Share

40 - Abandoned

“Miss.” Kaagad akong napahinto dahil sa pagtawag sa akin ni Sage. Ako lang naman kasi ang isa pang babae rito bukod kay Ms. Bylthe kaya malamang sa malamang ako ang miss na tinutukoy n’ya. “You drop your handkerchief,” dugtong n’ya.

Nagtatalo ang utak ko kung lilingon ako sa kanya o magbibingi-bingihan na lang. Sobrang lakas ng kalabog ng dibdib ko at parang ‘yon lang ang naririnig ko sa mga oras na ‘to ngayon.

Bahala na talaga si Batman.

Saktong pagharap ko sa kanya ay s’ya ring mabilis n’yang paglingon kay Ms. Blythe dahil sa pagtawag nito sa kanya.

“High Society Condominium is now under investigation. Hindi pa tukoy kung sinadya ang pagsunog dito o aksidente lang pero ayon sa report kahapon ay wala naman daw nasaktang mga construction worker sa lugar,” pahayag ni Ms. Blythe.

Pinasadahan ako ng mabilis na tingin ni Ms. Blythe bago muling ibaling kay Sage ang tinign n’ya. Samantala, hinablot ko ang hawak na panyo ni Sage bago mabilis na tumalikod sa kanya at pumasok sa elevator.

Para
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status