Share

Make Me Yours Again
Make Me Yours Again
Penulis: Switspy

Chapter 1

Penulis: Switspy
last update Terakhir Diperbarui: 2024-08-29 17:22:06

Authors Note:

Names, place, characters and incidents are just product of my imagination. Any resemblance to the event in the story is just a coincidence.

Pwera na lang sa mga nagpahiram ng pangalan, eje. God bless all.

Welcome Aboard!

"ARAY!" daing ni Clara ng may pumitik sa kanyang noo. Masama niyang tiningnan kung sino ito.

"Ano lalaban ka? Kanina pa kami narito mukha kang wala sa sarili mo! Napagalitan ka na naman 'no," sabi ni Jayson na siyang pumitik sa noo niya.

Doon niya lang napansin na naroon na pala ang mga kaibigan sa kanilang paboritong pwesto sa canteen. Lunch time na kasi at nauna siya sa mga ito.

"Ano na naman nangyari?" tanong ni Sarah na abala na sa paghihimay ng hipon. Ang hilig sa hipon ng babaing ito.

Nalukot muli ang mukha niya ng maalala na naman ang nangyari kanina.

"Hindi ko alam kung anong problema ng boss natin. Parang laging nakaregla," sumbong niya.

"Hindi ka na nasanay magtatlong-buwan ka na rito. Ikaw nga ang pinakamatagal na secretary ni boss," komento ni Raymond na tinutulungan maghimay si Sarah. Napapansin niyang may something sa dalawa pero ayaw naman niya magtanong. Magsasabi rin naman kapag ready na siguro ang mga ito.

"Kumain na lang tayo, gurl! Nakakasira ng beauty ang stress, look at yourself, baka pumanget ka," maarteng turan naman ni Jayson.

Inirapan niya lang ito at nagsimula na silang kumain.

"Darating na pala si Sir Anthony, grabe mabubuhay na naman ang aking dugo," sabi ni Jayson na pumilantik pa ang mga daliri.

'Ang landi talaga, dinaig pa ako!' usal niya sa sarili.

"Sino naman Sir Anthony na 'yan, bagong empleyado?" usisa niya.

"Nope," sabay pang sagot ng tatlo.

"Sir Anthony is our Ceo cousin. Kilala mo na si Sir Kevin, di ba? Kapatid niya si Sir Anthony," imporma ni Jayson at nagpikit-pikit pa na parang nangangarap ng gising.

"Ah, ok. Is he working here?" muli niyang tanong.

"Not really," sagot ni Sarah na ikinatingin niya rito.

"What do you mean?"

"It's like he is NPC," si Jayson ang sumagot.

"N-P-C?" ulit niya sa patanong na tono.

"Stand for No Permanent Company." Sabay tawa ni Jayson na sinabayan din ni Sarah.

"May ganun ba?" curious niya pang tanong.

"Hay naku girl, saan bundok ka ba talaga nanggaling, huh? Siguro meron kaya nga NPC si Sir Anthony, eh," buskal ni Jayson sa kanya.

"Jayson, tigilan mo si Clara Inosente 'yan tulad ko," sabad ni Sarah na ikinangiwi ni Jayson.

"Innocent your ass! Hindi ka pa ba pinasok ni Raymond?" Nagkadaubo-ubo naman si Raymond siguro sa sinabi ni Jayson na hindi niya naman alam kung ano.

"F*ck! Jayson, ang bibig mo!" mura ni Raymond ng makabawi ito.

Isang nakakamatay na irap lang ang sinukli ni Jayson kay Raymond.

Naiiling na lang siyang pinagpatuloy ang pagkain, maging ang mga ito.

"Do you want to see Sir Anthony picture," kapagkuwan sabi ni Jayson na kinikilig pa.

'Ano bang meron sa Sir Anthony na 'yun at hindi mapakali ang baklang ito?'

"Ano ba pinagkaiba niyang Sir Anthony na 'yan? May sungay ba 'yan o pangil?" usisa niya na lang.

Sinamaan naman siya ng tingin ni Jayson na para bang nakapagbitaw siya ng isang masamang salita.

"Baka kapag nakita mo siya, kusa kang bumukaka sa kanya."

Nanlaki ang mga mata niya sa sinagot ni Jayson.

"Hoy, Jayson, ang bibig mo! Alam mo nang may pagkamaria Clara ang kasama natin," saway ni Sarah Kay Jayson.

Hindi pinansin ni Jayson si Sarah bagkus ay kinuha nito ang mobile pagkatapos ay pinalipat nito si Raymond sa tabi ni Sarah. Sila na ngayon ang magkatabi ni Jayson. Mabuti na lang at tapos na silang kumain.

