"Hindi tayo cheap pagdating sa lalaki, Barbie. May taste tayo! Ligwak sila for me."
"May mga itsura naman ah. May breed lang sila ng human and tadpoles pero magtitiyagaan na." Humagikgik s'ya sabay hampas sa balikat ko. Muntik na akong matumba kaya naman sinamaan ko s'ya ng tingin. "Sareh! Tama ka, sis. Pang high class na fafaballs ang target natin at hindi cheapsteak. "
"Tara na nga."
"Saan next raket mo?" tanong sa akin Barbie.
"Sa karenderya ni Aling Loleng."
"Sige, baks. Text mo na lang ako kapag may pogi kang customer."
"Tss. Same faces everyday ang mga kumakain sa karenderya ni Aling Loleng tsaka bihira ang mga dayo. Text kita kapag nakita ko na lang si Goku mo."
Ngumiwi si Basilyo kaya naman napahagalpak ako ng tawa. Si Goku ang inaasar kong boylet sa kanya. Sabungero 'yon at mortal enemy ni bakla. Naniniwala kasi ako sa kasabihang, 'Opposite do attract,' kaya ayon, naka-ship sila sa akin though hindi ko naman talaga gusto ang lalaking 'yon for him. Pang asar lang talaga.
"Busalan ko kaya ng lupa 'yang bibig mo, sis? Hmp. Makaalis na nga."
"Babye gwapito!"
"Che!"
Nang mawala sa paningin ko si Basilyo ay nagtungo na ako sa karenderya ni Aling Loleng para magtrabaho. Tanghali ang shift ko sa kanya kaya naman sakto lang ang dating ko.
"Ang ganda ang hair do natin ah. Valentina yarn?"
"Ikaw talagang bata ka! Pinagti-tripan mo na naman ang buhok ko." Pabiro n'yang kinurot ang tagiliran kaya napatili ako.
Pumwesto ako sa harap ng mga ulam dahil ako ang taga-serve nun. Gusto rin ni Aling Loleng i-display ang beauty para mas lalo pang dumami ang cutomer n'ya so why not?
"Hi pretty. Longganisa nga isa tapos isang rice." He winked at make me that make me puke mentally. Feeling pogi ang putik.
"Ano pa?" tanong ko habang inihahanda ang order n'ya.
"Ikaw, available ka ba?"
"Ito lang ba? 25 pesos lang." Nakangiti pa rin ako kahit deep inside ay gusto kong ilublob ang pagmumukha n'ya sa kumukulong sabaw sa kaldero.
Hindi na bago sa akin ang mga salitaang gan'yan. Nasanay na akong magbingi-bingihan at patuloy na ngumiti sa kabila ng mga pangbabastos nila sa akin. Hindi dapat ako ma-stress sa mga katulad nila dahil baka magka-wrinkles lang ako.
"25 pesos po."
"Oorder-rin nga kasi kita, miss."
"Hindi po ako for sale, kuya."
"Sus! Pakipot ka pa. May 500 ako. Doon tayo mamaya sa eskinita malapit sa sabungan," bulong n'ya sa akin na nagpasalubong ng mga kilay ko.
Aba't! Mukha ba akong p****k?! At sa may sabungan pa talaga? Huh!
"Hindi ako pumapatol sa mga cheap at mukhang dinasour! G*gong 'to!"
"Ang arte-arte mo ah! Pa-virgin ang putik!"
"May problema ba rito?" tanong ni Mario Jose na kakarating lang. "Inaaway ka ba nito, melabs?" Maangas n'yang tanong sa akin.
Inakbayan ni Mario Jose ang lalaki saka n'ya inipit sa braso n'ya ang leeg nito.
"Huwag na huwag mong aawayin ang melabs ko kung ayaw mong lumabas dito ng lumpo, Garry!"
"P*ta aray!" Malakas na itinulak ng lalaki si Mario Jose kaya naman nakawala s'ya mula sa pagkakahawak nito sa kanya. "Hindi porket anak ka ni Capitan ay maaangasan mo na ako! Bungi ka naman dati!" sikmat ng lalaki bago kumaripas ng takbo nang habulin s'ya ni Mario Jose.
