Share

Chapter 38

MATULIN ang paglipas ng isang linggo. Unti-unti na ring nakaka-adjust si Mabelle sa bagong buhay niya kasama ang mag-ama Navi at Paris, at syempre, ang inang si Belinda. Dahil wala masyadong magawa sa bahay at para na rin makatulong sa kanyang ina ay nagboluntaryo si Mabelle na sumama kay Belinda sa palengke upang may katuwang ito sa pagtitinda.

Kilala si Belinda sa public market bilang meat vendor at madalas itong dayuhin ng mga mamimili. Sa katunayan, mas dumami ang customer nila ngayon lalo pa't marami ang nabibighani sa taglay na kagandahan ni Mabelle.

"Alam mo, ngayon lang ako naubusan ng manok ng ganito kaaga. Madalas, inaabot ako ng gabi sa pagtitinda pero ngayon, alas kwatro pa lang ng hapon ay wala nang laman ng pwesto ko. Iba talaga kapag ganda ang puhunan natin sa negosyo, anak. Napakaswerte ko talaga sa 'yo," puri ng kanyang ina na ngayon ay abala sa pagliligpit ng kanilang mga gamit doon.

Gumuhit ang ngiti sa labi ni Belle habang busy sa paglilinis ng lababo. Hanggang nga
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status