Share

Maid For You
Maid For You
Author: janeebee

PROLOGUE

Author: janeebee
last update Last Updated: 2022-02-11 15:32:34

PROLOGUE

Alas singko pa lang ng umaga, mulat na ang mga mata ni Estrella. Kumikilos na rin ang katawan niya upang maghanda ng umagahan na para sa nag iisa niyang amo sa mansion kung saan siya naninilbihan ngayon.

" Este, ipagtimpla mo na si sir ng black coffee. Iyon ang hinahanap niya agad kapag naupo na siya sa mesa, " sambit ng isa niyang kasamahan sa kusina habang inuunaban ang sinaing na nakatalaga sa kaniya. " Huwag mong lalagyan ng asukal ha? Gusto niya iyong puro lang. "

" O-okay sige, ako na ang bahala. " Mabilis naman siyang kumilos upang gawin ang sinabi sakaniya. Hindi niya maiwasang mag taka dahil ni minsan, hindi pa siya nakakakilala ng taong umiinom ng kapeng walang asukal. Iniisip niya pa lang ang lasa, napapangiwi na siya.

Isang buwan na ang nakalipas magmula noong lumuwas siya patungo dito sa siyudad pero hanggang ngayon namamahay pa rin siya. Hindi pa rin sanay si Estrella sa paligid niya dahil bilang probinsyana na bago sa siyudad, lahat sa paningin niya ay kamangha-mangha maski ang mga naglalakihang gusali at estraktura na hanggang ngayon ay nalulula pa rin siya. Ang mansion kung saan siya pumasok bilang kasambahay ay nananatiling bago sa kaniya dahil sa tuwing gigising siya sa umaga at lalabas ng kwarto, hindi pa rin niya maiwasang libutin ng paningin ang bawat sulok ng mansion at maligaw dahil sa dami ng pasilyong pinamimilian niya.

" Gising na ang amo natin. Ilagay niyo na agad 'yong mga putahe sa mesa. Bilisan niyo na, " ani Manang Susan, ang head at pinakamatagal ng kasambahay sa mansion. Siya ang gumagabay sa lahat at nagtatalaga ng mga gawain sa apat na kasambahay na naninilbihan sa Martinez. " Nasaan ang kape? Bakit wala pa sa mesa? "

" Ah sandali lang po, ito na po ang kape niya. " Nagmamadaling inihatid ni Estrella ang tasa na may mainit na kape sa mesa kung saan pumu-pwesto ang kanilang amo. Sa kaniyang pagmamadali ay kamuntikan na niya itong mabitawan dahilan kaya siya nabanlian sa kamay. D*****g lang siya nang tagumpay niyang mailagay ang tasa sa mesa.

" Okay ka lang ba hija? " tanong ni Manang Susan saka sinuri ang paso niya. " Ibabad mo agad sa tubig at makaraan ay pahiran mo ng petroleum jelly. Mayroon ako sa kwarto, sandali kukuhanin ko--"

" Naku, hindi na po kailangan. Mamaya na lang po, " aniya at kasabay noon ang pamilyar na tunog ng sapatos na nanggagaling mula sa kaniyang likuran.

" Magandang umaga, Sir Sebastian, " nakangiting bati ng mga kasambahay sa kanilang amo na naglalakad patungo sa mesa. Agad namang umayos nang tayo si Estrella para batiin rin ang taong dumaan na sa harapan niya.

" Magandang umaga rin sainyo, " bati nito pabalik at nang sandaling mag tama ang kanilang mga mata, si Estrella agad ang umiwas ng tingin.

Tahimik na naupo si Sebastian sa silya at sumimsim sa mainit na kape na hindi pwedeng mawala sa umaga niya.

" Sinong nag timpla nito? " simpleng tanong lang pero naging dahilan ito para makaramdam ng nerbyos si Estrella.

" A-ako sir ang nagtimpla. Pasensya na po kung hindi niyo nagustuhan ulit ang lasa, " paghingi niya agad ng paumanhin kahit na wala pa man sakaniyang sinasabi.

" Masarap ang kapeng ito kumpara sa mga ginawa mo noong nakaraang araw, " ani Sebastian kaya nawala sa pagkakatungo ang ulo ni Estrella. " Good job. Sana magtutuloy ang magandang performance mo dito. "

Gumuhit ang malaking ngiti sa labi ni Estrella dahil sa kauna-unahang pagkakataon, ngayon lang siya nakatanggap ng papuri mula sa taong ito.

