LOGINAMBER REYES
Nakatutok ako sa lumang kuwaderno ni Noah habang paulit-ulit na binabasa ang mga tanong sa kanyang assignment. Mahina ang ilaw ng bombilyang nakasabit sa aming maliit na sala, ngunit sapat na iyon para mabasa ko ang mga nakasulat sa papel. Paminsan-minsan ay sumusulyap ako sa kapatid kong himbing na natutulog sa lumang banig na nakalatag sa sahig. Napangiti ako nang makita ko ang bahagyang pagkunot ng noo niya habang natutulog. Siguro ay sobrang napagod talaga siya kanina. Maaga pa lamang ay naglaba na siya ng tambak naming mga damit sa likod ng bahay. Ilang beses ko pa siyang pinagsabihan na ako na ang gagawa noon, pero matigas talaga ang ulo niya. Palagi niyang sinasabi na ayaw niyang ako lang ang nahihirapan para sa aming pamilya. Grade eleven na ngayon si Noah at malapit nang tumungtong sa kolehiyo. Matalino siya at palaging nasa honor list kaya ginagawa ko ang lahat para hindi siya mapatigil sa pag-aaral. Ayokong maranasan niya ang mga bagay na pinagdaanan ko noon nang mapilitan akong huminto sa pag-aaral para buhayin ang pamilya namin matapos mamatay si papa. Dahil sa sobrang pagod, hindi na niya nagawang tapusin ang assignment niya at nakatulog na lamang siya matapos kumain ng hapunan. Kaya naisip kong ako na lang ang sumagot. Hindi naman dahil gusto kong sanayin siyang umasa sa akin, kundi dahil gusto kong makabawi man lang sa lahat ng pagsisikap niya. Huminga ako nang malalim at muling ibinalik ang atensyon ko sa kuwaderno. Ngunit ilang segundo pa lamang ang lumilipas ay napahinto ako nang marinig ang sunod-sunod na pag-ubo ni mama mula sa kanyang silid. Agad akong tumayo at nagmadaling lumapit sa kanya. Pagpasok ko sa maliit niyang kuwarto ay nadatnan ko siyang nakaupo sa kama habang hinihingal at nakatakip ang panyo sa kanyang bibig. Nagsimulang kumabog nang mabilis ang dibdib ko nang makita kong may bahid iyon ng dugo. "Mama..." mahinang tawag ko habang lumalapit. Mabilis kong hinawakan ang kanyang kamay at pinilit ngumiti kahit unti-unti ng pinupuno ng takot ang puso ko. Ilang buwan na siyang may sakit at halos maubos na ang kaunting ipon namin sa pagpapagamot niya. Kahit anong trabaho ang pasukan ko ay hindi pa rin sapat ang kinikita ko para sa lahat ng gastusin namin. "Ayos lang ako, anak," mahina niyang sabi habang pilit na ngumingiti. Pero alam kong hindi iyon totoo. Mas lalo siyang pumapayat sa bawat araw na lumilipas at mas madalas na rin siyang hinihingal. Minsan ay nahuhuli ko siyang umiiyak nang palihim dahil alam niyang nahihirapan na ako. Pinigilan kong maiyak habang marahang hinihimas ang kanyang likod. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko kakayanin. Hindi ko alam kung saan pa ako kukuha ng pera. Pero isang bagay ang sigurado. Hindi ako susuko. KINABUKASAN, nagising ako nang marinig ko nang ingay ng nag-uusap sa sala. Dahan-dahan kong imulat ang mga mata ko at saka bumangon. Inayos ko muna ang itsura ko bago lumabas sa maliit kong silid. At laking gulat ko nang makita si Lisa. Ang kababata ko at matalik kong kaibigan na nagtatrabaho sa Maynila. "Ay sa wakas! Gising na ang maganda kong frenny!" malakas ang boses niyang sambit bago ako niyakap ng mahigpit. "Grabe ang ganda mo na! Parang hindi kasambahay ang trabaho mo. Pumuti ka pa at kuminis!" Kumalas siya ng yakap sa akin at saka nagkibit-balikat. "Well, napakayaman ba naman kasi ng amo ko. Kahit medyo masama ang ugali, hindi naman madamot sa pagkain at libre naman kami sa lahat," aniya sabay tawa. "Mabuti napadalaw ka dito." "Ay oo! Tatlong araw ako dito kasi nagsabi akong dadalawin ko sina mama at papa. Pero may isa pang dahilan kung bakit ako nandito." Kumunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya. "Ano iyon?" "Naghahanap ng isa pang kasambahay ang amo ko. At ako ang sinabihan kasi nga probinsyana ako at mapagkakatiwalaan talaga. Kaya naisip agad kita. Fifty thousand ang monthly ko doon at libre pa sa lahat. Ano? Gusto mo ba? Kapag pumayag ka, sasama ka na sa akin doon." Napatingin ako kay mama bago kay Noah. Malaking pera ang fifty thousand para sa isang kasambahay. Dito madalas na hindi pa aabot ng sampung libong piso ang isang buwan. "Anak... malaking sahod iyon at marami tayong mabibili doon. Maigi sigurong subukan mo," wika ni mama sabay ngiti. "Oo nga, ate. Ayos lang kami ni mama. Ako na ang bahala kay mama dito. Hindi ko siya pababayaan." Napakurap ako habang nakatingin sa kanila. "Sigurado ba kayo diyan? Ayos lang ba kayo dito kung sakaling magtrabaho ako sa Maynila?" Mabilis na tumango si mama at saka lumapit sa akin. