Chapter: Kabanata 61“Bakit hindi niyo sinama ang bata? I wanna see him. Siya ang una kong pamangkin!"“Mas makabubuti kasi kung iiwanan muna namin siya," sagot ko sa tanong ng babae. Unti-unti ay nasasabayan ko na rin ang kadaldalan niya. Sadyang nabigla lang talaga ako kanina kaya hindi ako makaimik, pero ngayon? I can already say that Sola is nice. Mauubos nga lang ang laway ko sa kakausap sa kaniya, pero ayos lang dahil may katabi naman akong baso ng tubig. Kasalukuyan kaming kumakain ng breakfast sa dining hall ng mansyon. May mahabang mesa na napapalibutan ng upuan pero kaming tatlo lang naman ang laman."We'll come back here next time with Aeon or you can visit us in La Sorin if you want to meet the kid sooner. He'll love to meet you, parehas kayong madaldal."Ngumisi si Sola. "Mabuti naman at hindi nagmana sa 'yo ang bata? Para kang pader kapag kinakausap kita."Hindi pa rin ako matigil sa kakalibot ng tingin sa loob ng mansyon, para kasi akong nasa ibang panahon. Parang mansyon ng mga kastila na
Last Updated: 2026-01-03
Chapter: Kabanata 60“Aalis tayo bukas nang maaga. As much as I want Aeon to come with us, it will be better for him to stay here."“Saan tayo pupunta?"Sandaling tumitig sa akin si Arden. Dumaan ang malakas na hangin, dahilan upang matangay ang ilang piraso ng buhok ko at matakpan ang mukha ko. Agad gumalaw ang kanang kamay ng lalaki upang hawiin 'yon at ilagay sa likod ng aking tenga. "Malalaman mo bukas."Arden spent the rest of the day working on his office. Ngayong araw din dumating ang tutor na kinuha ni Arden para sa bata. So far ay okay naman at mukhang kumportable naman ang bata sa kaniya. Mukhang natutuwa naman ang anak ko sa mga pakulo ng tutor niya habang tinuturuan siya. Tuwing hapon ang session nilang dalawa at magtatagal 'yon ng apat na oras tuwing weekdays. Iyon ang pagkakaabalahan ni Aeon sa mga susunod na buwan at wala naman siyang naging reklamo nang ipaliwanag namin sa kaniya 'yon ni Arden. Mukhang na-miss pa nga niya ang pagpasok sa school dahil nabanggit niyang nga na naalala niya
Last Updated: 2026-01-02
Chapter: Kabanata 59Umalis din agad si Rion kinagabihan nang matauhan sa naging away nila ng boyfriend niya. Wala naman siyang ibang ginawa kundi ang guluhin ako habang nagpipinta upang libangin ang sarili ko. Dahil nga rin sa kaniya ay nakatapos ako ng isang painting. He was the one who suggested that I should try repainting the famous Starry Night of Van Gogh, but in orange and red hues. Wala lang, para maiba lang. It was a breath of fresh air for me, hindi naman kasi talaga gan'to ang style ko. I used to like my paintings realistic. Gusto ko na kuhang-kuha ko ang hitsura at perpekto dapat ang mga linya tulad ng sa ginagaya ko. Pero, siguro nga ay binago na ako ng panahon. Nakalimutan ko na kung paano maging perfectionist sa bawat painting. Ngayon, mas nae-enjoy ko na ang pagiging malaya ng mga linyang ginagawa ko.It's like I just created one big messy beautiful thing. The lines were imperfect, and that made the painting somehow perfect.“It's beautiful.”Bahagya akong napasinghap nang marinig ang bo
Last Updated: 2026-01-01
Chapter: Kabanata 58“R-Rion... paano mo nalaman?” Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Mula sa payapang dagat na nasa harap ko ay napunta ang tingin ko kay Rion na seryosong nakaupo sa tabi ko. Napailing ang lalaki sa akin. “Ni isang beses ay hindi mo nabanggit na mahal mo si Arden, Iyana. If it's really true that love is the reason for your marriage, you wouldn't think that he's just using you to get the company from Bryant. Honestly, he can marry anyone to do that, you know?”Labis ang pagtataka ko habang nakikinig sa paliwanag ni Rion. Napailing na lang ako sa sarili ko habang iniisip kung nasabi ko ba sa kaniya kanina habang nagkukuwento ako ang tungkol sa pagpapanggap naming dalawa ni Arden. “Paano mo nalaman ang tungkol sa kasunduan?”Muling napabuntonghininga ang lalaki. “The time when you were talking to your brother inside the room, I was outside. The door was slightly open, hindi ko binuksan, ha? I heard your conversation with Karl and it wasn't intentional. Gusto lang sanang i-check kung nak
Last Updated: 2025-12-31
Chapter: Kabanata 57Binigay ni Arden sa akin ang gusto ko. Hindi na niya ako kinulit pa tungkol sa nangyari kagabi at hinayaan niya akong makalabas. Dali-dali akong pumunta sa kuwarto namin upang maligo. Hindi rin ako nagtagal sa ilalim ng tubig dahil sa nararamdaman kong sakit ng ulo ko, ngunit kahit papaano ay gumaan naman ang pakiramdam ko at nahimasmasan. Ang malamig na tubig na humaplos sa buong katawan ko ay nakatulog upang maayos ko ang mga bagay na tumatakbo sa isip ko. Paglabas ko ay naabutan ko si Arden sa kama na tila naghihintay sa akin. “I'm leaving later, I just need to talk with an investor personally.” Tumango ako. “Mag-iingat ka.”Tila nagsusumamo ang mga mata niyang nakatitig sa akin. Ramdam ko na may gusto siyang itanong, ngunit pinipigilan niya lang ang sarili.“Ayos lang ako, Arden. Kalimutan mo na lang ang nakita mo kagabi,” inunahan ko na siya.Tinaasan niya ako ng isang kilay. “How can I, Iyana? Dumating ka na umiiyak at kahit si Rion ay hindi alam kung ano ang nangyari sa 'yo.
