Share

04 - Tyhpoon

last update Last Updated: 2022-09-20 09:10:32

"Pogito!" I chimed when I saw him. Hindi ko s'ya nakita kahapon dahil busy ako sa mga raket ko kaya naman masayang-masaya ako ngayon na makita ang kagwapuhan n'ya.

Nakaka-inspired. Ako ang nangangailangan ng sugar daddy pero pagdating sa kanya ay willing akong maging mama de asukal n'ya.

"Are you nuts? Why the hell re you here?!" Iritable n'yang sigaw sa akin habang mahigpit ang hawak sa bewang ko at inaalalayan ako.

Muntik na kasi akong tangayin ng ilog habang tumatawid ako pero mabuti na lang ay nakita n'ya ako kaagad. Basang-basa na s'ya at ganun din ako kahit may suot naman akong kapote.

Malakas na kasi ang bagsak ng ulan dahil sa bagyo.

"Tara na! Mamaya mo na ako sigawan. May alam akong pwede nating silungan."

Naramdaman ko ang pagsunod n'ya sa akin. Ilang beses akong muntik nang madulas dahil sa basa at madulas na lupa pero nakaabang si Sage sa likuran ko para alalayan ako.

Kenekeleg aketch!

"Tada! Welcome, sa aking secret hideout!"

Isa itong mini cave na nakatago sa makakapal na vines at halaman sa likurang bahagi ng malaking puno ng narra.

"Dapat matagal ko nang sinabi 'to sa'yo pero palagi ko namang nakakalimutan. What do you think? Mas ligtas ka rito kesa sa labas," dugtong ko pero bigla kong kinabahan ng makita ang matalim n'yang tingin sa akin. "P-Pogito? May problema ba?"

"Stop calling mo pogito, ang pangit pakinggan." Naupo s'ya sa lupa saka sumandal sa batong pader. "Alam mong may bagyo pero sumugod ka pa rin dito! Nahihibang ka na ba! Tsk. Hindi ko alam kung slow ka o sadyang tanga ka lang!"

Ouch!

"N-Nag-alala lang naman kasi ako sa'yo. May bagyo at wala kang masilungan kaya naman pinuntahan na kita rito." I said in a low voice.

"Kaya ko ang sarili ko!"

"Lelang mo! 'Yang sugat mo nga hindi mo magawang gamutin ng mag-isa. Pagpapakulo lang ng kamote hirap na hirap ka pa. Hmp."

"What did you say?"

"W-Wala. Sabi ko ang yummy mo."

Mabilis kong tinakpan ang bibig ko dahil sa lumabas na salita mula rito. Kunti na lang talaga at ako na mismo ang puputol sa dila ko.

"Stop worrying about me. Ipapahamak mo lang ang sarili mo nang dahil sa akin. Hindi ba't sinabi ko na sa'yong malalagay lang sa panganib ang buhay mo kung didikit ka sa akin?"

"Bakit may balat ka ba sa pwet?"

"What?"

"Balat sa pwet. Birthmark in your butt in english. Sabi kasi nila kapg may balat sa pwet daw ang ang isang tao ay puro kamalasan ang dala nun sa kanya. Meron kasi ako. Kahit naman hindi ako dumikit sa'yo ay may badluck ng nakabuntot sa akin. Luh! Bagay pala tayo!"

Mas lalong sumama ang tingin n'ya sa akin kaya naman napatikhim ako at umiwas ng tingin sa kanya.

Pagsilip ko sa labas ay mas lalong lumakas ang ulan at hangin. Alas-tres palang ng hapon pero parang gabi na dahil sa maitim na kaulapan.

Makakauwi pa naman siguro ako ngayon.

"Where are you going?"

"Uuwi na," sagot ko habang inaayos ang suot kong kapote. "Pumunta lang naman kasi ako rito para ituro sa'yo 'tong hideout ko para may masilungan ka ngayong may bagyo."

