Chapter: Fifty EightEVE Pakiramdam ko ay biglang tumigil ang paghinga ko matapos marinig ang mga sinabi ni Denzel. Ilang segundo akong nakatulala habang nakatingin sa kanya at paulit-ulit na iniisip kung tama ba ang narinig ko. Hindi ko alam kung tatawa ba ako o maiinis. Dahil sa totoo lang ay parang nababaliw na ang lalaking ito. Napakurap ako ng ilang beses bago ako tuluyang natawa. Ngunit pilit lamang iyon dahil hindi pa rin ako makapaniwala sa narinig ko. "Baliw ka na ba?" hindi makapaniwalang tanong ko habang nakatitig sa kanya. Hindi siya ngumiti at sa halip ay seryoso lamang na nakatingin sa akin. "Hindi ako baliw." "Hindi ka baliw sa lagay mo na iyan? Denzel, alam mo ba ang pinagsasasabi mo? Nagyayaya ka ng kasal na parang nagyaya ka lang kumain sa labas. Bigla-bigla mong sasabihin sa akin na magpakasal tayo samantalang may fiancé ka. Ano bang tumatakbo sa isip mo?" Huminga siya ng malalim bago tumingin sa dagat at saka muling bumaling sa akin. "Matagal ko ng iniisip ito." Natawa ako sa s
ปรับปรุงล่าสุด: 2026-06-19
Chapter: Fifty SevenEVE Hindi ko namalayan na lumalawak pala ang ngiti ko habang mahigpit na nakayakap sa bewang ni Denzel. Noong una, sobrang kabado ako dahil pakiramdam ko anumang oras ay matutumba kami. Ngunit habang tumatagal ay unti-unti akong nasasanay. Ang sarap pala sa pakiramdam na humahampas ang malamig na hangin sa mukha ko habang mabilis kaming tumatakbo sa mahabang kalsada. Sa kaliwa ay puro puno at sa kanan naman ay matatanaw ang malawak na dagat. Kaya paulit-ulit akong lumilingon para pagmasdan ang tanawin. Pakiramdam ko tuloy ay bumalik ako sa pagkabata. Dahil noon pa man ay gusto ko nang maranasan ang ganitong bagay ngunit hindi nangyari. "Bakit parang nakangiti ka?" malakas na tanong ni Denzel dahil halos tangayin ng hangin ang boses niya. "Hindi ako nakangiti!" sigaw ko pabalik kahit alam kong nahuhuli niya ako. Tumawa siya ng malakas. At nakakainis lang dahil ang sarap pakinggan ng pagtawa niya. "Sinungaling ka talaga. Kanina ka pa nakangiti. Akala mo yata hindi ko nakikita.”
ปรับปรุงล่าสุด: 2026-06-18
Chapter: Fifty SixEVE Tanghali na nang magising ako kinabukasan. Mabigat pa ang mga mata ko at pakiramdam ko ay kulang pa ako sa tulog. Kaya hindi muna ako agad bumangon. Nakapikit lamang ako habang dahan-dahang inuunat ang mga kamay ko. Hanggang sa may matamaan akong mainit at matigas na bagay sa tabi ko. Agad akong napamulat at halos mapasigaw sa gulat nang makita kong mahimbing na natutulog si Denzel sa tabi ko habang nakayakap pa sa bewang ko. Nakasubsob ang mukha niya sa balikat ko at mahimbing na mahimbing ang tulog na para bang sariling kuwarto niya ito at wala siyang pakialam kung ano ang sasabihin ko pag gising ko. "Ano ba naman ito!" mabilis kong sigaw habang pilit siyang itinutulak. Bahagya siyang gumalaw at unti-unting nagmulat ng mata. Ilang segundo siyang nakatitig sa akin na para bang hindi niya maintindihan kung bakit galit na galit ako samantalang ako naman ay halos lumabas na ang mga mata sa inis. "Bakit ba?" antok na antok niyang tanong sabay hikab. "Bakit nandito ka pa? Hindi k
ปรับปรุงล่าสุด: 2026-06-18
