Share

Chapter 3

SEVEN YEARS LATER

"THANK YOU, BOSS," a group of restaurant staff said in unison as the branch manager left the meeting room.

Hawak ang sobre na naglalaman ng kanyang sweldo ay napabuntong-hininga si Mabelle. Dapat ay masaya siya gayong solved na ang pambayad niya sa boarding house at sa iba pang gastusin sa bahay pero hindi niya magawa sapagkat ngayon ang huling araw niya bilang waitress sa restaurant na ito.

Dahil sa patuloy na pagbaba ng sales, napilitan ang may-ari na tuluyan nang magsara. Dalawang taon din siyang nagtrabaho rito at masasabi niyang maganda ang pagtrato sa kanya ng kanilang amo.

Sa lahat ng trabahong pinasok niya, dito siya nagtagal kaya labis ang panghihinayang niya dahil kung kailan nakakabangon na siya ay saka naman siya muling sinubok ng panahon.

Tahimik na nagtungo sa locker room si Mabelle para kunin ang bag niya. Bago umalis ay hindi niya nakalimutang magpaalam sa kanyang mga kasamahan.

"Masaya ako't nakasama ko kayo ng dalawang taon. Thank you guys for everything. Ingat kayo," aniya sa mga ito na tinugunan naman nila ng ngiti.

"Ikaw rin. Happy birthday kamo sa anak mo," pahabol ng kasamahan niyang waiter. Tango lang ang naging tugon niya at nagpasya na si Mabelle sa lisanin ang restaurant.

Dire-diretsong naglakad si Mabelle papunta sa sakayan ng jeep. She can't help but think about what the waiter said before she left. Lihim siyang napangiti dahil tiyak na kanina pa siya hinihintay ng nag-iisang anghel sa buhay niya—ang batang pinaghuhugutan niya ng lakas at ang dahilan kung bakit patuloy siyang nakatindig. It was her daughter Paris who turned six today.

Mas lalong binilisan ni Mabelle ang paglalakad upang makauwi agad. Umarangkada ang sinasakyan niyang jeep makalipas ang ilang minuto at tumagal ng 15 minutes bago siya nagdesisyong bumaba sa harap ng isang bakery na malapit sa tinutuluyan niyang boarding house. Bumili siya ng rounded chocolate cake na may disenyo ng paboritong 3D character ng kanyang anak at isang kandila na may numerong '6'.

Narating niya ang boarding house ng saktong alas-sais y media ng gabi. Sa gate pa lang ay sinalubong na siya ng yakap ni Paris na halata sa mukha ang pagkasabik.

"Happy birthday, baby ko," malambing na bati ni Mabelle sa anak.

"Thank you, Mommy ko!" the girl replied sweetly. Agad namang napansin ng bata ang dala-dala niyang kahon at itinuro iyon. "Ano po 'yang dala niyong box? Gift ko po ba 'yan?"

"Secret," pabirong sabi niya.

"Eh! Ano nga po 'yan, Mommy? Sabihin niyo na po!" pamimilit pa ng bata.

Marahang hinaplos ni Mabelle ang buhok ni Paris. "Ikaw talaga. Pumasok na muna tayo sa loob at doon natin bubuksan."

"Yehey!" Nagtatalon pa ito bago sumunod kay Mabelle papasok sa bahay na may limang kuwarto.

Kakaibang eksena ang naabutan ni Mabelle pagbukas niya ng pinto dahil tila siya pa ang nasurpresa sa nakita niya. Sa malaking wooden table na para sa mga boarders, nakalapag ang iba't ibang klase ng masasarap na putahe, kakanin at softdrinks.

Nasa labas din ng kanilang silid ang apat na pamilyang nagsisiksikan sa paupahan kabilang na ang mabait na landlady na siya ring nagbabantay sa bata kapag nasa trabaho siya. Bumisita rin ang kaibigan niyang si Jhazz, ang anak ng may-ari nitong boarding house para makisalo sa maliit na selebrasyon.

"Naku, nag-abala pa kayo. Nakakahiya," she said with a bashful expression. Kaagad niyang ipinatong ang dalang cake sa ibabaw ng mesa.

