LOGINChapter 4-A
Isang linggo makalipas ang insidente sa resort. Nasa loob sila ng Modelling Agency sa Ayala. "Hindi ka lang kasi marunong mag-grab ng opportunity... ... Kung ako ang nakatagpo ng ganoon kagwapong lalaki, lagot sya sakin dahil never ko na syang pakakawalan." ani Samantha. "Sam, tama na nga iyan." saway ni Angeline sa kaibigan. Natahimik silang lahat nang bumukas ang opisina ng kanilang boss. Dumungaw ang binata at mestisuhing may-ari ng Dy'Calderon Modelling Agency. Tumingin ito sa kanilang lahat bago itinuloy ang tingin kay Angeline. "May kailangan ka, Dylan?" First name basis na ang tawagan nila nito, dahil naging malapit na rin sila sa isa't isa mula noong inihinga nito sa kanya ang matindi nitong sikreto. "Yes. Kung wala kang ginagawa." ani Dylan. Napabuntong-hininga si Dylan pagpasok nila sa opisina nito. Inalok nito ang isang silya sa kanya bago naupo sa swivel chair. "Problem?" ani Angeline. "Uhumm.. Yes!" sagot nito. "At hindi ko alam kung pano ko ba sosolusyunan ito, nang hindi ko na kailangan pang ipagtapat sa papa na-- ganito ako." ani Dylan. "Hindi ba mas maganda, Dylan. Kung sasabihin mo na hanggang maaga pa ang totoo?" "Ang totoo? Na may anak syang-- --BAKLA? Sa katauhan ko?" Mapait na napangiti si Dylan. "You don't even know, kung gaano kalaki ang galit ng papa sa mga bakla." "Hindi mo kasi nasaksihan kung paano nya ginulpi noon ang baklang nagpapa-charming sa kanya... ..Halos hindi makabangon sa bugbog ang baklang iyon, dahil lang sa paghalik nya sa pisngi ng papa." "Bata pa ako noon, pero hanggang ngayon ay nasa isip at puso ko pa rin ang takot." mahabang litanya ni Dylan. "Surely...?" "Angeline, ayoko!" may diing sagot nito. "I know you just want to help me, pero alam kong makakasama lang iyon." "Kung ganon, hindi iyon ang pinoproblema mo?" ani Angeline. "Much worse than that!" Naihilamos nito ang kamay sa mukha. "Angeline, gusto ng papa na ipakasal ako kay Ayu." Hindi na nya ikinagulat pa ang bagay na iyon, dahil noon pa man ay nabanggit na sa kanya ni Dylan na ipinagkasundo na ito sa isa nitong kababata. "Mabait si Ayu," "At inaamin kong, kung naging tunay na lalaki lang ako, ay sya rin ang baba...eng pipiliin kong maging kabiyak." "Pero BAKLA ako, Angeline. At hindi makakaya ng konsensya kong ikulong sya sa matrimonyo, gayong ang sexual appetite ko, eh directed sa tulad kong lalaki." ani Dylan. Sandaling namayani ang katahimikan sa pagitan nila. Na si Dylan din ang bumasag. "Hindi ko maililigtas si Ayu nang nag-iisa, Angeline. And i need your help." "Dylan, wala akong maisip na paraan para tulungan ka. Liban na lang syempre kung aaminin mo sa papa mo ang totoo." anang dalaga. "Meron akong naisip," singit ni Dylan. "This would be very much effective. I know it." Hinawakan ni Dylan ang kamay nya. "Angeline, we can pretend that we have agreed to marry each other." "Dylan, that's absurd!" "It's perfect!" "Yeah. Perfect! A perfect absurdity." Hindi sya makapaniwalang maiisip ni Dylan iyon. He is brilliant always. Forever the big brains of the agency. "I'm serious. In fact, that's the most serious thing i've ever thought of in my entire life." "My gosh! Seryoso ka nga." Hindi makapaniwalang anang ng dalaga. "Angeline, there's no big deal about it naman. Kunyari lang itong gagawin natin. Palalabasin lang natin na hindi na pwedeng pakasal pa kami ni Ayu, dahil may iba na akong mahal." "And that's me!" "Yes, saka i'm already one hundred percent sure na maniniwala ang pamilya ko, dahil kaibig-ibig ka namang talaga." "Dylan, Stop it!" saway nya. "Hindi ako marunong umarte no! Saka ayokong manloko ng tao. Mamaya nyan mahalata pa ako, eh di sira ang career ko sa pagmomodelo." "Hindi naman tayo pahuhuli eh!" "Ofcourse. Kung manloloko