Share

Kabanata 29

Penulis: aeonia
last update Terakhir Diperbarui: 2025-05-21 20:10:41

“Anong nararamdaman mo, 'nak? May masakit pa ba? Tell mommy, okay?”

Ngumuso ang anak ko at umiling sa akin. “Magaling na po ako. 'Di ba po, ate Zara?”

Bahagya kaming natawa ni Zara dahil sa paghahanap ng kakampi ni Aeon. Tatlong araw na simula noong pabalik-balik ang lagnat niya at ngayong umaga lang ako nakahinga nang maluwag dahil hindi na siya mainit ngayon. Medyo inuubo pa siya ngunit pilit akong kinukumbinsi ng bata na magaling na siya.

Tatlong gabi akong natulog sa tabi niya dahil hindi ko siya magawang iwan.

“Mommy, puwede na po ba akong maglaro sa labas paggising ko mamaya?”

Bumuntong-hininga ako. “Dito lang sa loob ng bahay, 'nak. Masiyadong mainit sa labas, hindi pa puwede.”

Nang malaman na nilalagnat ang bata ay agad nagpapunta si Arden ng doktor dito sa bahay. Nakahinga kami nang maluwag nang malaman na wala namang kinalaman ang lagnat ni Aeon sa naging operasyon niya sa ulo at nabigla lang daw ang katawan ng bata dahil sa temperatura.

Nahilig kasi ang anak ko sa paglalar
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Make Me Your Wife    Kabanata 32

    The word 'beautiful' isn't enough to describe her, and I am not really in the mood to describe today. Hindi na rin kinailangang magpakilala ng babae para malaman ko kung sino siya.She must be Denise. Umalis din agad ang babae nang malaman na wala si Arden. Mukhang hindi siya na-inform ng lalaki, ah? Sayang naman ang pagpunta niya rito.Ang hirap pala ng walang maistorbo. Hindi ko magawang tawagan si Rion dahil malamang ay busy pa 'yon sa ganitong oras, gano'n din si Karl na siguradong abala na rin sa pagtitinda sa palengke ngayon.Ang anak ko naman ay focused sa panonood ng favorite cartoons niya sa TV. Sina Nanay Lina at Tatay Rico naman ay baka mamayang hapon pa pupunta rito. Napatingin ako kay Zara na nakaupo sa harap namin ng anak ko. Abala rin siya sa pinapanood ni Aeon.“Ilang buwan ang kontrata mo rito, Zara?”“Two months po, ma'am.”Tumango-tango ako. “Anong balak mo pagkatapos mo rito?”“Babalik po ako sa ospital.”“Siguradong nakakapagod ang trabaho mo sa ospital. Nakakap

  • Make Me Your Wife    Kabanata 31

    Kung ano man ang nalaman ko noong araw na 'yon ay wala na ako ro'n. It was Arden's life before our deal. It shouldn't concern me anymore.Mabilis dumaan ang mga araw. Gano'n siguro talaga kapag kabisado mo na ang dapat mong gawin araw-araw. Limang linggo na simula nang maaksidente ang anak ko at naghilom na rin sa wakas ang sugat niya. Siyempre, may peklat na naiwan ang sugat niya mula sa operasyon ngunit dahil unti-unti na ring tumutubo ang buhok ni Aeon ay matatakpan din 'yon. Nakabalik na rin si Rion sa Pilipinas at katatapos niya lang din akong inisin kaninang umaga. Kababalik niya lang dito sa bansa pero inaaya niya na agad akong samahan siya na magwaldas!Mukhang pinarating niya rin kay Arden ang pangungulit niya sa akin. Tinitigan ko lang ang black card na inaabot sa akin ni Arden nang malaman niya na inaaya akong mag-shopping ni Rion. Nakakainis nga dahil parang hindi naman niya ako kilala!Kailan pa ako nahilig na magwaldas?!“Wala talaga akong balak lumabas, Arden. Hindi k