"Look for yourself, kung 'di kusang bumaba ang panty mo," malandi nitong sambit.

Pinaikot niya lang ang mga mata bago kinuha ang mobile na inaabot nito.

Napalunok siya ng sunod-sunod at mabilis na ibinalik ang mobile kay Jayson. Mabilis niyang kinuha ang baso at uminom ng tubig. Pakiramdam niya ay nag-init ang kanyang mukha. Napansin niya rin ang nagtatakang tingin ng tatlo.

"Ano problema?" tanong ni Raymond.

"Jayson, i-check mo kaya 'yang mobile mo! My gosh! My innocent eyes." Ginamit niya ang kamay at ginawang pamaypay sa mukha niya.

Impit namang tumili si Jayson at tawang-tawa ang loko.

"Ano ba pinakita mo sa kanya Jayson?" curious na tanong ni Sarah.

Itinapat naman ni Jayson ang cellphone kay Sarah. Nakita niyang nanlaki rin ang mga mata ni Sarah pero maya-maya ay tinakpan ito ni Raymond.

"What the f*ck, Jayson!" mura ni Raymond.

Malakas namang tumawa si Jayson na umagaw ng atensyon ng mga katabi nilang table.

"So-sorry na, alam ko picture ni fafa Anthony ito paano napunta rito," natatawa pa ring turan ni Jayson.

Napailing na lang sila sa kalokohan ng baklang ito.

"Hindi pa ba kayo nakakakita ng buhay na saging na may mga ugat at damo sa gilid," sabi pa nito at tumawa na naman.

"Bastos mo talaga! Nasaan na ba 'yang Sir Anthony na 'yan at ng matapos na tayo!" sita niya rito, hindi na kasi tumigil sa kakatawa.

Bago niya muling abutin ang mobile nito ay sinamaan niya muna ito ng tingin at tinanong kung sigurado na ito. Nang tumango ito ay maingat niyang kinuha ang mobile rito para hindi mapindot at malipat na naman kung saan-saan.

Halos mahigit niya ang hininga ng masilayan ang sinasabi ng mga itong si Sir Anthony.

Totoo nga ang sinasabi ni Jayson, Sir Anthony handsomeness is oozing. Iba ang datingan nito kumpara sa boss niya at kuya nito. He has that effect that you will want to look at him not once, not twice but as long you have a chance.

Tapik sa braso niya ang nagpabalik sa kanyang isipan na nagsimula ng maglakbay.

"Ano? Tama ako di ba? Hindi lang makalaglag panty idamay mo pa ang matris," kinikilig pang sambit nito.

Muli niya lang pinagmasdan ang maamong mukha ni Sir Anthony. Mga pilik mata na medyo may kakapalan. Pointed nose na halatang may lahing banyaga. Mga matang puno ng sigla at maging ang mga ito ay nakangiti. At ang mapula nitong labi na parang kay sarap halikan. Wala sa sariling napahawak siya sa screen ng mobile ni Jayson.

Sabay-sabay na tikhim ang umagaw sa kanyang atensyon. Kaya naman nag-angat siya ng tingin at tiningnan isa-isa ang mga kasama.

Tumigil ang mga mata niya kay Jayson na napakalawak ng ngiti, kita pati gilagid ng bakla.

"I told 'yah! Makalaglag panty, di ba? Nalaglag na ba panty mo, patingin nga.." Akmang yuyuko ito ng hilahin niya ang buhok nito. "Aray!"

"Bastos! Kahit bakla ka, bawal ka manilip," sabi niya at pinakawalan ang buhok nito pagkatapos ay ibinalik ang mobile nito. "Sa 'yo na 'yan!"

"Akin naman talaga ito! Mashaket ah, saka pwede ba huwag mo naman ipanlandakan na bakla ako... secret pa nga natin 'yun. Maloloka ako sa 'yo!" inis na turan nito habang inaayos ang nagulong buhok.

"Mas gwapo di ba?" singit ni Sarah. Napatingin siya rito at nakangisi rin ang babaita!

Hindi naman niya ipagkakaila na gwapo nga ang Sir Anthony na 'yun. Siya na mahilig sa gwapo at talagang standout ito.

"Gusto mo na ba magpakaen?"

"Ano?" kunot noo niyang tanong kay Jayson dahil hindi niya naunawaan ang sinabi nito. "Kanino ako magpapakaen?" inosente niyang tanong na ikinatawa ng tatlo.

"Ayoko na sa earth, tara sa mars tayo. My gosh, Clara!" buska sa kanya ni Jayson.

Ano ba alam niya?

