LOGINAMBER
"Ano? Tara na?" wika ni Lisa habang naghihintay sa akin sa labas ng bahay. Napatingin muna ako kina mama at Noah bago tuluyang lumabas ng bahay. Kagabi pa kami nag-iyakan tatlo at nagyayakapan. Tuloy-tuloy na akong naglakad at hindi na sila nilingon pa. Baka kasi kapag ginawa ko iyon, hindi na ako makaalis. "Nga pala...papayuhan na kita. Kapag pinagalitan ka, huwag kang iiyak at susuko. Pagkapasok sa tainga mo, ilabas mo agad sa kabila. Kagaya nga ng sinabi ko, medyo masama ang ugali ng mga iyon. Pero nagtitiis na lang kami dahil malaki ang sahod," wika ni Lisa habang nasa traysikel kami. "Oo sige. Ako pa ba? Kailangan ko talagang tibayan ang loob ko para sa kanila. Gusto kong gumaling si mama at mabili ang mga pangangailangan nila." ILANG oras din ang inabot ng byahe namin bago kami nakarating sa Maynila. Halos lumuwa ang mata ko sa laki ng bahay na nasa harapan ko. Parang hindi nga ito bahay. Para itong mansyon. Nakakalula sa laki at ganda. "Hoy, ano ka na? Kanina ka pa nakatulala diyan at nakanganga. Huwag kang masyadong magpahalata na ngayon ka lang nakatuntong sa Maynila. Dapat ang postura mo, pormal at hindi ignoranteng-ignorante." Tila bumalik ang ulirat ko bago napatingin kay Lisa. "Pasensya ka na. Nagulat lang talaga ako sa laki ng bahay na ito." "Oo sige na. Halika na sa loob. Ipapakilala na kita kay ate Joan. Iyong head kasambahay dito. Siya ang pinakamatagal na kasambahay at pinagkakatiwalaan sa lahat," mabilis na wika ni Lisa bago lumakad papasok sa loob. . Napasunod naman ako kay Lisa habang patuloy pa rin ang paglinga ko sa bawat sulok ng mansyon. Habang papalapit kami sa pangunahing gusali ay lalo akong namamangha sa laki at ganda ng paligid. Napakalawak ng bakuran at halos hindi ko makita kung saan nagtatapos ang hardin. Dahil napakaraming iba't ibang klase ng halaman at bulaklak na maayos na nakatanim sa magkabilang gilid ng daan. Mayroon ding napakalaking fountain sa gitna na napapalibutan ng puting rosas at iba't ibang ornamental plants na mukhang napakamahal. Pakiramdam ko ay para akong nakapasok sa isang lugar na madalas ko lang makita sa telebisyon kaya hindi ko mapigilan ang mapatitig sa paligid. Ngunit agad akong siniko ni Lisa nang mapansin niyang nakatulala na naman ako. "Huwag kang masyadong pahalata na namamangha ka rito. Baka isipin ng mga tao rito na tanga-tanga ka," bulong niya sa akin. Napakamot na lamang ako sa ulo dahil totoo naman ang sinabi niya. Hindi ko kasi inaasahan na may ganito pala kalalaking bahay sa Maynila. "Oo sige. Sorry ulit." Pagpasok namin sa loob ay halos mapasinghap ako sa sobrang ganda ng interior ng mansyon. Napakataas ng kisame at may napakalaking chandelier na kumikislap sa itaas. Ang sahig ay yari sa makintab na marmol at ang bawat kasangkapan ay halatang mamahalin. Kahit ang mga paintings na nakasabit sa dingding ay mukhang nagkakahalaga ng milyon. Napayuko tuloy ako nang mapatingin sa suot kong simpleng damit dahil pakiramdam ko ay hindi ako nababagay sa lugar na iyon. Hindi nagtagal ay dinala ako ni Lisa sa kusina kung saan naroon ang isang babaeng nasa edad singkwenta na may seryosong mukha at masungit na aura. Nakahalukipkip ito habang binabantayan ang ibang kasambahay na abala sa kani-kanilang gawain. Nang makita kami ay agad niya akong tiningnan mula ulo hanggang paa na para bang sinusukat kung karapat-dapat ba akong magtrabaho roon. "Ate Joan, ito na po iyong kaibigan ko na sinasabi ko sa inyo. Si Amber Reyes po," pakilala ni Lisa. Nanatiling seryoso ang mukha