" Maraming salamat sir--"

" Drop the formalities, " putol nito sakaniya saka itinuro ang isang silya na nasa kaniyang harapan. " Maupo ka na at sabayan mo na akong kumain, Estrella. "

" Sir? " hindi makapaniwalang wika nito matapos marinig ang sinabi ng amo. Lumingon siya sa mga kasambahay na nasa paligid lang kanina pero nawala na ito ng parang mga bula. Silang dalawa na lamang ang naiwan ni Sebastian sa hapag kainan kung kaya naman sumunod na lamang siya sa sinabi nito.

Maingat siyang naupo sa silya at naiilang na inangat ang tingin sa lalakeng nasa harapan niya. " Kain na tayo, sir--"

" Estrella, hindi mo ako kailangang tawaging sir dahil walang ibang tao sa mansion na 'to, " paalala nito sakaniya. " Baka nakakalimutan mo, mag-asawa na tayo ngayon? "

Sa narinig, tuluyang nagising ang sistema sa katawan ni Estrella. Pakiramdam niya sa mga nagdaang linggo, isang mahabang panaginip lang ang lahat ng nangyari sakaniya dahil sa iglap, nagbago ang lahat. Kasambahay ang kaniyang pinasukang trabaho ngunit ngayon, isa na siya ngayong Maybahay.

---

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Catherine Rodriguez Caingat
update sana itong story
goodnovel comment avatar
Hipolito Marañan
good and nice story I like ...
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Maid For You    Author's Note

    Hi, maraming salamat po sa lahat ng nakaabot dito. Halos isang taon na rin pala simula noong isulat ko ito at ang sarap sa feeling na nakatapos ulit ako ng nobela. Sa ngayon, ito na pinakamahaba kong nobela na naisulat. Hindi ko inakala na aabot ito sa 100+ chapter pero wala, nag enjoy ako isulat ang journey nina Estrellla at Sebasian. San ganoon rin po kayo! So ayon, sa mga nagtatanong po kung mayroon bang story sina Anna/Javier at si Estrellita/Adam? Ang sagot ay wala po...pero puwede ring magbago depende sa panahon. Sa ngayon kasi, marami pa po akong story na planong i-published dito sa Good Novel at wala pang time para mag-isip ng plot sa mga side characters ng Maid For You. Ganunpaman, sana po ay suportahan niyo pa rin ako sa mga bago kong story at sa mga darating pang iba. Muli, salamat po sa inyong lahat!

  • Maid For You    EPILOGUE

    EPILOGUE Humugot ng isang malalim na hininga si Estrella habang nakatingin sa sariling repleksyon sa salamin. Walang mapaglagyan ang kaniyang tuwa, hindi siya makapaniwala na sa ikalawang pagkakataon, ikakasal ulit siya. " Ready ka na? " Napatingin si Estrella sa gilid nang marinig ang boses ng kambal. " Ganda ng ngiti mo, ah. Siguraduhin mong nakapag banyo ka na bago ka lumakad sa altar mamaya. Baka tumakbo ka na naman. " Bahagyang natawa si Estrella nang maalala ang marriage proposal ni Sebastian sa kaniya. Magkahalong kaba at saya ang naramdaman ni Estrella noong mga oras na yon, resulta upang magmadali siyang magtungo sa banyo. " But kidding aside, masaya ako para sayo, Estrella. " Inayos ni Estrellita ang belo na suot ng kaniyang kambal at pinagmasdan ang hitsura nito mula sa salamin. " Medyo nakakalungkot lang dahil saglit lang 'yong oras na nagkasama tayo. Ngayong kakasal ka na, malilimitahan na ang oras mo sa labas. " " Ate, noong nagkita naman tayo, kasal naman na kami

  • Maid For You    CHAPTER 125

    CHAPTER 125" Anong ginagawa niyo rito? " tanong ni Estrellita sa dalawang matanda saka siya lumapit sa kinatatayuan ng kambal upang hawakan ang kamay nito at ilagay sa kaniyang likuran. " Hindi kayo gusto makausap ni Estrella. Umuwi na lang kayo. "" H-hindi lang naman siya ang gusto naming kausapin, " ani Lola Teodora saka tumingin sa asawa bago muling ibalik ang tingin sa kambal. " Gusto namin kayong makausap na dalawa. "" Wala tayong dapat na pag-usapan. " Matigas na sambit ni Estrellita, humigpit ang kapit sa kamay ni Estrella nang maramdaman ang kagustuahn nitong lapitan ang dalawang matanda. " Wala kaming sasabihin sainyo. Umalis na lang kayo... "Hindi nagawang ituloy ni Estrellita ang balak na sabihin nang makita ang pagluhod ni Lolo Teodora na sinundan ni Lolo Emilio. " Humihingi kami ng kapatawaran sa ginawa namin, " saad ni Lolo Emilio, pilit pinipigilan ang luha subalit mababakas ang nginig sa boses nito. " Alam kong hindi sapat ang paghingi namin ng tawad at pagluhod s

