NASA ISANG COFFEE SHOP sina Clara kasama sina Jayson at Sarah. Nauna nang umuwi si Raymond dahil may importante raw itong gagawin.Nagkayayaan sila after office hour to grab some coffee. At para pag-usapan muli ang kanyang problema na hindi niya rin alam kung bakit pinoproblema niya."Ano balak mo?" pukaw ni Jayson kay Clara na mukhang nawawala na naman sa sarili habang ipinapaikot ang dulo ng buhok gamit ang daliri.Napadako ang tingin ni Clara kay Jayson nang marinig ang tanong nito. Itinigil niya ang pagpapaikot sa dulo ng buhok niya dahil mukhang pinagkakamalan na siyang wala sa sarili. Umayos siya ng upo at humarap sa dalawa. "I....don't...know," mabagal niyang tugon. Hindi naman kasi talaga niya alam kung ano ba dapat niyang gawin. Tatlong araw na mula ng si Sir Anthony muna ang naging boss niya. Wala naman naging problema dahil pormal sila sa isa't isa pagkatapos niyang komprontahin ito sa ginawa nitong paghalik sa kanya.Hindi rin namamalagi si Sir Anthony sa opisina, after
HALOS GUSTO nang lumipad ni Clara patungo sa kanyang palapag dahil sa mga tingin na pinupukol sa kanya.Yes! Sarah and Jayson were successfully colored her hair and managed to sewed her skirt kaya hindi niya alam kung paano ba dapat maglakad. Pakiramdam niya kasi ay wala na siyang suot na pang-ibaba. Nakahinga ng maluwag si Clara nang sa wakas ay nakarating na siya sa kanyang palapag.Nagpunta siya sa loob ng banyo upang mag-ayos dahil nakasanayan na niyang doon mag-ayos.Napatingin siya sa salamin. "Ako ba talaga ito? Infairness, bagay sa akin," kausap niya sa sarili at ginalaw-galaw pa ang kanyang buhok.They put platinum blonde highlights to her hair. Sabi bagay raw ito sa kanya dahil maputi siya. At hindi nga nagkamali ang dalawa. Halos hindi na n'ya makilala ang sarili.Hindi n'ya rin makalimutan ang reaksyon ng mommy niya kagabi nang makita siya. Tuwang-tuwa at dalaga na raw siya. My gosh! Malapit na nga siya mawala sa kalendaryo.Hindi mawala ang ngiti sa kanyang mga labi han
HINDI MAUNAWAAN ni Clara kung bakit siya naiinis. Para kasing bigla siyang naging hangin nang pumasok si Mam Rachel. At ang babaero niyang boss pagkatapos magbigay nang pakahaba-haba na talumpati sa kanya ay ayun.... naligaw na ng landas. Nagpapadyak siyang bumalik sa table niya upang kuhanin ang folder kung saan nakalagay ang mga kakailanganin ng mga ito para sa meeting.Pagkakuha ay humakbang din siya pabalik sa opisina upang ibigay ito. Paano magsisimula ang mga ito kung nandito pa sa kanya ang kakailanganin para sa meeting. Napailing na lang si Clara.Nang matapat siya sa pintuan ay tatlong beses siyang kumatok. Ngunit napakunot noo siya nang walang marinig na sagot bagkus parang may ibang tunog siyang naririnig na hindi niya mawari. Muli pa siyang kumatok. Katulad ng una niyang katok ay wala pa ring sagot. Kaya nagdesisyon na siyang pihitin ang seradura. Dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan. Nang kasya na siya sa pagkakabukas ay inilusot niya lang muna ang ulo upang humingi
