Share

Chapter 5

"Mommy are you tired?"

Napalingon ako sa gilid ko nang magsalita si Treyton. Nandito kasi siya ngayon sa office ko at pagabi na. Nakaupo rin siya sa swivel na nasa tabi ko lang din.

"Just a bit, baby. Ikaw ba? Hindi ka pa ba nagugutom?" tanong ko sa kanya dahil baka gutom na ang anak ko.

"I'm hungry."

Natigil ako sa ginagawa ko dahil sa sinabi niya.

"Really? Nasaan ba ang backpack mo? Hindi ba't may mga pagkain ka roon?"

"Kakain lang po ako kapag tapos na kayo diyan. Mommy gusto mo tulungan kita? My teacher said I am a smart kid, so i think I can help you."

Napangiti ko sa sinabi ni Treyton at parang nakakawala ng pagod ang kanyang nakangiting mukha.

"Sure, baby. Mommy needs your help."

Inilapit ko ang kanyang swivel chair sa aking table. Lumuhod naman siya at inayos ang mga papel na nakakalat sa table ko.

Nakangiti ko naman siyang pinagmamasdan.

"Busy pa rin po ba si daddy? Hindi pa rin po ba siya uuwi sa bahay?"

Natigil ako sa ginagawa ko at lumingon sa kanya. Ito naman kasing si Nicholas ay hindi umuwi ng bahay kagabi. Muntik pa ngang hindi matulog si Treyton kakahintay sa kanya. Siraulo kasi yun. Hindi raw uuwi hangga't hindi ko sinasabi kay Treyton ang totoo.

"Yes, baby. Marami pang ginagawa si daddy."

Maging ngayong araw ay hindi niya rin nakita si Nicholas dahil may kailangang puntahan si Nicholas at dalawang araw siya doon. Kaya kaming dalawa lang ni Treyton sa bahay.

"I miss daddy. I want to play with him."

Pilit ko na lang siyang nginitian.

Nang matapos kaming magligpit, lumabas na kami ni Treyton ng kompanya. Si Shaggy na ang bahalang magsara ng office na nasa contacts niya. May ibibigay po ako sa inyong address. Puntahan niyo na lang—"

"Pasensya na. Marami akong ginagawa."

****

"Mommy, nasaan po tayo?" napahilamos na lang ako sa aking mukha. Ang sabi ko kakain kami ni Treyton pero anong ginagawa ko rito sa tapat ng unit niya?

Bakit naman ako nagpa-uto? Bakit ko pinuntahan ang sinend sa aking address nung lalaking yun?

Kanina pa kami nakatayo rito at hindi ko alam kung magdodoorbel ako o hindi. Hindi ko talaga alam kung bakit kami nagpunta rito. Nag-aalala ba ako sa kanya? Para saan pa?

"Wala baby boy. Mabuti pa umalis na tayo."

Hinawakan ko na ang kamay ni Treyton. Bago kami umalis, napansin ko pa ang cctv na nasa taas ng pinto ng kanyang unit. Siguro naman ay ayos na siya. He's Mafia Boss, right? Iba nga itong unit niya. Bago siguro. Hindi ko naman kasi ito alam noong kami pa. Bago bagong bili nga.

Napatigil kami sa paglakad ni Treyton nang makarinig kami ng kung anong ingay. At agad ko siyang nayakap nang makita kong palibutan kami ng mga taong nakablack suit and tie. May earpiece rin silang suot.

"S-Sino kayo?" kinakabahan kong tanong. Mga anim siguro sila at nakapa-ikot sila sa amin.

Matatangkad at malalaking lalaki sila kaya paniguradong wala akong laban.

"Mommy, what's happening?" gusto sanang lumingon ni Treyton pero niyakap ko pa siya ng mahigpit at ibinaon ang kanyang mukha sa aking tiyan para hindi niya makita ang nangyayari.

"Pinapasabi po ni boss na pumasok kayo ng kanyang unit."

Para akong pinagbuhusan ng malamig na tubig nang marinig ko ang salitang 'boss'. Nalaman niyang nandito kami sa labas? Aish. Saka ko lang narealize, may cctv nga pala.

"N-No. Aalis na kami ng anak ko kaya umalis kayo sa daanan."

"Gusto po kayong makita ni boss at ang sabi niya, huwag kaming babalik nang hindi kayo kasama."

Naiyukom ko na lang ang aking kamao.

"Pakisabi sa boss mo, aalis na kami."

Bakit pa kasi ako nagpunta rito?

Itinulak ko yung lalaki na nasa harapan ko at mabuti na lang nagpatulak naman siya. Pinalakad ko na rin si Treyton pero tinatakpan ko ang kanyang mga mata. Ayokong makita niya ang tauhan ng ama niya.

"Savannah!"

Automatic akong napatigil sa paglakad nang marinig ko ang kanyang boses. Si Treyton din ay napatigil.

"Mommy, I know that voice," mabilis makatanda si Treyton at hindi ko siya masisisi kung naaalala niya pa ang boses ni Brant.

Dahan-dahan akong lumingon sa likod at nakita ko si Brant na topless pa. Kitang-kita mo ang kanyang magandang hubog ng katawan. Napalunok ako ng wala sa oras. Pero mapapansin din ang benda sa kanyang tagiliran at braso. Iyon na siguro ang tama ng bala sa kanya. Mapapansin din na namumutla siya. Malamang kagagaling lang sa opera. Pero bakit ano itong nakikita ko? Nagagawa naman niyang tumayo.

"That's Uncle bad guy."

Huli na para pigilan ko ang anak ko dahil nakita na niya si Brant. Hindi ko kasi namalayan na natanggal na pala niya ang aking kamay na tumatakip sa kanyang mga mata. Pinagmasdan naming lumapit si Brant sa amin. Hirap pa nga itong maglakad at nakaabang naman ang kanyang mga tauhan sa kanya.

Lumapit sa akin si Treyton at niyakap niya ako.

"You came," napaiwas ako ng tingin nang makita kong ngumiti si Brant.

Ayokong magpadala sa ngiting yun. Isa yun sa mga dahilan kung bakit ako nahulog sa kanya.

"Mommy, diba he's a bad guy? Let's go na po because he might hurt us!" Nawala ang ngiti sa labi ni Brant nang marinig niya yung sinabi ni Treyton.

Somehow ay parang nakakita ako ng lungkot at sakit sa mga mata niya.

"Yes baby. Aalis na tayo." hinawakan ko na ulit ang kamay ni Treyton at tumalikod na. At bago pa ako makahakbang, nakaramdam ako na may yumakap sa akin mula sa aking likuran na siyang ikinabigla ko.

Hindi ako makagalaw. Hindi naman ako tanga para hindi malaman kung sino itong nakayakap sa akin. His manly smell. Siya lang naman ang nag-mamay-ari ng ganitong amoy. Alam kong siya to. Gaya ko, hindi pa rin siya nagpapalit ng kanyang pabango.

"Please stay, Savannah. Please stay."

Comments (8)
goodnovel comment avatar
Eyyang Aspiras Estoque
1yr..na wlang update
goodnovel comment avatar
Eyyang Aspiras Estoque
Hala wla ng update anu ba yan 8mons..na
goodnovel comment avatar
Eyyang Aspiras Estoque
Hala 4mons..na wla pa update
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status