MasukAkala ni Iyana Lopez ay hindi na siya muling tatapak pa sa mansyon ng mga Gromeo pagkatapos ang divorce na naganap sa kanila ni Bryant Gromeo. Ngunit isang araw ay natagpuan na lamang niya ang sarili na muling nakatayo sa harap ng mansyon dahil sa aksidenteng naganap sa anak. Baon si Iyana sa utang. Kailangang operahan ang anak niya at kailangan niya ng pera upang mailigtas ang buhay ng anak. Tanging si Bryant na lang, ang ama ng anak niya, ang naisip niyang makatutulong sa kaniya. Ngunit pagkatapos magmakaawa at lumuhod ni Iyana, sa huli ay natagpuan niya ang sarili niyang lumuluha sa labas ng mansyon ng mga Gromeo. Doon siya natagpuan ni Arden Gromeo, ang kapatid ni Bryant. Desperado si Iyana na siyang dahilan ng nangyaring pagtanggap niya sa kasunduan na matagal nang inalok sa kaniya ng lalaki. Papakasalan ni Iyana si Arden kapalit ng pagligtas nito sa anak niya. Ang akala ni Iyana ay natapos na ang problema niya. Ngunit, paano kung 'yon lang pala ang simula?
Lihat lebih banyakIsang malalim na hininga ang pinakawalan ko habang nakatitig sa itim at eleganteng gate na nasa harapan ko. Ultimo gate na nagpoprotekta sa puti at modernong mansyon ay walang kahit na anong gasgas na mapupuna. Bungad pa lang ng pamamahay ng pamilya Gromeo ay nagsusumigaw na sa karangyaan.
I was once here. Sa isang punto ng buhay ko ay tumira ako rito. Ilang taon na ang nakalipas ngunit narito ulit ako. Suot ang luma at kupas na pantalon at puting t-shirt habang bitbit ang envelope na naglalaman ng medical records, kagat-labi kong pinindot ang doorbell na nasa harapan ko. Mariin akong napapikit nang ilang minuto ang nakalipas ay hindi pa rin bumubukas ang gate. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko sa muling pagtaas ng daliri ko upang muling pindutin ang doorbell. Wala nang oras. Hindi ako maaaring magtagal. Pinakawalan ko na ang hiyang nararamdaman ko at paulit-ulit na pinindot ang doorbell. Kailangan ko siyang makausap. Kailangan kong makausap ang kahit sino sa kanila. Kailangan ko ang tulong nila para iligtas ang anak ko. Kailangan ko ang pera nila. "M-Ma'am Iyana? Kayo po ba 'yan?” Tila hindi makapaniwala ang lalaki na nasa harap niya ako ngayon. “Naku, pasensya na po at galing po ako sa likod ng mansyon. Kalalabas ko lang po kaya ngayon ko lang po kayo napagbuksan.” Binuksan ni Kuya Fidel ang maliit na pinto na bahagi ng gate. Isa siya sa mga guard dito sa mansyon ng mga Gromeo. Maluha-luha akong tumingin sa kaniya. “P-Puwede po ba akong pumasok? N-Nandiyan po ba si Bryant?” Agad binuksan ni Kuya Fidel ang gate. “Papapasukin kita, Ma'am Iyana, dahil dati ka rin namang nakatira rito. Pero ma'am . . .” Kung kailan nakapasok na ako sa loob ay saka naman nanghina ang mga tuhod ko sa kaba at pag-aalala. “K-Kuya, kailangan ko siyang makausap. I-Importante lang po. Puwede mo ba akong dalhin sa kaniya?” Bakas ang pagkabahala sa mukha ni Kuya Fidel. “Hindi po ako sigurado kung nandito pa si Sir Bryant ngayon sa mansyon, Ma'am Iyana. P-Pero, puwede po kitang dalhin kay Ma'am E-Elyse.” Si Elyse, ang kasalukuyang asawa ni Bryant. Napalunok ako. Matutulungan naman siguro niya ako? Naging mabait naman sa akin ang babae sa huli naming pagkikita. Wala naman kaming naging problema noon. Desperado akong tumango kay Kuya Fidel. “D-Dalhin mo ako sa kaniya, kuya.” Labis ang panginginig ng mga kamay at binti ko habang papalapit kami sa matayog na pinto ng mansyon. Walang pinagbago. Gano'n pa rin kaganda ang lugar na 'to. Kung dati ay masaya ako rito, ngayon ay puro lungkot at masasakit na alaala na lamang ang nakikita ko sa lugar na 'to. Pagpasok ko sa mansyon ay bumungad agad sa akin ang isang eleganteng babae na kasalukuyang nakaupo sa sofa habang umiinom ng tsaa sa isang babasaging baso. Agad na tumaas ang isang kilay niya nang makita ako. “E-Elyse . . .” She stood up. Nakataas ang gilid ng kaniyang mga labi habang naglalakad papalapit sa akin. “Iyana, long time no see.” Tinignan ako ng babae mula ulo hanggang paa. Judgement was visible in her eyes but I had no time to deal with that anymore. “E-Elyse, nandiyan ba si Bryant? Puwede ko ba siyang makausap? K-Kahit saglit lang.” Bumuntong-hininga ang babae. “I'm afraid not. My husband is busy. Maybe you can come back next time?” Napalunok ako at umiling. “E-Elyse, pakiusap. Importante ang sasabihin ko. P-Puwede mo ba siyang tawagan?” Kumunot ang noo ng babae sa akin. “Why would I disturb my husband in the middle of a meeting for you?” Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga. “N-Naaksidente ang anak namin— ang anak ni Bryant. E-Elyse, pakiusap. Kailangan ko ng tulong. Kailangan ko ang tulong ng tatay ng anak ko.” Her lips parted in shock. Hindi makapaniwala ang mga mata niya habang nakatingin sa akin hanggang sa bigla na lang siyang tumawa. Hindi pa siya tapos tumawa nang pagtaasan niya ako ng isang kilay. “Nahihibang ka na ba? Paano kayo nagkaroon ng anak ng asawa ko?” Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kaniya. Walang nakakaalam na buntis ako bago ako umalis dito sa mansyon ng mga Gromeo noon. “P-Pakiusap, Elyse. Tulungan mo ako. K-Kahit ito na lang. Pakiusap, hayaan mo akong makausap si Bryant.” Mariing umiling ang babae bago iritadong lumingon sa likod ko. “Guard, please, get her out of here. Naghahanap lang ng gulo ang babaeng 'yan.” “Elyse, nagmamakaawa ako sa 'yo. K-Kailangan ko lang talagang makausap si Bryant.” “Are you even sure that my husband is the father of your child? Bryant made it clear to me bago kami ikasal. Sinigurado niya sa akin na wala siyang anak sa 'yo.” Nandidiri ang tingin sa akin ni Elyse nang tuluyan na akong lumuhod sa harap niya habang humahagulgol. Tinanguan niya si Kuya Fidel na marahang hinawakan ang mga braso ko upang itayo ako mula sa pagkakaluhod. “P-Pakiusap, Elyse! Kailangan ng anak ko ang tulong ng ama niya!” “Bryant and I are happy with our marriage. Tapos na siya sa 'yo, Iyana. Walang anak sa 'yo ang asawa ko.” Umiling ako. “H-Hindi! H-Hindi niya alam! Hindi alam ni Bryant!” “Huwag mo na kami guluhin, Iyana.” “E-Elyse, pakiusap! Hindi ko kayang mawala sa akin ang anak ko!” “Guard, please. I don't want to be stressed.” Muli akong nagmakaawa. Sinubukan ko na muling lumuhod sa harapan niya ngunit ang tanging ginawa ni Elyse ay talikuran ako. Tuluyan na akong nawala sa sarili ko. Namanhid ang buong sistema ko. Sunod-sunod ang pagtulo ng mga luha ko hanggang sa natagpuan ko na lamang ang sarili ko na naglalakad patungo sa gate ng mansyon. Bakas ang awa sa mga mata ni Kuya Fidel bago niya ako tuluyang pagsarahan ng gate. “P-Pasensya na po, Ma'am Iyana.” Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatayo sa harapan ng mansyon ng mga Gromeo. Ginawa ko na ang huling bagay na naiisip kong gawin upang matulungan ang anak ko. Hindi ko na alam kung saan pa ako maaaring pumunta upang humingi ng tulong. Itinaya ko ang maliit na perang natitira sa akin upang lumuwas para rito. Paano na ngayon? Hindi ako puwedeng magtagal dahil kailangan na ako ng anak ko. Kailangan niyang operahan sa utak dahil sa aksidenteng nangyari sa kaniya. Ngunit bago 'yon, kailangan ng pera. Kasalanan ko ang lahat ng 'to. Naging pabayang ina ako. Mas inuuna ko ang trabaho kaysa sa anak ko. Pero, anong magagawa ko? Kung hindi ako kakayod, hindi ko rin siya mabubuhay. Bakit ba lahat na lang yata ng kamalasan sa buhay ay nasalo ko? Napasinghap ako nang may marinig na malakas na busina mula sa likod ko. Walang lakas akong lumingon doon at nakita ang lalaking hindi nalalayo ang hitsura kay Bryant. “Iyana . . .” He eyed me from head to toe. Hindi katulad ni Elyse ay walang pandidiri na mababakas sa mga mata niya. “Arden . . .” Hindi ko alam kung bakit nagsimulang lumakas ang hagulgol ko ngayong nasa harap ko na ang lalaki. He looked . . . worried for me. “What happened to you?” Bigla kong naalala ang mga salitang sinabi niya sa akin noon. Muli akong nakaramdam ng pag-asa. “I-Is your offer still available?” Sumeryoso ang mukha ng lalaki. Nanghihina akong lumuhod sa harap niya habang humahagulgol. “K-Kailangan ko ng tulong, Arden. Kailangan ko ng pera. Pakiusap, t-tulungan mo ako.” Umigting ang panga ng lalaki. Buong ingat niya akong itinayo mula sa pagkakaluhod bago tumingin nang diretso sa mga mata ko. “My offer is still available, Iyana. What do you want me to do?” Nakagat ko ang ibabang labi ko. “M-Make me your wife . . .” Handa akong gawin ang lahat, kahit pa ang magpagamit muli para mailigtas ang anak ko. “Make me your wife for you to get the company from Bryant. I-In exchange, save my son, Arden. P-Please, tulungan mo akong iligtas ang anak ko.”Arden looked like he wanted to say something, pero hindi na niya 'yon tinuloy pa. Instead, he smiled at me.