Kung about sa kalaswaan, wala talaga siyang alam!

"Ano masasabi mo kay Sir Anthony?" tanong muli ni Sarah sa kanya.

Hindi naman siya sinungaling kaya sinagot niya, "His handsome, no doubt about it. Actually more handsome to his cousin and the others," honest niyang sagot na ikinatili nina Sarah at Jayson habang si Raymond ay naiiling.

"At jumbo hotdog ang alaga," dugtong pa ni Jayson na para ng bulating binudburan ng asin sa sobrang kilig.

"Inaalagaan ba ang hotdog?" puno ng kuryosidad na tanong niya.

Narinig na lang niya ang pagdadabog ni Jayson. "Bumalik na nga tayo sa opisina, baka matuluyan ako rito!" sabi nito na binigyan pa siya ng masamang tingin.

Tawa naman ng tawa si Sarah at Raymond.

"Ano na naman ginawa ko?"

Lumapit si Sarah sa kanya at may ibinulong, "Ang sinasabi niyang jumbo hotdog ay ang nasa gitnang hita ng mga lalaki na tumitigas kapag nagagalit."

Nakaalis na sa tabi niya si Sarah ng ma-realize niya ang sinabi nito kaya napasigaw siya, "Jayson!!!"

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Make Me Yours Again   BHN Chapter 9

    JacobWALA akong nagawa kundi sumunod sa kanila dahil sa pésteng scandal daw na ‘yon. Paano naging scandal ‘yon? Pero kahit na hindi naman explicit scandal ‘yon ay hindi pa rin magandang mapakinggang ng ibang tao at baka isipin nila ay napakamanyak ko.Hanggang sa makarating kami sa Dyosa Club na ‘yon ay hindi talaga maipinta ang mukha ko. Kung hindi lang talaga sila mga kaibigan ng kapatid ko baka talagang binaon ko na sila sa ilalim ng lupa.Matapos ko mag-park ay mabilis pa sila sa kidlat bumaba at tulad dati ay pinagbuksan pa ako ni Sammy. Ang bilis nakalipat ng môkong.“Smile naman diyan, Daddy Jacob.” Tinusok pa ni Sammy ang tagiliran ko pero isang matalim na tingin ang isinukli ko sa kanya. “Sabi ko nga, okay na ‘yan mukha mo,” pang-aasar niya pang sabi.“Burahin niyo na ‘yan,” utos ko habang naglalakad kami papasok sa loob. Hindi man lang nila ako sinagot at tuloy-tuloy na pumasok. Tingnan mo talaga mga ugali. Katulad ng dati ay patay-sindi ang ilaw. Pero pansin ko na mas mar

  • Make Me Yours Again   BHN Chapter 8

    Carel RainMABUTI na lang talaga at well train ako noon pa man kaya kahit nagulat ako sa aking nakita ay nagawa ko pa rin sumabay sa bawat galaw ng mga kasama ko. Ngunit ramdam na ramdam ko ang titig na ‘yon. Titig na nakakapanghina ng mga tuhod.Nang matapos ang aming group performance ay mabilis akong bumalik sa backstage.“Okay ka lang? Infairness, magaling ang pinakita mo,” tanong at puri ni Rowena sa akin na hinawakan pa ako sa braso.“Ayos lang ako.”“Good job, girls. Good job, Rain, hindi halatang ngayon ka lang nagpraktis. Be ready, solo performance, next,” wika ni Mama Irene at pumalakpak pa. Gusto ko siya kausapin na kung pwede ‘wag na lang ako magsolo kaso nakalabas na siya. Nanghihina ako napaupo.Ano ang ginagawa niya rito? Bakit sa dinami-rami ng club ay talaga naman dito pa siya naligaw? Huminga ako nang malalim. Kailangan ko ikalma ang aking sarili at may solo dance pa ako gagawin.Makakaya ko kaya? Pwede bang umatras? Ginulo ko ang buhok ko saka wala sa sariling yumuk

  • Make Me Yours Again   BHN Chapter 7

    Jacob “WELCOME back, Kuya,” masayang bati ni Clara sa akin na ikinatawa ko lang. Humalik ako sa pisngi niya at nagmano kina Mommy at Daddy. “Welcome back, iho,” nakangiti ring wika ni Mommy Samara. She is my stepmother, mommy siya ni Clara at magkapatid lang kami sa ama. Pero kahit kailan ay hindi ko naramdaman na tinuring niya akong iba. She love and care for me like a real mom kaya napakaswerte ko talaga. “Thank you po, Mommy.” Niyakap ko siya at hinalikan sa pisngi saka ako lumapit sa aking ama at yumakap din. Dalawang linggo lang ako nawala pero parang ilang taon na kung salubungin nila ako. “Nice to have you back, Jacob. Nasa hardin pa ang anak mo at busy sa paglalaro,” wika ni Daddy. “Hindi namin sinabi na uuwi ka na, kasi sabi mo i-surprise mo siya.” Napalingon ako Kay Clara sa sinabi niya. ‘Yon naman talaga ang plano ko ang umuwi ng walang nakakaalam kaso sira ulo talaga si Anthony, hindi magawang magtago ng sikreto sa asawa. “At huwag ka nang magalit sa asawa ko, mas maha