MABILIS NA LUMABAS si Anthony ng opisina niya upang puntahan si Clara. Hindi niya alam pero nakaramdam siya na parang kasalanan niya.Humugot muna siya ng malalim na hininga pagkatapos ay marahas na pinakawalan bago pinihit ang pintuan ng pantry.Mas nadagdagan ang guilt na naramdaman niya nang makita si Clara na nakatayo habang hawak ang isang baso ng tubig at tila wala sa sarili. Dahan-dahan siyang humakbang palapit dito. Mukhang malalim talaga ang iniisip nito dahil hindi man lang napansin ang paglapit niya.Kinuha niya ang basong hawak nito upang kunin ang atensyon nito. Ayaw niyang magsalita baka magulat ito.Napakurap-kurap si Clara nang maramdaman ang pagkuha ng basong hawak mula sa kanyang mga kamay. Ilang beses pa siyang kumurap hanggang sa mapagtanto na si Sir Anthony ang nasa harapan niya. Napalunok siya ng ilang beses at napayuko nang maalala na naman ang nakita kanina sa loob ng opisina."Clara," mahinang sambit ni Anthony. Nananantya na huwag dagdagan ang trauma nito k
"WHAT?" ang sabay-sabay na tanong ng tatlong kaibigan ni Clara sa kanya pagkatapos niyang ikwento ang mga nangyari kanina. Tulad nang dati ay narito sila sa paborito nilang pwesto sa canteen para sa tanghalian. Sa may pinakadulo kung saan walang marites na makakarinig daw sa kanilang usapan."Mas O.A pa ang reaksyon n'yo sa akin. Umayos nga kayo," sita ni Clara sa tatlo lalo na kina Jayson at Sarah na parang mga timang na hindi mo alam kung naiihi o ano."Hay naku gurl. Kailangan na natin mag-level up sa; Operation: Flirting 101. Hayan na, oh. Napapalapit na sayo si fafa yummylicious," malanding sambit ni Jayson. Sa narinig na kwento ni Clara ay mukhang may pag-asa na mapansin ito ng kanyang ultimate crush."Masarap ba talaga ang s*x?" Hindi pinansin ni Clara ang sinabi ni Jayson bagkus ay nagtanong ng isang bagay na parang normal lang na itanong.Sunod-sunod naman napaubo si Raymond nang marinig ang tanong ni Clara. Mukhang maaga siyang haharap kay San Pedro dahil lagi na lang siya
DALAWANG ARAW NA ang lumipas mula nang pag-usapan nila Clara ang tungkol sa sign na hinihingi nila. At ngayon ang pangatlong araw. Hindi malaman ni Clara kung bakit siya kinakabahan. Ang bilis ng pintig ng puso niya mula pa kaninang pagtapak niya sa opisina.Ang huling araw para sa kanilang hinihinging sign. Ano ang magiging desisyon ng tadhana para sa kanya? Sa nakalipas na dalawang araw ay inabala niya ang sarili sa pagbabasa. At sa loob lamang ng dalawang araw ay marami-rami na rin siya natutunan. Mga pakiramdam na bago sa kanya. Pakiramdam na unti-unti niyang nakikilala. Nabalik sa sarili si Clara nang tumunog ang intercom na konektado sa opisina ng boss niya."Hello, sir," mabilis niyang sagot."Clara, another coffee, please," napakalambing ng boses ni Sir Anthony sa kabilang linya na mas lalong nagbibigay ng dahilan kay Clara upang panghawakan ang nararamdaman para sa kanyang pasamantalang boss."Sure, sir, just a minute." Pinutol na ni Clara ang tawag at walang inaksayang or
WALA SA SARILI SI Clara na nakaupo sa loob ng pantry habang hinahalo ang ice coffee na binili niya kanina pagkatapos nila magtanghalian.Hindi mawala sa isipan niya ang usapan nilang magkakaibigan. Mukhang wala na talagang pag-asa. Kailangan na niyang kalimutan ang umuusbong pagtingin para sa kanyang 'pansamantalang boss'. Kitang-kita niya kanina ang paghihinayang sa mukha ni Jayson. Botong-boto kasi ang bakla na mabigyan daw si Clara ng pagkakataon na maranasan ang sarap sa piling ng binatang itinatangi ni Jayson. Pero ang kaunting pag-asang pinanghahawakan nila dahil umabot ng tatlong araw ay tuluyang nagiba. Dahil ilang oras mula ngayon ay may meeting ang pasamantala niyang boss kay Mam Rachel ulit. Ang babaeng nakita niyang sarap na sarap habang kinakain ng pasamantalang boss niya. Napabuga ng marahas na hangin si Clara. Wala na ba talagang pag-asa? Kung sisingit ako parang kinontrol ko rin ang tadhana. Usal ni Clara sa sarili.Hindi ikakaila ni Clara na talagang may special