"Damn." Narinig kong mura n'ya habang hawak ang buhok n'ya.

"Alis na ako."

"Wait."

"Hmm?"

"Stay here. Masyado ng malakas ang ulan at hangin para umuwi ka pa."

"Kaya ko naman."

"No." Mariin n'yang saad. "Dapat kasi ay nag-isip ka muna bago ka sumugod dito."

"Nag-isip naman ako ah at ikaw ang unang inalala ko."

Nakita ko ang pag-awang ng labi n'ya at pagbilog ng mga mata n'ya. May mali ba akong nasabi?

He cleared his throat. "B-Basta! Dumito ka muna hanggang sa tumila ang ulan! Konsensya ko pa kapag may nangyaring masama sa'yo."

"Ayiee! Nag-aalala ka sa akin noh? Crush mo na ko? Ha?"

"Umalis ka na lang pala."

"Eto naman 'di mabiro!" sikmat ko.

Hindi na s'ya umimik at pumikit na lang.

Hinubad ko ang suot kong kapote pati na rin rubber boots ko para patuyuin 'yon. Basa ang damit ko pero ayoko namang maghubad sa harap ni pogito. Baka isipin na n'ya inaaakit ko s'ya porket malamig ang panahon.

Gusto ko sana gumawa ng apoy pero sa kasamaang palad ay wala kaming mgag tuyong kahoy.

Naupo ako sa tabi ni Sage saka ko niyakap ang binti ko.

"Pogito,"

"I said stop calling me that," sita n'ya sa akin habang nakapikit pa rin ang mga mata n'ya.

"Pogi ka kasi kaya pogito."

"Ang baho pahinggan. How many times do I have to tell you my name?"

"Pogito." Lumawak ang ngisi ko ng magbukas s'ya ng mga mata at samaan ako ng tingin. Wala lang. Gusto ko lang s'yang asarin.

"Stop."

"Fine, pero pwede bang magtanong ulit sa'yo?"

"Stop asking me that question if you're already asking."

"Sarehh. Anyway, my first question."

"My second pa ba?"

"Oo. May third at fourth pa nga 'e," sagot ko. "First question, paano ka nga pala napadpad rito sa baryo? Imposible namang nagbabakasyon ka rito kasama ang mga lalaking gustong pumatay sa'yo."

"I was kidnapped."

"Ano?!" sigaw ko. Mabilis kong tinakpan ang bibig ko. "Kidnapped for ransom ba? Naku! Rich kid ka nga, pogito!"

"No. They don't want my money."

"Huh? Kung ganun ay anong dahilan ng mga siraulong 'yon?"

"They just want to torture me to death. They want to beg for them. To beg for my life, pero iyon ang hindi ko gagawin kahit pa kapalit nun ang buhay ko–What the hell woman! Bakit ka nangbabatok bigla?!"

"Mamamatay ka na pero puro ka pa rin pride! Inisip mo ba ang mga taong naghihintay sa pagbabalik mo? Ang mga taong nagmamahal sa'yo? Alam mo ba ang sakit na maidudulot nun sa kanila kapag namatay ka?"

"Galit ka na n'yan?" Ngumisi s’ya.

"Nakakagigil ka kasi! Bwisit!" Sumimangot ako saka ko s'ya sinamaan ng tingin pero nagawa n'ya pa talaga akong ngisihan.

"I'd rather die than beg to them. They're a**hole. I'm a leader at hindi ko dudungisan ang posisyong 'yon dahil lang takot akong mamatay."

"Anong klaseng grupo ba 'yang sinalihan mo ha?"

"You don't need to know." Umiwas s'ya ng tingin sa akin.

"Kulto ba 'yan?"

"What? No!"

Gusto kong matawa dahil naging reaksyon n'ya.

"Eh ano?"

"Shut up! Kapag sinabi ko sa'yo ay siguradong matatakot ka."