tayo, hindi talaga tayo papayag na mahuli. Pero ang tanong, ganon ba sila katanga para mapaglalangan natin?" Chapter 4-B "Sarili mong pamilya iyon, Dylan. Higit kaninuman sila ang makakaalam kung kailan ka nagsasabi nang totoo o hindi." ani Angeline. "Nagdadahilan ka lang kasi, kaya ayaw mong pumayag." "Exactly! Buti naman nahalata mo." Lumungkot na naman ang mukha ni Dylan. Nawala na ang excitement na biglang lumarawan sa mukha nito kanina. "I thought you're my bestfriend," himig pangungunsensyang sabi nito. "Wait, wait, wait! Don't ever try to use that I-THOUGHT-YOUR-MY-BESTFRIEND, Mr. Dylan Calderon. Hindi ako maaapektuhan nyan. Kung gusto mo, tutulungan na lang kitang maghanap ng pwedeng pumapel na love-of-your-life mo." "Sino?" "Si... S-si... Mag-iisip tayo kung sino ang pu-pwede." "May maiisip nga kaya tayo, Angeline?" ani Dylan. "Sa agency na ito, ikaw lang ang nakakaalam na closet queen ako. Alam ng lahat na macho ako at isang eligible bachelor." dugtong pa nito. Nawalan ng kibo ang dalaga. Totoo ang sinabi ni Dylan. At kung hindi nga lang nya ito nakita noon sa isang 'gay bar' na nadaanan nya ay hindi rin nya iyon malalaman. Muling hinawakan ni Dylan ang kanyang mga kamay. "Angeline, sa ngayon ikaw lang ang taong pinagkakatiwalaan ko. Ayokong mag-suffer si Ayu. Baka isipin pa nyang hindi sya desirable sa mata ng isang lalaki. That would ruin her self-confidence." madamdaming pahayag ni Dylan. "Dylan, ganon na rin ang kalalabasan non kapag basta mo na lang ako iuuwi roon. Iisipin nyang..." "I helplessly fell inlove with you." Pangunguna ni Dylan sa idudugtong pa sana nya. "That would sound a little romantic and not a cold-blooded na syang mangyayari kapag tinanggihan ko sya nang wala namang babaeng involved." Hindi sya nakasagot. May katwiran si Dylan sa sinabi nito at kahit konti ay nagsisimula na syang makumbinsi nito. "Hindi lang ako ang matutulungan mo kapag pumayag ka sa plano ko. You can also save Ayu from pain. Yes, i admit na masasaktan din sya sa gagawin natin, but the pain would be more bearable kung ikukumpara sa ibang alternative." "You told me once na maunawain si Ayu, Dylan. Why don't you tell her ang totoong dahilan, kung bakit hindi pwedeng makasal kayo?" ani Angeline. Natahimik ang binata. Naghanap ng tamang sagot. "Because it's not the right thing to do. I knew it, and still i do." Umiwas si Angeline ng tingin. --- Isang linggo ang nakalipas nang sunduin ni Dylan si Angeline sa bahay nito. Hanggang sa mga oras na iyon, ay parang alanganin pa rin ang dalaga sa naging desisyon nya, pero heto na. Napapayag na sya at patungo na sila ngayon sa Laguna, para ipaalam sa mga taong hindi pa nya kailanman nakita, na sya ang kasintahan ni Dylan. "You're an angel, you know, Angeline!" Halos maluha pa si Dylan nang mahigpit sya nitong yakapin sa labis na katuwaan noong mapapayag sya nito. Nadama nya kung gaano nya ito napaligaya sa simpleng pagpayag lang nyang iyon. Para bang sa desisyon nya, nakasalalay ang buo nitong kaligayahan. "Are you sleepy?" ani Dylan. Umiling sya. "Kinakabahan.." anang dalaga. Napangiti si Dylan. "Kapag nagkita kayo ng buo kong pamilya, maaalis din ang kaba mo. Gentleman naman si papa at ang kuya ko. Pareho silang mabiro, pero there were times na nagiging mainitin din ang ulo nila." "Eh, paano naman ang mama at mga ate mo?" "Wala na akong mama at dalawa lang kami ni Kuya Jericho. He is now thirty. Two years older than me." anang binata. "You made it sound noon, na isang angkan ang naninirahan sa mansyon ninyo, Dylan." "Ah, wala akong sinabing ganyan. Sinabi kong marami kaming kasambahay, pero karamihan sa kanila ay mga katiwala lang." "Dapat sinabi mo agad, para hindi naman ako masyadong ninerbyos. One week din akong nag-expect ng