LOGINChapter 3
"Bakit ko naman ide-deny na sinabi ko nga iyon?" kampanteng sabi ni echo. "The nerve! Talo na nga'y may gana pang magmalaki." naisip nya. "Now, nasaan ang boss nyo?" Muli nyang tanong sa mga tauhang tahimik lang na nakikinig sa pagtatalo nila ng lalaki. "ANGELINE!" tawag sa kanya mula sa kung saan. Paglingon nya, nakita nya si Samantha. Nagmamadali itong lumapit sa kanya. Kasunod nito ang mga kaibigan. "Kanina ka pa namin hinahanap." ani Samantha. Napangiti sya, ngayon ay lumakas pa ang pwersa nya. "Mabuti narito kayo. Akala kasi ng lalaking ito makakaya nya ako eh, porke ba babae ako." "Bakit? Ano ba ang nangyari? "Idedemanda ko ang lalaking iyan ng trespassing at act of lasciviousness." "Paanong--" "Pumasok ang lalaking iyan sa cottage natin Samantha." galit na sumbong nya. "At... at... tsinansingan ako." Napangiti ang lalaki sa pamumula ng kanyang pisngi. Pinandilatan nya ito. "Kapag nakakulong ka na, hindi ka na makakatawa pa." "Saan na ika-ko ang boss nyo?" Kumamot ng ulo ang kausap. Kinalabit naman sya ni Samantha. "NASAAN?" mariing tanong nya na hindi pinansin si Samantha. "Eh, Ma'am! S-siya po!" turo nito kay Jericho. Nagulat sya, hindi sya makapaniwala. No wonder, basta na lamang ito pumasok sa cottage nila. Bumalik ang galit nya. "Kaya naman pala makapal ang mukha mo eh! Pero kung inaakala mong lusot ka na, then you're wrong. Legally kami parin ang temporary owner ng cottage na iyon dahil binayaran namin iyon in advance." ani Angeline. Hinila sya ni Samantha at binulungan. "Angeline, tama na iyan!" ani Samantha sa mahinang boses. "Hindi ako basta na lang uurong!" anas nya. "Talo ka na, sissy! Hindi na twenty seven ang cottage natin kundi fifty four na." paliwanag nito. "But..." "Kinokontak ka namin kanina pa, para sabihin sayo ang changes pero hindi ka nagre-respond." Marahan syang tumango. Nakakahiya ang ginawa nya. Pero hindi naman nya kasalanan kung naiwan nya ang cellphone nya db? Hindi rin nya kasalanan kung nagkamalas-malas sya ngayon. "TAYO NA!" ani Angeline. At walang paalam sa lalaking nakaaway na nagpatiuna na syang umalis. Kung inaasahan nito na sya pa ang hihingi ng sorry, then, she's not sorry to disappoint him. As far as she was concerned, wala parin itong karapatang pagsamantalahan sya. "Hey, MISS!" Tawag ng lalaki sa kanya. Ayaw man nya, ay napilitan syang huminto at lumingon. "Don't you think i deserve an apology dahil sa ginawa mong defamation of character sakin?" ani echo. "NO! I don't think you deserve it!" galit nyang sagot. Tumalikod sya at nagpatiunang bumalik sa cottage twenty seven. Sumunod sina Samantha at nang buksan nya ang ilaw ay nahuli nya ang pagngingitian ng mga ito. "Why?" naguguluhan nyang tanong. "GOSH! Angeline, ang gwapo naman non!" kilig na sabi ng isa. "Iyong lalaking IYON?" "May iba pa ba? And, Angeline, hindi lang hunk ha! Super rich din. Maging owner ba naman ng class na resort na ito. Oh dba bongga?" "He's just tall, Lizz. Saka para sakin, hindi gwapo ang lalaking hindi civilized ang pag-uugali. I prefer someone more refined and polite..." "And i am not your type, HMMM?" Lahat sila ay napadako ang tingin sa lalaking nakatayo sa pintuan. Nakahalukipkip ito at wala sa loob na napatingin si Angeline sa malapad nitong dibdib. It was well-muscled, firm... And Sexy... Hinila nya ang backpack. Hindi naman umalis si Jericho sa pagkakatayo sa may pinto. Nakatingin lang ito sa kanya, bahagyang nakangiti ang mga labi. Their eyes met and locked. She willed him to surrender, pero sya ang naunang umiwas ng tingin. Inulit ng binata ang tanong. This time, in a near whisper... So low and she suddenly felt this feeling of being