Last Updated: 2025-12-30
Chapter: Kabanata 56Naghiwalay ang mga labi ko sa gulat. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko mula kay Bryant. Hindi ko inaasahan ang mga salitang 'yon mula sa kaniya.“A-Ano?”“It's not my story to tell, pero kailangan mo malaman para maliwanagan ka, Iyana. Arden is a mistake. May dahilan kung bakit hindi maayos ang relasyon niya sa mga Gromeo. Gusto niyang makuha ang lahat kahit na wala naman siyang karapatan.”“N-Nagsisinungaling ka, Bryant. B-Bakit mo sinasabi ang mga 'yan sa akin?”Huminga siya nang malalim. “Because you need to know all the reasons why I'm the rightful heir to the company, na dapat ay alam mo na dahil pinakasalan ka na ni Arden. I never used you, Iyana. Kung iisipin mo nang mabuti, si Arden ang totoong gumagamit sa 'yo ngayon.”Napalunok ako. “You can ask him if you want to know more, and he should not lie to you. Wala siyang karapatan sa kumpanya, Iyana.” Nanghihina akong napaiwas ng tingin mula sa lalaki. Dahil sa mga nalaman ko ay unti-unting nagulo ang isip ko. “Pero hindi '
Last Updated: 2025-12-29
Chapter: EpilogueAno ang nagtutulak sa 'yo upang patuloy na mabuhay?Five years ago, I used to call myself a slave of money. Hindi ko itatanggi. Pinasok ko ang trabahong dahilan upang mamulat ako sa madilim na reyalidad ng mundo sa kadahilanang kailangan ko ng pera.I needed money for my mother's medication and to sustain my daily needs to be able to continue living because I had no father to do so for us.“Sister! Zalaria, congratulations on your wedding! I'm sorry I wasn't able to come.” “No worries, Astean. Ang importante, nagpakita ka na sa akin.” At first, I was scared to enter the world of Derrivy. Entering the job means digging your own grave. Makakaya ko ba? It was scary. I could die anytime during a mission. Isang pagkakamali lang at lilisanin ko ang mundong 'to nang walang paalam sa kahit sino. It was like selling my life and soul for a huge amount of money. However, I saw it as my only hope. Hindi sapat ang kinikita ko noon bilang isang trainer at lumala na ang sakit ng nanay ko. So I
Last Updated: 2024-07-06
Chapter: Chapter 80: No Regrets“Nasa baba na si Asteon, anak.” It was my mother who informed me. Pinapatulog ko sina Ruin at Aero nang pumasok siya sa kuwarto ko upang ibalita ang pagdating ng kapatid ko. Tulog na si Hera ngunit ang dalawa ay dilat na dilat pa ang mga mata. “Nakausap ko ang kapatid mo. Grabe, parang kailan lang. Ang bilis niyong tumanda.” My mother gave me a gentle smile. “Ako na ang bahala sa dalawa. Bumaba ka na ro'n, anak. Hinihintay ka nila.” Tumango ako at niyakap si Nanay. “Salamat po, 'Nay.” Buti na lang at hindi umalma ang dalawa kaya naging madali ang pag-alis ko sa tabi nila. Pagbaba ko, naabutan ko si Ruan na kausap si Asteon. They looked serious. Dinahan-dahan ko pa ang paglabas ko sa elevator upang hindi nila ako agad mapansin, ngunit agad lumingon sa akin si Ruan. Marahan akong ngumiti sa dalawa habang papalapit. Asteon looked at me with hesitation, worry, and fear in his eyes na ikinanabahala ko. “Ate—” I cut him off with a tight hug. “Bakit kung makatingin ka sa akin para n
Last Updated: 2024-07-05
