ang security ng Blacksquadron at ng Lancaster. I’ve got to admit, that was something—but as the leader of the groups, he actually thinks this pathetic little stunt’s gonna take me down? He’s gonna have to be way tougher than that if he even wants a chance.If it’s not a kidnap for ransom, then their real goal is to kill me—to hurt

  • Mafia's Damsel : Little Did She Know   60 - Family

    “Shoot him.” Bulong ni Augustos sa tenga ko. It wasn’t meant for me — it was for his sniper. That was the cue. “No!” Sigaw ko. Nagpumiglas ako mula sa pagkakahawak n’ya. Nagawa kong masaktan s’ya gamit ang ulo ko pero hindi ‘yon sapat para mabitawan n’ya ako. He gripped my hair. Everything shifted into slow motion when he managed to put the gun to my head. “I said shoot him!” Sigaw nang utos n’ya. “You’d been compromised,” saad ni Sage. “Damn you! If I can’t kill you, I’ll make you suffer for this woman’s death.” Nakita ko ang pagdilim ng ekspresyon ni Sage at mabilis n’yang pag-angat sa baril n’ya. Marahas akong itinulak ni Augustos. Kasabay ng pagbagsak ko sa lupa ay s’ya ring pagkalabit n’ya ng gatilyo. The shot went off and everything spun. My eyes were blurry and the ground felt like it was slipping under me. I tried to hold it together—tried to breathe. I knew it wasn’t me. I wasn’t the one who got hit. “S-Sage,” usal ko. Mabilis na hinanap ng mga mata ko si Sage

  • Mafia's Damsel : Little Did She Know   59 - The Night

    “The monster is on the loose. That’s what you get for betraying him,” pahayag ni Luther na s’yang katabi ko sa passenger seat ng sasakyan. Abala ito ngayon sa paglilinis ng mga baril n’ya. Mula sa bintana ay kita ko ang buwan na nakasilip sa ulap. Walang bituin. Hindi ko alam kung may pagbabadya ng pag-ulan o sadyang malalim na ang gabi. This night feels so eerie. Ito ang gabing pinakahihintay ni Augustos, ang gabing paglusob n’ya sa territoryo ng Lancaster. I know why I’m here. Sitting tied up in the back of this car, waiting. I’m the tool. I’m his hostage. He’s not after me—he wants my husband. And I’m just the easiest way to get to him.“On it,” narinig kong saad ni Luther. He’s communicating via his earpiece. Lumingon s’ya sa akin saka n’ya ipinakita ang baril na hawak n’ya. “Shiny and new.” Hindi ko s’ya pinansin. Muli kong ibinaling ang tingin ko sa labas ng bintana. Ngayon ko lang napagtantong nakaparada kami malapit sa base ng Blacksquadron.Sage.My thoughts reached for

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status