Share

Chapter 2

Author: Seera Mei
last update Last Updated: 2023-01-12 14:49:54

 SCARLETT

     KINABUKASAN 

    ALA sais pa lang ng umaga gising na ako para sa routine kong pag eehersisyo. Tumatagaktak ang pawis sa mukha ko ng matapos ang target kong bilang para sa squat. Tumalon talon ako at inikot inikot ang mga paa saka dumeretso sa upuan kung nasaan ang aking tubig at towel. 

  Pinunasan ko ang pawis saka uminom ng tubig. Araw araw ko itong ginagawa para mapanatili ang malakas na pangangatawan. Kahit sabihin na pagod ako kagabi at ilang oras lang ang tulog. Automatikong nagigising ang diwa ko pag sapit ng ala sais ng umaga. 

  Matapos makapag pahinga ay bumalik ako sa aking kwarto para maligo at maghanda papunta sa headquarters. Hindi ako pwedeng malate dahil malalagot ako kay Boss. Isa pa excited ako sa misyon ko, nabubuhay ang dugo ko kapag alam kong importanteng misyon ang binibigay sa akin ni Boss. More bakbakan mas nagiging buhay na buhay ako. 

   Pumasok na ako sa banyo at masiglang naligo. Nang matapos ay nag suot ako ng pantalon na itim na may sira sa tuhod, tapos isang puting tshirt na pinatungan ko ng itim na leather jacket at pinaresan ng itim na boots. Hinayaan ko munang nakalugay ang buhok ko. Hindi na ako nag abalang maglagay ng kung ano sa mukha. Kapag ganitong simpleng araw lang ay hindi ako nag aayos ng sarili. 

    Nang makuntento sa ayos ay kinuha kona ang susi ng motor tapos ang helmet na gagamitin. Saka lumabas ng aking apartment. Siguro bukas na ako dadaan sa shop kapag wala na akong ginagawa. Sa ngayon kailangan ko munang makausap si Boss. 

******

  WCO headquarters (Wolfgang Creed Organization) 

    PINARADA ko ang motor sa gilid ng gusaling may tatlong palapag saka inalis ang suot na helmet at sinabit sa side mirror. Walang emosyon akong bumaba saka pumasok sa loob ng building. 

   Kapag tumuntong na ako sa HQ ay automatikong nagiiba ang aking awra lalo't pa lagi akong pinag pipiyestehan ng kapwa ko Assassin na nasa mga mababang position o mga newbie pa lang. Kay babago mga tsismosa na agad. 

   Habang tinatahak ang daan patungo sa opisina ni Boss ay naririnig kona ang mga bulungan ng mga ito. 

    “Nandyan na siya!”

    “Grabe, nakakatakot talaga ang awra ni Red. Buti natatagalan siya nila Sapphire no?”

   “Baka pinag titiisan lang din.”

   “Sshh, marinig ka. Hinaan mo lang boses mo.”

   “Gumilid kayo, gilid!”

   “Ano na naman kayang misyon ang ibibigay sa kanya?” 

   “Sana all may misyong lagi na binibigay.”

   “Matik yan, sigurado importante na naman ang misyon na ibibigay ni Boss sa kanya. Ganon naman palagi.”

   “Iba na ang paborito kamo.”

   “Ssh, marinig kayo. Yumuko kayo, dali! Dadaan na siya. Siya pa naman ang Rank 1. Mag bigay galang kayo!” 

   Napaismid na lang ako sa mga narinig. Ito palagi ang naririnig kong bulong bulungan kapag napunta ako dito sa HQ. Hindi mo alam kung humahanga ba sila sa akin, natatakot o inggit? Tsk, pero para sa akin nangingibabaw ang inggit. Argh! pakealam ko ba sa nararamdaman nila? Bahala sila na pag tsismisan ako doon naman sila magaling. 

   Hindi naman ako makakarating sa tuktok kung hindi ko pinag hirapan. Katulad nila nagsimula rin ako sa baba. Nagsikap ako at dugot pawis ang pinuhunan ko para makamit ko ang pagiging magaling na Assassin at makuha ko ang posisyong ito. Nag-training akong maigi na halos wala na akong pahinga. Hindi naging madali ang lahat pero masasabi ko namang worth it.

