Contract Mommy: The CEO’s Daughter Wants Me!

Contract Mommy: The CEO’s Daughter Wants Me!

last updateLast Updated : 2026-11-12
By:  butter.xxflyUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
2 ratings. 2 reviews
11Chapters
39views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

"Mommy! Mommy, I found you!" Sa gitna ng matinding sakit mula sa pangloloko ng boyfriend at best friend niya, isang maliit na bata ang biglang yumakap sa mga binti ni Fiona at tinawag siyang "Mommy." Ang hindi niya alam ay ang simpleng yakap na iyon ang magdadala sa kanya sa harap ni Gideon Del Fierro—isang malamig, makapangyarihan, at kinatatakutang bilyonaryo na handang gawin ang lahat para sa anak niya. Nang malaman ni Fiona na ibebenta siya ng sarili niyang pamilya sa isang matandang malapit nang mamatay, kinain niya ang lahat ng takot niya at tinanggap ang alok ni Gideon. Tatanggapin niya ang role bilang ina ni Paige… pero sa isang kondisyon: "Pakasalan mo ako." Sa ilalim ng isang kontrata at kasal na purely business lang, naging protektado si Fiona sa apelyidong Del Fierro. Pero habang unti-unting napapamahal sa kanya ang bata, paninindigan pa rin kaya nila ni Gideon na negosyo at para sa anak lang ang lahat?

View More

Chapter 1

KABANATA 1: MOMMY, I FOUND YOU!

FIONA'S POV

"Fiona! Bingi ka ba? Ilang beses ko bang kailangang tawagin ang pangalan mo bago ka gumalaw diyan?" Nakatayo ako sa gitna ng living room habang diniduro ako ni Tita Agatha, ang stepmother ko. Namumula ang mukha niya sa galit at nanggagalaiti ang boses na umalingawngaw sa buong mansyon.

"A-Aayusin ko na po, Tita..." Pabulong at nanginginig kong sagot.

"Siguraduhin mo lang! Hindi ka namin pinalaki rito para maging palamuti lang! Sayang ang pinapakain namin sa ’yo kung kahit sa simpleng gawaing-bahay hindi ka mapakinabangan!" Sigaw niya bago marahas na tumalikod.

Bago pa ako makahinga nang maluwag, dumating din si Beatrice habang may bitbit na isang malaking plastic bag ng mga lumang damit. Lumapit siya sa akin na may mapanuyang ngiti sa mga labi, at walang-awang inihagis ang plastic bag sa paanan ko.

"Oh, sa 'yo na 'yan," natatawang sigaw ni Beatrice habang nakataas ang kabilang kilay. "By the way, sira na pala yung iba d’yan. Pero check mo pa rin, ’di ba mahilig ka naman sa tira-tirahan? Tulad nito…” Kinuha niya ang isang red dress at ipinakita sa ’kin ang bahagyang punit sa laylayan nito.

“Siguradong bagay na bagay sa ’yo ’to. Mukha ka rin namang basura. Tsaka, ibinili nga pala ako ni Dad ng bagong sapatos. Mamaya, kapag naglinis ka ng kuwarto ko, ibibigay ko rin sa ’yo yung pinaglumaan ko. Siguraduhin mo lang na babanggitin mo kay Daddy kung gaano ako ka-generous. Naiintindihan mo ba?”

Tahimik kong pinulot ang bag habang pilit kong itinutulak pabalik ang mga luhang gustong pumatak sa mga mata ko. Dapat sanay na ako. Dapat hindi na ako naaapektuhan, pero lagi pa rin akong napapatanong kung deserve ko bang maranasan ang mga bagay na ’to. Dapat ko ba talagang pagbayaran ang kasalanang hindi ko naman ginusto?

Buong buhay ko, ipinamukha na sa akin ng mundo na ako ang dahilan kung bakit namatay ang sarili kong ina habang ipinapanganak ako. Sa malaking mansyon ng mga Samaniego, para lang akong isang katulong. Si Tita Agatha, na stepmother ko, ay itinuring akong alila kaya wala siyang ibang ginawa kundi utusan at iparamdam na wala akong halaga, at si Beatrice, na half-sister ko, ay ginawa akong basahan habang ipinagmamayabang ang mga bagay na dapat ay sa akin mula sa mga damit hanggang sa atensyon ng pamilya.

Si Papa naman? Siya ang kilalang si Darius Samaniego. Walang mahalaga sa kanya kundi ang pera at kapangyarihan. Malamig pa sa yelo ang pakikitungo niya sa ’kin, ni hindi niya ako tiningnan bilang anak. Hindi ko matandaan kung nagawa man lang niya akong kumustahin.

Sa kabila ng lahat ng ito, lumalakas pa rin ang loob ko tuwing nakakausap ko ang dalawang taong mahalaga sa ’kin. Sina Blake at Roxie. Si Blake ang longtime boyfriend ko at si Roxie naman ang best friend ko. Alam niya lahat ng sikreto ko, lahat ng problema ko, at parang kapatid na rin ang turing ko sa kanya.

