SCARLETT
WALA akong ibang nagawa kung hindi tanggapin ang misyong inatas sa akin ni Boss. Labag man sa loob ko may magagawa pa ba ako? Naka-plano na pala ang lahat bago sabihin sa akin. Tsk!
Sa huli pinili ko na lang munang umuwi sa bahay para dalawin sila grandpa. Tatlong araw lang ang pahinga ko kaya dapat sulitin ko at gawin ang ibang gawain na labas ang pagiging isang Asssasin. Dadaan din siguro ako sa store para maabisuhan ang manager na matagal tagal akong mawawala. Aside sa pagiging Assassin meron din akong tatlong businesses Flower shop, Cafe and botique. Hindi man halata sa akin pero iyon ang mga negosyo ko.
Nang makarating sa harap ng bahay ay nakangiti akong pumasok sa loob. Sinalubong ako ng mga kasambahay para batiin.
“Goodmorning Manang Flor, where is lolo and dad? Nandito ba sila?” Tanong ko sa katiwala namin.
“Magandang umaga Iha, oo nandito sila. Hindi umalis ang Daddy mo. Oo nga pala nakahanda na ang pagkain sa lamesa para sa pananghalian. Saktong sakto ang iyong dating.”
Napangiti naman ako ng malawak sakto nagugutom na ako. Sa totoo lang dito lang sa bahay na ito nagbabago ang ugali ko. Nawawala ang pagiging Assassin ko kapag kaharap ang pamilya.
Dumeretso na ako sa hapag kainan. Natuwa ako dahil masasarap lahat ang hinanda na tanghalian. Pakiramdam ko ngayon lang ulit ako makakain ng totoong pagkain. I mean iyong lutong bahay.
Naupo ako at hinintay na dumating si Dad at Lolo. Maya maya pa narinig kona ang mga nagmamadaling yabag nila.
“Apo, you're here!” Masaya akong kumaway kay Lolo.
“Hi, Lo! Kamusta na kayo?” Tumayo ako para salubungin ito at magmano. Humalik rin ako sa pisngi nito. Tapos tumingin ako sa lalaking nakasunod sa kanya at nakangiting nilapitan ito saka binigyan ng malambing na yakap.
“Dad, I miss you.”
“I miss you too, princess..Kamusta ka? matagal ka ring hindi nakadalaw. Mukhang sunod sunod ang binibigay sa ‘yong misyon.” Lumayo na ako sa yakap nito saka tipid ng ngumiti.
“Ok naman dad, still in the rank 1. And yes, ang daming misyong binibigay sa akin. Pagkatapos ng isang misyon ay tatawagan ulit ako para sa bagong misyon na naman.” Malawak naman itong ngumiti.
“As I expected, parehong pareho kayo ng mommy mo, sa kanya ka talaga nagmana.”
Bigla naman akong napangiti ng malungkot ng ipaalala ni Dad si mom. Kung nandito pa sana siya siguradong proud na proud siya sa akin. Ang mommy ko ay isang top rank Assassin din kung saan din ang organisasyon ko. Kahit mag asawa na sila ni Daddy hindi pa rin umalis si mommy sa trabaho niya dahil doon siya masaya. Hindi naman siya tinutulan ng daddy bagkus sinuportahan pa rin niya ito. Namatay din sa misyon ang aking ina dahil na set up ito. Isa ‘yun sa dahilan kaya gusto kong maging Assassin para hanapin lahat ng salarin sa nangyari sa aking ina.
Ang alam ng lahat dahil sa misyon pero malakas ang kutob ko at nila dad na hindi dahil don. Alam namin na maraming na iinggit kay mommy dahil siya lang ang natatangging Assassin noon na walang nabigong trabaho at lahat ng klaseng misyon ay napagtagumpayan. Ito din ang dahilan bakit sa tuwing napunta ako ng HQ wala akong pinapakitang emosyon dahil ayokong may mapalapit sa akin na iba. Hanggang maaari ang Top rank Assassins lang ang kinakausap ko at si Boss. The rest wala na akong pakialam.
Halos lahat ay idolo ang aking ina noon. Hindi lang bilang isang magaling na Assassin kung hindi maswerte din sa lovelife dahil na-inlove ang Daddy ko sa kagaya ni Mommy. gwapo, mabait, maintindihin, mayaman halos perfect na ang aking ama. Nakilala ni mommy si Dad sa isang misyong binigay sa kanya. Nakakatawa nga dahil binantayan at prinotektahan niya lang si Daddy noon tapos na inlove na sila sa isa't isa.
