FAZER LOGINAMBERMakalipas ang apat na araw, habang inaayos ko ang mga documents na ipinagawa sa akin ni Ma’am Karen, naisip kong umuwi muna sa amin dahil isang buwan ko na ring hindi nakikita sina Mama at Noah. Gusto ko rin silang kumustahin nang personal. At may mga bagay akong gustong dalhin para sa kanila gamit ang perang naipon ko mula nang magsimula ako sa Villamor Global Holdings. Kaya bago matapos ang araw, nagpaalam ako kay sir Jefferson na uuwi muna ako sa probinsiya.“Sir Jefferson, uuwi po muna ako sa amin bukas pagkatapos ng trabaho. Gusto ko lang pong kumustahin sina Mama at Noah dahil ilang linggo ko na rin po silang hindi nakikita at gusto ko rin silang dalhan ng ilang gamit.”“Sige, Amber. Ihahatid na lang kita para hindi ka na mahirapan sa biyahe,” maayos niyang sagot habang inaayos ang hawak niyang mga dokumento.Agad akong napailing. “Huwag na po, sir. Malaking abala po iyon lalo na at CEO kayo. At siguradong marami kayong kailangang asikasuhin sa kumpanya. Kaya ko naman pong
AMBERSandali kaming nag-usap tungkol kina Mama at Noah. Ikinuwento ko na maayos na ang takbo ng maliit naming breakfast business sa probinsiya. At hindi na rin gaanong nahihirapan si Mama sa mga gastusin. Masaya naman si sir Jefferson nang marinig iyon at sinabi niyang gusto rin niyang matikman ang mga niluluto ni Mama kapag nagkaroon siya ng pagkakataong makapunta sa amin.Habang nagkukuwentuhan kami, bigla kong naalala ang nakita ko sa lobby kanina. Napatingin ako kay sir Jefferson at sandaling nagdalawang-isip kung itatanong ko ba iyon. Ayoko namang magmukhang pakialamera sa negosyo nila, pero talagang nagtataka ako kung bakit narito ang buong pamilya ni Haven.“Sir, may itatanong lang po sana ako. Bakit pala nandito ang Del Monte family kanina? Nakita ko po kasi sila sa lobby noong pabalik na ako galing lunch,” tanong ko habang kunwari ay abala sa pag-aayos ng mga papel sa mesa.“May partnership kami sa Del Monte Group kaya nandito sila para sa meeting. Matagal na rin kaming magk
AMBERPagbalik ko sa training room, agad akong naupo sa harap ng computer ko at inilapag ang bag ko sa tabi ng mesa. Hindi ko muna binuksan ang mga dokumentong kailangan kong tapusin dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang nakita ko sa lobby kanina. Akalain mo nga namang sa laki ng Maynila, dito pa talaga kami magkikita nina Haven at Marga. At hindi lang sila ang nakita ko, kundi pati ang Daddy niyang akala mo kung sinong hari kung makapangmaliit ng mahihirap.Napahawak ako sa noo ko habang nakatitig sa monitor. Mabuti na lang at hindi nila ako nakita dahil wala talaga akong balak makipag-usap sa kahit sino sa pamilyang iyon. Lalo na kay Haven na hanggang ngayon, hindi ko pa rin maintindihan kung bakit niya nagawang yayain akong magpakasal kung alam naman pala niyang itutuloy niya ang kasal nila ni Marga.“Hay, Amber! Magtrabaho ka na nga. Hindi ka pinapasuweldo rito para mag-isip ng mga walang kuwentang lalaki,” bulong ko sa sarili habang inaayos ang upuan ko.Kin
HAVENNatapos din ang meeting namin kay Jefferson Villamor matapos ang halos dalawang oras na pag-uusap tungkol sa mga bagong proyekto. At mga existing partnership ng Del Monte Group at Villamor Global Holdings. Paglabas namin sa conference room, kasama ko sina Daddy at Marga, habang naiwan muna si Jefferson sa loob kasama ang ilan niyang executives para sa isa pang discussion.Seryoso lang akong naglalakad papunta sa elevator habang hawak ang folder ng mga dokumentong pinag-usapan namin. Malaking meeting iyon dahil hindi lang simpleng investment ang pinag-uusapan namin. Marami sa malalaki naming hotel at resort projects ang may involvement ng Villamor Global Holdings, lalo na sa financing at pagkuha ng international investors. Malaki rin ang network ni Jefferson sa ibang bansa, kaya nakakatulong iyon sa expansion ng Del Monte Group.Pagdating namin sa elevator, biglang nagsalita si Daddy.“Haven, gusto kong ayusin mo ang pakikitungo mo kay Jefferson. Alam mong napakahalaga niya sa ku
AMBERDalawang linggo na rin mula nang magsimula akong mag-training sa Villamor Global Holdings. At malaki na talaga ang ipinagbago ko kumpara noong unang araw ko. Noong una, halos bawat document na ibinibigay sa akin ni Ma'am Karen ay kailangan kong basahin nang ilang beses bago ko maintindihan. Lalo na kapag puro English at may mga terms na ngayon ko lang narinig. Ngayon, mas sanay na ako. At naiintindihan ko na ang mga ginagawa ko, kaya mas ganado na rin akong pumasok araw-araw.“Amber, okay na ang report na ginawa mo. I-check mo na lang ulit bago mo i-submit para siguradong wala kang nakaligtaan.”“Opo, Ma'am Karen. Iche-check ko po ulit bago ko ipasa.”Masaya ako dahil unti-unti ko nang nagagawa nang maayos ang mga task na ibinibigay sa akin. Natutunan ko na rin kung paano mag-organize ng documents, mag-input ng information sa system at gumawa ng mga basic reports. Hindi ko na rin kailangang laging tanungin si Ma'am Karen dahil alam ko na ang karamihan sa mga ginagawa ko. Minsan
JEFFERSONNasa private office ako nang dumating si Landon. Matagal ko na siyang kaibigan at isa siya sa iilang taong malaya kong nakakausap tungkol sa mga bagay na hindi ko karaniwang sinasabi sa ibang tao. Umupo siya sa sofa habang ako naman ay nanatili sa likod ng mesa. Pero ilang minuto pa lang ang lumilipas ay napunta na naman ang usapan kay Amber.“May bago ka na namang pinagkakaabalahan, Jefferson. Ilang beses na kitang narinig na binabanggit ang pangalan ng babaeng iyon. Sino ba talaga si Amber?”Napangiti ako ng bahagya.“Siya iyong batang babaeng tumulong sa akin noong nagkasakit ako. Kung hindi dahil sa kaniya, baka hindi ako nakarating agad sa ospital. Hindi niya ako kilala noon pero hindi niya ako iniwan hanggang sa maayos ang kalagayan ko.”Tumango si Landon habang nakikinig.“Hindi ko alam kung bakit, pero simula nang makilala ko siya, ang gaan ng pakiramdam ko kapag kasama ko siya. Parang gusto ko siyang alagaan. Mag-isa lang siya rito sa Maynila habang nasa probinsya a


![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)