"Ayos lang, 'no. Mabait na bata ang anak mo at hindi na kayo bago sa akin," nakangiting pahayag ng landlady. "At saka, maliit na salo-salo lang naman ito. Minsan lang magkaroon ng ganito sa bahay kaya hayaan mo na."

"Ako ang nag-suggest kay Mama na ipaghanda si Paris. Alam ko kasing matagal nang gusto ng anak mo na may kasama siya sa birthday niya bukod kay Mommy. 'Di ba?" malambing na banggit ni Jhazz sabay pisil sa pisngi ni Paris.

"Opo!" sang-ayon naman ng bata.

"Salamat talaga, ha. Sobrang na-appreciate ko lahat ng effort niyo."

"Naku, wala 'yon, Mabelle. Gano'n talaga ang pamilya—nagmamahalan," madamdaming wika ni Jhazz. "Ang mabuti pa, buksan mo na 'yang dinala mo nang makakain na tayong lahat," pag-iiba nito ng usapan.

Mabelle carefully lifted the box. Nanlaki ang mga mata ni Paris nang masilayan niya ang cake na kulay rosas na nakasilid sa loob.

"Wow, ang ganda po! I love you, Mommy! Thank you po sa cake!" Nagtatatalon ito sa tuwa saka muling niyakap ang kanyang ina.

"Anything for you, baby," Mabelle said as she gave a quick peck on her daughter's cheek.

"O, halina kayo't kantahan muna natin ng happy birthday si Paris bago mag-blow ng candle," ang sabi naman landlady at inanyayahan niya ang lahat na magsama-sama sa hapag para sabay-sabay na kumanta ng Happy Birthday.

"Make a wish," ani Mabelle sa anak matapos ang kantahan.

"Wala naman po akong ibang wish, e. Basta happy kami ng Mommy ko kahit wala si Daddy, okay na po sa 'kin 'yon."

"Awww..." reaksyon ng ilan sa mga bisita.

Hindi mapigilang maluha ni Mabelle sa nakakaantig na mensahe ng kanyang anak. Napakamabuting bata ni Paris. Unlike other kids who's completely rude and spoiled, she was raised to be easily contented of what she has. Natutunan din nitong maging magalang sa mga taong nakakasalamuha niya kaya gustong-gusto siya ng mga tao.

"Blow your candle na, Paris," sabi ng isang college student na nangungupahan sa katabing kwarto ng mag-ina.

Hinipan ni Paris ang kandila at nagpalakpakan naman ang madla bago naupo sa kani-kanilang mga upuan para pagsaluhan ang mga putahe na nasa mesa. Habang isa-isang tinitikman ng mag-ina ang putahe sa kanilang mga plato, biglang nagsalita ang matandang lalaki na nasa kanan ni Mabelle at siya'y kinausap.

"Hindi ka nagkulang sa pagpapalaki sa anak mo, Mabelle. Sa panahon ngayon, ang mga bata'y masyadong maraming hinihiling sa kanilang mga magulang pero si Paris? Walang ibang hangad kundi ang maging masaya sila ng kanyang ina. Kahanga-hanga," wika nito na ikinatuwa ni Mabelle.

"Napakaswerte ko nga ho dahil sa kabila ng mga pagsubok na pinagdaanan ko, may nangyari pa ring maganda sa buhay ko, at iyon ay ang isinilang ko si Paris sa mundong ito. Hindi man naging madali sa akin ang buhayin mag-isa ang anak ko, pilit akong nagpapakatatag at gumagapang dahil wala namang ibang aasahan si Paris kundi ako," saad niya naman.

"Aba'y, 'asan ba ang tatay ng bata? Hindi man lang ba nag-aabot kahit kaunting suporta sa inyong dalawa?"

Bigla-biglang napalitan ng lungkot ang kanina'y masiyahing mukha ni Mabelle. "Wala na ho ang daddy ni Paris, 'Tay. Matagal nang pumanaw ang kanyang ama bago pa siya ipanganak."

"Gano'n ba? Pasensya na at naitanong ko pa."

"Ayos lang ho," aniya sabay ngiti niya nang matipid sa matanda bilang pagtatapos ng maikli nilang pag-uusap.

