Pinikit ni Luna ang kanyang mga mata. May dahilan siya para pagsuspetsahan na si Alice ang maaaring nagkalat ng video na ito online. Sinasadya ni Alice na bigyan ng problema si Luna. Sa kabilang banda ay ang kanyang karera, na pinagtrabahuan niya nang maraming taon at gustong ipagpatuloy na gawin buong buhay niya. Sa kabilang banda naman ay ang kanyang tunay na mga magulang, na nagpalaki sa kanya sa nagdaang dalawampung taon. Pareho itong importante kay Luna. Palihim na sinara ni Luna ang kanyang kamao nang mahigpit. Masyado siyang naging mababaw. Masyado siyang naging aligaga sa kanyang trabaho sa nagdaang kalahating buwan na muntik na niyang makalimutan na malapit lang sa kanya si Alice. Pagkatapos ng mahabang sandali, huminto ang kotse. Umalingawngaw ang boses ni Joshua sa tainga niya. "Baba." Doon lamang dumilat si Luna. Binuksan niya ang ointo ng kotse at napansin niya na binalik siya ni Joshua sa Swan Lake Residences. "Salamat," pinasalamatan niya siya at um
Habang nasa likuran, nagdilim ang mukha ni Joshua. โDi ba sumosobra ka na kay Luna?โ Nabigla si Lucas. Sumosobra? Sumobra baโฆ siya? Nang makita kung gaanong tulala si Lucas, lumingon si Joshua at tumingin sa labas ng bintana. โAng labis na pag-aalala mo sa kanya. Atsaka, kanina lang sa police station, bumubulong ka nang sobrang lapit sa tainga ni Luna.โ Natulala si Lucas. Mabilis na umikot ang isipan niya. Natukoy na ni Lucas ang problema. Ang amo ba niya ayโฆ nagseselos? Nilinis ni Lucas ang lalamunan niya at sinabi, โOkay. Mag-iingat na ako dito sa susunod.โ Walang emosyong sumagot si Joshua at tumingin sa gusali ng apartment. Nakabukas na ang ilaw sa apartment ni Luna. โTara na.โโฆLumabas si Luna ng elevator at kakalabas lang niya ng mga susi niya nang mapansin niya ang ilaw na nanggagaling sa ibaba ng pinto. Kusang napakunot ang noo niya. May tao ba sa bahay niya? Si Anne ba ito? Binigyan niya ito ng isang pares ng susi noong lumipat siya sa apartment.
Hindi napansin ni Anne ang pagbabago sa mukha ni Luna. Nagsalin siya ng isang basong tubig para sa kanyang sarili, sinasabi habang umiinom siya, โSa totoo lang pakiramdam ko minsan ang hirap basahin ni Joshua. Pagkatapos mai-post ng video online at kumalat ito, kaagad na nagpadala ng annoucement ang Lynch Group na hindi totoo ang video. โDi nagtagal bago ang paalala, kinausap ako ni Joshua at sinabi sa akin ang tungkol sa insidente. Sinabi niya sa akin na siguro malungkot ka at sinabihan niya akong pasayahin daw kita.โ Di mapigilan ni Anne na suminghal, โKung hindi ko lang alam na siya ang basurang nanakit saโyo nang sobra, aakalain ko sanang isa siyang mabuting tao.โ Palihim na tinikom ni Luna ang kamao niya. Makalipas ang isang saglit, bumangon siya at sumugod sa balkonahe. Ang lugar kung saan nakahinto ang Maserati ay wala nang laman. Pinalo ni Luna ang noo niya sa inis. Siguro iniisip ni Joshua na baliw siya. Naghanda ito ng surpresa para sa kanya, ngunit tumanggi siya