isang istriktong ina, na titingin sa akin mula ulo hanggang paa, sabay sasabihin sa aking, hindi ako nababagay sa inyong pamilya. Na-imagine ko rin ang isang ate na masama ang tingin habang sumusubo ako." "Now you know, at wala nang reason para sa mga worries mo." At natawa ito. "Nakuha mo pa ngayong tumawa." Pinandilatan nya ito. Itutuloy…SPECIAL CHAPTER 3 “Mine. In Every Lifetime.” Umulan nang gabing iyon. Hindi malakas. Hindi marahas. Parang ang langit ay marahang nagpapaalala na may mga kwentong hindi kailangang sumigaw para marinig. Sa loob ng master’s bedroom ng Calderon Mansion, nakatayo si Angeline sa harap ng salamin. Nakasuot siya ng simpleng silk robe, basa pa ang kanyang buhok mula sa paliligo. Sa repleksyon niya, nakita niya ang lalaking nakasandal sa pintuan. Nakatitig. Tahimik. Mapanganib. “Jericho,” mahina niyang sabi, “stop staring at me like that.” “Like what?” “Like you’re about to do something illegal.” Umangat ang isang sulok ng labi ng lalaki. “You’re my wife. Nothing I do to you is illegal.” Namula siya. “The kids are still awake.” “Not for long.” Lumapit ito. Mabagal. Sigurado. Every step felt deliberate. Every breath between them felt heavy. “You know,” bulong ni Jericho habang hinahawi ang buhok niya sa isang balikat, “you still look at me the same way.” “How?” “Like I’m
SPECIAL CHAPTER 2 “The Promise We Keep” Labing-isang taon ang lumipas. Ang dating malawak na hardin na minsang tinakbuhan ng maliliit na paa ay mas naging buhay. May mga bisikleta sa gilid, may bola sa damuhan, at may isang maliit na kubo sa sulok na ginawa mismo ni Jericho para sa kanilang mga anak. Sa veranda, nakaupo si Angeline habang pinapanood ang apat nilang anak. Si Marcus, ang panganay, seryoso at tahimik—halatang anak ng kanyang ama. Si Matteo, masayahin ngunit protective sa kanyang mga kapatid. Si Mira, mahinhin ngunit matapang kapag kinakailangan. At si Eliana, ang bunso—ang prinsesa ng buong bahay. “Papa! Marcus pushed me!” sigaw ni Eliana habang tumatakbo papunta sa veranda. “Because she took my notebook!” depensa ng kuya nito. Napailing si Angeline. “Stop running, you’ll trip—” Ngunit huli na. Bahagyang nadapa si Eliana, at bago pa man siya tuluyang umiyak— Naroon na si Jericho. Mabilis. Maingat. Determinado. Binuhat niya ang bunso at sinuri ang tuhod ni
SPECIAL CHAPTER 1 “The First Night Home” Tahimik ang buong bahay. Isang linggo pa lamang mula nang maiuwi nila ang kanilang panganay, ngunit para kay Angeline ay parang nagbago na ang buong mundo. Alas-dos ng madaling araw. Nagising siya sa mahinang iyak ng sanggol. Dahan-dahan siyang bumangon mula sa kama upang hindi magising si Jericho. Ngunit bago pa man siya tuluyang makatayo, isang kamay ang marahang humawak sa kanyang pulso. “Where do you think you’re going, Mrs. Calderon?” paos na bulong ni Jericho, kalahating dilat ang mga mata. Ngumiti si Angeline. “The baby’s crying.” “I’ll get him.” Napakunot ang noo niya. “Jericho, you have a meeting tomorrow.” “And I have a son tonight.” Walang pag-aalinlangang bumangon ang lalaki at tinungo ang nursery. Tahimik na sumunod si Angeline at sumandal sa pintuan, pinagmamasdan ang eksenang hindi niya akalaing makikita noon—si Jericho Calderon, ang lalaking kinatatakutan ng marami, ay marahang buhat ang isang maliit na sanggol. “H