Batid niyang masama ang pagsisinungaling lalo na sa kanyang anak subalit walang nagawa si Mabelle kundi pagtakpan ang katotohanan tungkol sa biological father ni Paris. Ayaw niyang paasahin ang bata na may kalalakihan itong ama gayong hindi naman niya tiyak kung sino ang nakabuntis sa kanya noon.

Isa pa, sa haba ng panahong lumipas, nagawa niyang palakihin nang maayos ang bata. Even without the presence of the father, she would be able to feed her child.

Mabelle shook her head. As long as the truth is concealed, no one will ever know.

__

MATAPOS ang kainan ay dumiretso si Mabelle sa kanilang kuwarto para patulugin si Paris. Alas-nuebe na siya lumabas para sana pumunta sa banyo nang maabutan niya ang kaibigang si Jhazz na mag-isang nakaupo sa mesa at nakapangalumbaba.

"Tulog na ba si Paris?" bungad ni Jhazz sa kanya.

Naupo siya sa bakanteng pwesto katapat si Jhazz. "Oo, pagod na pagod 'yong bata pero halatang nag-enjoy siya."

Humugot ng malalim na hininga si Mabelle, bagay na pumukaw sa atensyon ng kaibigan. "Okay ka lang? Parang ang lalim ng iniisip mo," usisa ng kaibigan.

Hindi maalis ang pag-aalala sa mukha ni Mabelle noong mga oras na iyon. "Nagsara na kasi 'yong restaurant na pinagtatrabahuhan ko. Wala na akong trabaho," aniya na ikinagulat ni Jhazz.

Napayuko si Mabelle habang nag-uunahang pumatak ang kanyang mga luha. "Dito lang ako umaasa ng ikabubuhay namin tapos ganito pa ang nangyari. Ang hirap kayang maghanap ng trabaho sa kaso ko dahil tulad mo, hindi rin ako nakapagtapos."

Dagdag niya pa, "Hindi ako puwedeng tumunganga lang dito at maghintay na bumagsak ang bunga mula sa puno. I need a job, Jhazz. May alam ka bang puwede kong apply-an? Kailangan ko rin kasing mag-ipon para sa pag-aaral ni Paris gayong grade 1 na siya sa susunod na pasukan. Malaking gastusin na naman ito 'pag nagkataon," ang pakiusap ni Mabelle kay Jhazz.

Nakaukit sa kanyang mukha ang matinding pangamba at kalungkutan dahil kung hindi siya makakahanap ng trabaho sa lalong madaling panahon, mauubos ang naitabi niyang pera at baka maranasan nilang mag-ulam ng asin.

She doesn't want her daughter to suffer the same way that she did. Kung kinakailangan niyang magpakakuba sa pagtatrabaho, gagawin niya, huwag lang magutom ang kanyang anak.

"Paano kaya kung sumama ka sa 'kin?" suhestyon ni Jhazz, dahilan para iangat ni Mabelle ang kanyang tingin. "Kulang kami ng isang maid. Iyon nga lang, stay-in ka roon pero malaki ang sahod at sasapat 'yon para sa inyong mag-ina. Okay lang ba sa 'yo?"

"Maganda sana ang offer mo kaso, paano si Paris? Hindi ko siya puwedeng iwan dito nang matagal. Kailangan kong maging hands-on sa kanya," katwiran niya naman.

Marahang ipinatong ni Jhazz ang palad nito sa kamay ni Mabelle. "Mapapakiusapan naman siguro si Sir. Mabait naman 'yon kaya wala kang dapat ikabahala."

Tila nabunutan ng tinik si Mabelle nang marinig iyon. "Mabuti naman kung gano'n," sabi niya. "Speaking of your boss, medyo curious ako kung sino 'yan. Hindi mo pa nababanggit sa amin ng mama mo kahit pangalan niyan. Bakit? Politiko ba 'yan o artista?"

"Pasensya na, Mabelle. May iniingatang pangalan kasi ang amo ko kaya hindi ko puwedeng i-disclose sa public ang kahit gatiting na impormasyon tungkol sa kanya," depensa ni Jhazz. "Pero malay mo, matanggap ka, 'di ba? At least malalaman mo kung sino siya. Who knows, baka ma-in-love ka pa sa taglay niyang kaguwapuhan."