NAGMAMADALI SI CLARA na tumawid ng kalsada upang makapunta sa kabilang parte kung nasaan ang coffee shop na madalas nilang tambayan magkakaibigan.Na-late si Clara ng labas dahil tumawag ang tunay niyang boss na si Mr. Andrew James Villaflor at may iniutos sa kanya.Kanina ay halos pigil ang hininga niya habang hinihintay ang oras na pumatak sa oras ng uwian. Kahit na alam na ni Clara na umayon na sa kanya ang tadhana hindi pa rin siya tiwala hanggang hundi sumasapit ang takdang oras.Kaya naman halos magsisigaw siya sa tuwa ng tumapat ang malaking kamay ng orasan sa twelve at ang maliit sa five. Mabilis niyang tinawagan ang mga kaibigan upang sabihan na magkita sila sa coffee shop.Malapad ang pagkakangiti ni Clara nang tuluyan makapasok sa loob ng coffee shop. Kung ano ang lapad ng ngiti ni Clara ay siyang kabaligtaran ng tatlo na hindi maipinta ang mukha. Isang oras lang naman late si Clara at ang mas malala ang dalaga ang nagyaya."Ganda ka, 'te?" bungad ni Jayson pagkalapit ni C
NAPUNO NANG TAWANAN ang buong J&D Bakeshop. Ngayon ay ipinagdiriwang ng lahat ang anniversary ng mag-asawa na sina Clara at Anthony. Isang linggo matapos ang mga rebelasyon na nangyari."I can't get over about you owning this bakeshop. Kaya pala iba ang dating sa akin. You did a great job, hon," puri ni Anthony sa asawa na nasa tabi niya. Hindi talaga siya makapaniwala na ang asawa ang nasa likod nang papasikat na bakeshop na kinagiliwan nila. Matamis na ngumiti si Clara saka inihilig ang ulo sa balikat ng asawa. "Kahit ako hindi ko akalain na magagawa ko. I hate cooking even though it's baking still related to cooking. Sabi ko ayoko humarap sa 'yo na wala man lang ako maipagmamalaki," tugon niya sa asawa."I am so proud of you, hon. Noon pa man at hanggang ngayon. I will always be proud of you. I love you," malambing na saad ni Anthony at hinalikan pa ang likod ng palad ng asawa."I love you, too, hon." "Bilib na talaga ako sa 'yo Ate Clara, ganda ng mga pangalan tapos ang sasarap
SOBRANG BILIS nang tibok ng puso ni Anthony. Pauwi na sila at hindi niya malaman kung ano ang nararamdaman. Takot at pananabik ay naghahalo. Ngayon din kasi mismong araw na ito ipakikilala siya bilang ama ni Jarret. Ang daming pumapasok na scenario sa utak niya tulad na lamang kung hindi siya nito matanggap. Galit kaya ang anak sa kanya? Napalingon si Anthony kay Clara na katabi niya sa passenger seat, sumabay na sila kina Kevin at Ada. At idadaan sila sa bahay nina Clara kung nasaan ang anak niya. Habang si Jacob ay kasunod nila. Ang plano ay siya muna ang ipakikilala kay Jarret pagkatapos ay si Jacob naman. Wala naman problema kay Brianna dahil alam nito na hindi siya ang tunay na ama. Ang inaalala niya ay si Jarret, baka hindi siya matanggap nito. Gusto niya nga na si Jacob muna mauna kaso nagpumilit ang mga ito na siya muna kaya wala na siyang nagawa. "Hingang malalim. Kinakabahan ka?" tanong ni Clara sa asawa nang mapansin na hindi ito mapakali mula nang umalis sila ng isla