"Try me." Hamon ko sa kanya kaya naman muli s'yang napatitig sa akin.

Nakipagsukatan ako ng tingin sa kanya. Palagi akong nananalo sa huwag kang kukurap challenge pero nang mga mata na ni Sage ang nakita ko ay doon na ako nanghina bigla. Para bang pati kaluluwa ko ay hinahalukay ng mga mata n'ya.

Nakita ko ang pagbaba ng tingin n'ya sa labi ko pero mabilis din s'yang nag-iwas ng tingin sa akin at ganun din ang ginawa ko. Napasapo ako sa dibdib ko dahil biglang pagtambol ng puso ko.

***

NAGISING ako dahil sa wisik ng tubig na tumatama sa mukha ko. Malakas ang ulan at hangin sa labas at dahil papunta sa direskyon namin ang hangin ay ramdam ko ang matinding lamig na dala nito. Ganun din ang ulan na halos pumasok na sa loob ng tinutuluyan namin.

Nang lingunin ko si Sage ay tulog na tulog ito. Inabot ko ang kapote ko saka ko 'yon ipinatong sa balikat n'ya. Nakasando lang s'ya kaya naman alam kong lamig na lamig na s'ya.

Nilalamig din ako pero sa tingin ko ay mas kailangan n'ya 'to.

Pasado na talaga ako bilang mama de asukal n'ya. Money na lang ang kulang.

Babalik na sana ako sa kaninang pwesto ko nang hulihin ni Sage ang kamay. Nagmulat s'ya ng mga mata kaya nakita ko ang pamumungay nito. Ang ganda talaga.

"B-Baka lang n-nilalamig ka."

"I am but this isn't enough."

"Huh?"

Nagulat ako ng hilahin n'ya ako paupo sa pagitan ng hita n'ya. Nag-init ang buo kong mukha nang maramdaman ang pagtama ng likuran ko sa matigas n'yang dibdib bago pumulupot ang braso n'ya sa bewang ko at yakapin ako.

"S-Sage?"

Napasinghap ako ng maramdaman ang pagsusumiksik n'ya sa leeg ko.

"Sage? Ayos ka lang ba?"

"Hmm." Ungol n'ya.

Inabot ko ang noo n'ya at doon ko nalamang may lagnat s'ya.

"S-Sage. Nilalagnat ka."

"I'm fine. Mawawala rin 'yan."

"P-Pero."

"I'm just feeling cold. Stay." Namamaos n'yang saad kaya naman hinayaan ko na lang s'ya.

Ang init n'ya. Gusto ko ang init na dala ng katawan n'ya. Para bang nawala bigla ng panlalamig ko kanina.

Nakikiliti ako sa tuwing tumatama sa leeg at tenga ko ang hininga n'ya. Imbis na antukin ulit ako ay nanatiling nakamulat ang mga mata ko. Nakadungaw lang ako sa labas at pinagmamasdan ang marahas na paggalaw ng mga puno dahil sa bagyo.

I started humming a song that my mommy used to sing to me whenever I'm sad. Sa gan'tong panahon ako binabalot ng lungkot ko dahil sa pangungulila sa kanila pero ang ipinagkaiba ngayon ay hindi na ganun kabigat ang dibdib ko...maybe because of his presence.

"Sorry. Ang ingay ko ba?" tanong ko kay Sage nang alisin n'ya ang ulo n'ya sa balikat ko.

"No. I'm not comfortable with our position."

"A-Ayaw mo na akong kayakap?" tanong ko na ikinanguso ko.

"Hindi 'yon. Wait."

Inilatag n'ya ang kapote ko sa lupa saka s'ya 'ron nahiga.

"Come here. Lay down with me."

"D-Don't tell me...OMG!" I gasped. Niyakap ko ang sarili ko nang maisip ang gusto n'yang mangyari. "Koya, bata pa ako."