ni ate Joan habang nakatingin sa akin. Hindi ko maiwasang kabahan kaya awtomatiko akong napayuko. "Ilang taon ka na?" tanong niya. "Twenty two po." "May karanasan ka na bang maging kasambahay?" "Wala pa po pero handa naman po akong matuto. At saka po sabay po ako sa mga gawaing bahay. Kahit mabibigat na trabaho po." Hindi siya agad nagsalita. Ilang segundo muna niya akong tinitigan bago siya tumango. "Mabuti kung ganoon. Tandaan mo lang na hindi biro ang magtrabaho rito. Mahigpit ang mga amo natin lalo na si Madam Gina at Madam Grace. Hindi sila nagtitiis sa tamad at pasaway kaya dapat maging maingat ka sa bawat kilos mo. Kapag pinagalitan ka ay huwag kang sasagot at huwag kang iiyak. Naiintindihan mo?" "Opo." Tumango siya at nagsimulang ipakita sa akin ang iba't ibang bahagi ng mansyon. Habang naglalakad kami ay isa-isa niyang ipinaliwanag ang mga dapat kong tandaan. Itinuro niya ang laundry room, stock room, kusina at ang mga bahagi ng bahay na hindi maaaring pasukin ng mga kasambahay. Nang makarating kami sa hagdanan ay napahinto siya at tumingin sa akin. "Ang ikalawang palapag ay para sa pamilya. Hindi ka basta-basta aakyat doon maliban na lang kung may utos sila. Nandoon ang silid ni Sir Eduardo, Madam Grace, Madam Gina at ni Young Master Haven." Napakunot-noo ako nang marinig ang huling pangalan. "Sino po si Young Master Haven?" usisa ko. Napangiti si Lisa na tila natutuwa sa kawalan ko ng alam. "Naku, hindi mo pala kilala? Siya ang nag-iisang apo ni Madam Gina at tagapagmana ng Del Monte Group." "At isa rin sa pinakaguwapong bachelor sa bansa," singit ng isa pang kasambahay na napadaan. "Gwapo nga pero napakalamig ng ugali.” "Hindi nga yata marunong ngumiti iyon." "Huwag na huwag mo lang susubukang landiin dahil kahit sino rito ay hindi pinapansin ni Young Master." Agad akong umiling at napangiti. "Ha? Bakit ko naman gagawin iyon? Nandito ako para magtrabaho at hindi para lumandi." Nagtawanan naman sila samantalang napailing si Lisa na tila hindi naniniwala sa sinabi ko. Makalipas ang halos isang oras ng pagpapaliwanag ay binigyan na ako ni ate Joan ng una kong trabaho. "Ikaw muna ang magdidilig ng mga halaman sa hardin. Huwag kang mag-alala dahil madali lang iyan." Masaya naman akong tumango dahil sanay na sanay ako sa mga halaman mula pa sa probinsya. Kaya naman ilang minuto lang ang lumipas ay hawak ko na ang hose habang nagdidilig sa napakalawak na hardin ng mansyon. Habang ginagawa ko iyon ay hindi ko mapigilan ang paghanga sa ganda ng paligid. Napakaraming bulaklak na maayos ang pagkakaayos at may mga halamang hindi ko pa nakikita kailanman. Ang dami ring puno at may mga ibong malayang lumilipad sa paligid kaya kahit papaano ay nabawasan ang kaba ko. Abala ako sa pagdidilig nang makarinig ako ng mahinang ugong ng makina mula sa may gate. Dahil sa kuryosidad ay napalingon ako roon at nakita kong dahan-dahang bumukas ang napakalaking bakal na gate ng mansyon. Mayamaya ay pumasok ang isang itim na mamahaling sasakyan na agad na huminto sa harap ng pangunahing pinto. Hindi ko alam kung bakit pero tila natigilan ako habang nakatingin doon. Ilang segundo pa ang lumipas bago bumukas ang pinto ng sasakyan at unti-unting lumabas ang isang lalaki. Una kong napansin ang malaki nitong pangangatawan at malapad na balikat na lalong pinatitingkad ng suot nitong puting polo at itim na slacks. Mula sa kinatatayuan ko ay kitang-kita ko kung gaano ito kaayos manamit at kung gaano kalinis ang bawat kilos nito. Nang tuluyan siyang tumuwid, para