Share

Chapter 5

Author: Ms. JN
last update publish date: 2026-02-09 20:25:47

Chapter 5-A

Pinandilatan nya ito.

"Kunsabagay, dapat ka pa rin namang mag-alala eh." biglang bawi nito.

"Bakit?"

"Kasi, tiyak na mai-inlove ka sa kuya ko, kaya mag-ingat ka, dahil mahilig lang iyong mangolekta ng babae, wala namang sineseryoso."

"Paano ka namang nakatiyak na magugustuhan ko ang kuya mo? Super gwapo ba iyon?"

"Hindi lang super gwapo, kundi super macho pa. Matangkad, moreno at super lapad ng dibdib. Mahilig kasing mag-work out iyon kaya macho."

Chapter 5-B

"Lalo na si Ayu. Maaga pa lang ay nagpunta na sya dito para salubungin ka. Iyon pala ay sasaktan mo lang sya."

"I didn't mean to do it, Pa." pormal nitong sagot.

"Well, nariyan na iyan." buntong-hininga ni Jhune.

"Ayoko namang isipin mong masyado na kong diktador gayong si Jericho ay hinahayaan ko lang."

"Si Kuya nga pala, papa?"

"Hindi ba at nabanggit ninyong darating din sya ngayon?" tanong ni Dylan sa ama.

"Noong huli kaming mag-usap ay nangako syang darating.

Aayusin nya lang daw ang kompanyang maiiwan nya, para umalis man sya ay hindi na magkakaproblema.

Marami ngayon iyong inaasikaso bilang bagong controlling director ng Samaniego Mfg."

At sa nagtatakang anyo ng anak ay...

"He has just purchased sixty percent of that company, Dylan."

"Amazing! Hindi pa ba sya nakuntento sa isang resort at isang malaking construction company?

Liban pa sa apat na apartment at commercial building na pinauupahan nya?" ani Dylan.

"Hindi basta nasa-satisfy si Jericho. Sa tingin ko nga ay nalampasan na nya ang yamang naipon namin ng iyong yumaong ina."

Nakadama ng curiosity ang dalaga sa lalaking hindi pa nya nakikilala.

Ayon kay Dylan ay magandang lalaki raw ito.

Ayon naman sa ama nito ay isa na itong magaling na negosyante.

Ngayon pa lang ay gusto na nyang makilala ang lalaking iyon.

Habang patuloy syang nakikinig sa usapan ng mag-ama ay bumukas ang pinto mula sa sala.

Lumabas mula roon ang matangkad at morenong lalaki.

Natigilan ito sa paglalakad patungo sa hardin at sinuyod ng tingin ang mapuputi nyang binti.

Hinubad nito ang suot na salamin at isinabit sa kuwelyo ng polo.

"Hello there."

Namula ang dalaga dahil may nakahuli sa kanyang nag-i-eavesdrop.

Marahan syang napalingon at kapwa sila natulala nang makilala ang isa't-isa.

"It's you!" anang dalaga.

Hindi pa rin sya makapaniwalang makikita nyang muli ang lalaking ito.

At hindi man nya maipaliwanag pero ngayon ay nakita na nya ang katangiang paulit-ulit na binabanggit ni Samantha sa kanya.

She didn't notice it before, dahil sa galit nya.

Naka-long sleeves itong checkered, nakatupi hanggang siko ang sleeves.

At ang polo ay nakapaloob sa pantalon nitong maong na humapit sa binti.

All in all, wala syang makitang espesyal sa damit nitong suot.

Pero mayrong isang bagay na syang umaatake ngayon sa kanya.

Whatever it is, hindi nya matukoy.

Could it be the eyes, na ayon nga kay Samantha ay mistulang nanunuot sa kalamnan?

Or could it be the lips na bahagyang nakataas sa sulok?

Ipinaalala nya sa sariling ito ang antipatikong lalaking nakilala nya sa resort.

"It's a quite surprise to find you here." anang lalaki.

Namula ang dalaga sa uri ng tinging ipinukol nito sa kanya.

Ang mga mata nito ay naglakbay sa kanyang mukha, tumagal sa labi, bago bumaba sa kanyang binti. Marahan...

Wari ay gustong tiyaking wala ngang nagbago sa kanya.

"You still have those, sexy long legs." sabi nito sa mahinang boses.

"Stop that!"

Saway nya nang manuyo na ang lalamunan nya sa ginagawa nito.

Nagtaas ito ng tingin at buong kainosentehang nagtanong.

"Ang alin?"

"Binabastos mo na ako nang harapan, tapos itatanong mo pa kung ano?"

Ngumiti ito.

"I was admiring your assets, Angeline. Dapat nga ay matuwa ka pa."

"How did you know my name?" singhal nya.

"I heard your friend calling you Angeline. Why? Is that a well-kept secret?"

"No."