   Natupad ko rin ang pangarap sa akin ni Mommy noong nabubuhay pa siya. 

    Bumuntong hininga ako at binalewala ang mga narinig. Ang iba ko namang nakakasalubong ay nakangiti akong binabati na sinasagot ko lang ng tipid na tango. 

   Mabilis akong pumanhik sa taas saka tinungo ang opisina ni Boss. Walang katok katok na pumasok ako sa loob. Naabutan ko ito na nakatalikod at nakasilip sa labas ng bintana. 

    “Boss.” Walang emosyong tawag ko dito. Humarap naman ito sa akin saka ako tinignan at tinanguan. Sumilip din ito sa relong pang bisig. 

   “Your to early, As I expected to you. Sit down Red. Let's talk about your next mission.”

  Sinunod ko naman ito at naupo sa single sofa. Hindi man halata sa akin pero excited ako sa misyong ibibigay niya. Tumayo naman ang aking boss saka sumandal sa table nito. 

   “Meron akong natanggap na tawag galing sa isang miyembro ng underworld society. Humihingi ito ng tulong para sa kanyang anak.” Seryosong wika ni Boss. 

   Napakunot noo ako. Underworld? pati sila tumatawag na rin sa amin? Hmm..Bakit sa dinami rami ng pwedeng hingan ng tulong ang organisasyon pa namin?

    Well, ang aming organisasyon ay tumatanggap ng trabaho galing sa labas bukod sa utos ng boss ko at ng mas nakakataas dito. Tumatawag ang mga ito kay boss para mag hire ng Assassins at ito ang gagawa ng iuutos ng mga ito. Nasa kanila na kung anong klaseng tulong ba ang nais nila. 

    “Bakit sa atin humingi ng tulong? Bakit hindi sa mga pulis?” Nagtataka kong tanong. Pulis dapat ang nilapitan nito kung kailangan pala ng tulong. 

   “Walang tiwala si Mr. Saavedra sa mga pulis lalo't pa ang iba sa mga ito ay hawak din ng ibang organisasyon sa underworld. Baka maging sanhi pa daw iyon ng kamatayan ng kanyang anak kung pulis ang kukuhanin niya.”

     Napatigil ako saglit at napaisip.. kalaunan ay napatango din, may point din naman. Marami ng pulis ngayon ay hawak ng iba't ibang organisasyon kaya ang iba ay malalakas ang loob dahil may kapit sa batas. 

   “So, what is my next mission?” 

   May kinuhang folder sa table si boss saka humakbang palapit sa akin at inabot iyon. Tinanggap ko naman saka kuno't noong binuklat. 

   “Read that, that's the imformation we gathered about the son of Mr. Saavedra.” 

    Tumango ako saka sinimulang basahin. Bilyonaryo pala ang anak ng Saavedra na ‘yon. Maya maya pa muling may kinuhang dalawang folder si Boss sa kanyang table at inabot ulit sa akin. 

   Napataas ako ng kilay ng makita ang isang personal files at may nakadikit na litrato ko doon. Nagtatakang nag angat ako ng tingin kay Boss na ngayon ay nakapamulsang nakatingin sa akin. 

  

  “What is this boss? Why do I have other files here? What exactly is my mission?” This time sumeryoso na ako. May pakiramdam ako na hindi ko magugustuhan ang misyong ito. 

    “Papasok ka bilang maid sa mga Saavedra. To guard, monitor and protect Lucien Aziel Saavedra dahil may mga nagtatangka sa buhay nito..You will pretend to be a maid. And that's the identity you'll use. Everything is fixed; all you have to do is prepare yourself.” 

   Bigla akong napatayo sa narinig at hindi makapaniwalang tumingin kay boss. 

   “You must me kidding me, boss.” Umiling iling pa ako. Mukhang nagkakamali si boss ng sinambit kaso biglang nagseryoso ang amo ko. Shit..

   “Hindi ako nagbibiro Red, iyan ang misyon mo.”

