Share

MRF 87: Escape

Nakahinga siya ng maluwag nang mabilis na nilisan ng lalaki ang kanyang silid at tumakbo palabas. Sa pagmamadali nito, nalimutan pa nitong isara ang pintuan. Kahit puno ng kaba ang kanyang dibdib dahil sa malakas na tunog ng barilan sa labas, pilit siyang bumangon mula sa kama. Hindi siya pwedeng manatili doon at hintayin na muling balikan ng mga tauhan ni Valerian. Sasamantalahin na niya ang pagkakataong nakabukas ang pintuan.

Patakbo siyang nagtungo sa labas habang panay ang kanyang lingon kung may mga bantay bang nagmamasid sa paligid subalit wala siyang makitang kahit na isa. Marahil abala ang mga ito sa pakikibaglaban. Napapitlag siya nang biglang may humawak sa kanyang braso mula sa likuran.

"Katerina, hija…"

Nakahinga siya ng maluwag nang makitang si Camila pala ang naroon.

"M—mommy Camila…"

"Halika ka na. Sa likod tayo dumaan," anito sabay hila sa kanyang kamay.

Nagpatianod siya sa direksyon na pinagdalhan sa kanya ng mommy ni Damon. Tanging dasal niya ng mga oras na iyon
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Joanna Caleon
more update
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status