"Sinong bungi! Kung iuntog kaya kita sa golden teeth ko! Bumalik ka ritong h*yop ka!
Ang sakit sa utak ng mga lalaki.
***
"SALAMAT Aling Loleng sa ulam." Malawak ang ngiti ko habang hawak ang plastic na naglalaman ng ulam na ibinigay sa akin ni Aling Loleng. Ito ang sumubra sa tinda n'ya ngayon araw kaya tuwang-tuwa ako.
Umuwi muna ako sa bahay para iwan ang pinakbet at adobong sitaw bago umakyat sa bundok. Ibibigay ko 'tong ginatang puso ng saging kay pogito para naman hindi puro kamote ang kinakain n'ya.
Baka tubuan na s’ya gn ugat kakakain sa kamote ko.
"Nasaan na 'yon?" tanong ko sa sarili ko ng makitang wala s'ya sa tabi ng ilog kung saan ko s'ya iniwan kanina. Wala na rin ang mga kamote.
Hindi kaya umalis na s'ya?
Parang may kumurot na sakit sa dibdib ko nang maisip na umalis na s'ya. Tsk. Hindi man lang nagpaalam sa akin.
"Sayang naman 'tong sando at ulam na dala ko."
Bagsak ang mga balikat ko na tinalikuran ang ilog para bumalik na lang sa ibaba. Hindi man lang ako pinanagutan matapos n'ya akong halikan! Hmp.
Kala mo naman na devirginized, first kiss lang naman ang nakuha. Hay naku ka self!
Nakakailang hakbang palang ako ng may kamay ang bigla na lang humablot sa braso ko.
Handa na akong sumigaw from the top of my lungs nang bigla n'ya na lang takpan ang bibig ko. Pumaikot sa bewang ko ang malakas n'yang braso bago n'ya ako hilahin kung saan. Sumipa ako sa ere habang patuloy na nanlalaban.
Oh ghad!
Ito na ba ang second attempt ni kamatayan sa pagkuha sa buhay ko matapos n'yang pumalya kahapon?
Pakyu ka reaper!
Nangilid ang mga luha ko pero bago pa man 'yon mahulog sa mga mata ko ay nagsalita na ang lalaki sa likuran.
"Stay still. They might hear us."
"P-Pogito?"
Tumingala ako sa kanya kaya naman na kompirma kong s'ya nga ang may hawak sa akin.
"My name is Sage," pabulong pero madiin n'yang paglilinaw sa akin.
"Pogito. Ginulat mo ako. Bakit ka ba nanghahatak na lang big–" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang takpan n'ya ulit ang bibig ko.
Hmm. Ang bango naman ng kamay n'ya. Ano kayang lasa ng kamay ng isang rich kid?
"What the hell are you doing?" he hissed.
Hindi ko namalayang inilabas ko na pala ang dila ko para lasahan talaga ang kamay n'ya. Walanghiya ka talaga, Tabitha.
"Taste test?"
"What–"
Mabilis n'ya akong hinila paupo dahil sa ilang mga yabag at kaluskos na papalapit sa amin.
"P-Pogito?"
"Sshh." Humawak ako sa kamay n'ya na nasa bibig ko saka 'yon ibinaba. Akmang kukunin n'ya na sana sa akin ang kamay n'ya nang hawakan ko ito ng mahigpit. Ramdam ko ang panginginig ng kamay ko at sana hindi 'yon mapansin ni Sage.
"Wala talaga rito, boss." Narinig pahayag ng isang lalaki.
"Keep looking. Hindi tayo pupweding umalis sa lugar na 'to ng hindi napapatay ang lalaking 'yon.
Binalot ako ng matinding kaba dahil sa narinig ko. Kung kanina ay natatakot ako para sa sarili ko ngayon ay para na kay Sage na ang takot na nararamdaman ko. Nang muli kong iangat ang tingin sa kanya ay nakita ko ang pag-igting ng panga n'ya.