akong natigilan sa kinatatayuan ko dahil ngayon lang ako nakakita ng lalaking ganoon kaguwapo. "My gosh...ang guwapo naman ng lalaking ito! Makalaglag-panty ang kaguwapuhan!" sigaw ko sa isipan. Napakaguwapo niya sa paraang hindi ko maipaliwanag. Matangos ang ilong niya at napakalinaw ng hubog ng kanyang panga. Ang makapal niyang kilay ay lalong nagpatingkad sa kanyang malamig at matalim na mga mata na tila kayang basahin ang iniisip ng kahit sinong kaharap niya. Ang maputi niyang balat ay lalong nagbigay ng elegante at marangal na aura habang ang seryoso niyang ekspresyon ay nagdagdag sa kanyang pagiging misteryoso. Hindi siya ngumingiti ngunit kahit ganoon ay hindi maikakaila na napakaakit-akit niya at tila natural lamang na mapatingin ang lahat sa kanya. Hindi ko namalayang natigilan na pala ako sa pagdidilig at tuluyan ng nakatitig sa kanya. At marahil ay naramdaman niya iyon dahil dahan-dahan siyang napalingon sa direksyon ko. Nagtagpo ang aming mga mata. At sa isang iglap ay tila nakalimutan kong huminga.AMBERDalawang araw ang lumipas matapos sabihin sa akin sir Haven na kapag tinitigan ko pa siya ulit, kakaladkarin na niya ako palabas ng mansyon. Ano bang problema niya? Parang sobra naman siyang makapagsalita eh wala naman akong ginagawang masama. Parang tinitingnan ko lang siya dahil humahanga ako sa kagwapuhan niya pero grabe ang ugali! Abala ako ng araw na iyon sa pagdidilig ng halaman. Ni hindi ko nga napansin na may tao na pala sa likuran ko dahil seryoso ako sa ginagawa ko.“Huwag mong masyadong lunurin iyang mga halaman.”Sa labis nagulat ko ay napasigaw at napatalon. Sa hindi inaasahang sandali ay na-out of balance ako. Kung kaya naman para hindi tuluyang lumagapak ang mukha ko lupa, napahawak ako sa lalaking nasa harapan ko. Ngunit hindi ko inaasahang ibang bahagi ng katawan niya ang mahahawakan ko. “Putang1na!”Hindi nga nasubsob ang mukha ko sa lupa dahil naitukod ko agad ang siko ko. At mabilis akong tumayo. Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin sa kaniya na
AMBER DALAWANG araw ang lumipas ganoon pa rin ang nangyayari. Kapag kumakain sila, bawal kaning tumingin. Pero minsan, nahihirapan akong gawin iyon."Lisa, bakit ba bawal silang tingnan? Ano ba ang mangyayari sa kanila kapag tiningnan sila habang kumakain?" hindi ko napigilang tanong."Hindi ko rin alam eh. Siguro maiilang sila? Hindi ko talaga alam pero sinusunod ko na lang. Alam mo naman ang mayayaman, may kanya-kanya silang rules. Minsan ang weird pa nga. Pero mas mainam na sumunod ka na lang.""Oo tama ka. Medyo weird nga sila pero grabe sobrang yaman ng pamilya nila. Tapos para silang mga robot. Parang ayaw ngumiti ng isa sa kanila.""Hayaan mo na sila. Basta ang mga tanong mo, sa sarili mo lang itanong. Basta ang payo ko sa iyo, sundin mo lang ang lahat ng rules dito," wika niya bago ako kinindatan.Bumuga na lang ako ng hangin bago tumango. Katulad na lang ngayong araw. Matapos ang hapunan ay isa-isang tumayo ang mga miyembro ng pamilya mula sa kanilang mga upuan. Walang imi
