Share

Chapter 3

One week have passed simula nung makita namin si Brantley sa mall at naiistress na ako kay Treyton dahil lagi niya akong kinukulit. Gusto niya raw makipaglaro kay Brantley.

"Mommy, please? Contact him!"

At ito na naman kami. Nangungulit na naman siya.

"I can't, baby," malumanay kong sabi. Nandito siya ngayon sa office ko since it's Saturday naman.

"But why? I want to try to play with him. I think he's cool to be with."

Cool ba ang pagiging Mafia Boss?

"Don't play with him, Treyton. I am warning you," seryosong sabi ko sa kanya.

"But why mommy? Why?"

Bumuntong hininga ako at tinanggal ang reading glasses ko atsaka tumingin kay Treyton. Ang kalmado niyang mukha ay lukot na at halatang malungkot.

"Because he's a bad guy?"

Nawala ang lungkot sa mukha niya at napalitan ng pagkaseryoso.

"Bad? He's a bad guy?"

Tumango ako.

"Kaya ba hindi ka na po niya girlfriend? Kasi bad guy po siya?"

Tumango na lang ako ulit.

"Kaya tama na ang pangungulit ha? Natatandaan mo pa ba ang sinabi ko sayo dati tungkol sa mga bad guy?"

Siya naman ang tumango.

"Huwag po akong makikipaglaro at sasama sa kanila."

Napangiti ako sa sinabi niya.

"Good. Puntahan mo na lang daddy mo sa office niya at sa kanya ka makipaglaro. Okay?"

Ngumiti siya atsaka tumango.

"Okay, mommy," tumingkad siya para mahalikan ako sa pisngi kaya mas lalo akong napangiti.

Pinagmasdan ko siyang maglakad palabas ng office ko. Bumuntong hininga na lang ako atsaka ibinalik ang atensyon sa aking ginagawa.

****

"Ma'am, malapit na raw po si Mr. Domingo sa meeting place," rinig kong sabi ni Shaggy habang nag-aayos ako ng gamit.

"Okay. Tell him na paalis na rin tayo."

"Yes po, Ma'am."

Nakalabas kami ng company at sumakay na sa sasakyan. May kameet-up ako ngayong business man dahil may mga kailangan kaming pag-usapan. Ofcourse tungkol sa business.

Nakarating na kami sa isang restaurant since dito kami magkikita ni Mr. Domingo. Pumasok na ako sa loob at nakita ko na siyang nakaupo sa tapat ng isang square table.

"Good afternoon Mr. Domingo."

Napatayo siya nang makita ako at ngumiti.

"Good afternoon also, Ms. McKenley.”

Tipid lang akong ngumiti at umupo na. Katabi ko ngayon ang aking secretary na si Shaggy.

Nag-order muna kami ng pagkain bago inumpisahan ang dapat naming pag-usapan.

"I know na hindi ko pagsisisihan ang pag-invest sa inyo, Ms. McKenley. Your company's doing great." Nakangiti kong isinubo yung meat na nasa fork.

"Thank you for the compliment, Mr. Domingo. We will definitely sure that you're not going to regret your decision."

Natapos ang usapan ng maayos. Nakaalis na si Mr. Domingo at bago kami umalis, sinabi ko kay Shaggy na mauna na siya sa sasakyan dahil pupunta lang ako ng restroom. Matapos ang dapat kong gawin sa restroom, naghugas ako ng kamay at naghand-dryer bago ako tuluyang makalabas.

"Hey!"

Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat nang makita kong may taong nakatayo sa may tapat ng ladies restroom.

"Magugulatin ka pa rin pala?" sabi niya at ngumisi.

Sinamaan ko naman siya ng tingin. Nang-asar pa.

"Anong ginagawa mo rito?"

"Business matters. How 'bout you?"

"Same," tumango siya.

"Excuse me, I have to go."

Bago pa man ako makalayo, naramdaman kong may humila sa akin at pinasok sa kung saan. Inilibot ko kung nasaan ako at nakita kong dito ako nanggaling kanina.

"Brant ano ba—" Hindi ko natapos ang sasabihin ko ilapit niya ang mukha niya sa akin. Ang dalawang kamay niya ay nasa dalawang magkabilang-gilid ko at para akong kinukulong.