Para s'yang tigre na handa nang sumugod at pumatay.
Hinigpitan ko ang kapit sa kamay n'ya. Bumaba ang tingin n'ya sa akin kaya naman nginitian ko s'ya pero kinunutan n'ya lang ako ng noo.
Hindi n'ya ba na-appreciate ang smile ko? Aba! Maraming naaakit sa killer smile ko noh! Manhid at bulag lang ang hindi!
Nasa bingit na ng kamatayan ang buhay ko pero nagagawa ko pa rin lumandi. Iba ka talaga, Tabitha! Ibang level ang kaharutan mo.
***
"HERE, kumain ka muna habang ginagamot ko ang sugat mo." Iniabot ko sa kanya ang plastic na naglalaman ng ulam at kanin n'ya. "May binili rin akong damit para sa'yo pero pang-itaas lang. Puro na kasi kagat ng lamok ang abs mo. Ako lang dapat kakagat n'yan...Joke lang."
"Gusto mong kagatin ang abs ko?"
Napaubo ako nang makita ang pag-angat ng gilid ng labi n'ya.
"Hoy! Joke lang 'yon pero kung willing kang magpakagat sa akin ay willing din naman akong mangagat...Joke lang ulit."
Itinakip n'ya ang isa n'yang kamay sa mukha n'ya bago humagalpak ng tawa. Nakita ko ang pag-alon ng abs n'ya kaya naman napalunok ako ng laway. Para kasing inaakit din ako ng abs n'ya.
Ibinalik ko ang atensyon ko sa paggagamot sa sugat n'ya dahil bigla akong nahiya sa mga lumalabas sa bibig ko.
"Huwag kang magalaw," suway ko sa kanya.
"Now, you're getting shy."
"Tsk. Pasalamat ka pogi ka!"
Mas lalo s'yang pumupogi sa paningin ko dahil sa ngiti at tawa n'ya. Akala ko puro sama ng loob lang ang baon n'ya pero nagkamali ako. Marunong din naman pala tumawa at ngumiti si pogito.
"Really? So crush mo na ako?"
Nabilaukan ako sa sarili kong laway dahil sa tanong n'ya.
"Feeling ka!"
"It's obvious. Humingi ka nga ng halik sa akin kanina tapos gusto mo pang lawayan ang abs ko."
"Shatap! Ang kapal ng apog mo!"
Luhh! Pabebe ka gurl? Truelalo naman ang mga sinabi n'ya. Noong kita mo palang sa kanya ay naglaway na 'yang tahong mo.
OMG self! Ako mismo magmu-murder sa'yo.
"F*ck!" malutong na mura ni pogito kaya naman mabilis kong nahugot ang sarili ko sa pagdi-daydream.
"S-Sorry! Sh*t! Sorry!"
Nasobrahan ko kasi ang pagtali sa sugat n'ya na halos sumakal na sa hita n'ya. Nagmadali akong luwagan ang pagkakatali saka 'yon inayos ng mabuti.
"Ikaw kasi!"
"Kasalanan ko pa?"
"Oo! Nilalandi mo kasi akong h*nayupak ka!"
"W-What? Kelan kita nilandi?"
Hmm. Kelan ba?
"Tsk. Nevermind." Tumayo na ako saka pinagpag ang dress ko. “Aalis ka na ba rito kapag magaling na ang sugat mo?" tanong ko sa kanya. Kumunot ang noo ko ng makitang masama ang tingin n'ya sa ginataang puso ng saging.
"What's this?"
"Rick kid nga," bulong ko na mas lalong nagpasalubong ng kilay n'ya. "Huwag kang mag-alala. Hindi ka malalason d'yan. Masarap 'yan. That's ahm...coconut milk with banana's heart."
"Huh?"
"Ginataang puso ng saging. Kumain ka nga lang, pogito."
Lihim akong napangiti nang makita ang pagliwanag ng mukha n'ya. Kanina ay ngiwing-ngiwi s'ya pero nang malasahan n'ya ang pagkain ay sarap na sarap na s'ya. Hindi lang s'ya pogi, ang cute n'ya rin. Para s'yang musmos na bata na first time sa maraming bagay.