caressed. "YES!" sagot nya. "You're too conceited, a brute, and you're perfectly not my type!" Tumingin sya sa lalaki para irapan ito... Pero namilog ang mga mata nya nang kindatan pa sya nito. Itutuloy…SPECIAL CHAPTER 3 “Mine. In Every Lifetime.” Umulan nang gabing iyon. Hindi malakas. Hindi marahas. Parang ang langit ay marahang nagpapaalala na may mga kwentong hindi kailangang sumigaw para marinig. Sa loob ng master’s bedroom ng Calderon Mansion, nakatayo si Angeline sa harap ng salamin. Nakasuot siya ng simpleng silk robe, basa pa ang kanyang buhok mula sa paliligo. Sa repleksyon niya, nakita niya ang lalaking nakasandal sa pintuan. Nakatitig. Tahimik. Mapanganib. “Jericho,” mahina niyang sabi, “stop staring at me like that.” “Like what?” “Like you’re about to do something illegal.” Umangat ang isang sulok ng labi ng lalaki. “You’re my wife. Nothing I do to you is illegal.” Namula siya. “The kids are still awake.” “Not for long.” Lumapit ito. Mabagal. Sigurado. Every step felt deliberate. Every breath between them felt heavy. “You know,” bulong ni Jericho habang hinahawi ang buhok niya sa isang balikat, “you still look at me the same way.” “How?” “Like I’m
SPECIAL CHAPTER 2 “The Promise We Keep” Labing-isang taon ang lumipas. Ang dating malawak na hardin na minsang tinakbuhan ng maliliit na paa ay mas naging buhay. May mga bisikleta sa gilid, may bola sa damuhan, at may isang maliit na kubo sa sulok na ginawa mismo ni Jericho para sa kanilang mga anak. Sa veranda, nakaupo si Angeline habang pinapanood ang apat nilang anak. Si Marcus, ang panganay, seryoso at tahimik—halatang anak ng kanyang ama. Si Matteo, masayahin ngunit protective sa kanyang mga kapatid. Si Mira, mahinhin ngunit matapang kapag kinakailangan. At si Eliana, ang bunso—ang prinsesa ng buong bahay. “Papa! Marcus pushed me!” sigaw ni Eliana habang tumatakbo papunta sa veranda. “Because she took my notebook!” depensa ng kuya nito. Napailing si Angeline. “Stop running, you’ll trip—” Ngunit huli na. Bahagyang nadapa si Eliana, at bago pa man siya tuluyang umiyak— Naroon na si Jericho. Mabilis. Maingat. Determinado. Binuhat niya ang bunso at sinuri ang tuhod ni
SPECIAL CHAPTER 1 “The First Night Home” Tahimik ang buong bahay. Isang linggo pa lamang mula nang maiuwi nila ang kanilang panganay, ngunit para kay Angeline ay parang nagbago na ang buong mundo. Alas-dos ng madaling araw. Nagising siya sa mahinang iyak ng sanggol. Dahan-dahan siyang bumangon mula sa kama upang hindi magising si Jericho. Ngunit bago pa man siya tuluyang makatayo, isang kamay ang marahang humawak sa kanyang pulso. “Where do you think you’re going, Mrs. Calderon?” paos na bulong ni Jericho, kalahating dilat ang mga mata. Ngumiti si Angeline. “The baby’s crying.” “I’ll get him.” Napakunot ang noo niya. “Jericho, you have a meeting tomorrow.” “And I have a son tonight.” Walang pag-aalinlangang bumangon ang lalaki at tinungo ang nursery. Tahimik na sumunod si Angeline at sumandal sa pintuan, pinagmamasdan ang eksenang hindi niya akalaing makikita noon—si Jericho Calderon, ang lalaking kinatatakutan ng marami, ay marahang buhat ang isang maliit na sanggol. “H
Humakbang palapit si Jericho. Mabagal. Parang bawat hakbang ay may dalang bigat ng mga taon na inaksaya nila sa pag-iwas sa isa’t isa. Itinaas ni Angeline ang kanyang mukha. Sa mga mata nito ay naroon ang lahat—ang sakit, ang pagkalito, ang mga gabing umiiyak siya nang mag-isa. Ngunit higit sa lahat, naroon ang pag-ibig na kailanman ay hindi nawala. “Nang marinig ko sa mismong bibig ni Dylan ang katotohanan… I was shocked,” mahina ngunit malinaw na sabi ni Jericho. “You could have been mine all along. Wala nang sagabal. Pero nang dumating na ang sandaling iyon, halos hindi naman ako makapaniwala.” Napasinghap si Angeline. “It was too good to be true,” patuloy niya. “Parang panaginip. I was scared to move, scared to speak… takot akong maglaho ang lahat kapag sinubukan kong hawakan.” Lumapit pa siya. Isang hakbang na lang ang pagitan nila. “I didn’t know how to start. I didn’t know how to tell you how much I love you.” Marahang hinaplos ni Jericho ang pisngi ni Angeline. Parang