"I just need your body heat! I won't take advantage of you," depensa n'ya.

"Ayy. Paasa."

"What?"

"Wala, wala."

Lumapit ako sa kanya at nahiga sa tabi n'ya. Sa sobrang lakas ng kalabog ng dibdib ko ay parang 'yon na lang ang naririnig ko sa mga oras na 'to. Sumubsob ang mukha ko sa dibdib n'ya ng bigla n'ya akong yakapin matapos kong umunan sa braso n'ya.

Sheyt! Ang puso ko!

"Hug me."

"Ahm."

"Just hug me. Kapag nagka-anemia ako kasalanan mo."

I obliged. Bukod sa masunurin talaga akong bata ay may hidden agenda rin syempre ako. Sininghot-singhot ko s'ya dahil sa natural scent n'yang nakakaadik.

"You're enjoying this, don't you?"

"Feeling ka."

He chuckled. Sarap naman sa ears.

"Ikaw ata ang nagi-enjoy."

"Maybe," bulong n'ya.

*tug tug* - tunog ng humaharot kong heart. Deym!

Sa paghigpit ng yakap n'ya ay ang mas lalo rin nagdikit ng katawan namin. Kokombulsyunin ata ako sa ginagawa ng lalaking 'to sa akin.

Ramdam ko ang paglalaro ng kamay n'ya sa buhok ko. Nang tingalain ko s'ya ay nakapikit ang mga mata n'ya. Inabot ko ang noo n'ya. May sinat pa rin s'ya.

"Hindi ako mamamatay sa simpling sinat lang."

"Paano pala kung hindi naman sinat 'yan? Wala ka ba talagang plano na tumawag sa inyo?"

Wala akong phone pero in-offer-ran ko s'ya nun na tawagan ang pamilya n'ya para naman malaman nilang buhay s'ya at nasa maaayos na kalagayan pero tumanggi s'ya.

"They will find me. Kailangan ko lang maghintay."

"Paano kung wala silang lead sa'yo?"

"I trust my men. Takot lang nila sa akin."

"Ikaw ba ang supremo ng kulto mo?"

"Wala akong kulto!"

Napahagikgik ako ng makita na naman ang iritable n'yang reaksyon. Hinawakan ko ang noo n'ya at inalis ng pagkakakunot nun.

"You enjoy pissing me off, hmm?"

"Slight lang," sagot ko habang hindi inaalis ang tingin sa mukha n'ya. Mabuti na lang pumikit s'ya ulit kaya hindi n'ya alam ang ginagawa kong pagnakaw ng tingin sa kanya. Kung illegal lang 'tong ginagawa ko ay baka nakakulong na ako.

"Pogito."

"Yes, pogita?"

"P-Pogita? Ang bantot naman n'yan."

Mahina s'yang tumawa bago ibaba ang tingin sa akin. Halos maduling ako dahil sa lapit ng mukha n'ya sa mukha ko.

"Now you know how I feel whenever you call me pogito."

"Pogi ka kasi kay pogi-to."

"Pangit ka kasi kaya pangit-ka, I mean, pogita."

"P-Pangit ako? Ang kapal mo! Alam mo bang halos 99.9% ng binata rito sa baryo at crush ako?" pagmamalaki ko sa kanya.

"99.9%? Ano ka germs?"

I smacked his arm. "Bwisit ka!"

"List them all."

"Ang may mga crush sa akin?"

"Oo. Isama mo na rin ang sa tingin mong may hidden feelings sa'yo at mga manliligaw mo."

"Huh? Bakit?" naguguluhan kong tanong sa kanya.

"Hindi ko na sila papasikan sa araw," sagot n'ya na nagpabilog ng mga mata ko.

"Magsasagawa ba ng mass killing ang kulto mo? No way! Huwag mong idamay ang baryo namin!" Paghi-hysterical ko.

"Wala nga kasi akong kulto! Ang kulit."