  “Boss naman alam mong ayoko ng ganyang misyon bakit sa akin niyo pa ina-sign ‘yan? Hindi ko hilig na magbantay at umarte! Assassin ako, boss! Isa pa ang dami-daming baguhan na Assassin dyan, siguradong kayang kaya ng iba ‘yan. Alam mo naman boss na gusto ko ang bakbakan kesa ang mag panggap na maid! Hindi ko kaya ‘yan! Baka masira lang ang misyon dahil sa akin. Sa iba mo na lang iatas yan boss.” 

   Seryoso kong sambit, hindi ko maiwasan na magtaas ng boses dahil hindi ko talaga gusto ang misyon ko. Akala ko pa naman maganda ang ibibigay sa akin na trabaho. Excited pa naman ako iyon pala… Gagawin akong katulong at taga bantay ng isang bilyonaryo? The heck?! Hindi para doon ang talentong meron ako! Walang exciting sa misyon na iyon at siguradong maboboring lang ako. 

   “Sorry Red but my desicion is final. No one can do this but you. You are the top rank assassin here in WCO. Lahat ng misyon na binibigay namin sa ‘yo ay napagtatagumpayan mo. At sigurado akong kayang kaya mo ang misyong ito.” Seryosong sambit ni Boss. 

  Unti unti ng umiinit ang ulo ko. Hindi kona nagugustuhan ang usapin namin ng amo ko.

   “But boss! Hindi ko kayang mag panggap na maid! Bakit naman sa lahat ng pwede niyong i-asign sa akin yan pa! Please boss, ibigay niyo na lang sa iba ‘yan.” Pagsusumamo ko.

   “No. Iyan ang misyon mo.” Mariin nitong anas na siyang kinaputol ng pisi ko. 

   “Bakit kailangan pa akong mag panggap na maid kung pwede ko naman bantayan, manmanan at protektahan ang lalaking ‘yan sa malayo, boss? Pwede ko siyang sundan sa ano mang oras. Bakit kailangan pang maging katulong ako?! Hindi ba pwedeng ganon na lang? Mas madali at hindi kona kailangan umarte pa.” 

   Hindi ko talaga matanggap na ang isang gaya kong high rank assassin ay magiging maid lang ang misyon para bantayan ang bilyonaryong iyon! Napaka boring! Saka Assassin ako! Assassin! Wala akong talento maging maid at magbantay ng aroganteng bilyonaryo. Well, nabasa ko lang sa binigay na folder ni boss. Magaling ako makipag laban iyon ang talento ko at syempre ang pumatay. 

   “Because that's the best way for you to be close to him and watch him carefully! This mission of yours is urgent and important Red! Kaya ‘wag mong mamaliitin!” Nagtaas na rin ng boses si boss pero hindi ako nag patinag. 

   Mariin kong kinuyom ang kamao. 

  “For pete's sake, boss! I'm a top rank assassin not a agent, spy or whatsoever! Ang trabaho ko pumatay! Pwede ko naman sundan ng sundan ‘yang lalaking ‘yan at patayin agad kapag may nag tangka sa buhay nito!” 

  “Damn it, Red! Hindi gano'n kadali ‘yon! Hindi mo masasabi kung sino ba ang kalaban o magtatangka sa buhay ni Lucien Saavedra! Malay ba natin na nasa loob ng mansyon ang taong iyon, malalaman mo ba ha? Kaya nga pinili namin na maging maid ka para malaya mong magagawa ang misyon na hindi na hahalata at makapag masid sa loob ng mansyon! at makilala mo rin ang mga taong napunta doon o mga tauhan niya! Para rin malaman mo ang mga plano o lakad ni Lucien. Naiintindihan mo ba ang point ko? Isa pa alam kong high rank assassin ka! Kaya nga ikaw ang kinuha ko dahil ikaw ang magaling na assassin.”

  Hindi ako umimik, nakakatakot talaga si boss kapag nagagalit na, Lalo na kapag nanlalaki ang ilong. But anyway may punto nga naman ang sinabi ni boss pero naiinis pa rin ako. 

   “I'm your boss, Red. You need to listen and do what is according to the plan. Hindi madaling tukuyin kung sino ang kalaban. At isa pa, Alam kong ikaw lang ang makakagawa ng minsyong ito. Ikaw ang inaasahan ko. so, please accept this mission..”

   Mariin akong pumikit at kinalma ang sarili. 