“Thank you for telling me that. Goodnight, Iyana. Sleep well.”Pilit kong inalis ang lahat ng mga tumatakbo sa isip ko upang makatulog. Lumipas ang ilang sandali at dinalaw na ako ng antok, hanggang sa tuluyan na akong nilamon nito. Nagpatuloy ang pagiging abala ni Arden sa kaniyang trabaho, ngunit hindi na 'yon tulad ng dati. Tinanong ko siya isang beses kung ano ba ang ginagawa niya, ang sagot ng lalaki ay natambakan lang naman daw siya ng mga papeles na kailangan niyang i-review para sa kaniyang kumpanya. Ngunit kahit abala ay naglalaan pa rin talaga siya ng oras para sa amin ni Aeon.Hindi naman pumapalya ang lalaki sa pagluluto para sa amin. Hindi rin siya nawawalan ng oras upang makipaglaro sa bata, kadalasan ay tuwing hapon bago matulog si Aeon.Napapansin ko rin na napapadalas na rin ang pag-inom niya tuwing gabi, ngunit hi
“Arden? Anong nangyari sa labi mo?”It was quarter-to-twelve when he arrived. Maliwanag ang ilaw sa loob ng art room kaya kitang-kita ko ang sugat sa gilid ng ibabang labi ng lalaki na mukhang bunga ng pagsuntok. 'Yon agad ang una kong napansin nang makita ko siya.“Nothing, Iyana. How's your day?”Hindi ko sinagot ang tanong niya. Sa halip ay lumapit ako sa kaniya upang kilatisin ang sugat. Halatang fresh pa 'yon at hindi pa nagagamot.“Anong nangyari sa 'yo, Arden?”Hindi siya nag-abalang sumagot sa tanong ko.Napailing na lang ako. “Trabaho ba talaga ang pinunta mo ro'n o suntukan?”Hinila ko palabas ng kuwarto ang lalaki patungo sa aming kuwarto. Pinaupo ko siya sa kama at tinaasan ng isang kilay. “Hindi mo manlang ba ako sasagutin?”“I'm fine, Iyana. Don't mind it, it's just a small cut.”Muli akong napabuntonghininga at napairap sa binigay niyang sagot sa akin. Ni wala manlang tumama sa
Hindi ko malaman ang gagawin ko. Hindi ko alam kung lilingunin ko ba ang anak ko o hindi magandang ideya 'yon dahil baka pagtingin ko muli kay Elyse ay may nakaamba na sa akin ang palad niya para sa isang sampal.Dapat bang talikuran ko na lang sila? Ngunit sa naging trato sa akin ng babae ay hindi malabong hilain niya ang buhok ko pagtalikod ko upang sabunutan.Galit siya sa akin, hindi ba? Hinintay kong magsalita siyang muli. Ngunit ang kaniyang mga mata ay nanatiling nakatitig sa anak ko na tumatakbo mula sa malayo. Napahugot ako ng isang malalim na hininga. Akala ko ay payapa ang magiging araw ko ngayon, ngunit mukhang hindi na pala.“Hindi ko gusto ng gulo, Elyse.”Napunta sa akin ang mga mata ng babae. She heaved a deep sigh as she shook her head slowly. “We're not here to cause a scene. I just wanted... to confirm something.”Kung gano'n ay mukhang nakuha na niya ang sagot na gusto niya. Nakita na niya
Arden's already attached to my son, habang ang anak ko naman ay kinikilala siya bilang tunay niyang ama. And if I am going to be true to myself, maybe... I was really attracted to Arden, and that was all because of lust. It's all just because of a mere physical attraction and nothing more. We both benefit from each other, at lahat ng 'yon ay napagkasunduan.“Fuck.”“Arden...”Hinihingal kong binagsak ang katawan ko sa ibabaw niya matapos maramdaman ang mainit na katas ng lalaki sa loob ko. Kanina pa ako nilabasan. Napamura na lang ako sa isip ko nang mapagtanto na tatlong beses pa nga 'yon.This was the first time that we tried this position. “How was it? Do you like riding me?” Nahampas ko ang dibdib ni Arden dahil sa tanong niya na 'yon. “M-Masarap...”Naramdaman ko ang maingat na pagsuklay ng mga daliri niya sa buhok ko.“Wanna do it again?”“Pagod na ako, Arden!” natatawang sagot ko.












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Ulasan-ulasan