Na-stress ko ata si pogito ko.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Mafia's Damsel : Little Did She Know   SPECIAL CHAPTER 3.0

    Seul x Basilyo Pt. 3“Nakikinig ka pa ba?” “O-Oo. Hindi lang ako makapaniwalang matagal na kayong magkakikilala ni Basilyo.” Ipinaliwanag sa akin lahat ni Rosey ang naging relasyon n’ya kay Basilyo. Kahapon kasi ay nahuli ko silang magkayakap. Nagtampo ako dahil sa pag-aakalang may relasyon silang dalawa. Haist. Kailangan kong mag-sorry mamay kay Basilyo. “Sorry kung ngayon ko lang sinabi sa’yo.”“Nakakatampo ka pa rin.”“Likewise. Bakit hindi mo sinabing nasa isang bubong lang kayo ni barbie- I mean ni Basilyo? Tapos malalaman ko pang mag-jowa na kayo? At kelan pa?”“Hehe. Nung birthday n’ya.”“See? Halos isang buwan mo na palang itinatago sa akin.”Hindi ko nga akalaing maitatago ko ‘yon sa kanya ng ganun katagal.“Kamusta naman kayo ni Sage?” “We’re doing great.” Nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa labi n’ya. Halatang inlove na inlove ang gaga. “I’m happy for you. Mukhang nasa Lancaster Empire ang forever.”We burst out laughing. Sino ba naman kasing mag-aakala na sa kompanyan

  • Mafia's Damsel : Little Did She Know   SPECIAL CHAPTER 2.0

    Seul x Basilyo Pt. 2“A-Anong ginagawa mo rito?” Gulat na tanong ni Basilyo nang makita ako. Pinasadahan n’ya mula ulo hanggang paa ang katawan ko. “And what the hell are you wearing?”“Umuwi na tayo,” saad ko. “Who is she?” tanong ng isang lalaking kaharap ng inuupuan ni Basilyo. Bakit ang gugwapo ng mga nilalang na ito? Jusko! Walang duda na posible nga akong maagawan. Threat ang mga lalaking ‘to sa love story namin ni Basilyo. Hindi ako papayag!Nagpatianod ako nang hilahin ako ni Basilyo palayo sa table nila. Pumunta kami ng banyo pero umalis din kami kaagad nang makitang may nagmi-make out sa loob.“Paano mo nalaman na nandito ako?” Panimula n’ya nang makarating kami sa parking lot. “And again, ano ‘yang suot mo? Wala ka man lang suot na bra.” Opps. I forgot pero paano n’ya nalaman?Oww. Nakalimutan ko palang isara ang zipper ng jacket ko kaya kita ang suot kong night gown. “Sino ‘yong mga kasama mo? Bakit ang gugwapo nila? Are you flirting with them?” Sunod-sunod kong tanong

  • Mafia's Damsel : Little Did She Know   SPECIAL CHAPTER 1.0

    Seul x Basilyo Pt. 1 It was love at first sight...umm no...Let me rephrase that. What began as a small misunderstanding grew into love. It was love at first fight. Hindi ko akalaing sa dami ng lalaking naghahabol sa akin ay sa bading ako mahuhulog. Sa bading pa na nanlait sa boobs ko. “Itabi mo nga ‘yang patag mong bobita!” “A-Anong sabi mo? Nilalait mo ba ang boobs ko?” Mabilis kong ibinaba ang tingin sa boobs ko, cheking kung nag-deflate ito without me knowing. “I’m just stating the fact, gurl.” Maarte n’yang pahayag. Nagsalubong ang mga kilay ko dahil sa narinig kong pambabash. Ito ang unang beses na may nagsabi sa akin na maliit ang boobs ko, ‘e ito nga ang dahilan kung bakit attracted sa akin ang mga guys, well isa na rin ‘don syempre ang pretty face ko. Isusumbong ko s’ya kay Rosey. How dare him...her. “Seul?” tawag sa akin ng supervisor ko na kakalabas lang ng admin office. “Ma’am Jane, his a bully!” Sumbong ko na akala mo ay close na kami. It’s just my first day