Chapter: Chapter 79: DeadWe decided to throw a small celebration after Hera turned one month old. Naging daan na rin 'yon upang makauwi ang mga kaibigan ni Ruan na sina Altro, Haiver, Alshiro, Caiusent, at Ervo. Rye was also invited by Ruan, ngunit binalita ng lalaki na hindi siya sigurado kung makakadalo ba siya.Despite that, he didn't fail to greet our daughter. He even sent her a gift. “Hoy! Nasaan ka na? 'Yang cake na lang ang kulang,” reklamo ko kay Sever dahil siya na lang ang wala. Handa na ang lahat ng mga pagkain at puro mga ulam 'yon dahil lunchtime ang party. Gumawa rin ako ng dessert pero siyempre, hindi kumpleto ang celebration kapag walang cake. Nagpa-order ako kay Sever na aabutin pa yata ng isang buwan bago makarating.Si Nanay ay abala sa pag-aayos ng mga handa sa mahabang lamesa na kaka-set up lang din namin. Nandoon na ang lahat at dahil segurista ang nanay ko, siyempre uulit-ulitin niya 'yon tignan. Sina Ruin at Aero naman ay tuwang-tuwa dahil kalaro nila ang limang kaibigan ni Ruan. A
Last Updated: 2024-07-05
Chapter: Chapter 78: My HomeDumating ang araw ng aming pag-alis pabalik sa Pilipinas. Naimpake na ang lahat ng aming gamit at handa na kaming lumipad. Bumalik na si Ervo sa Espanya dahil kinailangan. Bago 'yon ay ilang beses namin siyang pinasalamatan dahil sa pagpapatuloy niya sa amin dito. Si Haiver at Sever naman ay kasama naming uuwi sa Pilipinas. I was pushing the stroller where Hera was lying down and sleeping. Si Nanay naman ay abala pa rin sa pagche-check kung kumpleto ba ang mga naimpake namin kahit ilang beses na namin 'yon nasigurado na kumpleto 'yon kahapon pa. Kasalukuyan naming hinihintay ang van kung saan kami sasakay patungo sa airport. Helicopter sana upang mas mabilis ngunit naisip namin na hindi kakayanin ng mga bata. Ruin raised his arms to ask his father to carry him. “Where are we going, Daddy?” he wondered. Si Aero naman ay napakapit sa damit ko habang nakatayo sa gilid ko. Ruan gave them a gentle smile. “To our home, my son. We're going to our home.” Hindi ko alam ngunit tila pum
Last Updated: 2024-06-19
Chapter: Chapter 77: Answered“Tell me what happened, Sever.” “Mula saan?” I shifted on my seat to face him. “Mula noong umalis kami.” “Wala namang masiyadong nangyari.” Umirap ako. “Pati ba naman ikaw, magsisinungaling sa akin?” Kumamot sa ulo si Sever. “Damn. Wala kang sasabihin kay Ruan, ha? Wala kang isusumbong na ako ang nagsabi sa 'yo.” My assumption was right. Sinabihan nga ni Ruan ang lalaki na huwag magsasabi sa akin. Siguro ay gano'n din ang ginawa niya kina Haiver at Ervo kaya ayaw nilang sabihin sa akin ang totoong nangyari. “Ayaw niyang malaman mo hindi dahil sa wala kang karapatan. Ayaw niyang malaman mo kasi ayaw ka niyang mag-alala pa dahil tapos na.” May nangyari talaga na dapat kong malaman. “Ano nga ang nangyari?” I asked impatiently. Nababahala ako dahil baka mamaya ay bumaba na si Ruan dahil pinapatulog lang naman niya yung kambal sa kuwarto. “Noong umalis ka dala ang mga anak niyo, alam mo bang hindi namin siya nakausap nang isang linggo? He became too focused on his plan of
Last Updated: 2024-06-18
Chapter: Chapter 76: Settle DownHera got his father's eyes, but she looks exactly like me. Tuwang-tuwa ang nanay ko habang ipinapakita sa lahat ang litrato ko noong sanggol pa lang ako kung saan kamukhang-kamukha ko si Hera. I have to agree too, our princess was my carbon copy. Labis ang tuwa na naramdaman ko dahil sa wakas, may kamukha na rin ako sa mga anak ko at hindi na ako ampon sa pamilyang ito. Gising si Hera ngunit hindi siya umiiyak. She was just looking at me like she could already see me. Halos manghina ang mga kamay ko habang buhat ko ang maliit niyang katawan. She was so small, fragile, and cute. Hindi rin mapakali sina Ruin at Aero sa kakasilip ng kaniyang mukha kaya naman natutuwa ako. I looked at Ruan who was sitting at my right side. Naluluha ang mga mata niya habang pinagmamasdan kami. I smiled at him. “Carry your daughter, Ruan.” Takot na umiling ang lalaki. “I-I... I don't know how. I might drop her.” Bahagya akong natawa at agad na tinuruan ang lalaki ng tamang posisyon sa pagkarga ng
Last Updated: 2024-06-18