Chapter: Fifty FiveEVEMahimbing na natutulog si Andrew sa kandungan ko. Kanina lamang ay halos ikutin niya ang buong bahay sa kakalaro kasama si Denzel kaya hindi na rin ako nagtaka nang bigla siyang antukin. Nakapikit siya ngayon habang nakadikit ang pisngi niya sa tiyan ko at mahigpit pa rin ang hawak niya sa damit ko. Na para bang kahit tulog ay ayaw niya pa rin akong pakawalan. Paminsan-minsan ay hinahaplos ko ang buhok niya habang si Denzel naman ay tahimik lamang na nakaupo sa harapan namin. Hindi ko maintindihan kung bakit seryoso siyang nakatingin sa amin. Kanina ko pa siya nahuhuling nakatitig. Ngunit sa tuwing tatanungin ko siya ay ngingiti lamang siya na para bang wala siyang iniisip.Napansin ko na naman ang mga mata niyang nakatutok sa akin. Kaya tuluyan na akong napakunot-noo at napabuntong-hininga bago nagsalita. "Ano ba talaga ang tinitingnan mo? Kanina ka pa nakatitig na parang hindi mo pa ako nakikita sa buong buhay mo."Bigla siyang natauhan at saka ngumiti. Hindi iyong pilyo niyang
ปรับปรุงล่าสุด: 2026-06-17
Chapter: Fifty FourEVE Linggo ngayon kaya wala akong pasok sa opisina at wala ring klase si Andrew. Pagkatapos ng nakakapagod ngunit masayang Family Day kahapon , napagdesisyunan kong manatili lamang sa bahay at gugulin ang buong araw kasama ang anak ko. Mahimbing pa sana ang tulog ko ngunit nagising ako dahil sa maingay na tawanan mula sa ibaba dahil bahagyang nakabukas ang pinto ng kuwarto. Ilang segundo akong nakahiga habang nakatitig sa kisame. Piinakikinggan ang masayang boses ni Andrew at ang malakas na tawa ni Denzel. Hindi ko mapigilang mapangiti dahil pakiramdam ko ay napakatagal na panahon na mula nang marinig ko ang ganoong kasayang tawa sa loob ng bahay na ito. “Nandito na naman pala siya. Ang aga niya yatang magpunta,” natatawa kong bulong. Napabuntong-hininga ako bago bumangon at nagsuot ng robe. Nang makalabas ako ng kuwarto at magsimulang bumaba ng hagdan ay mas lalo kong narinig ang ingay sa kusina kaya agad akong napakunot-noo. Ano na naman kaya ang ginagawa ng dalawang iyon? Ilang
ปรับปรุงล่าสุด: 2026-06-16
Chapter: Fifty ThreeVERONICAHindi ako nakatulog ng maayos kagabi. Sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko ay paulit-ulit kong naaalala ang mga sinabi ni Denzel kagabi. At sa bawat pagkakataong bumabalik sa isip ko ang malamig niyang boses ay para bang may mabigat na bagay na dumidiin sa dibdib ko. Hindi ako makapaniwala na dumating kami sa puntong iyon. Dahil buong buhay niya ay hindi niya ako sinagot ng ganoon. Bata pa lamang siya ay sanay na siyang sumunod sa lahat ng gusto ko. Kahit minsan ay hindi siya nagreklamo. Kahit hindi niya gusto ang isang bagay ay ginagawa niya dahil naniniwala siyang ang lahat ng desisyon ko ay para sa ikabubuti niya.At iyon ang dahilan kung bakit hindi ko matanggap ang nangyari kagabi..Hindi ko matanggap na tiningnan niya ako ng ganoon kalamig at katalim. Hindi ko matanggap na sinabi niyang wala na siyang pakialam kahit nanay niya ako.“Kainis na babaeng iyon…anong ginawa niya sa anak ko?”Napabuntong-hininga ako habang nakatitig sa kisame ng kuwarto ko. Madilim pa ang pal
ปรับปรุงล่าสุด: 2026-06-16
Chapter: 00016Mabilis pang lumipas ang mga araw. Sa panahong iyon, naging normal na ang rhythm nila sa bahay. Si Hayden, arogante, bossy at suplado sa negosyo. Si Vanessa, matalino, masigla at pasaway. Ngunit sa opisina, wala ng nagpapanggap. Back to work mode na pareho. Ngunit sa araw na iyon, napansin ni Hayden ang isang bagay na hindi niya inaasahan. Habang nakatingin siya kay Vanessa na nag-aayos ng mga documents sa desk niya, napangiti ito sa isang empleyado na nagtanong ng clarification. At doon nagsimula ang unti-unting pagka-irita niya sa sarili. “Vanessa…” panimula niya, nakatingin kay Vanessa mula sa likod ng executive chair. Bahagyang may pagka-bossy, “Huwag kang ngumiti masyado." Napatingin si Vanessa at nakataas ang kilay. "Ha? Anong pinagsasabi mo diyan?" Gustong mapangiti ni Hayden pero pinipigilan niya. Naiinis siya sa kanyang sarili dahil pakiramdam niya, lalong lumalala ang kakaibang damdamin niya para kay Vaness. Na dapat lang sana, nagpapanggap silang mag-asawa. Nguni