"Hoy! Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. Aalis ka ba kapag magaling ka na?"
"Yeah. I can't stay here."
Aww.
"Hmm. Pwede magtanong?"
"Kanina ka pa nagtatanong," singhal n'ya. Sungit.
"B-Bakit gusto kang patayin ng mga lalaking naghahabol sa'yo?"
Natigil s'ya sa pagkain saka s'ya tumitig sa akin.
"You'll die with me if I tell you," seryoso n'yang pahayag. "Kung gusto mo pang mabuhay ay mas makakabuting huwag ka nang lumapit sa akin. Madadamay ka lang sa gulong dala ko."
"P-Paano kung ayoko?"
"Crush mo nga ako?"
Nag-init bigla ang pisngi ko nang sumilay ang mapanuksong ngisi n'ya. Mabilis akong tumayo at umatras palayo sa kanya dahil baka ano pang magawa ko sa kanya.
"U-Uwi na ako!"
"Wait."
"B-Bakit?"
"Here, take this." Iniabot n'ya sa akin ang ang isang swiss knife na kaagad ko namang tinanggap. "Cut their throat if you have too. Wala ako sa tabi mo para protektahan ka kaya huwag kang lalampa-lampa."
"Hindi ako lampa!" Depensa ko pero mukhang hindi naniniwala ang lalaking 'to. "P-Pero salamat dito."
"Umalis ka. It's getting dark."
Nag-aalala ba s'ya sa akin? Sarap mag-assume.
***
"ANONG problema, 'nak?" tanong sa akin ni mama Delilah.
"Malakas po ang bagyo parating, diba po?"
Kitang-kita ko ang madilim na kaulapan. Malakas na ang hangin sa labas at mayamaya lang ay baka bumagsak na ng ulan na iniipon ng langit.
"Oo, super typhoon daw," sagot ni mama. "Teka, saan ka pupunta?"
"'Yong mga kamote ko mama, aanihin ko lang po. Sayang po kasi."
Liar!
Ang totoo n'yan ay nag-aalala ako kay pogito. Dapat pala ay itinuro ko sa kanya ang hide out namin sa may narra para may masilungan s'ya pero sa ilang beses kong pabalik-balik sa kanya ay hindi ko man lang 'yon nabanggit.
Puro kasi kalandian ang inaatupag, Tabitha!
"Huh? Diba naani mo na 'yon nung isang araw pa?"
"H-Hindi po lahat." Panibagong kasinungalingan!
"Paano kung abutan ka ng bagyo? Delekado na sa labas, Tabitha."
"Kung maabutan man po ako ay 'don na lang ako sisilong sa may narra. Huwag kayong mag-alala mama. Magiging okay lang ako at ang beauty ko. Bagyo lang 'yan." Paninigurado ko kay mama.
"Pero anak–"
"What the problem here? Why so noisy?" tanong ni Dori habang hinihipan ang bagong nail polish n'ya.
"Eto kasing kapatid mo, gustong sumugod sa bagyo para lang sa kamote n'ya."
"Let her mama. Undeadable naman 'yan."
"Unkillable."
"Unkillable naman 'yan. Kapag 'yan nakauwi ng buhay bukas ay maniniwala na talaga akong aswang s'ya."
"Dorothy!"
"Ang ganda ko namang aswang. Kung ako aswang ikaw naman flying kuto." Balik kong asar sa kanya.
"Aba't!"
"Mauna na ako mama." Paalam ko bago tumakbo palabas ng bahay. Hindi na ako nagdala ng payong dahil liliparin lang. Nagkapote na lang ako at nagbuta.
"Tabitha!" tawag sa akin ni mama pero hindi na ako lumingon.
Nakipagtagisan ako ng lakas sa hangin. Para kasi akong liliparin sa bawat pag-ihip nito papunta sa direksyon ko.