AMBERHindi pa man tuluyang lumulubog ang araw ay naging mas abala na ang buong mansyon. Kung kanina ay may kanya-kanyang gawain lamang ang mga kasambahay, ngayon ay tila sabay-sabay silang kumikilos. Ang iba ay naghahanda ng mga plato at kubyertos sa napakahabang dining table. Habang ang ilan naman ay abala sa pagluluto at paglalagay ng iba't ibang putahe sa malalaking serving plates.Hindi ko maiwasang mapatingin sa paligid habang maingat na ginagawa ang ipinagagawa sa akin ni ate Joan. Kanina lamang ako dumating sa mansyong ito ngunit pakiramdam ko ay napakarami ko nang nakita sa loob ng isang araw. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang nakapasok ako sa bahay ng isang napakayamang pamilya."Amber."Napapitlag ako nang marinig ang boses ni ate Joan."Yes, po?""Ilagay mo na itong mga baso sa dining room. Mag-iingat ka dahil imported ang mga iyan. Kapag may nabasag ka, isang buwan mong sahod ang katapat."Nanlaki ang mga mata ko."Ha? Isang buwan po? Grabe naman!”Mabili
AMBER "Ano? Tara na?" wika ni Lisa habang naghihintay sa akin sa labas ng bahay. Napatingin muna ako kina mama at Noah bago tuluyang lumabas ng bahay. Kagabi pa kami nag-iyakan tatlo at nagyayakapan. Tuloy-tuloy na akong naglakad at hindi na sila nilingon pa. Baka kasi kapag ginawa ko iyon, hindi na ako makaalis. "Nga pala...papayuhan na kita. Kapag pinagalitan ka, huwag kang iiyak at susuko. Pagkapasok sa tainga mo, ilabas mo agad sa kabila. Kagaya nga ng sinabi ko, medyo masama ang ugali ng mga iyon. Pero nagtitiis na lang kami dahil malaki ang sahod," wika ni Lisa habang nasa traysikel kami. "Oo sige. Ako pa ba? Kailangan ko talagang tibayan ang loob ko para sa kanila. Gusto kong gumaling si mama at mabili ang mga pangangailangan nila." ILANG oras din ang inabot ng byahe namin bago kami nakarating sa Maynila. Halos lumuwa ang mata ko sa laki ng bahay na nasa harapan ko. Parang hindi nga ito bahay. Para itong mansyon. Nakakalula sa laki at ganda. "Hoy, ano ka na? Kanina
AMBER REYES Nakatutok ako sa lumang kuwaderno ni Noah habang paulit-ulit na binabasa ang mga tanong sa kanyang assignment. Mahina ang ilaw ng bombilyang nakasabit sa aming maliit na sala, ngunit sapat na iyon para mabasa ko ang mga nakasulat sa papel. Paminsan-minsan ay sumusulyap ako sa kapatid kong himbing na natutulog sa lumang banig na nakalatag sa sahig. Napangiti ako nang makita ko ang bahagyang pagkunot ng noo niya habang natutulog. Siguro ay sobrang napagod talaga siya kanina. Maaga pa lamang ay naglaba na siya ng tambak naming mga damit sa likod ng bahay. Ilang beses ko pa siyang pinagsabihan na ako na ang gagawa noon, pero matigas talaga ang ulo niya. Palagi niyang sinasabi na ayaw niyang ako lang ang nahihirapan para sa aming pamilya. Grade eleven na ngayon si Noah at malapit nang tumungtong sa kolehiyo. Matalino siya at palaging nasa honor list kaya ginagawa ko ang lahat para hindi siya mapatigil sa pag-aaral. Ayokong maranasan niya ang mga bagay na pinagdaanan ko no
Nanginginig ang kamay ko na hawak ni Haven. Sobrang bilis ng puso ko habang nagpalinga-linga sa palogid. Napadasal ako na sana wala ng gising na ibang tao ngayon bukod sa amin. Dahil sigurado akong hindi maganda ang mangyayari kapag nakita nila kaming magkasama. "Si-Sir Haven...please...bi-bitawan mo na ako," nanginginig ang boses kong sabi. Ngunit hindi niya pinakinggan ang sinabi ko. Kitang-kita ko ang apoy sa kanyang mga mata. Ang mapungay niyang mata ay mapang-akit na nakatingin sa akin bago ito dumako sa aking aking labi. Mas lalong naghumirintado ang puso ko. Sa mga oras na iyon, nagsimula na akong makaramdam ng init. Sinubukan ko pang pigilan ang nararamdaman ko ngunit hindi iyon ang sinasabi ng katawan ko. Tila gusto ng katawan kong madama ang mainit niyang katawan. Sa totoo lang, hindi sang-ayon ang isip ko sa mangyayaring ito. Langit siya, lupa ako. Oo, pangarap ko ang isang tulad niya ngunit alam ko rin ang realidad ng buhay. Hindi kami puwede lalo pa't siya ang magm