Naupo na ulit kami at sinimulan kumain.
“Kamusta ang trabaho? May bagong misyon ka ba?” Tanong ni Lolo. Tumango naman ako.
“Meron Lo, Pahinga muna ako ng 3 days starting today para iprepare ang sarili ko dahil maninibago ako sa binigay nilang misyon.” Biglang nanumbalik sa aking isip ang pinag usapan namin ni Boss kanina.
“Why? ano ba ang sunod mong misyon?” Takang tanong ni Dad.
“Papasok na maid sa pamilya Saavedra, Humingi ng tulong si Mr. Saavedra para bantayan ang anak nito dahil may nagtatangka sa buhay ng lalaki. Tsk,” Inis kong sagot.
“Saavedra? If I'm not mistaken, are you talking to Lucien Aziel Saavedra? The young billionaire here in the country and asia? The owner of Saavedra Corporation?” Napakunot noo naman ako sa sinambit ni Dad.
“Yes, It's him. Why? Bakit kilala mo siya? ” Nagtataka kong tanong.
“He is one of the investors in our university. He's a good guy, siguradong hindi ka mahihirapan sa pagbabantay sa kanya. At hindi ko rin masisisi kung kumuha ang kanyang ama ng titingin sa anak ganong marami ang may inggit sa pamilya nila.”
So, ganoon pala talaga kasikat ang lalaki.
“I see, sana nga hindi ako mahirapan sa kanya dahil baka hindi ko matansta ang sarili kapag naging sakit siya ng ulo.” Natawa naman ng mahina sila Lolo at Dad.
“Manang mana ka talaga sa mommy mo. Hindi ba't ganyan din ang naging misyon niya noon, binantayan niya ako at prinotektahan sa mga sindikatong balak akong kuhanin. Well, hindi naging madali ang lahat ng nangyari noon.”
Napatigil naman ako sa pagsubo. Oo nga no? Halos lahat ng misyon ko ay napapareha sa misyon dati ni mommy. Bigla akong napaisip, Sadya ba ito o nagkataon lang?
Hmmm…Well, malalaman ko rin naman ito. Iniba kona ang usapan ayoko na munang pag usapan ang tungkol sa misyon ko o ano mang tungkol sa pagiging assassin. Gusto ko munang makipag bonding sa pamilya ko bilang isang ordinaryong tao.
“Anyway dad, where is kuya?” Miss kona din ang kumag na ‘yun.
“Naka-duty pa ang kuya mo hanggang bukas. Sayang hindi kayo nag pang abot. Miss na miss kapa naman ng isang ‘yun.” Tumango naman ako.
Si Kuya din bibihira ko lang siya nakikita at nakakasama ng matagal dahil lagi siyang naka duty. Isa itong doctor sa PGH. Halos hindi na nga rin ito nauwi.
Matapos ang masayang tanghalian naglambing ako kay Lolo at Dad na manood ng action movie. Bonding time muna. Hanggang sa sumapit ang gabi at mag paalam akong babalik na sa condo ko.
********
Mabilis lumipas ang araw, ngayon ang unang araw ng misyon ko. Kagagaling ko lang sa HQ dahil pinaalala ulit sa akin ni boss ang mga gagawin.
Ngayon ang kailangan ko na lang ay pumunta na sa mansyon at simulan ang pag papanggap bilang isang katulong. Sana lang tumagal ako sa misyong ito.
Pagkarating sa Forbes park sa makati, Hindi ako nahirapan na makapasok dahil inaasahan sa mansion ng mga Saavedra ang pag dating ko.
Halos mapanganga ako habang nakatingala sa labas ng mansyon ng mga Saavedra. Hindi ko akalain na ganito kalaki at kayaman talaga ang lalaking babantayan! Mayaman din naman ako at may mga mansyon kami pero hindi ganito kalalaki! Feeling ko magiging isang ordinaryong bahay ang mga mansyon namin kapag kinumpara at itabi ito sa mansyon na nasa aking kinatatayuan.
Ilang saglit pa automatikong bumukas ang gate at bumungad sa akin ang isang guard at matandang katulong.