"Makisama ka naman bagyo! Para sa lovelife ko 'tong pagsugod ko sa'yo!" Napayakap ako sa isang puno dahil sa bigla na namang pag-ihip ng malakas na hangin kasabay ang pagpatak ng malalaking ulan.
Kailangan ko nang bilisan bago pa ako tuluyang tangayin dito!
Wait for me pogito!
Kaagad kong sinundan si Augustos. Gusto kong maliwanagan. Paano n’ya nasabing panggulo lang sa akin si Ariella. Ang batang ‘yon nalang ang dahilan kung bakit pinipilit kong manatili sa poder n’ya. Alam kong malaki ang utang na loob ko dahil sa pagligtas n’ya sa buhay ko pero hindi tama ang gagawin n’ya.Hindi ako papayag.Magkamatayan na!“Rose.” Hindi ko pinansin si Elliot. Bago pa man n’ya maisara ang pinto ay pinigilan ko na s’ya.Nilampasan ko si Elliot at kaagad na lumapit kay Augustos na kakaupo lang harap ng mesa n’ya. Marahas kong ibinagsak ang dalawa kong kamay sa mesa dahil sa magkahalong galit at takot. Mawala na sa akin ang lahat huwag lang ang batang ‘yon.Matatalim ang mga mata nito habang nakatitig ng diretso sa akin pero hindi ‘yon sapat para mabasa ko ang totoong emosyon nito. Galit s’ya pero bukod ‘don ay ano pang tumatakbo sa isip n’ya.“Go back to your room, Rose,” utos ni Elliot na nasa likuran ko.Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko. Sa ngayon ay walang maid
“Wala akong kilalang Arman,” sagot ni Elena. Dali-dali n’yang kinuha ang mga gamit n’yang panglinis at patakbong lumayo sa akin.Masyado ba s’yang na heartbroken para kalimutan ng tuluyan ang ex n’ya?Weird. Hindi naman ako nagka-amnesia ng lokohin ako ni Sage. “Karga ako.”Nalipat ang tingin ko kay Ariella. “At kelan ka pa natutong magtagalog ng hindi na bubulol?” Iwinagayway n’ya ang dalawa n’yang malilit na braso para magpabuhat kaya naman kinuha ko s’ya at iniangat sa ere. “Pasalamat ka cute ka.”“Arella cute, danda din.”“Sa akin ka nga nagmana.” Diniinan ko ang halik sa pisngi n’ya na ikinahagikgik n’ya. “So, where do you want to go?”“Mawl.” She beamed. For sure ay bubudulin n’ya na naman ako sa mga stufftoys na makikita n’ya lalong-lalo na kapag mga sea creatures na connected kay little mermaid at spongebob.Hindi nga nagkamali si Antonette sa ipinangalan n’ya sa anak n’ya.“Mall? Ayan ka na naman sa alien spowkening mo.”Bumalik sa alaala ko ang mga nangyari noong kasama ko
CHAPTER 47“Hoy! Nasa outer space na naman ‘yang diwa mo,” pahayag ni Seul. Inilapag n’ya sa mesa ang ice coffee na hawak n’ya bago maupo sa harapan ko. “Tell me, ano ba talaga ang gumugulo sa’yo at kahapon ka pa parang wala sa sarili?”Bumuga ako ng hangin saka humigop sa iced coffee na inorder n’ya. Sarap talaga kapag libre.Hindi lang kasi ako mapakali dahil sa mga paratang na naririnig. Hindi lang si Sage ang nagsasabi na ipinagpalit ko raw s’ya sa ibang lalaki. Na sumama raw ako sa iba at hindi na kontento sa kanya. Kahit si Basilyo ay iyon din ang mga sinasabi. Hindi ko lang kasi matanggap. Ako? Cheater? Walang akong matandaan na ginawa ko iyon bago ako mabundol at ma-comatose.Sa pagkakaalam ko ay ako itong niloko ni Sage. Huh! At kay Mosa pa talaga! Sa tuwing naaalala ko ang ginawa n’ya ay nanggagalaiti talaga ako. Sa ngayon ay ayoko muna s’ya i-confront patungkol doon dahil baka saan-saan na naman ako dahil ng emosyon ko.Nakapagtataka lang, kung hindi si Sage ang nagtanim