"Puro ka kalokohan, mars."

Nagpalitan ng tawa ang dalawa na para bang sila lang ang tao sa boarding house. Natural lang 'yon sa kanila dahil minsan lang sila magkita't magkausap. Well, if she's lucky enough to get the job, then she'll be able to talk with her all the time.

"So paano? Sabihan ko lang 'yong staff ni Sir, ha? Ipapasa ko sa kanya ang phone number mo kaya hintayin mo ang tawag niya para sa interview. Good luck!" pabaon pa ni Jhazz kay Mabelle.

"Walang problema. Maraming salamat. Hulog ka talaga ng langit," she answered with a tender smile on her face.

__

NAKATANGGAP ng tawag si Mabelle makaraan ang ilang araw. Sa kabutihang palad, nakapasa siya sa interview at maaari na siyang magsimula sa lalong madaling panahon.

Bagama't nabawasan ang kanyang problema, hindi niya mapigilang malungkot dahil kapalit ng bagong trabaho ay ang tuluyan nilang paglisan ni Paris sa boarding house na naging tirahan nila ng ilang taon.

Marami silang nabuong alaala sa lugar na iyon na hindi niya malilimutan. Gayunpaman, laking pasasalamat niya sa landlady at hindi sila tinuring nito na iba. Pakiramdam niya'y nakahanap siya ng ikalawang magulang sa presensya nito.

"Mauna na po kami ni Paris. Salamat po sa lahat ng tulong ninyo sa aming dalawa. Tatanawin po namin ito bilang utang na loob," emosyonal na mensahe ni Mabelle sa landlady paglabas nila ng paupahan bitbit ang kanilang mga maleta.

"Walang anuman. Mag-iingat kayo roon," tugon ng landlady na bahagyang naluha sa biglaan nilang pag-alis.

"Bye-bye po!" paalam pa ni Paris. Nasulyapan ni Mabelle ang pagkaway ng landlady bago sila naglakad papunta sa paradahan ng tricycle.

Sakay ang inarkilahang sasakyan ay nakarating sila sa kanilang destinasyon—ang bagong private subdivision na matatagpuan sa Quezon City.

Gaya ng inaasahan, sa gate palang ay hinarang na sila. Nagpakilala si Mabelle bilang bagong kasambahay ng may-ari. Itinawag naman iyon sa head office at nang makakuha ng confirmation ay saka lang sila pinayagang makapasok.

Nagtuloy-tuloy ang tricycle sa loob hanggang sa mamataan nila ang nag-iisang bahay na nakatayo sa buong subdivision.

"Diyan lang po sa harap ng itim na gate," anunsyo ni Mabelle sa driver.

They stopped right in front of the gigantic gate. Dali-daling bumaba sina Mabelle at Paris mula sa sasakyan at isa-isang ibinaba ang kanilang mga gamit. She took a deep breath before pressing the doorbell button.

Mayamaya, bumukas ang maliit na bahagi ng gate at iniluwa n'on ang isang mestizong lalaki. Nakasuot ito ng puting polo at slacks na tinernuhan ng charol na sapatos. His hair is done so well that no woman could ever resist. Base sa hitsura ng lalaki ay hindi lang ito basta guard o ano man sa household. 'Di kaya...

"Hi. I'm Earnest. I'm the one who called you yesterday," nakangiting pakilala nito kay Mabelle.

"Ah, oo. Ikaw nga. Nice to meet you," she smiled sheepishly. "Puwede na ba kaming pumasok?"

"Oh. Sure." Umatras nang kaunti si Earnest para bigyan sila ni Paris ng daan. "Come with me please," he ordered as they followed his steps through the house's entrance.

Malayo ang distansya ng mansyon mula sa mismong gate, pero hindi 'yon naging problema kina Mabelle sapagkat busog ang kanilang mga mata sa magagandang tanawin na nadadaanan nila.

Matatagpuan sa 'di kalayuan ang gazebo na napapaligiran ng naggagandahang mga bulaklak. Napupuno ito ng berdeng damo't mga halaman na may iba't ibang disenyo at laki. Kapansin-pansin din ang nagliliparang mga paruparo na siyang dumadagdag sa katingkaran ng lugar. It's like a small botanical garden but inside the house.