  • Mafia's Damsel : Little Did She Know   EPILOGUE

    EPILOGUESAGE’S POINT OF VIEWIlang sunod-sunod na sipa sa sikmura ang natanggap ko mula sa mga taong may hawak ngayon sa akin. Rinig ko ang malalakas nilang tawanan habang aliw na aliw sa ginagawa nila. My eyes were blindfolded and my hands and feet were tied, so I couldn’t do anything but endure their attacks.“Tama na ‘yan! Ipasok n’yo na ‘yan sa van nang makaalis na tayo! “ Seems like he’s the one in charge. Halos mapasubsob ako sa loob ng van dahil sa mararahas nilang pagtulak sa akin. Napadura ako ng malasahan ang dugo mula sa bibig ko. They’re not going to make this easy on me.That old man has his own dirty ways. Hindi ko akalaing mabubutasan n’ya ang security ng Blacksquadron at ng Lancaster. I’ve got to admit, that was something—but as the leader of the groups, he actually thinks this pathetic little stunt’s gonna take me down? He’s gonna have to be way tougher than that if he even wants a chance.If it’s not a kidnap for ransom, then their real goal is to kill me—to hurt

  • Mafia's Damsel : Little Did She Know   60 - Family

    “Shoot him.” Bulong ni Augustos sa tenga ko. It wasn’t meant for me — it was for his sniper. That was the cue. “No!” Sigaw ko. Nagpumiglas ako mula sa pagkakahawak n’ya. Nagawa kong masaktan s’ya gamit ang ulo ko pero hindi ‘yon sapat para mabitawan n’ya ako. He gripped my hair. Everything shifted into slow motion when he managed to put the gun to my head. “I said shoot him!” Sigaw nang utos n’ya. “You’d been compromised,” saad ni Sage. “Damn you! If I can’t kill you, I’ll make you suffer for this woman’s death.” Nakita ko ang pagdilim ng ekspresyon ni Sage at mabilis n’yang pag-angat sa baril n’ya. Marahas akong itinulak ni Augustos. Kasabay ng pagbagsak ko sa lupa ay s’ya ring pagkalabit n’ya ng gatilyo. The shot went off and everything spun. My eyes were blurry and the ground felt like it was slipping under me. I tried to hold it together—tried to breathe. I knew it wasn’t me. I wasn’t the one who got hit. “S-Sage,” usal ko. Mabilis na hinanap ng mga mata ko si Sage

  • Mafia's Damsel : Little Did She Know   59 - The Night

    “The monster is on the loose. That’s what you get for betraying him,” pahayag ni Luther na s’yang katabi ko sa passenger seat ng sasakyan. Abala ito ngayon sa paglilinis ng mga baril n’ya. Mula sa bintana ay kita ko ang buwan na nakasilip sa ulap. Walang bituin. Hindi ko alam kung may pagbabadya ng pag-ulan o sadyang malalim na ang gabi. This night feels so eerie. Ito ang gabing pinakahihintay ni Augustos, ang gabing paglusob n’ya sa territoryo ng Lancaster. I know why I’m here. Sitting tied up in the back of this car, waiting. I’m the tool. I’m his hostage. He’s not after me—he wants my husband. And I’m just the easiest way to get to him.“On it,” narinig kong saad ni Luther. He’s communicating via his earpiece. Lumingon s’ya sa akin saka n’ya ipinakita ang baril na hawak n’ya. “Shiny and new.” Hindi ko s’ya pinansin. Muli kong ibinaling ang tingin ko sa labas ng bintana. Ngayon ko lang napagtantong nakaparada kami malapit sa base ng Blacksquadron.Sage.My thoughts reached for

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status