  • Make Me Your Wife    Kabanata 30

    “Honeymoon month niyo tapos pinapapunta mo ako riyan?!”Nailayo ko ang cellphone ko mula sa tenga ko nang marinig ang pasigaw na bungad sa akin ni Rion nang sagutin ko ang tawag niya. Katatapos ko lang makipag-usap kay Karl nang matanggap ang tawag ni Rion na mukhang nabasa na ang mensahe ko.Honeymoon week lang noong nakaraan ah? Bakit naging honeymoon month bigla?“Don't tell me you're bored? Go try all the positions!”Napamura na lang ako sa isip ko habang hininaan ang volume ng tawag.“Rion naman!” Narinig ko ang malakas na pagtawa ng lalaki sa kabilang linya. “Wala pa ako sa Pilipinas. Balak ko namang bisitahin ka riyan pero siyempre, hindi pa ngayon! Just go and enjoy Arden—”“K-Katatapos lang namin and I'm currently resting! Huwag mo akong asarin!”Sandaling natahimik ang kabilang linya kaya naman rinig na rinig ko ang lakas ng pagtibok ng puso ko.Did I just say that?! Muli akong napamura sa isip ko.“Buti ka pa, fresh from dilig! Iniinggit mo ba ako?!”Napahilot na lang ako

  • Make Me Your Wife    Kabanata 29

    “Anong nararamdaman mo, 'nak? May masakit pa ba? Tell mommy, okay?”Ngumuso ang anak ko at umiling sa akin. “Magaling na po ako. 'Di ba po, ate Zara?”Bahagya kaming natawa ni Zara dahil sa paghahanap ng kakampi ni Aeon. Tatlong araw na simula noong pabalik-balik ang lagnat niya at ngayong umaga lang ako nakahinga nang maluwag dahil hindi na siya mainit ngayon. Medyo inuubo pa siya ngunit pilit akong kinukumbinsi ng bata na magaling na siya.Tatlong gabi akong natulog sa tabi niya dahil hindi ko siya magawang iwan. “Mommy, puwede na po ba akong maglaro sa labas paggising ko mamaya?”Bumuntong-hininga ako. “Dito lang sa loob ng bahay, 'nak. Masiyadong mainit sa labas, hindi pa puwede.”Nang malaman na nilalagnat ang bata ay agad nagpapunta si Arden ng doktor dito sa bahay. Nakahinga kami nang maluwag nang malaman na wala namang kinalaman ang lagnat ni Aeon sa naging operasyon niya sa ulo at nabigla lang daw ang katawan ng bata dahil sa temperatura.Nahilig kasi ang anak ko sa paglalar

  • Make Me Your Wife    Kabanata 28

    Arden introduced Aeon to his friends, but only to the closest ones. Nabanggit din sa akin ng lalaki na sinigurado niyang hindi makakarating kay Bryant at Elyse ang tungkol kay Aeon. Tatay Rico, Nanay Lina, Rion, Eron, Laviana, Luan, Ellana, and Ruhan are his trusted ones and he assured me of that. Hindi naman ako nagdududa. Nakilala ko na ang lahat sa kanila at masasabi kong mapagkakatiwalaan sila. Isa pa, may tiwala ako kay Arden.Wala siyang balak na itago si Aeon, ngunit hindi niya gustong madamay ang bata sa gulong meron kami kaya nararapat lang na hindi muna malaman ni Bryant ang tungkol sa kaniya. Not until the mess is over—not until he gets the company.I thought Arden slept beside me in our room, ngunit nang magising ako kinabukasan ay walang bakas ng lalaki sa tabi ko. His part of the bed was clean and cold. Ang naaalala ko lang ay nakatulog ako habang naliligo siya kagabi. Diretso ang naging tulog ko at medyo napahaba dahil tanghali na ako nagising.It was almost eight in t

  • Make Me Your Wife    Kabanata 27

    Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. “Nabasa ka pa.”Hindi ko pinansin ang panenermon niya. Tinaas ko ang damit niyang hawak ko na ngayon habang diretso ang tingin sa kaniyang mukha.“P-Para saan 'to?”“Wipe your body. Basang-basa ka.” Tinutukoy ng lalaki ang mga hita ko pababa sa paa ko at pati na rin ang mga braso ko. Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga bago umiling. “Isuot mo ulit 'to, Arden. Ang lamig-lamig.”Paano niyang nagawang maghubad? Ramdam na ramdam ko na nga ang lamig ng hangin na dumadampi sa balat ko na dala ng malakas na ulan.Muling umupo si Arden na tila walang narinig. Kumportableng sumandal ang lalaki sa likod ng upuan at pinaghiwalay ang dalawang hita habang inaabot ang bote ng alak mula sa lamesa. Uminom siya mula ro'n habang nakatingin sa akin.“Magpupunas ka o ako ang magpupunas sa 'yo?” he asked using his rough voice. Bumagsak ang parehong balikat ko nang mas lalo pang lumakas ang ulan. “Hintayin mong kumalma ang ulan bago ka bumalik. Baka magka