KAPWA NAKAUPO SA MAGKABILANG DULO ng kama sina Anthony at Clara sa loob ng silid na inookupa ni Anthony. Kapwa tahimik. Matapos ang huling sinabi ni Jacob ay si Sandra ang pumagitna. Mas makakabuti raw kung makakapag-usap silang mag-asawa matapos ang mga ipinagtapat ni Kevin. Habang si Kevin at Jacob naman ay sina Andrew ang nag-asikaso. "I'm sorry," mahinang sambit ni Anthony matapos ang ilang minutong katahimikan namayani sa pagitan nila ng asawa. Hindi niya alam kung ano ba ang sasabihin. Clara looked at her husband. Nakayuko ito habang nakakuyom ang mga kamao. Alam niya na darating na naman sila sa sitwasyon na ito. Pero hindi na niya hahayaan maulit ang nakaraan. "Come here, h-hon," saad niya. Mabilis na umangat ang mukha nito at nakasalubong ang kanilang mga mata. Bumakas ang gulat sa mukha nito. Kaya naman tinapik niya ang parte ng kama sa tabi niya. "Halika rito, para makapag-usap tayo nang maayos." Hindi na muli inulit ni Clara ang sinabi nang mabilis na tumayo si Anth
NAMAYANI ANG KATAHIMIKAN sa buong kabahayanan sa isiniwalat ni Clara.Shocked was all written in everyone's face except Kevin who stayed on the floor. Second pass becomes minutes until Clara speaks again. "Tell us your reason Kevin. Kasi kung ako ang huhusga baka hindi mo magustuhan ang sasabihin ko," humihikbi na sambit ni Clara habang hawak-hawak ang papel sa kamay niya.Hindi makapaniwala si Anthony na tiningnan si Kevin. Nagtatanong ang kanyang mga mata kung may katotohanan ba ang mga sinasabi ng asawa niya. Hanggang sa may maalala siya.FLASHBACK "Are you sure about it?" tanong ni Kevin sa kanya.Tumango si Anthony saka isinandal ang likuran sa swivel chair. "Yes, it's about time.""Hindi mo ba naisip na kapag nalaman niya ay kunin sa 'yo ang bata," nag-aalala na saad ni Kevin. Huminga si Anthony nang malalim. "I know. Pero hindi natin pwede na itago habang buhay ang katotohanan. Isa 'yon sa mga kahilingan ni Amiya. Ang makilala ni Brianna ang tunay na ama. Pwede naman siguro
HINDI YATA nag-sink in sa pinaka-utak ni Anthony ang sinabi ni Clara. O, hindi lang siya makapaniwala?"Wha-what did you say?" Ang lakas ng tibok ng puso niya. As in malakas, malakas pa sa tambol tuwing may piyesta. Mali ba siya ng narinig.Clara took out a deep breath then looked at her husband. Hindi niya naiwasan na mapangiti sa reaksyon nito. He was really shocked. Kinulong ni Clara ang mukha ng asawa sa kanyang dalawang palad saka niya ito tinitigan. Mata sa mata. "I said, Jarret is your son. Nabuntis ako dahil sa namagitan sa atin bago ako umalis. Huwag mong sabihin hindi mo inaasahan 'yon. Pakiramdam ko nga plinano mo talaga buntisin ako bago ako umalis," nakangusong saad ni Clara. Maging siya kasi ay hindi inaasahan ang magandang regalo na 'yon. Hindi niya inaasahan na sa gabi bago ang pag-alis niya ay muli niya malalasap ang sarap ni baby arm.Nang wala pa rin makuhang reaksyon si Clara sa asawa ay tinampal niya na ang pisngi nito na mukhang epektibo dahil kumurap-kurap ito
KANINA PA SILA naiwan ni Clara sa parte ng isla na iyon. Pero nanatiling nakatingin si Anthony sa daan tinahak ng mga ito. Bakas pa rin ang gulat sa kanyang mukha. Totoo ba ang narinig niya sinabi noong lalaki. Kuya? "Mukhang maayos ka naman, papasok na ako," sabi ni Clara nang lumipas ang ilang minuto na hindi ito nagsalita. Tumayo siya at inayos ang sarili. Pinagpagan ang nadumihan na damit.Anthony panicked and quickly got up and stopped Clara. "Wait."Napahinto sa paghakbang si Clara saka tumingin sa kamay ng asawa na nakahawak sa braso niya. Lumipat ang tingin niya sa mukha nito kaya nagtagpo muli ang kanilang mga mata. Nakikiusap ang mga ito. Para saan?Huminga si Clara nang malalim. "Ang kamay ko," sabi niya. Nakita niya pa ang pag-aalinlangan sa mukha nito ngunit bumitaw naman ito."Can we talk?" seryosong tanong ni Anthony kay Clara. Bigla siyang kinabahan nang talikuran siya nito."Talk about what? Kung tungkol sa annulment, I'm sorry but I won't sign it," diretsong sagot n