"Savannah..."

Para na naman akong nabingi nang banggitin niya ang pangalan ko. Napalunok ako dahil iba pa rin ang dating sa akin kapag tinatawag niya ako. At mas lalong hindi ako makahinga ng maayos dahil sa lapit ng mukha naming dalawa at bilis ng tibok ng puso ko dahil sa kaba.

"You really smells great."

Napasinghap ako nang inilapit niya ang kanyang ilong sa leeg ko at ramdam ko ang pagdampi ng kung anong malambot doon. Tangina. Hindi ako makagalaw! Nanlalambot na ang mga tuhod ko.

"You also didn't change your perfume. What does it mean, Savannah?"

Alam ko kung anong tinutukoy niya.

"W-Walang ibig sabihin yun, Brant. Mabango lang talaga yang perfume kaya hanggang ngayon ito ang gamit ko."

Anong akala niya? Na ginagamit ko pa rin ang same brand at flavor ng pabango dahil mahal ko pa rin siya? Oh come on. Five years ago kasi, niregaluhan niya ako ng perfume at talaga namang nagustuhan ko yung amoy kaya hanggang ngayon ito ang gamit ko.

"Really?"

Ano bang gusto niyang palabasin?

"P-Pwede ba lumayo ka na? Kailangan ko nang umalis."

Tinulak ko siya sa kanyang dibdib. Damn ang tigas. Mukhang walang naging effect sa kanya yun dahil hindi man lang siya gumalaw. Nanatili siyang nakatitig sa akin na hindi ko naman nagugustuhan.

"Do you still love me?"

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa itinanong niya. Huminga ako ng malalim.

"No. Ikakasal na ako, Brant kaya pwede ba, itigil mo na ito."

Nag-iba ang expression ng mukha niya. Bigla itong lumamig. What does it mean?

Ganunpaman, naglakas-loob ako na itulak siya ulit and this time, nagpatulak na siya. Nagmamadali akong nagtungo sa may pinto. For goodness sake, nasa ladies restroom kami.

Paano na lang kung may makakita sa amin dito? Ano na lang ang iisipin nila.

Hindi ko alam kung bakit niya ito ginagawa pero wala akong panahon para sakyan ang kalokohan niya.

Hinawakan ko na ang knob ng pinto pero hindi ko pa man ito napipihit nang may humila na naman sa akin. Naramdaman kong may kamay na humawak sa batok ko at para akong nawalan ng oxygen sa sunod na nangyari. Nakita ko na lamang ang mga labi niya na nakalapat sa akin.

Oh my God! He kissed me!

"How about that? What do you feel?"

Para na akong mamamatay sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ako makasagot dahil nasa state of shock pa rin ako.

"Tell me, Savannah. Wala ka pa rin bang nararamdaman?" naramdaman ko na naman na hinalikan niya ako sa aking labi.

Hindi ito tama. Hindi ito tama. Hindi ito tama.

Nang makabawi na ako sa pagkabigla, malakas ko siyang itinulak at sinampal. Mukhang hindi niya inaasahan ang gagawin ko dahil kumunot ang noo niya.

"What the hell is your problem?" gigil na sabi ko at nagpunta sa may sink. Inilabas ko ang panyo ko sa aking bag at binasa iyon. Ipinunas ko ito sa aking bibig. This can't be happening.

"Gusto ko lang namang malaman kung wala ka na ba—"

"Kailangan ko pa bang ulitin? Wala na nga Brant. Matagal na akong nakamove-on. May anak na ako at soon ikakasal na!"

Nag-angat na ako ng tingin at mula rito sa salamin na nasa harapan ko, nakikita ko ang itsura niya habang nasa likuran ko. Nakatingin din siya sa salamin. Sa repleksyon ko sa salamin.

Napalunok ako nang makita ko ang seryoso niyang tingin. Para na akong malulusaw.

"I just want to know if you still love me..."

"Sinagot naman kita, diba?"

"But I don't believe you. I know you like the kiss."

"Siraulo ka ba?"

"Yes. I am getting insane because of you."

And for the nth time, natigilan na naman ako. Nakita ko siyang ngumisi na nakapagpakilabot sa akin.

"I don't believe your answer, Savannah. And I will prove that you're wrong."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status