Tinulak siya ni Anne sa kwarto. โWag ka dapat kumilos at wag ka mag-isip. Matulog ka lang nang mahimbing!โ Walang magawa si Luna. gusto niyang sabihin na pwede siyang tumulong sa mga hugasin, pero kaagad na hinila ni John si Anne sa mga braso niya. โGusto kong makipaglambingan kay Anne, habang naghuhugas ng pinggan nang magkasama sa kusina. Wag kang maging third wheel.โ Habang tulala pa rin si Luna, kaagad na kinuha ni John si Anne at umalis. Hanggang sa maglaho sa paningin niya ang dalawa lang nakangiting nagsalita si Neil, โMommy, wag kang tumingin.โ Huminto saglit si Luna at kusang yumuko. Nagsuot na ng pajama si Neil at Nellie, at yakap ng bawat isa ang isang maliit na unan habang nakatayo sila sa tapat ng pinto ng kwarto. โGusto naming matulog kasama mo ngayong gabi, Mommy.โ Humikab si Nellie. โMatagal na tayong hindi natutulog nang magkasama! Namiss ko ito!โ Ngumiti nang bahagya si Neil. โOo. Masyado kang busy at hindi mo na kami makausap. Buti makakabawi ka ngayong g
Noong gabing iyon, nakatulog nang napakahimbing si Luna. Nasa kaliwa niya si Neil habang nasa kanan niya naman si Nellie. Ang mahinang paghinga ni Nigel ay nanggagaling sa kwintas na nasa taas ng kama. Kahit paano, ang tatlong pinakamahalagang tao sa kanya ay nasa tabi niya. Niyakap niya nang mahigpit si Neil at Nellie, tapos biglang parang hindi na problema ang mga problema niya. Bastaโt nasa tabi niya ang mga mahal niya sa buhay, malulutas ang kahit ano.Kinabukasan, nagising siya mula sa kanyang panaginip ng mga katok ni Anne sa pinto. โLuna, buksan mo ang pinto! Luna, gising! May mabuting balita!โ Inaantok na idinilat ni Luna ang kanyang mga mata habang kinukuskos ang masakit niyang ulo. Bumaba siya ng kama at binuksan ang pinto. โWag kang maingay. Natutulog pa si Neil at Nellie.โ Huminto saglit si Anne at nakatingin nang nahihiya sa kwarto. Ang dalawang bata sa kama ay natutulog pa rin nang mahimbing at hindi nabubulabog sa ingay niya. Sinra ni Luna ang pinto ng
Napanganga si Anne. Kinuskos ni Luna ang pagitan ng kilay niya. Huminga siya nang malalim. โHindi ko inakalang ganito kadaling matatapos ang problema.โ Akala niya kakailanganin niya ng isa o dalawang araw para makapag-isip ng plano. Hindi niya inasahang magbabago ang lahat sa loob lamang ng isang gabi. Tinikom ni Nigel ang kanyang bibig. โSinabi ko saโyo matulog ka nang mahimbing at paggising mo, magiging ayos na ang lahat. Di ako nagsisinungaling diba?โ Tumawa si Luna. Makalipas ang isang saglit, nagsalita siya. โNagtataka lang akoโpaano mo napasunod si Mo Sam?โ โWala lang.โ Tumawa nang mahina si Nigel. โNag-hack akio sa kanyang computer at kinuha ko ang lahat ng lamang ng hard disk niya, kasama ang diary niya kung saan naihi siya sa kama noong bata siya at kung paano siya nabigong ligawan ang babaeng gusto niya noon. Atsakaโฆ โAtsaka, ang ebidensya ng mga draft ng ibang mga designer.โ Huminto saglit si Luna bago sabihin nang dahan-dahan, โEdi ang pagkatao niya bilang isa
Kaagad na nanigas ang kamay ni Luna na nakahawak sa kanyang phone. โSi Mr. :Lynch, siya ayโฆโ โMarunong din siyang mag-hack.โ Sa kabilang linya, kinamot ni Lucas ang ulo niya nang naguguluhan. โSa totoo lang, sa busy schdule niya, hindi magkakaroon ng oras si Mr. Lynch na magkaroon ng libangan, pero isa siyang magaling na hacker. Sabi niya pinag-aralan niya ito matagal na noong nababagot siya.โ Tapos idinagdag ni Lucas nang madamdamin, โTalagang si Mr. Lynch ang pinakamatalinong lalaking nakilala ko. Ang hacking ay isang napakahirap na gawain, pero natututunan niya ito kapag nababagot siya! Napakagaling!โ Nanginig nang bahagya ang kamay ni Luna. Kung tama ang pagkakaalala niya, noong pinakasalan niya si Joshua, naaalala niyang sinabi niya noon kay Joshua na tingin niya ang mga lalaking marunong mag-hack ay nakakabilib. Tinanong niya pa ito noon kung marunong ba itong mang-hack. Ngunit tumingin sa kanya nang seryoso si Joshua. โAng mga hacker ay mas matalinong programme
