Share

Kabanata 63

“Ayos lang naman po si Daddy kaninang hapunan.”

Nakahawak si Nellie sa kamay ni Luna habang nakatayo sila sa main lobby ni Central Hospital. Nagaalala siyang tumingin sa kalayuan. “Bakit bigla pong sumama ang pakiramdam niya?”

“Baka may nakain o nainom siya pagkatapos,” ang simpleng sagot ni Luna.

Tumingin siya sa entrance ng hospital at nagsalubong ang mga kilay niya. Bakit nagkaproblema sa tiyan si Joshua? Mula sa naaalala niya, maganda ang panunaw ni Joshua. Lagi siyang nakikipaghalubilo sa iba, ngunit ni minsan hindi siya nagkaroon ng problema sa tiyan.

Nagkaroon ng problema sa tiyan si Joshua sa loob lang ng anim na taon? Anong ginagawa ni Aura? Hindi niya ba inalagaan si Joshua hanggang maging ganito ang kondisyon hniya?

Habang malalim na nag iisip, may huminto na isang itim na Maserati sa entrance ng hospital.

“Si Daddy!” agad na binitawan ni Nellie ang kamay ni Luna at tumakbo siya ng mabilis papunta sa kotse.

Nang makita niya ang pag aalaga ng anak niya, may kakaibang e
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status