"Good, after all, i have all the right to know kung sino ang babaeng basta na lang pumasok sa cottage na inookupa ko."

"Hindi ako basta na lang pumasok. Everything was all an honest mistake on my part.

In fact, kung hindi ka nga basta na lang nangansela ng reservation nang may reservation, hindi sana nangyari iyon.

At kahit pa nagkamali akong pumasok sa cottage na iyon, that won't excuse you from kis--"

Natigilan sya nang maisip na hindi na nya dapat pang ipinaalala rito ang bagay na iyon.

Namula na naman sya nang lumawak ang pagkakangiti nito.

"Don't tell me, Dylan. Pati sarili mong kapatid pinagnanasaan mo."

"Gaga!" malambot nitong usal.

"Kahit bading ako, hindi naman ako nagnanasa sa kadugo ko no!"

Natawa sya sa pagkawala ng kamachohan nito.

Bihira lang kasing lumilitaw ang kabaklaan ni Dylan.

Sa tuwina'y lagi itong reserved at ingat sa pagkilos, pananamit at pananalita.

Pumasok na sila sa loob ng malaking gate.

At sa kalawakan ng buong mansyon ay naisip ng dalagang palasyo ang kanilang pinuntahan.

"Ito na ba ang bahay ninyo?"

Bulong nya kay Dylan nang buksan nito ang pintuan ng kotse.

"Mismo! Are you impressed?"

"Very!"

Inilibot nya ang tingin sa kalawakan ng bakuran.

Sa tingin nya ay mas malaki pa sa subdivision na kanyang tinitirhan ang lupang iyon.

Natuon ang tingin nya sa main door ng kabahayan.

Bumalik ang kabang saglit nyang nakalimutan nang makita nya ang matandang lalaking palapit sa kanila.

Nang akbayan sya ni Dylan, natiyak nyang ama ito ng binata.

Awtomatiko syang napaurong palapit sa binata.

Nabura ang ngiti ng matandang lalaki nang makita ang nakaakbay na kamay ng anak sa kanyang balikat.

"May kasama ka pala, hijo."

Bago nakasagot si Dylan ay lumabas mula sa loob ng bahay ang babaeng sa tingin nya ay halos kasing-edad lang nya.

Hangos itong tumakbo palapit.

"Dylan, kanina ka pa namin hinihintay ni Ninong Jhune."

Nakangiti ito nang lumapit.

Subalit tulad ni Jhune, ay marahang nabura ang ngiting nakaguhit sa mga labi nito.

Puno ng mga katanungang nakatingin ito kay Dylan.

Nakadama ng awa si Angeline nang lumarawan sa maamo nitong mukha ang pagdaramdam nang mahulaan nito kung ano ang papel nya sa buhay ni Dylan.

Pinakiramdaman nya ang binata.

Nais nyang alamin kung nababatid nito ang paghihirap ng kalooban ng babae.

Blangko ang ekspresyon ng lalaki nang ipakilala sila sa isa't-isa.

"Siya ba ang girlfriend mo, Dylan?" paniniguro ni Ayu.

Tumango ang binata.

"N-napakaganda mo, Angeline."

"S-salamat,"

Sagot nya matapos syang mabigla sa pamumuri nito.

Mas naging handa pa siguro sya kung inirapan sya nito, pero sa halip ay nadama nya ang friendship na ino-offer nito.

Nagsimula na naman syang makonsensya sa pagiging bahagi nya sa panlilinlang dito.

Tumikhim si Jhune Calderon.

"Mabuti pa pumasok na tayo para makapagpahinga naman kayong dalawa. Magpapahanda na rin ako ng makakain sa katulong."

Inakbayan nito si Ayu, at nagpatiuna na sa pagpasok sa bahay.

---

Kinabukasan ay maagang nagising si Angeline.

Nagtungo sya sa veranda ng kanyang silid upang gawin ang mga routine exercise nya.

Bumaba sya pagkatapos upang mag-almusal.

"Si Dylan po?" tanong nya sa katulong na nagsisilbi sa kanya.

"Naroon po sa likod-bahay?" anang katulong.

Nagtungo sya sa likod-bahay upang kausapin si Dylan.

"Ayaw mo ba kay Angeline, Pa?"

Natigilan sya sa may pintuan nang marinig ang boses ni Dylan.

Napaurong sya sa gilid upang hindi mahalata ng mga ito ang kanyang presensya.

"Okay, i admit i find her charming enough. Disenteng bata at pwedeng ikarangal ng ating pamilya, pero hindi iyon ang isyu dito hijo.

Dapat din nating i-consider ang damdamin ni Ayu. Kahit huwag na ang kumpare ko, dahhl madali naman iyong paliwanagan. She's hurt, hijo."

"Alam ko naman iyon, Papa. Pero ano ang magagawa ko.