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at saka ngumiti. "Ayos na ayos lang kami dito, anak. Sayang ang opportunity na ito kung tatanggihan mo. Malaki ang pasahod sa Maynila kaysa dito." Napatingin ako kay Lisa na ngayon ay nakangiti. Mapait akong ngumiti bago niyakap si mama. "Sige po, mama. Palagi na lang akong tatawag sa inyo. Huwag niyo pong pababayaan ang sarili ninyo. Mami-miss ko po kayo." Pakiramdam ko maiiyak na agad ako kahit hindi pa ako umaalis. Napangiti ako habang nakatingin kay mama. At si Noah naman ay yumakap sa akin. "Huwag kayong mag-alala... gagalingan ko doon para sa inyo. Kayo ang gagawin kong inspirasyon para hindi ako sumuko at mapagod," naiiyak kong sabi sabay ngiti. "Anak, palagi mong tatandaang mahal na mahal kita. Sobra akong nagpapasalamat na ikaw ang naging ko. Napakabait mo at mapagmahal sa pamilya." Napangiti na lang ako habang naluluha. Kahit papaano medyo gumaan ang pakiramdam ko. Ngunit hindi ko maiwasang kabahan dahil hindi ko alam kung anong klaseng tao ang makakasalamuha ko sa Maynila. Hinila ako ni Lisa sa isang tabi para kausapin. "Ano? Game ka ba? Huwag mo na lang isipin ang pagiging masamang ugali ng amo natin. Ang mahalaga may kikitain tayo! Kaysa nandito ka at puro pangit at chismosa lang ang makikita mo." "Sabagay tama ka naman," sagot ko. "Oh di ba? Pak! Huwag kang mag-alala, guwapo ang amo natin at magkakaroon ka ng inspirasyon maglaba at maglinis. At sa tingin ko nga malaki pa ang tit3 kasi laging bumabakat!" aniya sabay tawa. "Gag0 ka talaga. Pero seryoso, malaki ba talaga? Hindi pa kasi ako nakakakita ng tit3 sa personal eh," curious kong tanong.HAVEN PAGKATAPOS KUMAIN, NAISIPAN kong magtungo sa study room. Kapag naroon ako, pakiramdam ko payapa ang mundo ko. Bumuntong-hininga ako nang maalala na naman ang matamis na ngiti ni Amber. Binuksan ko ang drawer sa table ko at saka tiningnan ang matamis na ngiti ni Amber sa kanyang resumé. Naalala ko pa noong tinanong ko ang head maid kung sino ang bagong kasambahay no'n. At nang ibigay niya ang resumé ni Amber, hindi ko alam kung bakit napangiti ako no'ng makita ko ang picture niya sa resumé. Siguro, sa picture pa lang, halatang pasaway na siya. "Haven..." Nagsalubong agad ang kilay ko nang makitang pumasok si daddy nang wala man lang katok-katok. Agad lumipat ang tingin niya sa hawak kong resumé at saka matalim na tiningnan ako. "At talagang tinitingnan mo pa iyan? Hindi na natin siya kasambahay pa dito kaya mabuti pang itapon mo na lang iyan." Asar akong natawa sa sinabi niya. "Pati ba naman ito, pinakikialaman mo pa? Nasunod ko na ang matagal mong gusto di ba? Tapos
MARGAHATINGGABI NA at wala pa rin si Haven. Ilang beses na akong napatingin sa orasan dahil kanina pa ako naghihintay na umuwi siya, pero mukhang may inaasikaso pa rin siya sa labas. Dahil wala naman akong ibang ginagawa at nagsisimula na akong mainip, kinuha ko ang cellphone ko at naupo sa kama habang nag-i-scroll sa social media.Ilang minuto lang ang lumipas nang mapahinto ako sa isang post na ginawa ng isang empleyado ng Villamor Global Holdings. May picture siyang kasama ang ilang empleyado sa loob ng kumpanya at dahil naka-tag ang Villamor Global Holdings, napatingin ako nang mabuti sa larawan.Pero bigla akong natigilan nang makita ko kung sino ang nasa isang bahagi ng picture.Si Jefferson.At katabi niya si Amber.“What the héck?”Lumapit ako sa screen ng cellphone ko habang mas maingat na tinitingnan ang larawan. Hindi ko alam kung bakit bigla akong naging interesado, pero habang nakatingin ako sa kanilang dalawa, unti-unti kong napansin ang isang bagay na hindi ko napansi