   “Fine, wala naman akong choice ‘di ba? I'll accept that mission.” Sumusukong sambit ko na kinangisi ni Boss. 

   “Good! Your mission starts in 3 days, so prepare yourself, Red. Ibang ugali ang ipapakita mo sa misyong ito.” 

     Nagulantang na naman ako. Seriously? In 3 days na agad agad?! What the fvck?!

******

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (4)
goodnovel comment avatar
Jake D Tan
No choice c Pula..wahahahah
goodnovel comment avatar
Catherine Lao
.........im so excited
goodnovel comment avatar
Wilma Carabuena Macatangay
woww nakaka excited basahin ...
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Maid of the Arrogant Billionaire (Tagalog)    EPILOGUE

    ILANG BUWAN ANG LUMIPAS Mas naging tahimik at mapayapa ang buhay ni Louise. Sa kabila ng pagiging bahagi pa rin ng Wolfgang mas siniguro na nitong may linya ang kanyang mga misyon—hindi na para sa paghihiganti, kundi para sa katarungan. Saka masaya siya dahil sa mga nagdaan na taon, nabigyan niya din ng hustisya ang kanyang ina. Ito naman talaga ang dahilan niya bakit pinasok niya ang pagiging assassin. Binalik niya ang kanyang dating routine, sa umaga ay busy ito sa kanyang business at kapag gabi naman ay pagiging assassin nito. ****** SA GARDEN – LOUISE’S BIRTHDAY Setyembre. Ang hangin ay malamig pero banayad—tila yakap ng kalikasan. Ang hardin ay tinakpan ng mga ilaw mula sa daan-daang fairy lights, kumikislap na parang mga bituin. May isang simpleng toldang puti na may mga sheer curtains na bahagyang sumasayaw sa hangin. Ang bawat mesa ay may pulang bulaklak—paborito ni Louise, Isang eleganteng off-white silk dress ang suot niya. Ang buhok niya’y naka-hal

  • Maid of the Arrogant Billionaire (Tagalog)    Chapter 131

    SA SALA NG MANSION – KINA LOUISE Mag-isang nakaupo si Lucien sa malaking sofa. Halata ang pagod sa kanyang mukha. Malungkot siyang ngumiti, tanggap na uuwi na naman siyang bigo ngayong gabi. Tatayo na sana siya nang marinig niya ang isang mahinang tikhim mula sa likuran. Napalingon siya agad. Nanlaki ang mata niya. Nakatayo si Louise, seryoso ang mukha, nakataas ang kilay at naka-halukipkip. Tahimik lang itong nakatingin sa kanya. “L-Louise…” nauutal niyang tawag. Tumikhim ulit si Louise. “Lucien, ito na ang huling punta mo rito. Itigil mo na ‘to. Naiintindihan mo?”Natigilan si Lucien. Nanlamig ang palad. “W-What do you mean? May nagawa ba ako? Handa naman akong maghintay—” Umiling si Louise. “What I mean is... tigilan mo na ang araw-araw mong pagpunta rito tapos galing ka pa sa trabaho mo. Hindi mo kailangang pagurin ng sobra ang sarili mo.” “H-Hindi ko kailangan...?” lutang na anas si Lucien. Ngumiti si Louise. “Hindi mo na kailangan gawin ‘yon kasi... pinap

  • Maid of the Arrogant Billionaire (Tagalog)    Chapter 130

    Ilang sandali lang ang lumipas pumasok ang doktor at mga nurse, sinuri agad ang vital signs ng dalaga habang si Lucien ay nakatayo sa gilid, hindi pa rin mapakali sa tuwa. Saglit lamang ang eksaminasyon, at agad na tiniyak ng doktor na bagama’t mahina pa si Louise, positibo ang resulta. Hindi nagtagal, isa-isa nang dumating ang mga taong matagal na ring nagbantay at nagdasal para sa paggising niya. Si Night, tahimik na pumasok. Diretso ang tingin sa kama ni Louise pero halatang nangingilid ang luha sa mga mata niya. Masaya siyang gising na ang kasamahan. Si Sapphire, nakasuot pa ng jacket, napatakip ng bibig habang pinipigilan ang iyak. Si Blade at Gunner ay sumunod, parehong seryoso ngunit ramdam ang gaan ng loob. Tumango sila kay Lucien, at saka lumapit kay Louise, para kahit paano ay masilayan ang kanilang kasamang matagal nilang inalala at kamustahin ang pakiramdam nito. Huling dumating ang kuya ni Louise. Pagkapasok pa lang, ay agad niyang tinungo ang kama ng kapat