โMagaling ba siyaโฆsa pag-hack?โ โMagaling.โ Tinikom ni Nigel ang bibig niya. โBaka kailangan ko pa ng ilang taong pagsasanay para maabot ko ang lebel niya.โ Lumubog sa kawalan ang puso ni Luna sa sinabi ni Nigel. Nakipag-usap siya saglit kay Nigel bago ibaba ang linya at bumalik sa sala. Nagluto ng almusal si Anne. Tinawag niya si Luna para kumain, kahit na nakakunot ang noo niya habang nakatingin siya dito. โUmamin na si Mo Sam na ninakaw niya ang mga disenyo mo, at isa itong mabuting balita. Bakit parang masama pa rin ang timpla mo?โ Pinilit ni Luna na ngumiti. Yumuko siya at nagsimulang kumain nang maigi. โฆMakalipas ang limang oras, sa Lynch Group Tower. Ito ang parehong conference room na may parehong tao. Ang lahat ay tinawag para sa isang pagpupulong. Habang nakaupo sa main seat, hindi maitago ni Joshua ang pagod sa kanyang mukha. Kahit na ganon, matikas pa rin siya at mukhang mapagmataas. Habang may maliit na ngiti, tinapik niya ang lamesa gamit ng isang ka
Kumunot ang noo ni Luna nang marinig niya ito.Kailangan niyang itago si Gwen kapag bumisita si John sa kanila. Kasabay nito, kailangan niya ng ibang tao para magpanggap na si โAndie Larsonโ.Habang iniisip ito, nagbuntong hininga si Luna at tumingin siya ng makahulugan kay Tara.Naintindihan ito ni Tara at tumango siya, pagkatapos ay naglakad siya pabalik ng elevator kasama si Luna.Nang sumara ang pinto, nagbuntong hininga si Tara at sinabi niya ng pagod na tono, โSalamat sa Diyos at nabigo si Robyn ng memorya niya. Kung hindi, sira na ang lahat ng plano natin.โTumango si Luna. Pagkatapos, tumingin siya kay Tara at tinanong niya, โOo nga pala, paano nagkakilala si John at ang tatay ni Gwen?โKahit na si Andy ay dinala ng mga tauhan ni Tyson sa Sharnwick City. Paano napunta sa parehong kwarto si John at sumalo pa siya ng bala para dito?Kinidnap rin ba si John ng mga taong ito? Kung ganun, bakit nila ito ginawa?Nang mabanggit ito, nagbuntong hininga si Tara at nagpaliwang si
Sumilip si Luna sa crack mula sa pinto.May suot na hospital gown si John, nakaupo ito sa kama at kumakain habang kausap si Robyn. โSinabi ba talaga โyun ni Miss Moore?โTumango si Robyn. โNakasalubong ko rin sa elevator โyung babae na bumili ng tanghalian na ito kanina. Hindi ka maniniwala, konektado din siya kay Miss Moore! Magpinsan sila sa kasal!โHuminto ang kamay ni John, halata na nabigla siya. Tumawa siya at tinanong niya, โTalaga? Nagkataon nga naman.โโTama ka! Maliit ang mundo natin!โ Tumango si Robyn. โHindi lang โyun, pero dahil magpinsan sila sa kasal, may koneksyon din siya sa lalaking niligtas mo kagabi. Sa tingin ko ay ang pangalan niya ayโฆโNapatalon ang puso ni Luna sa lalamunan niya nang marinig niya ito.Nagkaroon siya ng isang malaking pagkakamali. Hindi niya sana babanggitin ang pangalan ni Gwen kung alam niya lang na si John ang lalaking nagligtas sa tatay ni Gwen!Malapit na masira ang sikreto nila!Habang iniisip ito, hindi niya mapigilan na tumingin k