ปรับปรุงล่าสุด: 2025-08-21
Chapter: 00015Dalawang araw na ang lumipas mula nang maayos na ma-settle ang kanilang stay sa mansion. Ngayon, back to reality na sina Hayden at Vanessa sa opisina ng Morgan Empire. Ang dating tahimik at kontroladong Hayden ay muling nakaupo sa kanyang executive chair, habang si Vanessa naman ay nakahanda sa kanyang secretary desk, kumpleto sa laptop, planner, at nakaayos na stack ng documents. “Okay, Vanessaa, let’s make this quick,” simula ni Hayden, nakatitig sa screen ng laptop habang may hawak na coffee mug. Taglish, parang natural sa kanya ang banat at bossy na tono. “May mga meetings tayo na dapat ma-cover before lunch. Don’t mess up this time ha.” Nakangiti si Vanessa ngunit may bahagyang kilay na nakataas, tumango lang. “Yes, sir… I mean, love. Noted, love,” sagot niya, pinipilit panatilihin ang biro sa tono kahit alam niyang iniinsulto siya ni Hayden sa kanyang pagka-bossy. Ngunit, hindi nagtagal, may isang report na pumasok sa desk ni Vanessa na mali ang na-input na figures. Tiningnan
ปรับปรุงล่าสุด: 2025-08-21
Chapter: 00014Dalawang linggo na mula nang tumira si Vanessa sa mansion ng pamilya Morgan. Ang dating tahimik at kontroladong bahay ni Hayden ay unti-unting nagbago. Ang mga pasilyo at silid ay napupuno ng mga tawa at usapan ni Vanessa — isang kakaibang enerhiya na hindi sanay si Hayden, at para bang sinusubok ang kanyang pasensya sa bawat sandali.Si Hayden, nakatayo sa malaking bintana ng kanilang master bedroom, nakamasid sa labas. Ang lungsod ay kumikislap sa gabi, ngunit ang kanyang isip ay nakatutok sa isang bagay na mas nakakabahala kaysa sa anumang business deal: si Vanessa.“Ano ba ‘to?” bulong niya sa sarili. “Parang… may bagay hindi ko kayang kontrolin.”Hindi niya maipaliwanag kung bakit, ngunit may kakaibang init na dumadaloy sa kanyang dibdib tuwing naiisip niya ang mga maliit na bagay na ginagawa ni Vanessa — ang paraan ng pagtawa nito kapag nakikipagbiruan kay mommy Imelda, niya, ang maliit na buntong-hininga kapag nag-uusap sila ng mommy niya, o kung paano nag-aadjust sa mansion ka
ปรับปรุงล่าสุด: 2025-08-21
Chapter: 00013 Isang linggo ang lumipas mula nang maganap ang kasal nina Hayden Morgan at Vanessa Ramirez. Sa mata ng publiko, isa itong engrandeng kasal na pinagusapan ng mga pahayagan at social media—ang pinakaaabangang pag-iisang dibdib ng cold, ruthless CEO ng Morgan Group at ng babaeng bigla na lamang sumulpot sa kanyang tabi. Ngunit sa likod ng mga camera at palakpakan, nanatiling mabigat ang dibdib ni Vanessa. Habang nakatitig siya sa kanyang reflection sa salamin ng kotse, hindi pa rin siya makapaniwala na siya na ngayon si Mrs. Vanessa Morgan. Nasa gilid siya ng passenger seat, tahimik, samantalang nakasandal sa manibela si Hayden, walang kaimik-imik, ang malamig na tingin ay nakatuon lamang sa kalsadang kanilang tinatahak. “Pagod ka na ba?” tanong nito bigla, hindi inaalis ang tingin sa daan. “Medyo,” maikling sagot ni Vanessa. Hindi na ito sumagot. Ganito si Hayden—laging bitin ang mga salita, laging may distansya. Pero bago pa man siya makapagsalita ulit, biglang huminto ang sasak
ปรับปรุงล่าสุด: 2025-08-20