“Magandang umaga, Ikaw ba si Louise Hermosa? Ang nag aapply na bagong katulong?”
Lumunok muna ako bago kinalma ang sarili saka matamis na ngumiti sa matanda.
“Opo,” Magalang kong sagot. From now on I'm Louise Hermosa.
“Oh siya, sige, pumasok kana Iha. Kanina kapa namin hinihintay.”
Tumango naman ako saka pumasok, magalang na kinuha ng guard ang dala kong traveling bag saka sumunod sa amin. Hindi ko naman maiwasan na iikot ang paningin sa paligid dahil sa pagka mangha! Bilyonaryo nga ang amo ko.
Pagkapasok sa magarang living area pinaupo muna ako doon ng matanda saka tinawag si Mr. Saavedra, ang ama nung Lucien.
Ilang sandali pa nakita ko ng bumababa sa magarang hagdan si Mr. Saavedra. Nang makalapit ito ay bahagya siyang yumuko at ngumiti.
“Magandang umaga binibini, Ikaw na ba ang pinadala nila?” Tipid akong tumango. Kaming dalawa lang sa mansion na ito ang nakakaalam ng totoo.
“Ako nga ho.”
“Salamat naman kung gano'n mapapanatag na ang kalooban ko sa kaligtasan ng aking anak. Ikaw ng bahala sa kanya. By the way kumain ka na ba ng breakfast? Can you join me? Para makapag usap tayo at maya maya din makikilala mona ang anak ko.”
Hindi naman ako tumanggi dahil nakakaramdam na rin ako ng gutom, kokonti lang ang kinain ko kanina.
Ilang minuto na rin kaming nagkwekwentuhan ni Mr. Saavedra. Pinaliwanag niya sa akin ang lahat. Sa maliit na sandali na kausap ko ang lalaki ay masasabi kong mabuti itong tao. Hindi ko lang alam ano ang naging dahilan bakit ito sumali sa underground.
“Siya nga pala, wala dito ang asawa ko. Nasa bakasyon siya sa paris at sa susunod na buwan pa ang balik, ganon din ang aking ama na nasa business trip naman. Kaya sa ngayon ako at ang anak ko palang ang makikilala m—”
“Goodmorning Dad, Who is she?” Sabay kaming napalingon ni Sir Aidan sa baritonong boses ng nagsalita.
Nasalubong ko naman ang malamig na tingin ni Lucien Saavedra. Tila ako hinuhusgahan. Psh! Ngayon pa lang kami nagkita pero kung makatingin grabe na! Wag niya akong tignan ng ganyan baka dukutin ko mata niya! Hindi uubra sa akin ang pagiging arogante niya ha!
But Inferness, kung gwapo ito sa larawan ay mas gwapo ito sa personal. Hindi na siya magtataka kung maraming babae ito.
“Gising kana pala anak, Sit Down ipapakilala ko siya sa‘yo.” Nakangiti at excited na turan ni Sir.
Sumunod naman ang lalaki pero hindi pa rin nito inaalis ang tingin sa akin. Hindi naman ako nagpatalo. Hanggang sa ito na ang umiwas ng tingin at binaling sa kanyang ama. Psh, wala pala ang lalaking `to `e.
“So, sino siya dad?”
“Son, she is Louise Hermosa your personal maid.” Parehas kaming nagulat sa sinabi ni Sir Aidan. What the heck?! Anong sinasabi nito na personal maid? Wala sa usapan ‘yon! Maid lang ako! Maid dito sa mansyon! Bakit biglang naging personal maid?!!
“What?! are you serious dad? Personal maid? For what?” Halata sa boses ng lalaki na tutol siya sa sinabi ng ama. Aba, ako rin naman! Tutol na tutol ayoko kaya maging maid! Walang trill!
“Yeah, I'm serious son, from now on Louise will take care of you. She will also be with you in the office. Sa madaling salita kasa-kasama mo siya araw-araw saan ka man pumunta.”
Punyemas! Bakit hindi sinabi sa akin ito ni Boss? Akala ko talaga simpleng maid at taga bantay lang ang role ko dito iyon pala personal maid! Mamaya talaga tatawagan ko si Boss. kailangan ko ng magandang explenasyon! Naisahan niya ako ah!
“But why Dad? Hindi ko kailangan ng personal maid! I can handle myself!”