  • Maid For You    CHAPTER 124

    CHAPTER 124 " Azami, saan ka pupunta? " Napahinto si Azami sa balak na pagbaba ng stage nang harangan siya ng Manager niya. " Kumalma ka muna, okay? Huwag mong ipakita na apektado ka. Maraming tao ngayon dito sa Mall at lahat ng mata at camera ay nakatutok sa'yo ngayon. " Mariing napapikit si Azami, at humugot nang malalim na buntong hininga sa pag-asang mawala ang mga daga sa dibdib niya ngunit hindi ito tumalab. " Okay guys, kumalma muna ang lahat. Mayroon lang po tayong technical difficulties ngayon at 'yong narinig niyo kanina ay isa lang audio clip mula sa haters. Relax lang po tayong lahat! " Pagpapagaan ng emcee sa sitwasyon. Hindi na gumagana ang mike kaya kinailangang nitong lakasan ang boses para marinig ng lahat ang sinasabi niya at hindi magkagulo ang mga tao. Walang alam ang emcee sa nangyayari ngunit kailangan niya pa ring gumawa ng paraan upang mapakalma ang lahat at matuloy ang programa. Tumingin si Azami sa puwesto kung saan niya nakita si Estrella ngunit hind

  • Maid For You    CHAPTER 123

    CHAPTER 123" Halikan mo 'ko. " Gumuhit ang gulat sa mukha ni Adam sa sinabi ni Estrellita na nakalingkis ang kamay sa braso niya." Pinagsasabi mo? Wala naman sa plano ''yon, Estrellita, " angal ni Adam saka binalik ang tingin sa harap kung saan abala ang lahat ng tao sa kani-kanilang mundo. Nasa isa sila ngayong parke, nakaupo sa isang bench habang magkahawak ang kamay ngunit si Estrellita ay halos ipulupot na ang sarili sa braso ni Adam." Para nga mas makatotohanan, 'di iba? Isipin mo na lang na ako si Estrella para hindi ka mailang, " ani Estrellita dahilan para lalong magsalubong ang kilay ni Adam. " Oh, bakit? May mali ba sa sinabi ko? 'Di ba may gusto ka sa kambal ko—"" Estrellita, please. " Pigil ni Adam, hindi komportable sa balak sabihin ng kasama niya, ngunit gusto niyang linawin ang lahat para hindi na ito mabuksan pa. " Yes, inaamin kong may gusto ako kay Estrella, pero matagal na 'yon at wala akong balak guluhin ang relasyon nila Sebastian. "" Talaga ba? " tila pang-a

  • Maid For You    CHAPTER 122

    CHAPTER 122 Halos lumuwa ang mata ni Anna nang makita ang nag doorbell sa labas ng gate ng mansyon. Ilang beses siyang kumurap sa pag-aakalang mag-iiba ang mukha ng babae sa harapan niya ngunit walang nabago sa histura nito. " Alam kong maganda ako, huwag mo na ako masyadong titigan, " anito saka isinara ang payong at tiniklop. " K-kayo ba ang kambal na sinasabi ni Este? " tanong ni Anna at nang tumango ito, napalitan ng paghanga ang nararamdaman niya. " Grabe, magkamukhang-magkamukha talaga kayo. Sa pananamit pa lang, si Este na ang nakikita ko sainyo. " " Hindi ito ang style ko. Ginaya ko lang ang pananamit ni Estrella para papasukin ako sa subdivision, " ani Estrellita saka tumingin sa loob ng gate. " Anyway, nandiyan ba siya ngayon? " " Ah, oo, na sa loob si Este. Pasok kayo, " sabik na pagpapatuloy ni Anna, hindi magawang alisin ang tingin kay Estrellita dahil labis ang gulat, tuwa at paghanga ang nararamdaman niya. Nang makarating sa salas, hindi maiwasang humanga ni Estr

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status