Tulad ng lagi kong ginagawa, naisipan kong maglakad-lakad at pumunta sa isang park kung saan madalas akong magpalipas ng oras at magtanggal ng stress. Nakita ko ang pamilyar na likod ni Blake. Agad akong napangiti at nang lalapit na sana ako para surpresahin siya, bigla akong napatigil nang biglang may babaeng humawak sa kamay niya, si Roxie. Bahagyang tumungo si Blake para halikan ang mga labi ni Roxie.

Hindi ko na napigilan ang mga luha ko lalo na nang makita ko kung paano tumugon sa mga halik niya ang kaibigan ko na para bang hindi ito ang unang beses na ginawa nila ’yon. Parang sinaksak nang paulit-ulit ang dibdib ko habang tuluyang nanlalamig ang buo kong katawan sa sobrang sakit. Handa na sana akong lumapit para komprontahin sila sa ginawa nila, nang biglang may humigpit sa mga binti ko.

"Mommy! Mommy, I found you!"

Natigilan ako. Pagbaba ng tingin ko, isang batang babae na nakasuot ng pink na dress ang nakatingala sa akin. Kitang-kita ko ang saya sa namimilog niyang mga mata.

"Hi there, B-Baby… baka nagkakamali ka," nanginginig kong sabi, bumaba ako nang kaunti para pantayan siya dahil halatang-halata ang kalituhan sa mukha ko. "Hindi ako ang mommy mo..."

"No! You are my Mommy!" pilit ng bata habang lalong humigpit ang yakap sa mga binti ko. "Daddy said Mommy is pretty, has long hair, fair skin, and has the softest eyes. It's you, Mommy!"

Sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko ay hindi ko na namalayan ang unti-unting pagtulo ng mga luha ko. Hindi ko na napigilan; napaupo ako sa damuhan at humagulgol nang tuluyan dahil hindi ko na kaya ang sobrang bigat ng nararamdaman ko. Sa halip na matakot, lalong lumapit at yumakap ang bata sa leeg ko at idinikit ang pisngi sa mukha ko habang pilit akong pinapatahan.

"Don't cry, Mommy... Please don't cry," hikbi niya habang sumasabay na rin sa pag-iyak ko. Napayakap na rin ako sa kanya, pero bago ko pa siya mabuhat at para matulungan siya sa paghahanap sa mga magulang niya, biglang dumilim ang paligid namin. Limang lalaking nakaitim na suit ang pumalibot sa amin, at kasunod nito ang isang malamig at nagbabantang boses mula sa likuran na nagpatahimik sa akin sa takot.

"Don't you even think about moving. Where do you think you're taking my daughter?"

Paglingon ko, isang matangkad na lalaki na may matatalim na mata ang nagtutok ng baril, direkta sa ulo ko na para bang handa akong patayin anumang segundo. Nanginginig kong itinaas ang mga kamay ko. "P-Please… Tinutulungan ko lang siya!"

Pero bago pa siya makapagsalita, humarang sa harapan ko ang bata, itinataas ang mga braso para protektahan ako sa sarili niyang ama. "Daddy, no! Don't hurt Mommy!"

Natigilan ang lalaki. Dahan-dahan niyang ibinaba ang baril habang pilit na pinapakalma ang boses dahil nagulat siya sa ginawa ng anak niya. "Paige, come here. That woman is not your mother."

"No! I want Mommy!" Iyak ang bata habang kumakapit sa laylayan ng dress ko at ayaw pa rin lumapit sa kanya. Nang akmang kukunin siya ng lalaki, lalo siyang nag-hysterical. Hindi ko napigilan ang galit ko sa kabila ng takot sa baril dahil naiinis ako sa kawalan niya ng konsiderasyon sa bata. "Excuse me, Sir. Puwede bang ibaba mo ’yang baril mo? Hindi mo ba nakikita na natatakot sa'yo ang anak mo?"

Isang matalim na tingin ang ibinigay sa akin ng lalaki bago bumaba ang paningin sa anak. Nawala ang bagsik sa mukha niya; tuluyan siyang lumuhod at naging ganap na submissive sa mga luha ng bata na para bang ayaw niyang umiiyak ang bata.

"Paige... baby, please don't cry. I’m sorry. Daddy will buy you some toys. You want that, right? Tell Dad what you want," Bulong niya nang mahinahon at puno ng pag-aalala.

"I want Mommy to come home with us..." Sagot ni Paige habang nakaturo ang kamay sa akin.

Matagal akong tinitigan ng lalaki bago bumuntong-hininga. "Fine. We will take your mommy home with us."

"T-Teka lang, anong ibig mong sabihin? Bitiwan n’yo ko! Sa’n n’yo ako dadalhin?" Gulat kong tanong habang nakakunot ang noo ko sa lalaki. Pero huli na ang lahat. Sa isang senyas niya lang, pinalibutan na ako ng mga tauhan niya at dinala papasok sa naghihintay na mamahaling black SUV bago pa man ako makatakbo o makahingi ng tulong.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


reviews

orion page
orion page
AMERRIE, KUHANG-KUHA MO ANG GIGIL KO!!! MORE CHAPTERS PO
2026-11-13 04:40:56
1
0
orion page
orion page
AUTHOR, PLEASE UPDATE.
2026-11-13 04:39:46
1
0
11 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status