  • Make Me Yours Again   BHN Chapter 6

    Carel Rain ANG bilis lumipas ng araw. Isang buwan na mula magtrabaho ako sa club at hindi ko talaga pinagsisihan ‘yon. Sobra akong nag-enjoy at naramdaman ko ang kalayaan. Walang kumokontrol sa kung ano ang dapat kong gawin. “Rain!” Napalingon ako kay Mama Irene nang marinig ko ang pagtawag niya. Kapapasok ko lang sa silid kung saan kami magbibihis. Kalahating oras na lang kasi ay magbubukas na ang club. “Bakit ho?” tanong ko saka ako humarap sa kanya. Hanggang ngayon ay natutuwa pa rin ako sa kanyang outfit kaya naman si Nyll ay sobrang tawang-tawa rin. Ako naman ay walang paghuhusga lalo at marunong siya magdala, sira lang talaga ang ulo ni Nyll. “Pwede ba kita makausap?” “Oo naman ho. Tungkol ho ba saan?” Magalang kong tanong. Bakas ang iritasyon sa kanyang mukha na para bang may problema. “Kailangan ko ng isang dancer. Na-injure si Kiana at hindi makakapasok ngayon. Hindi pwedeng kulang sila at darating ang big boss natin. Baka naman pwede ka muna mag-sideline na dancer—” “P

  • Make Me Yours Again   BHN Chapter 5

    Carel Rain “AYOS KA LANG?”Nakahinga ako nang maluwag nang makita si Ryder. Siya lang naman ang pumasok.“A-ayos lang ako,” nautal ko pang sagot. Ang bilis pa rin kasi ng tibok ng puso ko.“Sigurado ka? Para kang takot na takot, e. Iniisip mo ba ‘yong mga lalaki kanina? Huwag ka mag-alala, ban na mga ‘yon at hindi na makakapasok dito. Gusto mo ihatid kita mamaya para sigurado na hindi ka nila inaabangan sa labas,” bakas ang pag-aalala sa mukha ni Ryder pero ‘yon huling sinabi niya ay parang nagpabilis na naman ng tibok ng puso ko.Paano kung inaabangan nga ako ng mga lalaki na ‘yon kanina? ‘Wag naman Sana.'“Huwag mo naman ako takutin.” Nahampas ko pa siya sa braso para lang pakalmahin ang sarili pero kabado bente na ako. Paano kung nakaabang nga sila sa akin? 'Oh my gosh!'“Ihahatid kita mamaya para sigurado. May kailangan ka ba dito? Baka kailangan ka na sa labas? Ako magyosi break lang.” Napatango na lang ako nang lagpasan na niya ako. Ayoko pa sana lumabas kaso baka hinahanap na

  • Make Me Yours Again   BHN Chapter 4

    Jacob "WHERE are we going?" asar kong tanong sa kambal at kay Kenneth. Basta na lang nila ako sinundo sa bahay at sinabi na may importanteng pupuntahan. "Ewan ko kay Sammy," tugon ni Kenneth. "Bakit ako? Ikaw ang nagyaya, 'di ba?" sagot naman ni Sammy na katabi ni Samuel sa back seat. Ako na nga ang hinila nila tapos ako pa pinagmaneho at kotse ko pa. Para daw tipid sa gas. Mga hayop talaga! Hindi na mahirap malaman kung sino si Sammy at Samuel dahil may pagkakaiba na ang kanilang mga itsura. Samuel has this cherry red highlight on his black hair while Sammy is still black. Kambal kasi sila at dati talagang magkamukha, mabuti na lang talaga dahil ayoko problemahin pa kung sino si ano. "FVcking shut up!" asik ko sa kanila at kanina pa ako naiinis. "Hala, galit na si Daddy Jacob mukhang kulang talaga siya sa vitamin S," sabi ni Sammy at sabay-sabay silang tumawa. Kung hindi lang kotse ko ang gamit namin ay sigurado na kanina ko pa binangga 'to. Nakakairita sila. Humigpit ang hawak

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status