  • Maid of the Arrogant Billionaire (Tagalog)    Chapter 129

    Nagmadaling umuwi si Lucien. Pagpasok sa loob ng bahay ay natigilan siya ng may taong naghihintay sa kanya. May nakaupo sa sala. “Crystal…” mahina at puno ng gulat na sambit ni Lucien. Nangilid ang luha sa mata ng babae, at agad itong tumayo nang makita siya. Buhat noong araw ng kanilang dapat sanang kasal, ngayon lang niya muling nakita si Crystal. Ang babaeng ilang buwan niyang pinaniwalaang mahal niya—dahil sa mga ala-alang binura ng aksidente. Tahimik ang paligid. Mabigat ang hangin. Nagsalita si Crystal, nanginginig ang tinig. “C-Can we talk, Lu?” Sandaling pumikit si Lucien. Bumuntong-hininga. Saka dahan-dahang tumango tapos lumakad palapit at umupo sa tapat ng dalaga. “What happened?" nanginginig na tanong ni Crystal. “Why did you leave me on our wedding day? What happens now? Don’t you know how humiliated I was that day? It hurt so much, Lucien…” Dama ni Lucien ang bigat sa tinig nito. Ngunit kailangan niyang harapin ang lahat ng ito—dahil ayaw na niyang ita

  • Maid of the Arrogant Billionaire (Tagalog)    Chapter 128

    MEANWHILEOPERATION ROOM (Third point of view) Mabilis ang galaw ng mga doktor at nurse sa loob ng emergency operating room. Tumutunog ang mga monitor—isang paalala na bawat segundo ay nasa kritikal. “BP 70 over 40. Pulse is weak!” sigaw ng nurse habang nakatingin sa monitor. “Transfuse two more units of O-negative—now!” utos ng lead surgeon habang patuloy sa pag-opera. Naka-bukas ang tiyan ni Red, habang ang mga kamay ng mga doktor ay patuloy na nilalabanan ang kamatayan ng dalaga. “May liver laceration, grade four! Suture, suture! Clamp that bleeder!” Habang pinipilit isalba ang kanyang atay at bahagi ng bituka, napuno ng tensyon ang silid. Pawis na pawis ang buong team, halatang ilang beses nang humarap sa ganitong sitwasyon—pero iba ito. Ramdam ang bigat. “Patient’s going into shock! Start dopamine drip—now!” Makalipas ang ilang oras.. “Vitals stabilizing... we’re past the critical stage,” bulong ng isa sa mga doktor. Halos sabay sabay nakahinga ng malu

  • Maid of the Arrogant Billionaire (Tagalog)    Chapter 127

    SA HOSPITAL – OPERATION ROOMMabilis ang galaw ng mga doktor. Maraming dugo ang na-transfuse kay Red. Pinipilit isalba ang atay at bahagi ng bituka na napinsala sa tama ng bala at saksak. Outside the operating room naroon sina Sapphire, Night, Blade, at Gunner—puno ng pag-aalala. “Hindi siya pwedeng mamatay… hindi ganito dapat matapos.” Mahinang sabi ni Blade habang nagpapabalik balik sa paglakad. “Pinatay niya si Salvador. Tinapos niya si Ishida. Pero kapalit halos ng sarili niyang buhay.” Mahinang sabi din ni Gunner habang nakatingin sa pinto ng operating room. Si Sapphire naman ay kasalukuyang tinatawagan si Thunder para ibalita ang nangyari at papuntahin sa hospital, ********* Church Courtyard | Wedding of Crystal and Lucien Ang haring araw ay unti-unting lumulubog, at ang liwanag nito ay bumabalot sa eleganteng hardin kung saan ginaganap ang kasal nina Crystal at Lucien. Nakaayos ang lahat—mga bulaklak, musika, at mga abay na isa-isang naglalakad sa gitna ng aisle. Ma

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status