FLASHBACKPapikit-pikit si Anthony habang nagmamaneho ng kotse niya. Isang linggo na mula nang umalis si Clara. At isang linggo na rin na wala siyang inatupag kundi ang uminom. Mabuti nga at buhay pa siya. Pero mukha ito na ang huling gabi niya sa mundo. Isang malakas na paglagitik ng gulong at malakas na sigaw nang isang babae ang umagaw sa tahimik na harapan nang isang village. Tila nawalan ang pagkalasing ni Anthony na mabilis na bumaba upang tingnan kung nakabunggo ba siya.Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang isang buntis na babae ang nakahiga na sa kalsada, kaharap ng kotse niya.Humahangos naman na lumapit ang dalawang guwardiya na nakabantay sa gate ng village. "Misis, ayos ka lang po ba?" tanong agad ni Anthony at tila gusto siyang takasan ng kaluluwa dahil sa nangyari. Hindi niya mapapatawad ang sarili kapag may nangyari sa mag-ina. Lumapit si Anthony at lumuhod upang tingnan ang kalagayan nito."Mr. Villaflor, hindi n'yo naman po siya natamaan, mukhang hinimatay po
NAKASIMANGOT SI Clara na pumasok sa loob ng bahay nila. Nang makita ang mga magulang ay nagmano siya sa mga ito."Bakit hindi maipinta ang mukha mo, Clara?" tanong ni Samara sa anak. Umupo si Clara sa mahabang sofa kung saan nakaupo ang daddy niya saka yumakap dito. Sarap talaga maging daddy's girl.Natawa naman si Clarence saka ginantihan ng yakap ang anak. "What is wrong with my baby?" malambing niyang tanong. "She's too old to be your baby," boses ni Jacob na kapapasok lang habang buhat-buhat si Jarret. Mabilis naman nagpabababa ang bata at tumakbo sa lola nito. Isang irap ang isinukli ni Clara sa sinabi ni Jacob at mas yumakap pa sa daddy niya. 'Inggit ka lang'Tiningnan ni Clarence si Jacob. "Anong nangyari? Bakit nakasimangot ang prinsesa natin?" Lumapit si Jacob at nagmano sa mga ito bago umupo sa kabilang gilid ni Clarence. Kaya naman napagitnaan nila ito."We saw Anthony—her husband," sagot ni Jacob.Nanlaki ang mga mata ni Clara na mabilis tumingin kay Jarret. Mabuti na
"HELLO, Mommy. How are you there? Alam mo mommy I met a beautiful woman today. She is ganda at bait pa po. Look mommy... " Ipinakita ni Brianna ang galos sa tuhod nito, "ginamot niya po ang sugat ko. I wish I also had a mommy like Jarret but of course you're still the best mommy for me because you keep me alive. I love you mommy." Inilapag nito ang hawak na bouquet of flowers sa puntod ng mommy nito. Hinaplos pa nito ang ibabaw no'n.Anthony just watches Brianna as she talks to her mother. It's been like this for the past four years. Once a week they never failed to visit Amiya and Darko graveyard. Tumabi siya ng upo sa anak."Mommy loves you so much, you know that right?" Tumango ito at naririnig na niya ang mahihinang paghikbi nito. Hindi rin pwede na sa tuwing pupunta sila roon ay hindi ito iiyak. Sino ba hindi malulungkot kung hindi na niya nasilayan buhay ang mommy nito. Amiya died after she gave birth to Brianna. "I know daddy and I love her so much." Tuluyan na yumakap si Bria