Compartir

#51

last update Fecha de publicación: 2026-11-01 11:32:45

Nakakabagot naman maghintay sa taong matagal. Magkaharap kami ng babaeng masungit na ito. Wala akong choice kundi hintayin ang asawa niya. Nawawala rin ang dalawang kasama ko. Malay ko ba kung na saan na sila ngayon. Ang alam ko lang sa sarili ko gusto ko 'yong dress at bibilhin ko 'yon pagdating ni Jino. Kaya walang rason para atrasan ko ang babaeng masungit na ito.

"Ang kapal ng mukha mo no? Gusto mo talaga hintayin ang asawa ko? Kung ako sa 'yo Miss tumakbo ka na lang kung gusto mo pang ma
Continúa leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la App
Capítulo bloqueado

Último capítulo

  • Mainit Na Pagmamahal (SSPG)   #65

    Tulad ng inaasahan ko hindi basta-basta si Andres. Tinanggal niya ang suot niyang coat at maayos itong inilagay sa akin. "Dapat maging maayos sa 'yo ang mga sinusuot mo. Kahit ano naman bumabagay sa katawan mo, Kiarra," wika nito na may ngiti sa labi. Tanging pagtango na lamang ng ulo ang naging sagot ko. 'Argh! Ayos lang, kahit hindi mahulog sa akin si Andres, nasa akin pa rin naman ang katapatan niya. NOIME POINT OF VIEW "Oo nga pala bakit wala dito ang kambal?" pagsira ko sa katahimikan sa gitna ng pagkain. Nakuha ko naman ang atensyon nila. "Minsan ko na lang sila nakikita. Tapos si Andres injury pa ang paa, ano ba ang nangyari sa kaniya?" mahinang boses kong tanong. Inilapag ni Jino ang kutsarang hawak niya sa plato niya matapos ay nakangiti siyang humarap sa akin. "Si Andres at Andrew ay may sari-sarili din gustong gawin sa buhay. Si Andrew palagi siyang nasa nasa loob ng kwarto niya gumagawa ng mga kanta kaya hindi mo talaga makikita lagi. Si Andres naman palagi siyang

  • Mainit Na Pagmamahal (SSPG)   #64

    "I will mom, pero hindi ko alam kung magtatagal pa ba ako dito lalo na ayaw po nilang lahat sa akin. Mom, minsan iniisip ko I want na sumunod na kay Dad at Mom nang sa gano'ng paraan maramdaman ko man lang ulit na may gusto akong kasama." Pinunasan ko ang luha ko. Mas lalong nag-aalala sa akin si Mom. "Kiarra, nangako ako sa puntod ng Mommy at Dad mo na hindi kita pababayaan. Magiging maayos rin ang lahat. Magugustuhan ka ulit ng mga anak ko." Kahit anong pilit niyang idiin ito sa akin alam ko na mahihirapan pa rin ako hangga't hindi pa mawala si Noime. After how many minutes tumunog ang cellphone ni Mom. Walang alinlangan niya itong sinagot sa harapan ko kaya narinig ko ang lahat. Tungkol lang naman ito sa business. Ilang saglit ang kanilang pag-uusap ay natapos rin. "Iha, aalis na muna ako. May aasikasuhin pa kong papers para sa pag-alis ko. Ang gusto ko, manatili ka lang dito sa bahay dahil ayaw kong tuluyan na masira ni Noime ang buhay ng mga anak ko. Sa pagbalik ko sisigurad

  • Mainit Na Pagmamahal (SSPG)   #63

    Gigil na gigil na kumuyom ang kamao ni Madam. "Let's go Kiarra, gamutin na muna natin ang sugat mo kaysa sa ubusin ang oras natin sa mga sutil." Pasalamat ako na umalis na sila gayunpaman hindi ko maiwasan ang mag-aalala. "Are you okay Noime? Sinaktan ka ba ni Kiarra?" labis na pag-aalala ni Dencio. "Hindi naman pero nagkasagutan kaming dalawa. Kasalanan ko rin naman kung bakit siya nagkaganon. Ang mali lang naman ay kung bakit kailangan pa niyang baliktarin ang lahat para sisihin ako." Medyo nawalan ako ng gana. Ano ba naman itong umaga ko, hindi ba 'to magbabago? Ang sakit-sakit sa ulo dahil ang daming gulo. "Oo nga pala Kurt, tapos na ang niluto ko para sa 'yo. Tyaka marami naman 'yon kaya pwedeng kumain ang nga kapatid mo," sabay pilit kong pagngiti. Ngumiti si Kurt pero nabasa ko pa rin ang pag-aalala niya. Mabuti na lang may mga taong handa akong ipaglaban. "Naiisip mo pa talaga 'yan kaysa sa sarili mo? Noime, huwag ka masyadong mag-aalala sa akin." Pinindot niya ang ilon