Si Angeline ang kasintahan ko, at magiging unfair naman sa kanya kung bigla ko na lang syang hihiwalayan nang wala syang nagagawang mali."

"Isa pa iyan sa pagkakamali mo, Dylan."

"Ayoko lang biglain kayo, Papa."

"Higit pa sa pagkabigla ang naranasan namin," reklamo ni Jhune.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Maling Akala   Special chapter 3

    SPECIAL CHAPTER 3 “Mine. In Every Lifetime.” Umulan nang gabing iyon. Hindi malakas. Hindi marahas. Parang ang langit ay marahang nagpapaalala na may mga kwentong hindi kailangang sumigaw para marinig. Sa loob ng master’s bedroom ng Calderon Mansion, nakatayo si Angeline sa harap ng salamin. Nakasuot siya ng simpleng silk robe, basa pa ang kanyang buhok mula sa paliligo. Sa repleksyon niya, nakita niya ang lalaking nakasandal sa pintuan. Nakatitig. Tahimik. Mapanganib. “Jericho,” mahina niyang sabi, “stop staring at me like that.” “Like what?” “Like you’re about to do something illegal.” Umangat ang isang sulok ng labi ng lalaki. “You’re my wife. Nothing I do to you is illegal.” Namula siya. “The kids are still awake.” “Not for long.” Lumapit ito. Mabagal. Sigurado. Every step felt deliberate. Every breath between them felt heavy. “You know,” bulong ni Jericho habang hinahawi ang buhok niya sa isang balikat, “you still look at me the same way.” “How?” “Like I’m

  • Maling Akala   Special chapter 2

    SPECIAL CHAPTER 2 “The Promise We Keep” Labing-isang taon ang lumipas. Ang dating malawak na hardin na minsang tinakbuhan ng maliliit na paa ay mas naging buhay. May mga bisikleta sa gilid, may bola sa damuhan, at may isang maliit na kubo sa sulok na ginawa mismo ni Jericho para sa kanilang mga anak. Sa veranda, nakaupo si Angeline habang pinapanood ang apat nilang anak. Si Marcus, ang panganay, seryoso at tahimik—halatang anak ng kanyang ama. Si Matteo, masayahin ngunit protective sa kanyang mga kapatid. Si Mira, mahinhin ngunit matapang kapag kinakailangan. At si Eliana, ang bunso—ang prinsesa ng buong bahay. “Papa! Marcus pushed me!” sigaw ni Eliana habang tumatakbo papunta sa veranda. “Because she took my notebook!” depensa ng kuya nito. Napailing si Angeline. “Stop running, you’ll trip—” Ngunit huli na. Bahagyang nadapa si Eliana, at bago pa man siya tuluyang umiyak— Naroon na si Jericho. Mabilis. Maingat. Determinado. Binuhat niya ang bunso at sinuri ang tuhod ni

  • Maling Akala   Special chapter 1

    SPECIAL CHAPTER 1 “The First Night Home” Tahimik ang buong bahay. Isang linggo pa lamang mula nang maiuwi nila ang kanilang panganay, ngunit para kay Angeline ay parang nagbago na ang buong mundo. Alas-dos ng madaling araw. Nagising siya sa mahinang iyak ng sanggol. Dahan-dahan siyang bumangon mula sa kama upang hindi magising si Jericho. Ngunit bago pa man siya tuluyang makatayo, isang kamay ang marahang humawak sa kanyang pulso. “Where do you think you’re going, Mrs. Calderon?” paos na bulong ni Jericho, kalahating dilat ang mga mata. Ngumiti si Angeline. “The baby’s crying.” “I’ll get him.” Napakunot ang noo niya. “Jericho, you have a meeting tomorrow.” “And I have a son tonight.” Walang pag-aalinlangang bumangon ang lalaki at tinungo ang nursery. Tahimik na sumunod si Angeline at sumandal sa pintuan, pinagmamasdan ang eksenang hindi niya akalaing makikita noon—si Jericho Calderon, ang lalaking kinatatakutan ng marami, ay marahang buhat ang isang maliit na sanggol. “H

  • Maling Akala   Finale Epilogue

    Humakbang palapit si Jericho. Mabagal. Parang bawat hakbang ay may dalang bigat ng mga taon na inaksaya nila sa pag-iwas sa isa’t isa. Itinaas ni Angeline ang kanyang mukha. Sa mga mata nito ay naroon ang lahat—ang sakit, ang pagkalito, ang mga gabing umiiyak siya nang mag-isa. Ngunit higit sa lahat, naroon ang pag-ibig na kailanman ay hindi nawala. “Nang marinig ko sa mismong bibig ni Dylan ang katotohanan… I was shocked,” mahina ngunit malinaw na sabi ni Jericho. “You could have been mine all along. Wala nang sagabal. Pero nang dumating na ang sandaling iyon, halos hindi naman ako makapaniwala.” Napasinghap si Angeline. “It was too good to be true,” patuloy niya. “Parang panaginip. I was scared to move, scared to speak… takot akong maglaho ang lahat kapag sinubukan kong hawakan.” Lumapit pa siya. Isang hakbang na lang ang pagitan nila. “I didn’t know how to start. I didn’t know how to tell you how much I love you.” Marahang hinaplos ni Jericho ang pisngi ni Angeline. Parang