“You need it especially tutok na tutok ka sa trabaho mo. Napapabayaan mona ang sarili at kinakalimutan ang mga bagay bagay. Kinuha ko si Louise para alagaan at bantayan ka. She will also tell me what else you are doing para maging updated naman kami ng mommy mo. And please don't argue with me, Lucien. Because my decision is final. Just accept what I want.” Seryosong sambit ni Sir Aidan. Inferness galing umarte ni Sir ha? Hindi halata.
Saka nakakatakot din kapag nagagalit.
Hindi naman nakaimik si Lucien pero kitang kita ko ang pag kuyom ng kamao nito. At ng bumaling sa akin ang lalaki isang matalim na tingin ang ginawad niya. Hindi naman ako nagpasindak. Tsk. Anong akala niya madadaan niya ako sa matatalim na tingin? Baka kapag ako ang gumawa non sa kanya umatras ang ihi niya at mamutla siya? Tss! At katulad niya hindi ko rin gusto ang misyon na to! Wala lang din akong choice kung hindi tanggapin.
Hindi kona lang ito pinansin at bumaling sa aking pagkain. Kailangan ko ng lakas mukhang mapapasabak ako sa ugali ng magiging amo ko. Argh! Humanda ka talaga sa akin boss! Naisahan mo ako!
*****
ILANG BUWAN ANG LUMIPAS Mas naging tahimik at mapayapa ang buhay ni Louise. Sa kabila ng pagiging bahagi pa rin ng Wolfgang mas siniguro na nitong may linya ang kanyang mga misyon—hindi na para sa paghihiganti, kundi para sa katarungan. Saka masaya siya dahil sa mga nagdaan na taon, nabigyan niya din ng hustisya ang kanyang ina. Ito naman talaga ang dahilan niya bakit pinasok niya ang pagiging assassin. Binalik niya ang kanyang dating routine, sa umaga ay busy ito sa kanyang business at kapag gabi naman ay pagiging assassin nito. ****** SA GARDEN – LOUISE’S BIRTHDAY Setyembre. Ang hangin ay malamig pero banayad—tila yakap ng kalikasan. Ang hardin ay tinakpan ng mga ilaw mula sa daan-daang fairy lights, kumikislap na parang mga bituin. May isang simpleng toldang puti na may mga sheer curtains na bahagyang sumasayaw sa hangin. Ang bawat mesa ay may pulang bulaklak—paborito ni Louise, Isang eleganteng off-white silk dress ang suot niya. Ang buhok niya’y naka-hal
SA SALA NG MANSION – KINA LOUISE Mag-isang nakaupo si Lucien sa malaking sofa. Halata ang pagod sa kanyang mukha. Malungkot siyang ngumiti, tanggap na uuwi na naman siyang bigo ngayong gabi. Tatayo na sana siya nang marinig niya ang isang mahinang tikhim mula sa likuran. Napalingon siya agad. Nanlaki ang mata niya. Nakatayo si Louise, seryoso ang mukha, nakataas ang kilay at naka-halukipkip. Tahimik lang itong nakatingin sa kanya. “L-Louise…” nauutal niyang tawag. Tumikhim ulit si Louise. “Lucien, ito na ang huling punta mo rito. Itigil mo na ‘to. Naiintindihan mo?”Natigilan si Lucien. Nanlamig ang palad. “W-What do you mean? May nagawa ba ako? Handa naman akong maghintay—” Umiling si Louise. “What I mean is... tigilan mo na ang araw-araw mong pagpunta rito tapos galing ka pa sa trabaho mo. Hindi mo kailangang pagurin ng sobra ang sarili mo.” “H-Hindi ko kailangan...?” lutang na anas si Lucien. Ngumiti si Louise. “Hindi mo na kailangan gawin ‘yon kasi... pinap