  • Mainit Na Pagmamahal (SSPG)   #62

    Kitang-kita ko ang pang iinsultong ngiti ni Kiarra. Ngayon mas lalo ko pa siyang nakilala. Hindi nga siya dapat pagkatiwalaan. "That's enough, hindi natin alam kung ano ang totoong nangyari. Kaya hindi tayo pwedeng humusga na lang basta-basta." Pasalamat ako dahil lumapit si Kurt at pinagtanggol ako. Tumayo siya sa tabi ko dahilan na mas lalo pang gumuhit ang inis sa mukha ni Kiarra. "What are you talking about Kurt? Hindi mo siya dapat ipagtanggol dahil nakikita mo naman kung ano ang nangyari sa akin. Hindi pa ba ito sapat para maging ibedensya?" iyak muli ni Kiarra. Niyakap siya ni Madam at mahinahon na hinimas ang likod. "Kurt, anak, nakikita mo na kung gaano kasama ang babaeng 'yan. Nilubos lubos niya si Kiarra dahil sa injury ni Kiarra. Malamang tuwang-tuwa 'yan dahil pinagtatanggol mo siya! Hindi kita pinalaki dito para lang mapunta ka sa walang kwentang babae! Ngayon pa lang palayasin mo na si Noime! Ginugulo niya ang tahimik nating pamilya!" malakas na sigaw ni Madam.

  • Mainit Na Pagmamahal (SSPG)   #61

    Hindi nakasagot si Kiarra pero tingin ko ay may alam siya dahilan na dali-dali akong lumapit sa kaniya pero napaatras lang siya sa akin ng kunti. "Sabihin mo nga sa akin Kiarra, may alam ka ba tungkol sa pamilya ko? Alam kong galit na galit ka sa akin. Alam ko rin na mayaman ka, ngayon ikaw ba ang dahilan kung bakit napalayas ang pamilya ko sa bahay na nirerentahan namin?" Kunot na kunot ang noo ko ngunit ang mas nangingibabaw sa akin ang labis kong pag-aalala. "Anong sinasabi mo diyan Noime? Hindi kita kilala kaya malamang hindi ko rin kilala ah pamilya mo. Naisip ko lang naman sabihin 'yon kanina dahil mukhang tama naman ako. Kasi tingnan mo nga ang sarili mo. Kung wala ka ngayon nalaman nandoon ka sa pamilya mo 'di ba? Kaya huwag mo nga akong pagbintangan na parang isa akong kriminal." Napasinghap ako, ano ba naman itong inisiip ko. "Noime, huwag mo na ulit uulitin ang pagbintang sa akin kung ayaw mong gamitin ko 'yan laban sa 'yo. Ako pa naman ang taong hindi pumapayag na b

  • Mainit Na Pagmamahal (SSPG)   #60

    "How dare you talk to me like that?! Damn it! Kasalanan ito ni Kuya, kung sino-sinong walang galang ang pinapasok aniya dito! Kung sa bagay wala rin naman kwenta si Kuya. Mas kinatatakutan lang naman siya dahil siya ang mas angat sa amin. Pero para sa akin ang nagpapasok sa 'yo dito ay walang iba kundi isang talunan!" mariin niyang sigaw sa akin. Umatras siya ng ilang beses. Damang-dama ko ang galit sa tono ng pananalita niya. Yes, ramdam ko na galit na galit siya sa kuya Kurt niya. Pero bakit? Hindi ko maintindihan dahil sina Dencio, Jino at Ruiz ay maayos naman ang pakikitungo kay Kurt. Kaya saan ng lalaking ito nakukuha ang galit niya? "Hindi ko alam ang past niyong magkapatid. Pero huwag mo naman pagsabihan ng ganyan ang kuya mo. Oo masungit nga si Kurt, pinsan nakakairita siya, nakakainis siya para sa akin. Pero kahit na gano'n hindi pa rin magbabago, kuya mo pa rin siya at magkadugo pa rin kayong dalawa. Matuto ka rin na respetuhin si Kurt. Kung ano man ang galit mo sa kaniya

Más capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status