Humakbang palapit si Jericho. Mabagal. Parang bawat hakbang ay may dalang bigat ng mga taon na inaksaya nila sa pag-iwas sa isa’t isa. Itinaas ni Angeline ang kanyang mukha. Sa mga mata nito ay naroon ang lahat—ang sakit, ang pagkalito, ang mga gabing umiiyak siya nang mag-isa. Ngunit higit sa lahat, naroon ang pag-ibig na kailanman ay hindi nawala. “Nang marinig ko sa mismong bibig ni Dylan ang katotohanan… I was shocked,” mahina ngunit malinaw na sabi ni Jericho. “You could have been mine all along. Wala nang sagabal. Pero nang dumating na ang sandaling iyon, halos hindi naman ako makapaniwala.” Napasinghap si Angeline. “It was too good to be true,” patuloy niya. “Parang panaginip. I was scared to move, scared to speak… takot akong maglaho ang lahat kapag sinubukan kong hawakan.” Lumapit pa siya. Isang hakbang na lang ang pagitan nila. “I didn’t know how to start. I didn’t know how to tell you how much I love you.” Marahang hinaplos ni Jericho ang pisngi ni Angeline. Parang
CHAPTER 20-A "Yes, now you're right. Kilala mo pa rin pala ang boses ko, ano? Angeline. Akala ko'y kinalimutan mo na ako matapos mong sirain ang plano ko, kaya nga naririto ako ngayon eh, to say hello!" "Ako lang ang kailangan mo, Robert. Pakawalan mo na lang si Ayu." aniyang pilit na itinatago ang takot na nadarama. Nabasa na nang luha ang kanyang dibdib, nang yakap-yakap na si Ayu. "I think it's too late now, Angeline." May himig pagpapaumanhin pa ang tinig nang lalaki. Batid niyang pinaglalaruan lang siya nito. Dahit nakangiti pa rin ito, at lalo pang ipinagdiinan ang dulo nang baril sa sentido niya. "Kailangan ko na rin siyang isama sayo, dahil baka isuplong niya pa ako." Lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap kay Ayu, nang mapahagulgol na ito sa sobra-sobrang takot at tensyon. "Please, Robert...." pakiusap ni Angeline sa lalaking nasa harap. "Ssshhh..." Tinakpan nito nang isang daliri ang labi. "Huwag kang masyadong maingay. Mabuti pa, lumakad ka na lan
CHAPTER 19-A "Natakot akong sabihin noon ang totoo dahil alam kong kamumuhian ninyo ako, Papa." Kumuyom ang palad ni Jhune. Humakbang palapit si Dylan at inilahad ang sarili. "Suntukin mo ako, Papa." anas nito. "Gawin mo..." Napahingal sa galit ang matandang lalaki. Matagal itong natahimik at nanatili lang nakatingin sa anak. Pinagpapawisan na si Angeline sa matinding tensyon. Gusto niyang malaman kung ano ang iniisip nang matandang lalaki pero hindi niya iyon mabasa sa blangko nitong ekspresyon. Ang tangi lang indikasyon nang tinitimpi nitong emosyon ay ang sunud-sunod nitong paghingal at pagkuyom ng kamao. Lalo lang siyang kinabahan nang itaas ni Jhune ang kamay. "Anak ko," anas ni Jhune nang mahigpit na yakapin ang anak. Mariin nitong naipikit ang mga mata. "Anak ko... Bakit hindi mo ipinagtapat agad sa akin?" At lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakayakap kay Dylan. "Papa..." Hindi makapaniwala si Dylan sa reaksyon ng ama, bigla itong napahagulgol. "S-salamat, Pap
CHAPTER 11-B "Pero alam... mo, Dylan. Lalo lang siyang nahihirapan sa pag-iwas mo ngayon. You owe her an explanation... Kahit kasinungalingan lang." ani Angeline. Nagtaas nang tingin ang binata, subalit muli ring napayuko at walang kibong ipinagpatuloy ang pagkain. --- Hindi na inasahan pa ni A
Chapter 13 (Part1) "Oh pano, payag ka na ba uling mag-model nang mga damit ko?" Baling nang biyuda kay Angeline. "Saka na lang ho pagbalik ko. A-attend pa ho kasi ako ng birthday party nang papa ni Dylan next week." "Ang totoo nga ho niyan, magpapatahi po ako sa inyo nang damit." anang dalaga.
CHAPTER 11-B "Pero alam... mo, Dylan. Lalo lang siyang nahihirapan sa pag-iwas mo ngayon. You owe her an explanation... Kahit kasinungalingan lang." ani Angeline. Nagtaas nang tingin ang binata, subalit muli ring napayuko at walang kibong ipinagpatuloy ang pagkain. --- Hindi na inasahan pa ni A
CHAPTER 10 "Nakalimutan ko palang bumili ng face powder." ani Danica sa malambing na boses. "Ha? Akala ko ba kanina kumpleto na ang mga pinamili natin?" "Jericho naman... You can't expect me to remember everything naman, ano. Ang dami-daming tao sa bayan, at init na init ako sa sikip." Nasagi o