Ilang sandali lang ang lumipas pumasok ang doktor at mga nurse, sinuri agad ang vital signs ng dalaga habang si Lucien ay nakatayo sa gilid, hindi pa rin mapakali sa tuwa. Saglit lamang ang eksaminasyon, at agad na tiniyak ng doktor na bagama’t mahina pa si Louise, positibo ang resulta. Hindi nagtagal, isa-isa nang dumating ang mga taong matagal na ring nagbantay at nagdasal para sa paggising niya. Si Night, tahimik na pumasok. Diretso ang tingin sa kama ni Louise pero halatang nangingilid ang luha sa mga mata niya. Masaya siyang gising na ang kasamahan. Si Sapphire, nakasuot pa ng jacket, napatakip ng bibig habang pinipigilan ang iyak. Si Blade at Gunner ay sumunod, parehong seryoso ngunit ramdam ang gaan ng loob. Tumango sila kay Lucien, at saka lumapit kay Louise, para kahit paano ay masilayan ang kanilang kasamang matagal nilang inalala at kamustahin ang pakiramdam nito. Huling dumating ang kuya ni Louise. Pagkapasok pa lang, ay agad niyang tinungo ang kama ng kapat
Nagmadaling umuwi si Lucien. Pagpasok sa loob ng bahay ay natigilan siya ng may taong naghihintay sa kanya. May nakaupo sa sala. “Crystal…” mahina at puno ng gulat na sambit ni Lucien. Nangilid ang luha sa mata ng babae, at agad itong tumayo nang makita siya. Buhat noong araw ng kanilang dapat sanang kasal, ngayon lang niya muling nakita si Crystal. Ang babaeng ilang buwan niyang pinaniwalaang mahal niya—dahil sa mga ala-alang binura ng aksidente. Tahimik ang paligid. Mabigat ang hangin. Nagsalita si Crystal, nanginginig ang tinig. “C-Can we talk, Lu?” Sandaling pumikit si Lucien. Bumuntong-hininga. Saka dahan-dahang tumango tapos lumakad palapit at umupo sa tapat ng dalaga. “What happened?" nanginginig na tanong ni Crystal. “Why did you leave me on our wedding day? What happens now? Don’t you know how humiliated I was that day? It hurt so much, Lucien…” Dama ni Lucien ang bigat sa tinig nito. Ngunit kailangan niyang harapin ang lahat ng ito—dahil ayaw na niyang ita
MEANWHILEOPERATION ROOM (Third point of view) Mabilis ang galaw ng mga doktor at nurse sa loob ng emergency operating room. Tumutunog ang mga monitor—isang paalala na bawat segundo ay nasa kritikal. “BP 70 over 40. Pulse is weak!” sigaw ng nurse habang nakatingin sa monitor. “Transfuse two more units of O-negative—now!” utos ng lead surgeon habang patuloy sa pag-opera. Naka-bukas ang tiyan ni Red, habang ang mga kamay ng mga doktor ay patuloy na nilalabanan ang kamatayan ng dalaga. “May liver laceration, grade four! Suture, suture! Clamp that bleeder!” Habang pinipilit isalba ang kanyang atay at bahagi ng bituka, napuno ng tensyon ang silid. Pawis na pawis ang buong team, halatang ilang beses nang humarap sa ganitong sitwasyon—pero iba ito. Ramdam ang bigat. “Patient’s going into shock! Start dopamine drip—now!” Makalipas ang ilang oras.. “Vitals stabilizing... we’re past the critical stage,” bulong ng isa sa mga doktor. Halos sabay sabay nakahinga ng malu
SA HOSPITAL – OPERATION ROOMMabilis ang galaw ng mga doktor. Maraming dugo ang na-transfuse kay Red. Pinipilit isalba ang atay at bahagi ng bituka na napinsala sa tama ng bala at saksak. Outside the operating room naroon sina Sapphire, Night, Blade, at Gunner—puno ng pag-aalala. “Hindi siya pwedeng mamatay… hindi ganito dapat matapos.” Mahinang sabi ni Blade habang nagpapabalik balik sa paglakad. “Pinatay niya si Salvador. Tinapos niya si Ishida. Pero kapalit halos ng sarili niyang buhay.” Mahinang sabi din ni Gunner habang nakatingin sa pinto ng operating room. Si Sapphire naman ay kasalukuyang tinatawagan si Thunder para ibalita ang nangyari at papuntahin sa hospital, ********* Church Courtyard | Wedding of Crystal and Lucien Ang haring araw ay unti-unting lumulubog, at ang liwanag nito ay bumabalot sa eleganteng hardin kung saan ginaganap ang kasal nina Crystal at Lucien. Nakaayos ang lahat—mga bulaklak, musika, at mga abay na isa-isang naglalakad sa gitna ng aisle. Ma