MARGA MAY KAILANGAN akong ayusin na tungkol sa partnership ng Del Monte Group at Villamor Global Holdings kaya nagpunta ako sa Villamor. Gusto kong malaman kung ano na ang nangyayari sa mga current projects namin. Dahil ilang beses na rin akong nakakarinig kay Haven tungkol sa mga meeting niya rito. Pero hindi naman niya ako sinasabihan kung ano talaga ang pinag-uusapan nila. Pagdating ko sa floor kung saan naroon ang office ni Jefferson, nagtanong muna ako sa isang empleyado kung naroon siya. Sinabi nitong nasa office si Jefferson kaya nagpasalamat ako at naglakad papunta sa p***o. Kumatok ako nang tatlong beses bago ako humawak sa doorknob at dahan-dahang binuksan iyon. Pero bago pa ako tuluyang pumasok, narinig kong may kausap si Jefferson kaya napahinto ako sa may pintuan. “Sir Jefferson, matagal na rin po iyon. Siguro dapat na talaga nating tanggapin na may mga bagay na hindi na natin mababago,” narinig kong sabi ng matandang isang babae. Hindi ko agad nakilala ang boses. Aya
JEFFERSON Nasa office ako habang nakatingin sa isang lumang litrato na nakapatong sa mesa ko. Matagal ko na itong itinatago sa drawer. Pero nitong mga nakaraang araw ay madalas ko na naman itong tinitingnan dahil hindi ko maiwasang maalala si Elena. Magkatabi kami sa litrato at parehong nakangiti. Bata pa kami noon at wala kaming ibang iniisip kundi ang mga oras na magkasama kami. Kaya kahit simpleng pagkain lang o pag-uusap sa labas ng bahay ay sapat na para maging masaya kami. Naalala ko kung paano niya ako hinihintay kapag galing ako sa trabaho. At kung paano niya ako kinakausap kapag pagod ako. Hindi ko kailangang bumili ng mamahaling bagay para mapasaya siya. Dahil kaunting oras ko lang ay sapat na para makita ko siyang ngumiti. Napangiti ako habang nakatingin sa litrato. “Ang tagal na pala nito,” mahina kong sabi bago muling inilapag ang litrato sa mesa. May kumatok sa p***o kaya napatingin ako roon. “Sir Jefferson?” Pumasok si Virginia na may dalang folder. Matagal na si
ELENAKATATAPOS KO LANG maglinis ng buong bahay kaya nagpunta muna ako sa kusina para magtimpla ng kape. Pagkatapos kong timplahan, dinala ko ang tasa sa labas at naupo sa maliit na upuan sa harap ng bahay habang nagpapahinga sandali.Napatingin ako sa kalsada habang iniinom ang kape ko. Bigla kong naalala si Amber at napangiti dahil kahit malayo siya ngayon, masaya ako na maayos na ang trabaho niya at unti-unti na siyang nagkakaroon ng sariling buhay sa Manila.Pero habang nakaupo ako roon, hindi ko maiwasang maalala ang mga nangyari sa akin noon kasama si Jefferson.Mahal na mahal ko siya noon at mahal din niya ako. Kahit magkaiba ang buhay namin at mayaman ang pamilya niya, hindi iyon naging dahilan para pigilan namin ang sarili namin na mahalin ang isa't isa.Naalala ko pa kung paano niya ako sinusundo noon at kung paano niya ako dinadalhan ng mga pagkain kapag alam niyang wala akong oras para magluto. Madalas din kaming mag-usap tungkol sa mga plano namin sa buhay. At sinabi pa
MARGA Pagkasakay ko sa sasakyan ko, hindi ko agad pinaandar. Nanatili muna akong nakaupo habang iniisip ang mga sinabi ni Haven dahil hanggang ngayon ay hindi ko matanggap na sa harapan ko mismo ay sinabi niyang mahal niya si Amber at mas gusto niya itong makasama kaysa sa akin. “Talagang pinagmamalaki pa niya sa akin na mahal niya si Amber. Asawa niya ako pero wala talaga akong halaga sa kanya! Argh!” iinis kong sabi habang nakatingin sa harapan. Pinaandar ko na ang sasakyan at nagmaneho pauwi. Habang nasa daan ako, nag-vibrate ang cellphone ko kaya kinuha ko iyon. At nakita kong si Kevin ang nag-message. Kevin: [Nakauwi ka na ba? Huwag kang mag-alala, nandito lang ako.] Napairap ako habang binabasa iyon. “Bakit ba hindi niya ako kayang tigilan?” inis kong sabi bago ko ibinaba ang cellphone sa tabi ko. Hindi ko na siya sinagot dahil ayoko nang pahabain pa ang usapan namin. Sapat nang alam kong sinusundan niya ako. At ayokong bigyan siya ng dahilan para isipin niyang gust