Chapter: 00012 Isang linggo ang mabilis na lumipas mula nang ianunsyo ni Hayden sa publiko ang engagement nila ni Vanessa. Parang isang whirlwind ang lahat ng pangyayari. Isang linggo lang pero parang taon ang bigat at tensyon na dinadala ni Vanessa. Ngayong araw, wala na siyang kawala. Ang engrandeng kasal na pinlano ni Imelda Morgan mismo ay narito na. At siya, si Vanessa Benitez, ay nakasuot ng puting bestidang halos hindi niya mawari kung para ba talagang sa kanya, o isang costume sa isang palabas na hindi niya kailanman pinili. Tahimik na nakaupo si Vanessa sa harap ng malaking salamin. Nakapalibot sa kanya ang glam team na pinadala mismo ni Imelda—kilalang stylist, hairdresser, at makeup artist. Bawat galaw ng kamay nila ay maingat, bawat pintig ng brush ay perpekto. Pero habang pinapaganda siya ng lahat, ang utak niya ay parang kulong sa isang hawla. "Ito na ba talaga? Ito na ba ang kapalit ng lahat ng pinaghirapan ko? Isang kasal na hindi ko ginusto?" sabi ni Vanessa sa isipan. “Miss B
ปรับปรุงล่าสุด: 2025-08-20
Chapter: 00011Punong-puno ng ilaw at musika ang ballroom ng hotel. Mga kilalang personalidad sa negosyo, politika, at showbiz ang naroon. Sa bawat pag-ikot ng mga waiter dala ang champagne, ramdam ni Vanessa na para siyang isdang inilagay sa gitna ng dagat na puno ng pating. Nakahawak pa rin sa braso niya si Hayden, mahigpit na para bang ipinapakita sa lahat na pag-aari siya nito. Ilang beses na niyang pinilit ngumiti, ngunit parang natutuyo ang pisngi niya sa pilit na pagpapanggap. “Relax,” bulong ni Hayden, halos nakadikit ang labi sa tainga niya. “The more you look uncomfortable, the more they’ll think you’re not fit to be my wife.” Pinanlakihan niya ito ng mata, ngunit wala na siyang nagawa. Ngumiti siya ulit, kahit gusto na niyang sipain ang mamahaling sapatos ng lalaki. "Hindi ko akalain na marami pa lang ganap kapag mayaman. Kung mahirap lang sana, simpleng anunsyo lang tapos kasal," reklamo ni Vanessa. Natawa naman si Hayden. "Eh kung hindi ako mayaman, wala kang pera niyan." Umirap na
ปรับปรุงล่าสุด: 2025-08-20
Chapter: Kabanata 5Pagsapit ng gabi, hindi pa rin mapakali si Vianna sa loob ng bahay niya. Ilang oras na ang lumipas mula nang makita niya ang dalawang pulang guhit sa pregnancy test pero hanggang sa mga oras na iyon, hindi pa rin niya matanggap ang katotohanan. Pakiramdam niya ay parang may kung anong mabigat na nakadagan sa dibdib niya habang paulit-ulit niyang iniisip ang nangyari. Hindi niya lubos maisip na sa isang gabing hindi niya inaasahan ay mababago nang tuluyan ang buong buhay niya. Hindi niya alam kung paano haharapin ang katotohanan na may batang nabubuo sa sinapupunan niya. At mas lalong hindi niya alam kung paano niya itatago iyon lalo na sa lalaking may kinalaman sa lahat ng ito. Nakaupo siya sa sofa habang yakap ang sarili at nakatitig lang sa kawalan. Ilang beses na niyang pinilit pakalmahin ang sarili pero hindi niya magawa. Tuwing naiisip niya ang dalawang pulang guhit, mas lalo siyang kinakabahan. Hindi niya puwedeng sabihin kahit kanino. Hindi niya puwedeng malaman iyon ng kahit
ปรับปรุงล่าสุด: 2026-05-24
Chapter: Kabanata 4Makalipas ang dalawang araw, wala pa ring maayos na tulog si Vianna. Sa loob ng dalawang araw na iyon, para bang paulit-ulit na binubugbog ang isip niya ng mga alaala na pilit niyang gustong takasan ngunit ayaw siyang tantanan. Kapag ipinipikit niya ang kanyang mga mata, bumabalik ang eksenang nahuli niya sina Bryan at Nika sa kama. Bumabalik ang mga ungol ng dalawa na parang paulit-ulit na nananaksak sa dibdib niya. At kasunod noon ay ang gabing hindi niya inaasahang mangyayari sa kanila ni Azrael. Hindi niya kayang burahin sa isip niya ang gabing iyon. Ang paraan ng pagtitig sa kanya ng lalaki, ang init ng katawan nito, ang mga halik na ginantihan niya dahil sa sakit at kalasingan, at ang pulang mantsa sa bedsheet na tumambad sa kanya kinabukasan. Sa tuwing naaalala niya iyon, parang gusto niyang magtago sa kahihiyan at pagkalito dahil hindi niya alam kung ano ang dapat niyang maramdaman. Mas lalo pa siyang hindi pinapatahimik ni Azrael. Sa loob ng dalawang araw na iyon, halos h