  • Maling Akala   Chapter 20

    CHAPTER 20-A "Yes, now you're right. Kilala mo pa rin pala ang boses ko, ano? Angeline. Akala ko'y kinalimutan mo na ako matapos mong sirain ang plano ko, kaya nga naririto ako ngayon eh, to say hello!" "Ako lang ang kailangan mo, Robert. Pakawalan mo na lang si Ayu." aniyang pilit na itinatago ang takot na nadarama. Nabasa na nang luha ang kanyang dibdib, nang yakap-yakap na si Ayu. "I think it's too late now, Angeline." May himig pagpapaumanhin pa ang tinig nang lalaki. Batid niyang pinaglalaruan lang siya nito. Dahit nakangiti pa rin ito, at lalo pang ipinagdiinan ang dulo nang baril sa sentido niya. "Kailangan ko na rin siyang isama sayo, dahil baka isuplong niya pa ako." Lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap kay Ayu, nang mapahagulgol na ito sa sobra-sobrang takot at tensyon. "Please, Robert...." pakiusap ni Angeline sa lalaking nasa harap. "Ssshhh..." Tinakpan nito nang isang daliri ang labi. "Huwag kang masyadong maingay. Mabuti pa, lumakad ka na lan

  • Maling Akala   Chapter 19

    CHAPTER 19-A "Natakot akong sabihin noon ang totoo dahil alam kong kamumuhian ninyo ako, Papa." Kumuyom ang palad ni Jhune. Humakbang palapit si Dylan at inilahad ang sarili. "Suntukin mo ako, Papa." anas nito. "Gawin mo..." Napahingal sa galit ang matandang lalaki. Matagal itong natahimik at nanatili lang nakatingin sa anak. Pinagpapawisan na si Angeline sa matinding tensyon. Gusto niyang malaman kung ano ang iniisip nang matandang lalaki pero hindi niya iyon mabasa sa blangko nitong ekspresyon. Ang tangi lang indikasyon nang tinitimpi nitong emosyon ay ang sunud-sunod nitong paghingal at pagkuyom ng kamao. Lalo lang siyang kinabahan nang itaas ni Jhune ang kamay. "Anak ko," anas ni Jhune nang mahigpit na yakapin ang anak. Mariin nitong naipikit ang mga mata. "Anak ko... Bakit hindi mo ipinagtapat agad sa akin?" At lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakayakap kay Dylan. "Papa..." Hindi makapaniwala si Dylan sa reaksyon ng ama, bigla itong napahagulgol. "S-salamat, Pap

  • Maling Akala   Chapter 10

    CHAPTER 10 "Nakalimutan ko palang bumili ng face powder." ani Danica sa malambing na boses. "Ha? Akala ko ba kanina kumpleto na ang mga pinamili natin?" "Jericho naman... You can't expect me to remember everything naman, ano. Ang dami-daming tao sa bayan, at init na init ako sa sikip." Nasagi o

    last updateLast Updated : 2026-03-17
  • Maling Akala   Chapter 11- B

    CHAPTER 11-B "Pero alam... mo, Dylan. Lalo lang siyang nahihirapan sa pag-iwas mo ngayon. You owe her an explanation... Kahit kasinungalingan lang." ani Angeline. Nagtaas nang tingin ang binata, subalit muli ring napayuko at walang kibong ipinagpatuloy ang pagkain. --- Hindi na inasahan pa ni A

    last updateLast Updated : 2026-03-17
  • Maling Akala   Chapter 13

    Chapter 13 (Part1) "Oh pano, payag ka na ba uling mag-model nang mga damit ko?" Baling nang biyuda kay Angeline. "Saka na lang ho pagbalik ko. A-attend pa ho kasi ako ng birthday party nang papa ni Dylan next week." "Ang totoo nga ho niyan, magpapatahi po ako sa inyo nang damit." anang dalaga.

    last updateLast Updated : 2026-03-17
  • Maling Akala   Chapter - B

    CHAPTER 11-B "Pero alam... mo, Dylan. Lalo lang siyang nahihirapan sa pag-iwas mo ngayon. You owe her an explanation... Kahit kasinungalingan lang." ani Angeline. Nagtaas nang tingin ang binata, subalit muli ring napayuko at walang kibong ipinagpatuloy ang pagkain. --- Hindi na inasahan pa ni A

    last updateLast Updated : 2026-03-17
More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status