Tumaas ang mga kilay ni Luna kay Tara. โSinasabi mo ba na anim na buwan mo nang alam ang tungkol kay Anne at John?โTahimik ng ilang sandali si Tara bago siya tumango. โOo.โHuminga siya ng malalim at tumitig siya ng seryoso kay Luna. โDati, ang lahat lang ng alam ko tungkol sayo ay pinakasalan mo ang pinsan ko at biniyayaan kayo ng triplets. Nabalitaan ko rin na sa isang punto, naging malapit ka kay Christian, pero wala na akong ibang impormasyon maliban dito. Isang araw, sinabi ng tita ko sa akin na ikaw, ang asawa ng pinsan ko, ay walang iba kundi si Moon, ang paboritong jewelry designer ko.โโSimula nang matuklasan ko ito, napunta ang atensyon ko sayo at naghanap ako ng mga balita tungkol sayo. Dahil dito, alam ko ang tungkol sa murder at trial mo, kaya alam ko ang tungkol kela Anne at John.โLumaki ang mga mata ni Luna sa gulat.Hindi siya makapaniwala na si Tara ay palihim na isa sa mga fans niya, sa punto na binabantayan nito ang balita tungkol kay Luna kahit na nakatira si
Matagal na natulala si Luna.Sa huli, bumalik siya sa sarili at humawak siya ng sabik sa braso ni Robyn. โSinasabi mo ba na ang kapatid mo ang nagligtas sa lalaki na hinahanap ng lahat sa buong bayan?โHindi inaasahan ni Robyn ang reaksyon ni Luna. Napaatras siya sa takot at tumango siya. โOโฆ Oo.โBakit sabik si Luna na marinig ito?Kumunot ang noo niya at tinanong niya, โMiss, kilalaโฆ mo ba ang kapatid ko? O may koneksyon kayo sa matandang lalaki kagabi?โSasagot sana ng oo si Luna sa mga tanong na ito nang sumingit si Tara. โSyempre may koneksyon siya sa matandang lalaki. Asawa siya ng pinsan ko, kaya may koneksyon siya sa matandang lalaki na niligtas ng kapatid mo. Sabik lang siya na makilala ang lalaki na lumigtas sa buhay ng matandang lalaki.โPagkatapos, tumingin siya kay Luna. โHindi ba, Luna?โNapahinto ng ilang sandali si Luna, pagkatapos ay tumango siya. โOo, masaya lang ako na ligtas siya ngayon.โPagkatapos, lumingon siya para tumitig ulit kay Robyn. โKamusta na ang
โUmโฆโNgunit, bago pa sumagot si Tara, sumingit si Robyn. โHindi baโt sinabi ko sayo na ang kapatid ko ay nabaril? Ito ay dahil pinoprotektahan niya ang isang matandang lalaki kagabi.โโNakidnap silang pareho, at ang lalaki na โyun ay papatayin dapat ng kidnapper. Kung hindi humarang ang kapatid ko para iligtas ang lalaking โyun, patay na dapat siya ngayon.โโSi Miss Moore ay ang kamag anak ng lalaki at pumunta siya dito para pasalamatan kami.โPagkatapos, pinakita niya ang card kay Luna at sinabi niya, โGusto niya kaming bigyan ng gantimpala kapalit ng kabaitan ng kapatid ko. Desperado kami sa pera, pero ayaw itong tanggapin ng kapatid ko. Ayaw niyang isipin ng iba na may ibang rason ang kabaitan niya.โNapahinto si Luna nang marinig niya ito. Kumunot ang noo niya, tumingin siya kay Tara. โAng โkamag-anak; na ito ay ang tatay ni Gwen, hindi ba?โAlam ni Luna ang tungkol sa nangyari kagabi. Dahil niligtas ng mga tauhan ni Joshua si Andy kagabi at ang kapatid ni Robyn ay nabaril d
โHindi ko kailangan ng special treatment.โ Ngumiti si John kay Tara. โAng gusto ko lang ay ang isang oportunidad para sumama.โKumunot ang noo ni Tara dahil dito, ngunit wala siyang sinabi. Sa huli, tumalikod siya at umalis na siya ng kwarto.Sa kanyang ikinagulat, nakasalubong niya si Luna, na siyang kakalabas lang ng elevator.Nabigla din si Luna na makita si Tara.Siguradong si Tara, na siyang obsessed kay Joshua, ay nasa Moore Group dapat kasama si Joshua, nagpapalipas ng oras kasama ang paboritong โpinsanโ nito. Bakit pala nasa hospital si Tara?โHello, Luna.โ Ngumiti ng nahihiya si Tara nang makita niya si Luna.Kumunot ang noo ni Luna at tumingin siya ng malamig kay Tara. โAno ang ginagawa mo dito?โNandito ba si Tara para makita si Gwen? Hindi niya maintindihan; hindi kilala nila Tara at Gwen ang isaโt isa. Bakit bibisita si Tara kay Gwen?Huminto si Tara, ngunit bago pa siya makagawa ng dahilan, tumunog ang boses ni Robyn sa likod niya. โMiss Moore!โTumakbo si Robyn