ปรับปรุงล่าสุด: 2026-05-22
Chapter: KABANATA 3Pagdating sa bahay ay diretso siyang pumasok sa loob at agad isinara ang pinto. Nang makapasok siya ay parang biglang nawala ang natitira niyang lakas. Napasandal siya sa pinto bago dahan-dahang napaupo sa sahig habang yakap ang sarili. Doon niya tuluyang pinakawalan ang luhang kanina pa gustong rumagasa. Tahimik siyang umiyak habang nanginginig ang balikat niya. Hindi niya lubos maisip kung paano siya niloko ng mga taong pinakamamahal niya. Si Bryan na limang taon niyang minahal. Si Nika na itinuring niyang tunay na kapatid kahit half-sister lamang sila. Pareho siyang pinagtaksilan. Pareho siyang ginawang tanga. "Paano niyo nagawa sa akin ito?" Napakagat-labi siya habang pinupunasan ang luha niya. Hindi. Hindi puwedeng ganito lang. Hindi puwedeng iiyak lang siya habang ang dalawang iyon ay baka masaya pa sa ginawa nila. Unti-unti siyang tumayo at nagtungo sa banyo. Doon niya hinubad ang suot niyang damit at tumayo sa ilalim ng shower. Habang umaagos ang malamig na tubig sa ka
ปรับปรุงล่าสุด: 2026-05-22
Chapter: Kabanata 2VIANNA Hindi alam ni Vianna kung ano ang pumasok sa utak niya sa mga oras na iyon. Basta ang gusto niya lang, makalimutan ang sakit na nararamdaman niya. Kaya naman niyakap niya ng mahigpit si Azrael habang patuloy ang pagtugon sa mainit nitong halik. Sumisigaw ang isip niya at sinasabing huwag niyang ituloy ang magaganap sa kanila. Ngunit hindi iyon ang sinasabi ng kanyang katawan. Labis na init ang bumabalot sa kanya ngayon dala na rin ng alak na ininom niya kanina. Naramdaman niya ang kamay ng binata na gumapang sa kanyang hinaharap. Dahan-dahan nitong inalis ang kanyang suot na pang itaas. Sa isang iglap, wala na siyang suot na bra. "Ahhh..." mahina niyang ungol nang maghiwalay ang kanilang labi. Napasinghap siya nang bumaba ang halik ng binata sa kanyang leeg... patungo kanyang dibdib. Pinaulanan ng maliliit na halik ni Azrael ang kanyang malusog na dibdib. Pagkatapos, sinimulan nitong dilaan ang palibot ng kanyang kabundukan. Ang dila nito ay umikot-ikot sa kanyang utóng at
ปรับปรุงล่าสุด: 2026-05-22
Chapter: Kabanata 1VIANNA MONTERO "Grabe! Ikakasal ka na talaga!" wika ng kaibigan niyang si Sheena. Napangiti si Vianna habang nakatingin sa singsing na nasa kanyang kamay. Limang taon na silang magkasintahan ni Bryan. Sa loob ng mga panahong iyon, wala naman siyang naging problema sa pagsasama nila. Maayos naman siyang tinatrato ng kanyang long time boyfriend. At talagang sweet naman ito sa kanya. Hindi rin nagkukulang sa effort si Bryan kung kaya hindi niya inaasahang may gigimbal sa kanya sa gabing iyon. "Eh nasaan na pala si Bryan? Bakit pala hindi kayo magkasama?" "Nagpasama kasi si Nika kay Bryan. Nagpatulong lang sa mga gamit niya raw. Ewan ko kung ano iyon." Lumabi ang kaibigan niyang si Sheena. "Alam mo...hindi naman sa may hidden galit ako sa stepsister mo na iyan pero may something talaga sa kanya na hindi ko gusto." Tumaas ang kilay ni Vianna sa sinabi ng kanyang kaibigan. "At ano naman ang ibig sabihin mo diyan?" "Basta! Ibang-iba ang tingin niya kay Bryan kapag hindi ka
ปรับปรุงล่าสุด: 2026-05-21