Hindi pa ako nakakapasok sa kwarto ni Ariella ay dinig ko na kaagad ang malakas na iyak at sigaw n’ya. Dali-dali akong pumasok sa loob at doon na bumungad sa akin ang ginagawang kahayupan ni Antonette sa sarili n’yang anak. “M-Mama no!” hagulgol ni Ariella habang hatak-hatak s’ya ng ina n’ya sa braso. Sumiklab ang galit ko ng ibalibag ni Antonette sa sahig ang bata na para bang laruan lang ito sa paningin nya.Ang hayop na ‘to!Malalaki ang hakbang ko na lumapit sa kanya saka ko malakas na hinatak ang buhok n’ya dahilan para magsisigaw s’ya na parang nangingitlog na manok.“Binalaan na kita noon!” asik ko. Isang malakas na sampal ang sumalubong sa kanya nang mapalingon s’ya sa akin. Hindi n’ya inaasahan ang pagdating at gagawin ko kaya naman sa gulat n’ya ay nawalan s’ya ng balanse matapos tumama ng palad ko sa mukha n’ya. Unang bumagsak ang pwetan n’ya sa sahig kaya naman napahiyaw s’ya. Makikita sa mukha n’ya ang takot. Halatang takot s’yang masira ang pwet n’yang gawa sa silic
Bumagsak ang likuran ko sa malambot na sofa samantalang dumagan naman sa ibabaw ko ang lalaking dapat na kinamumunghian ko ng sobra. Patuloy naming hinahagkan ang labi ng isa’t isa―malalim ang halik at puno ng pananabik na imbis na pandirihan ko ay gustong-gusto ko pa. Ayokong mag-assume pero iyon ang nararamdaman ko sa mga oras na ‘to.What the hell am I doing?Bakit hinahayaan ko s’ya na gawin ang bagay na ‘to sa akin?Pahamak talaga ang karupukan ko sa lalaking ‘to. Hindi lang sarili ko ang tinatraydor ko kundi pati na rin ang mga namayapa kong mga magulang. Kung nandito siguro ngayon sina mommy at daddy ay baka na disappointed na sila sa akin.Akala ko ay matagal ko nang naibaon sa limot ang pagmamahal ko sa kanya pero kahit anong subok ko ay natatandaan pa rin pala ng puso ko ang lalaking itinitibok nito.Ano bang solusyon sa problema kong ito sa puso? Hindi ko napigilan ang pagbagsak ng mga luha ko. Nagu-guilty ako. Pakiramdam ko kasi ay tinatraydor ko ang sarili ko
Tabitha?” gulat na sambit ni Basilyo nang makita n’ya ako. Gusto ko s’yang ambahan ng yakap pero ikinalma ko ang sarili ko. Wala kasi akong nakikitang excitement sa mukha n’ya kaya nagdal’wang isip ako. Hindi ba s’ya masayang makita ako?Ngumiti ako sa kanya pero ako naman ‘tong nagulat nang magbago ang ekspresyon n’ya. Sumeryoso s’ya saka n’ya ako inirapan. Sanay na ako sa mga pabiro n’yang irap noon sa akin pero ngayon ay mababakas sa mga mata n’ya ang galit sa akin. Parang sumikip ang dibdib ko dahil sa naging reasksyon n’ya.“Bossing, naghihintay na sa’yo ang mga ka-meeting mo. Gorabells na at baka ako na naman ang pag-initan ng mga tanders na ‘yon,” pahayag n’ya na para bang wala lang ako sa kanya. “Tell them to f*cking wait,” matigas na pahayag ni Sage. “Basilyo―” Hindi ko na naituloy ang sanang sasabihin ko nang mabilis n’ya akong talikuran. Akmang hahabulin ko na sana s’ya nang may kamay ang pumigil sa akin pero marahas ko ‘yong winakli at patakbong sinundan ang kaibigan k