May swimming pool din na nakapwesto sa harap mismo ng mansyon. Kitang-kita ang pagka-asul ng kulay nito na tumutugma sa bughaw na kalangitan. Napapalibutan iyon ng palm trees na nagbibigay ng sariwang hangin na nalalanghap nila. Malamig 'yon na humahampas sa kanyang balat at masarap sa pakiramdam.

"Mommy, gusto ko pong mag-swim!" nasasabik na komento ni Paris habang tinuturo ang pool.

Maagap ang naging pagtugon ni Mabelle. "Shhh, anak! Hindi tayo magbabakasyon dito! Nandito si Mommy para magtrabaho. Hayaan mo, balang araw, titira ka rin sa magandang bahay na may resort pero sa ngayon, tiis-tiis muna tayo. Okay?" pabulong niyang saad sa bata.

"Okay po, Mommy ko."

Nagpatuloy sila sa paglalakad hanggang sa marating nila ang intrada ng mansyon. The house has three floors including a rooftop and veranda which is right above where the garage is located. Napaawang ang kanyang bibig. Nakaparada lang naman sa garahe ang tatlong magagarang sasakyan na tanging sa foreign films lang niya nakikita!

Man, whoever owns this place is probably a billionaire or someone who has a name engraved on the Hollywood Walk of Fame!

"Miss," pukaw ni Earnest sa mag-ina. Huli na nang mapansin niyang bukas na ang malaking arkong pintuan na nagsisilbing main door ng kabahayan. Tarantang sumunod si Mabelle habang hawak-hawak ang anak niya mula sa likod.

As they stepped through the white vinyl flooring of the living room, Earnest reminded them, "Wait right here. I'll tell my boss about your arrival."

Mabelle replied with a nod, "Okay."

Nang makaakyat si Earnest, sakto namang sinalubong sila ni Jhazz na galing sa south direction ng bahay. Nasasabik na niyakap siya ng kaibigan.

"Mars! Kanina pa ako atat na atat na makita ka! Grabe, finally makakasama na kita sa work!"

Mabelle laughed. "At kanina pa ako nasasabik sa tsismis na hatid mo."

Kumalas agad si Mabelle at ngumiti nang malapad. Lumipat naman ang tingin niya sa babaeng nasa tabi ni Jhazz.

The girl walked closer and offered her hand. "Ako nga pala si Hyacinth," she said cheerfully. Tulad ni Jhazz ay nakasuot din si Hyacinth ng maid uniform.

Nakipagkamay naman si Mabelle kay Hyacinth. "Ako naman si Mabelle, best friend ni Jhazz. I'm looking forward to working with you."

"Hello, Paris! Welcome sa bago mong bahay," pabati ni Jhazz sa anak ni Mabelle na nakakapit sa baywang nito.

"Thank you po!"

"Anak mo, Ate Mabelle?" usisa ni Hyacinth.

"Oo. Nag-iisa kong baby girl na maganda," sabi niya sabay hawak ni Mabelle sa baba ni Paris. "Mars, sigurado ka bang okay lang talaga sa amo natin na patirahin dito ang anak ko?"

"Hanggang ngayon ba naman iniisip mo pa rin 'yan? Pambihira!" naiiling na reaksyon ni Jhazz. "Baka kapag nakilala mo 'yang Boss natin, magbago ang—"

Hindi na natapos pa ni Jhazz ang sasabihin nang mamataan nila ang pagbaba ni Earnest mula sa second floor kasama ang isang lalaki. Kusang namilog ang mga mata ni Mabelle kasabay ng unti-unting paninigas ng kanyang katawan. Malayo pa lamang ngunit nakilala niya agad ang lalaking kasunod ni Earnest na nakatungong naglalakad pababa ng eleganteng hagdan.

Lumipas man ang mahabang panahon, hinding-hindi mabubura sa isip niya ang guwapong mukha ng lalaking minsan niyang sinaktan at niloko.

Sa paghakbang nito palapit sa kanya ay nag-angat ng tingin ang lalaki. "N-Navi?!" pabulong na tinawag ni Mabelle ang lalaking nasa kanyang harapan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status