CHAPTER 20-A "Yes, now you're right. Kilala mo pa rin pala ang boses ko, ano? Angeline. Akala ko'y kinalimutan mo na ako matapos mong sirain ang plano ko, kaya nga naririto ako ngayon eh, to say hello!" "Ako lang ang kailangan mo, Robert. Pakawalan mo na lang si Ayu." aniyang pilit na itinatago ang takot na nadarama. Nabasa na nang luha ang kanyang dibdib, nang yakap-yakap na si Ayu. "I think it's too late now, Angeline." May himig pagpapaumanhin pa ang tinig nang lalaki. Batid niyang pinaglalaruan lang siya nito. Dahit nakangiti pa rin ito, at lalo pang ipinagdiinan ang dulo nang baril sa sentido niya. "Kailangan ko na rin siyang isama sayo, dahil baka isuplong niya pa ako." Lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap kay Ayu, nang mapahagulgol na ito sa sobra-sobrang takot at tensyon. "Please, Robert...." pakiusap ni Angeline sa lalaking nasa harap. "Ssshhh..." Tinakpan nito nang isang daliri ang labi. "Huwag kang masyadong maingay. Mabuti pa, lumakad ka na lan
CHAPTER 19-A "Natakot akong sabihin noon ang totoo dahil alam kong kamumuhian ninyo ako, Papa." Kumuyom ang palad ni Jhune. Humakbang palapit si Dylan at inilahad ang sarili. "Suntukin mo ako, Papa." anas nito. "Gawin mo..." Napahingal sa galit ang matandang lalaki. Matagal itong natahimik at nanatili lang nakatingin sa anak. Pinagpapawisan na si Angeline sa matinding tensyon. Gusto niyang malaman kung ano ang iniisip nang matandang lalaki pero hindi niya iyon mabasa sa blangko nitong ekspresyon. Ang tangi lang indikasyon nang tinitimpi nitong emosyon ay ang sunud-sunod nitong paghingal at pagkuyom ng kamao. Lalo lang siyang kinabahan nang itaas ni Jhune ang kamay. "Anak ko," anas ni Jhune nang mahigpit na yakapin ang anak. Mariin nitong naipikit ang mga mata. "Anak ko... Bakit hindi mo ipinagtapat agad sa akin?" At lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakayakap kay Dylan. "Papa..." Hindi makapaniwala si Dylan sa reaksyon ng ama, bigla itong napahagulgol. "S-salamat, Pap
CHAPTER 10 "Nakalimutan ko palang bumili ng face powder." ani Danica sa malambing na boses. "Ha? Akala ko ba kanina kumpleto na ang mga pinamili natin?" "Jericho naman... You can't expect me to remember everything naman, ano. Ang dami-daming tao sa bayan, at init na init ako sa sikip." Nasagi o
CHAPTER 11-B "Pero alam... mo, Dylan. Lalo lang siyang nahihirapan sa pag-iwas mo ngayon. You owe her an explanation... Kahit kasinungalingan lang." ani Angeline. Nagtaas nang tingin ang binata, subalit muli ring napayuko at walang kibong ipinagpatuloy ang pagkain. --- Hindi na inasahan pa ni A
Chapter 13 (Part1) "Oh pano, payag ka na ba uling mag-model nang mga damit ko?" Baling nang biyuda kay Angeline. "Saka na lang ho pagbalik ko. A-attend pa ho kasi ako ng birthday party nang papa ni Dylan next week." "Ang totoo nga ho niyan, magpapatahi po ako sa inyo nang damit." anang dalaga.
CHAPTER 11-B "Pero alam... mo, Dylan. Lalo lang siyang nahihirapan sa pag-iwas mo ngayon. You owe her an explanation... Kahit kasinungalingan lang." ani Angeline. Nagtaas nang tingin ang binata, subalit muli ring napayuko at walang kibong ipinagpatuloy ang pagkain. --- Hindi na inasahan pa ni A







