Share

Chapter 2

Pinagmasdan ko ang lalaking nasa harapan ko ngayon. Wala pa rin namang nagbago sa kanya. Oh, i guess meron. He looks more manly now. He is wearing his suit and tie. Napakapormal.

Ganun din naman ang suot ko. Pambabae nga lang. Women's suit.

"Mommy, do you know him?"

Napadako ang tingin niya kay Treyton kaya para akong nataranta. Hindi ko lang ipinahalata.

"Y-Yes, baby boy," saad ko sabay kagat sa ibabang labi ko.

"You have a son? Already?" kunot noong tanong ni Brant kaya napatingin ako sa kanya. Halata na nagtataka siya kaya mas lalo akong kinabahan.

"Y-Yeah," sagot ko at pinilit na ngumiti.

"How old is he?"

Shit.

"He's three years old," pagsisinungaling ko.

"Mommy I'm already fo—"

"Hindi ba't gutom ka na, Treyton? Let's go find some place to eat, anak?" diretsong sabi ko kay Treyton at binuhat na siya.

Napansin ko na matamang nakatitig si Brantley kay Treyton. Alam kong sinusuri niya yung bata. Pero bago pa ako makaalis, muling nagsalita ang anak ko.

"Mommy, who is he?" tinuro niya pa si Brant. Napalunok ako at napatingin kay Brant na ngayon ay nakatingin na rin pala sa akin.

Kung hindi lang airconized dito sa mall na ito, baka kanina pa ako pinagpapawisan.

"Past friend siya ni mommy. He's Uncle Brantley Levine." Ngumiti ang anak ko sa kanya.

"Hi, Uncle Brantley!"

Hindi nagbago ang expression ni Brant at nakakunot pa rin ang noo niya.

"Are you married?"

Dahan-dahan akong umiling. Bakit ba niya tinatanong ang bagay na iyon?

"Then who is his father?" kumabog ng malakas ang dibdib ko dahil sa tanong niya. Huminga ako ng malalim. Sasagot na sana ako nang magring ang phone ko. Nagflash ang pangalan ni Nicholas.

"Mommy, who's calling?" pinakita ko kay Treyton yung pangalan sa phone ko. Marunong naman na siyang magbasa kahit papaano. Atsaka memorize na niya ang mga letra sa pangalan ni Nicholas.

"It's daddy," bulalas ng anak ko.

Tumango ako.

"Yeah. It's your daddy." Diniinan ko talaga ang pagkakasabi ko ng 'daddy' para marinig ni Brant. Sinagot ko naman yung tawag.

"Hey Savannah, nasaan na kayo?"

"Kakain lang kami saglit ni Treyton. Nagugutom daw eh."

Kahit hindi ako nakatingin kay Brant ay ramdam ko na nakatingin siya sa akin. Hindi ko na lang pinapakita na naaapektuhan ako sa tingin niya. Mamaya ano pang isipin niya.

"How about you? May gusto ka bang kainin? Ibibili na rin kita," pinalabas kong sweet ang boses ko.

"Kung ano ang kakainin niyo, ipagtake-out niyo na lang ako."

"Okay sige. Bye, Nicholas. I love you."

Bago pa makasagot si Nicholas, pinatay ko na ang tawag.

"Who's Nicholas?" tumaas ang kilay ko. Pake niya ba?

"He's my daddy!" naunahan na akong sumagot ni Treyton.

"Y-Yeah. He's my son's father. Hindi pa kami kasal but we're planning on it." Nakita kong sumeryoso ang itsura niya tapos nagsalubong ang kilya at parang hindi ko nagustuhan iyon. Ganyang-ganyan ang itsura niya kapag galit siya or naiinis siya.

Is he mad? Or pissed?

Bakit naman? Ofcourse, he's not.

"How about you? Kumusta ka na? May girlfriend ka na ba?"

Gusto kong hampasin yung bibig ko dahil sa huling tanong na lumabas sa bibig ko. Punyetang bibig ito! Pahamak! And to my surprise, umiling siya.

"Wala na."

Kumunot ang noo ko. Kinumusta ko lang naman siya para hindi ako magmukhang bitter sa harapan niya.

"Oh, break na kayo?"

Umiling na naman siya. Oh hindi pa naman pala, bakit sabi niya wala na?

"Wala na akong girlfriend simula nung umalis ka."

Para akong natuod sa kinatatayuan ko. Napaiwas na lamang ako ng tingin dahil sa hindi ako naging komportable sa sagot niya.

"A-Ah, i see." Nagpeke ako ng tawa. "Sige mauna na kami?"

Hindi ko na hinintay na magsalita pa siya at tumalikod na ako habang buhat-buhat si Treyton.

"Mommy, what's girlfriend?"

Ito talagang batang ito. Kapag may bago sa pandinig niya, itatanong na niya kaagad sayo. Mabilis siyang macurious.

"It means girl na friend. Kapag tinagalog natin baby boy, it means babaeng kaibigan."

"So you are Uncle Brantley's girlfriend?" natigilan na naman ako dahil parang may mali sa sinabi niya.

"Back then Treyton."

"Why? Are you not his girlfriend anymore?"

Ano ba yan? Bakit ganito ang takbo ng usapan namin ng anak ko? At sa dami-dami ba naman kasi ng makakabangga ko kanina, bakit siya pa? Buhay nga naman.

"Not anymore baby."

"Why? Nag-away ba kayo? Bakit hindi ka na niya girlfriend?"

Because he's a Mafia Boss.

"N-No. Hindi kami nag-away. Busy lang si mommy sa buhay kaya hindi ko na siya friend."

Nagpunta kami sa favorite restaurant ni Treyton. Dito kami madalas na kumakain kapag nagpupunta kami ng mall. Hahawakan ko na sana yung pinto ng restaurant nang may marinig akong nagsalita.

"Treyton..."

It's his voice. Alam ko siya yung tumawag sa anak ko. Habang buhat-buhat ko si Treyton, naramdaman kong lumingon siya sa kanyang likuran.

"Uncle Brantley!" nakangiti si Treyton nang makita niya si Brant. Bagaman kinakabahan, pinili ko na lang din na humarap para malaman kung anong pakay niya.

Nakita ko rin na napangiti si Brant nang tawagin siya ni Treyton na siya namang nakapagpatigil sa akin. After four years, ngayon ko na lang ulit nasaksihan ang ngiting iyon.

"I guess this is yours," may inilahad si Brant na panyong kulay gray ay may customized letter na 'TK'.

"Yeah. That's mine," kinuha ng anak ko yung panyo.

Lahat kasi ng kanyang panyo or towel ay may 'TK' na nakalagay to symbolize that is his property. TK means Treyton Knight. That is his full name.

"Thank you, Uncle Brantley"

Nagulat pa ako nang biglang hinawakan ni Brant sa ulo yung anak ko at bahagya niyang ginulo-gulo ang buhok nito.

"You are always welcome, little boy."

At pagkatapos niyang kausapin ang anak ko, sa akin naman siya tumingin. Halos mapigilan ko na ang paghinga ko nang magtama ang mga mata namin.

"And it's nice to see you again, Savannah. I hope you are doing fine."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status