Bumangon si John mula sa kama nang mabanggit ang matandang lalaki. Pagkatapos ay tumitig siya ng nakakunot ang noo kay Tara. โAyos lang ba siya? Nawalan ako ng malay pagkatapos akong mabaril kagabi, kaya hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya. Naaalala ko na dumating ang mga tauhan niyo sa orasโฆ Ayos lang ba siya ngayon?โKahit na ang ginawa ng matandang lalaki ang rason kung bakit nabaril si John, naiintindihan ni John ang pananaw ng lalaking ito. Pagkatapos makulong ng maraming araw, hindi nakakapagtaka na magiging balisa ito na makatakas.Hindi mapigilan ni John na isipin na kung ang lalaking ito ay nakakuha ng sakit mula sa pagkakakulong, lalo na at matanda at mahina na ito.Kumunot ang noo ni Tara nang mapansin niya na nag aalala si John. Mukhang hindi nagpapanggap si John sa pag aalala niya.Ayon kay Joshua, hindi alam ni John na ang lalaking niligtas niya ay ang tatay ni Gwen. Base sa reaksyon ni John, alam na ni Tara na tama si Joshua.Ngumiti si Tara at sumagot siya
Hindi kayaโt sinasabi ni John ang katotohanan?Habang iniisip ito, tumingin ulit si Tara kay Robyn.Medyo kinakabahan si Robyn habang sinusuri ng ganito. Nahihiya siyang tumawa at sinabi niya, โNice to meet you, Miss Moore. Ako ang kapatid ni John, si Robyn.โPagkatapos, tinaas niya ang kamay niya kay Tara.Kumunot ang noo ni Tara habang kinamayan niya si Robyn. โNabalitaan ko na may sakit ka?โTumigas ang kamay ni Robyn. Nakalimutan niya ang tungkol sa instructions ni John!Ngumiti siya, sinubukan niyang maging kalmado. โOpo. Nagkaroon ako ng kakaibang sakit at humihina ang katawan ko, at kailangan ko ng surgery para mabuhay.โPagkatapos, lumingon siya para tumingin ng masama kay John. โSinabi mo ba ito sa lahat? Hindi baโt sinabi ko sayo na โwag mo ipagkalat ang tungkol sa sakit ko?โTumawa si John. โMalalaman din naman ni Miss Moore ang tungkol dito dahil magkakasama kami sa trabaho.โMedyo naabala si Tara dahil dito. Pinadala siya ni Joshua para bantayan si John at malaman
โAyos lang. Hindi ko siya niligtas para sa pera.โ Ngumiti si John habang tinaas niya ang kamay niya para kunin ang kutsara at tinidor mula kay Robyn.Nagtataka rin siya tungkol sa binanggit ni Robyn, ngunit sa katotohanan, hindi siya nagsisi sa desisyon niya. Kahit na pumunta siya doon para sa pera, hindi ito ang motibasyon niya noong tumalon siya sa harap ng bala.Ginawa niya ito ng hindi nag iisip. Kahit na ibalik niya ang oras, ililigtas niya pa rin ang lalaking โyun ng hindi nagdadalawang isip.Nagbuntong hininga si Robyn at tumingin siya kay John. โPero Johnโฆ makakapunta ka pa ba sa public bid sa katayuan mo ngayon?โNamutla si John dahil dito. Makalipas ang ilang sandali, ngumiti siya kay Robyn at sinabi niya, โSyempre naman. Ang balikat ko lang ang nasaktan, hindi ang utak ko, kaya makakapag trabaho pa rin ako tulad ng dati at makapag handa ako para sa bid. โWag kang mag alala. Alagaan mo na lang sina Anne at Sammie, at ako na ang bahala sa lahat.โPagkatapos, tumingin siya