  • Make Me Your Wife    Kabanata 26

    Hindi na nagsalita pa si Arden nang sabihin ko ang mga salitang 'yon. He remained silent while I cried and I appreciate that he didn't leave me alone until I stopped crying.Masiyado akong nadala sa emosyon ko. 'Yon ang unang beses na umiyak akong muli dahil kay Bryant simula noong pinanganak ko si Aeon. Akala ko kaya ko nang hindi masaktan nang dahil sa kaniya, pero iba pa rin pala kapag nakita ko na siya kasama ang babaeng tunay niyang minamahal.Hindi ko na siya mahal ngunit sa tuwing naiisip ko ang nangyari sa amin ay nasasaktan pa rin ako.Kung may hinihintay lang pala siya, edi sana hindi na lang niya ako pinakasalan, 'di ba? It was so cruel of him to marry me while waiting for someone whom he truly loves. Tapos noong may nangyari sa kanila hiniwalayan niya ako kasi gusto niyang panagutan?Hindi manlang ba talaga niya ako naisip? Yung nangyari sa amin, hindi niya ba naisip na panagutan 'yon? Ako ang asawa niya pero iba ang pinanagutan niya. Ako ang binitawan niya.It was devas

  • Make Me Your Wife    Kabanata 25

    Sila ang pinakahuling tao na gusto kong makita simula noong huling pagtapak ko sa mansyon ng mga Gromeo. Labis kong pinagsisisihan na bumaba pa ako para tignan kung sino ang mga naghahanap sa akin. Ramdam ko ang panginginig ng mga binti at kamay ko habang naglalakad patungo sa tabi ni Arden.“We just came here to greet you congratulations. You are still my brother, after all.”Pagkatapos ng halos anim na taon, nagtama muli ang mga mata namin ng lalaking minsan kong minahal. Si Arden ang kausap niya ngunit sa akin siya nakatingin. I thought I still knew him, ngunit tila estranghero na sa akin ang mga matang nakatingin sa akin ngayon. Just by looking at his eyes, I could tell that he changed a lot. Or this is just the side of him that I never got to see when we were still together? Pakiramdam ko ay buong katawan ko ang nanghihina. Naramdaman ko ang paghawak ni Arden sa bewang ko at nakatulong 'yon upang suportahan ang pagtayo ko. “Is that all? You may now leave.”“Is that how you tre

  • Make Me Your Wife    Kabanata 24

    Gaya ng inaasahan ko ay mas nauna akong nagising kaysa kay Arden kinabukasan. Ang payapang mukha ng lalaki habang natutulog ang unang bumungad sa akin pagdilat ko ng mga mata ko. Hindi manlang naghihilik o ano, basta't nakapikit lang siya at natutulog. Gano'n pa rin ang posisyon ng higa ko nang magising ako. Ang kaibahan lang ay may kahati na ako sa unan na yakap ko. Mukhang nahiya pa si Arden na agawin 'yon sa akin.Dahan-dahan ang naging kilos ko upang umalis sa kama. Nag-ayos muna ako ng sarili bago iniwan si Arden sa kuwarto. Dumiretso agad ako sa kuwarto ni Aeon kung saan ko naabutan si Zara na hinahanda ang mga gamot ng anak ko na tulog pa. “Good morning, ma'am.”Ngumiti ako. ”Pakibaba na lang si Aeon pagkagising niya, ha? Magluluto ako ng breakfast natin.”It was almost seven in the morning when I woke up. Alam kong maya-maya ay magigising na rin ang anak ko kaya dumiretso na ako sa kusina upang magluto. Medyo nanibago pa nga ako nang wala akong nakitang tao sa kusina. Nasanay

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status